Mga tip sa pag-optimize para sa mga Performance Max campaign na may feed ng Google Merchant Center

Ginagamit ng Performance Max ang Google AI para tulungan kang makakuha ng higit pang conversion at higit pang halaga sa campaign mo sa pamamagitan ng pag-bid, pag-target, mga creative, at attribution. Ginawa ito para gumana sa maraming iba't ibang layunin sa marketing at media channel.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang pinakamahuhusay na paraan ng paggamit ng mga Performance Max campaign na may mga online na benta, benta ng tindahan, o benta sa omnichannel bilang mga layunin habang gumagamit ka ng data source ng Merchant Center. Inirerekomenda naming sundin ang mga tip sa ibaba para i-set up ang iyong mga Performance Max campaign para sa tagumpay.

Sa page na ito


 

House icon

Ilatag ang pundasyon para sa iyong Performance Max campaign

I-set up ang iyong campaign
  • Tagal ng campaign: Paganahin ang mga campaign mo sa loob ng kahit man lang 6 na linggo. Binibigyan nito ang Google AI ng sapat na oras para magsimula at mangalap ng data para magawa nitong paghambingin ang performance ng mga bagay-bagay.
  • Signal ng audience: Pinapagana ng Google AI ang mga Performance Max campaign. Gumamit ng mga nauugnay na listahan ng audience bilang mga signal para tulungan ang Google AI na matuto nang mas mabilis at pahusayin ang mga resulta ng campaign mo. Puwede kang gumamit ng mga listahan ng remarketing, listahan ng custom intent, Customer Match (mga sarili mong listahan ng customer), at mga katulad na grupo bilang mga signal.
Mas pahusayin ang feed ng iyong data ng produkto para makatulong na gawing namumukod-tangi ang mga ad mo
  • Mag-upload ng mga detalyadong paglalarawan ng produkto at larawan, at i-update ang mga presyo at availability ng produkto kung madalas magbago ang mga ito.
    • Tandaan: Magdagdag ng mga larawang may 500 x 500 pixels o mas mataas na resolution sa iyong catalog sa Google Merchant Center para maghatid ng mga feed ng produkto sa Nakakonektang TV (Connected TV o CTV) para sa mga YouTube Shopping ad.
  • Siguraduhing naaprubahan ang mga nakalistang produkto at gamitin ang column na Mga isyu sa produkto para matukoy ang mga nawawalang attribute ng data ng produkto o makakita ng mga alok na hindi mahusay ang performance.
  • Magdagdag ng feed ng lokal na data ng produkto para awtomatikong i-enable ang mga ad ng lokal na imbentaryo sa iyong mga campaign para mag-promote ng mga produkto at promosyong available sa mga tindahan.
  • Puwede mo ring gamitin ang iyong feed ng data ng produkto para matawag ang pansin ng consumer sa mga ad mo gamit ang mga deal sa pamamagitan ng paggawa ng mga promosyon o anotasyon ng pagbaba ng presyo. Mag-set up ng mga anotasyon ng libre at mabilis na shipping para maipakita na kaya mong mag-ship nang mabilis, at gumamit ng mga anotasyon ng pagsasauli para i-highlight ang mga palugit para sa pagsasauli tulad ng “Mga libreng pagsasauli sa loob ng 90 araw.”
  • Pag-isipang magsama ng mga custom na label sa iyong feed ng data ng produkto para isaad na mataas ang priyoridad ng isang produkto. Halimbawa, “bestseller,” “trending,” o “produktong pang-holiday.” Pagkatapos, puwede mong gamitin ang mga label para i-segment ang mga produktong ito sa magkakahiwalay na campaign o grupo ng asset kung kailangan.
I-unlock ang paglago ng negosyo sa pamamagitan ng mas mahusay na pagsukat
  • Mag-set up ng mahusay na Google tag sa buong website mo. Tinutulungan ka nitong kolektahin ang pinakamahalagang impormasyon para sa negosyo mo.
  • Mag-set up ng mga pinahusay na conversion. Ginagawa nitong mas eksakto ang pagsubaybay sa conversion mo at nagbibigay-daan ito sa iyo na gumamit ng mas mahuhusay na strategy sa pag-bid.
  • Magtalaga ng halaga ng pagbisita sa tindahan o gumamit ng mga halaga ng mga benta ng tindahan. Tinutulungan ka nitong sukatin ang buong journey ng pagbili at pahusayin ang iyong campaign para makakuha ng higit pang pagbili sa tindahan. Puwede ka ring gumawa ng mga custom na variable para sa mga benta ng tindahan. Nagbibigay-daan ito sa iyo na tumingin ng mga mas detalyadong ulat batay sa mga customer segment o kategorya ng produkto.
  • Kung mayroon kang app, mas mapapadali mo para sa mga user na pumunta sa app mo mula sa iyong website gamit ang Web to App Connect. Puwede ka ring mag-set up ng mga deep link para ipadala ang mga user sa tamang page sa iyong app kapag nag-tap sila sa ad mo sa kanilang mobile web. Masusukat mo rin kung anong mangyayari sa iyong app, tulad ng mga pagbili at pag-sign up. Tinutulungan ka nitong pahusayin ang performance ng campaign mo.
Ibahagi ang mga halaga ng conversion para sa mas mahusay na pag-optimize at pag-uulat
  • Kapag ginamit mo ang pagsubaybay sa conversion, puwede mong italaga ang parehong halaga sa lahat ng conversion ng o hayaang magkaroon ng iba't ibang halaga ang bawat conversion. Para sa mga retailer, lubos naming inirerekomenda ang pagbibigay ng mga halagang partikular sa transaksyon para sa bawat conversion kung ang iyong mga customer ay bumibili ng mga item na may magkakaibang presyo at gusto mong ma-maximize ang kabuuang kita.
  • Gamitin ang mga panuntunan sa halaga ng conversion para magdagdag ng higit pang impormasyon ng halaga sa iyong account (halimbawa, iba't ibang margin para sa iba't ibang uri ng mga customer, o mga pagsasaalang-alang sa panghabambuhay na halaga). Nagbibigay-daan sa iyo ang impormasyong ito na mag-optimize para sa mga mas partikular na layunin. Magtakda ng mas matataas o mas mabababang halaga para sa iba't ibang uri ng customer, device, lokasyon, pagbisita sa tindahan, o benta ng tindahan.

 

Dollar sign icon

Magplano ng mga badyet nang maaga, pero maghanda para sa mga karagdagang benta

Gamitin ang Performance Planner para tumukoy ng mga strategy sa badyet at pag-bid na makakapag-maximize ng halaga ng conversion
  • Gamitin ang Performance Planner para tingnan kung ano ang puwedeng gawin ng mga campaign mo bawat buwan at quarter. Tinutulungan ka ng Performance Planner sa mga ideya para gawing mas mahusay ang performance ng mga ad mo sa parehong paggastos. Ipinapakita nito kung paano naaapektuhan ng pagbabago ng iyong badyet o mga target na bid ang mga resulta mo.
  • Isinasaalang-alang din ng Performance Planner ang mga seasonal na event tulad ng mga holiday, para makahanap ka ng mga tyansa para sa higit pang pagkakataon sa conversion sa mga panahong iyon.
I-explore ang mga forecast sa demand para masamantala ang tumaas na demand
  • Makakatulong sa iyo ang mga forecast sa demand na maunawaan ang mga prediksyong paparating na trend para sa negosyo mo, para makapagplano ka ng mga strategy sa pagbabadyet at pag-bid nang naaayon.
  • Suriin kung kailan malamang na magsimulang tumaas ang demand: Posibleng alam mo na ang mga event na mahalaga sa iyong negosyo, tulad ng Black Friday. Alamin kung paano hinuhulaang tataas ang demand para sa mga produkto at serbisyong nauugnay sa malalaking seasonal na event na ito.
  • Tumukoy ng mga bagong event na may kaugnayan sa iyong negosyo: Posibleng may mga hindi masyadong kilalang event na nagpapataas ng demand para sa mga produkto at serbisyo mo. Suriin ang mga ito at pag-isipang i-adjust ang iyong mga campaign para makuha ang demand na iyon.
Suriin ang mga rekomendasyon para sa mga tip sa pagbabadyet, pag-bid, at higit pa
  • Tingnan ang iyong marka ng pag-optimize para maunawaan kung gaano pa kalaki ang puwedeng ilago ng mga campaign mo. Ibig sabihin, kapag mas mataas ang score, mas mahusay na gumagana ang mga ad. Bukod pa rito, tingnan ang iyong mga rekomendasyon para sa mga ideya kung paano magiging mas mahusay ang mga ad mo.
  • Halimbawa, puwede kang tumingin ng rekomendasyong taasan o ipamahagi ulit ang iyong mga badyet para sa mga paparating na pagtaas ng trapiko kapag ipinapakita ng aming mga simulation na posibleng may mapalampas kang mga potensyal na customer o posible pa ngang huminto ang mga ad mo sa iyong mga pinakaabalang araw.
  • Puwede ka ring makakita at gumamit ng iba pang rekomendasyon para pahusayin ang mga campaign mo, tulad ng pag-optimize para sa pagkuha ng bagong customer.
Gumamit ng mga seasonality adjustment para sa maiikling pampromosyong event o iba pang event
  • Kung inaasahan mong marami ang magiging pagbabago sa iyong mga rate ng conversion sa loob ng maikling panahon, puwede kang gumamit ng mga seasonality adjustment para maghanda. Pinakamaganda ang mga seasonality adjustment para sa maiikli at hindi madalas na event, kung saan umaasa ka ng malaking pagbabago (tulad ng higit sa 30%) sa mga rate ng conversion sa loob ng maikling panahon (wala pang 7 araw). Halimbawa, 3 araw na mega sale o Black Friday weekend.
  • Puwede ka lang gumamit ng mga seasonality adjustment sa mga campaign na matagal-tagal nang gumagana dahil kailangan ng mga ito ng dating history ng conversion.
  • Kung nagpapagana ka ng mas matagal na promosyon o mas maliit na pagbabago sa rate ng conversion ang inaasahan mo, iminumungkahi naming manual na i-adjust ang mga target na ROAS o CPA para matulungan ang Smart Bidding na pangasiwaan ang mga seasonal na pagbabago.

 

Structure icon


I-set up ang iyong mga campaign para sa tagumpay

Gawing mas simple ang pag-set up ng campaign para mas mabilis na matuto ang Google AI
  • Kapag nagsimula ka ng bagong Performance Max campaign, dapat mong gawing simple hangga't posible ang istruktura nito. Pinakamahusay na gumagana ang Google AI kapag kaya nitong pahusayin ang mga ad mo sa lahat ng lugar gamit ang pinag-isang badyet.
Kailan dapat gumawa ng maraming campaign
  • Kung minsan, posibleng kailanganin mo ng mga bukod na Performance Max campaign ng ad. Halimbawa, posibleng may iba't iba kang campaign para sa iba't ibang bansa o wika, badyet, o ROAS target para sa mga bagong produkto, pinakamabentang produkto, seasonal na sandali, o iba't ibang store location.
  • Kapag holiday, baka gustuhin mong tumuon sa ilang partikular na uri ng mga produkto. Puwede kang gumawa ng mga bukod na Performance Max campaign para sa mga produktong iyon.
  • Posibleng gustuhin mo ng isang campaign para sa mga produkto sa holiday, isa para sa mga produktong mataas ang margin, at isa para sa lahat ng iba pa. Sa mga ganitong sitwasyon, makakatulong din ang pagtatakda ng mas mababang ROAS target sa mga customer na tingnan ang mga produktong ito sa mga susunod na linggo bago ang pinakaabalang panahon kapag maraming customer ang nagba-browse.
Kailan gagamit ng maraming grupo ng asset sa isang campaign
  • Gumawa ng maraming "grupo ng asset" sa loob ng parehong campaign para magsama-sama ng mga asset na dapat naghahatid sa mga ad sa mga hanay o tema. Halimbawa, magkaibang grupo ng asset para sa mga pinggan versus mga mangkok.
  • Puwede ka ring gumawa ng higit pang grupo ng asset kung ang ilang partikular na asset ay mas nauugnay para sa mga partikular na grupo ng mga customer. Halimbawa, posibleng gustuhin mo ng iba't ibang asset para sa isang listahan ng customer match ng mga taong bumili ng mga bisekleta, dahil gusto mo nang magbenta ng mga pambisikletang helmet sa kanya.
  • Mag-target ng iba't ibang produkto sa bawat grupo ng asset. Halimbawa, Produkto A-L sa Grupo ng Asset 1 at Produkto M-Z sa Grupo ng Asset 2.
  • Para sa mga holiday, iminumungkahi naming gumawa ng mga bagong grupo ng asset na partikular sa holiday sa loob ng mga kasalukuyan mong campaign. Pinag-iingatan nito ang iyong mga regular na pagbebenta ng mga produkto at tinutulungan kang maging mahusay ang mga benta mo sa holiday. Dapat kang mag-upload ng mga bagong pang-holiday na ad at grupo ng asset na maaga nang kahit 2 linggo para tiyaking maaaprubahan ang mga ito sa oras.
  • Gumamit ng pag-iiskedyul ng grupo ng asset para ma-activate ang mga pang-holiday o seasonal na grupo ng asset sa partikular na panahon. Halimbawa, puwede kang magplano ng bagong hanay ng mga asset na may temang pang-holiday bago ang isang espesyal na sale o promosyon sa buong site.

 

Download icon


Bigyan ang Google AI ng mahalagang impormasyon para sa mas mahuhusay na resulta

Magpatupad ng strategy sa pag-bid na batay sa halaga para makahimok ng mas mahusay na performance para sa iyong badyet
  • Pagkatapos mong magtakda ng mga halaga para sa iyong mga conversion, maglapat ng strategy sa pag-bid na batay sa halaga na naaayon sa mga layunin mo sa negosyo. Gumamit ng pag-bid na Pag-maximize ng halaga ng conversion para tulungan ang Google AI na i-maximize ang kabuuang halaga ng conversion ng iyong campaign sa iyong pang-araw-araw na badyet.
  • Para sa mas mahuhusay na resulta, magtakda ng ROAS target na magbibigay sa iyo ng pinakamalaking kita. Isipin kung ano ang halaga ng mga produkto mo at panghabambuhay na halaga ng customer.
Abutin ang mga bagong customer gamit ang bagong layunin na pagkuha ng bagong customer
  • Gamitin ang layunin na pagkuha ng bagong customer para ma-maximize ang kita habang nakakahimok ng mas maraming bagong customer sa iyong negosyo.
  • Piliin ang mode na Halaga ng Bagong Customer para i-optimize ang iyong campaign para tumuon at mag-bid ito nang mas mataas para sa mga bagong customer, habang mina-maximize pa rin ang mga benta mula sa mga kasalukuyang customer.
  • Mayroon ding beta version na tinatawag na "Pagkuha ng Bagong Customer na may High Value optimization." Tinutulungan ka nitong tumuon sa mga bagong customer na inaasahang gagastos ng malaki paglipas ng panahon, habang nakatuon pa rin sa regular na pagkuha ng mga bagong customer at pagpapanatili sa mga dati na. Makipag-ugnayan sa iyong Google account team para sa higit pang impormasyon.
  • Piliin ang mode na "Bagong Customer Lang" kung gusto mo lang makakuha ng mga bagong customer. Gayunpaman, sa mode na ito, posibleng mapalampas mo ang mga benta mula sa mga customer na dati nang bumili sa iyo, at posibleng hindi na ulit bumili nang hindi tinitingnan ang ad mo. Sa ilang sitwasyon lang naaangkop ang mode na Bagong Customer Lang, tulad ng kapag may partikular kang badyet para lang sa pagkuha ng mga bagong customer.
  • Magbigay ng maraming data source hangga't posible para tumpak na matukoy kung bago o umuulit na customer ang isang tao. Magbahagi ng sarili mong kahulugan ng bagong customer gamit ang pag-tag ng website (Pangkalahatang Tag ng Site at mga parameter ng bagong customer), magbigay ng first-party na listahan ng customer ng mga kasalukuyang customer sa pamamagitan ng Customer Match, at mag-opt in sa mga listahan ng customer na batay sa conversion.
Abutin ang mga tamang audience sa pamamagitan ng paggamit ng data mula sa first-party
  • Magdagdag ng mga signal ng audience na makakatulong sa Google AI na makahanap ng mga kaugnay na customer at makahimok ng mas maraming conversion.
  • Ang iyong may pahintulot ng data mula sa first-party mula sa mga dating bumili na ibinahagi sa pamamagitan ng Customer Match ay ang pinakamahalagang uri ng signal ng audience. Ang mga custom na segment ay isa pang kapaki-pakinabang na signal ng audience para makapagbigay ng insight sa mga termino para sa paghahanap, URL ng website, at app kung saan karaniwang nakikipag-ugnayan ang iyong mga customer.
  • Regular na i-update ang mga listahang ito para matiyak na gumagawa ng pinakamagagandang opsyon ang mga campaign mo batay sa up to date na impormasyon.
Gawing iba't iba ang mga ad mo at i-maximize ang iyong mga asset na creative para kumonekta sa higit pang customer
  • Kung mayroon kang mga layunin sa mga online na benta, gagamitin ang iyong feed ng produkto bilang pagmumulan para gawin at ipakita ang mga ad mo. Lubos naming iminumungkahi na magdagdag ka rin ng iba't ibang asset na text, larawan, at video at regular mong i-refresh ang mga ito. Magbibigay-daan ito sa iyong Performance Max campaign na maihatid sa mas kwalipikadong imbentaryo para makamit mo ang pinakamagagandang resulta na posible.
  • Kung nakatuon ka sa mga layunin sa tindahan, dapat mong isama ang lahat ng uri ng mga asset na creative: mga text na headline, paglalarawan, larawan, logo, video, call-to-action, pangalan ng negosyo, at final URL.
  • Para mas padaliing magbigay ng mga de-kalidad na video ad, direkta na ngayong naka-integrate ang mga tool sa paggawa ng video sa mga workflow ng pag-set up at pag-edit ng Performance Max campaign.
    • Tandaan: Kung hindi ka magbibigay ng sarili mong video creative, posibleng awtomatikong bumuo ng isa o higit pang video para matulungan kang makahimok ng mas maraming conversion mula sa imbentaryong ito. Kukuha ang mga video na ito sa iyong kasalukuyang mga asset na text, mga larawan, at feed ng produkto, para ma-maximize ang kalidad at kaugnayan ng video.
Tandaan: Dating kilala bilang mga awtomatikong ginawang asset ang pag-customize ng text.
I-on ang pag-customize ng text at pagpapalawak ng final URL para makapaghatid ng higit pang benta mula sa Search
  • Una, hayaang naka-on ang pag-customize ng text. Tumutulong ito sa Google na gumawa ng mga mas nauugnay na headline at paglalarawan na mas tugma sa kung ano ang hinahanap ng user.
  • Pagkatapos, panatilihing naka-on ang pagpapalawak ng final URL. Tumutulong ito sa iyo na humanap ng mga bagong salita sa paghahanap na humahantong sa mga benta. Pinapalitan din nito ang pangunahing link ng website mo ng ibang page sa iyong website na mas tumutugma sa kung anong gusto ng user. Nagbibigay rin ang pagpapalawak ng final URL sa pag-customize ng text ng mas maraming magagamit na opsyon sa landing page, na makakatulong sa iyo na gumawa ng mas magkakaiba at nauugnay na ad.
  • Kung kailangan mong maglapat ng mga pagbubukod sa pagpapalawak ng final URL, puwede kang gumamit ng mga pagbubukod ng URL o mga panuntunan sa parameter ng URL, mga negatibong keyword sa level ng account, at mga pagbubukod ng brand sa level ng campaign.
    • Tandaan: Hindi available ang pagpapalawak ng final URL sa mga campaign na nag-o-optimize lang sa mga layunin sa tindahan.

 

Bar graph


Gumamit ng pag-uulat at mga insight para suriin ang iyong mga resulta

Maunawaan ang mga pagbabago sa performance
  • Sa mas mahusay na pag-uulat sa grupo ng asset, puwede mong tingnan ang mga conversion, halaga ng conversion, gastos, at marami pang ibang sukatan sa level ng grupo ng asset. Alamin kung paano naaapektuhan ng iba't ibang grupo ng asset ang performance at kung saan dapat gumawa ng mga pagpapahusay tulad ng pagdaragdag sa mga asset na creative o mas pagpapahusay ng mga kasalukuyang asset.
  • Gumamit ng mga paliwanag para maunawaan kung bakit nagbago ang performance ng iyong ad. Sinasabi sa iyo ng mga paliwanag kung bakit nangyari ang malalaking pagbabago at nagmumungkahi ito ng kung ano'ng dapat gawin para ayusin ang mga problema at pahusayin ang performance.
  • Ang mga nangungunang signal sa iyong ulat sa strategy sa pag-bid ay tumutulong din sa iyo na alamin kung anong mga bagay ang nakakaapekto sa performance ng mga ad mo. Puwedeng magsama ang mga nangungunang signal ng mga bagay-bagay tulad ng ginamit na uri ng device, lokasyon, araw ng linggo, oras ng araw, mga termino para sa paghahanap, at mga listahan ng Customer Match.
  • Tingnan ang mga insight sa mga pagbabago sa performance para malaman kung aling mga grupo ng asset, produkto, at uri ng produkto ang nakakahimok ng mga pagbabago sa performance.
Alamin kung anong mga asset na creative ang gumagana nang maayos
  • Gamitin ang Kalidad ng Ad para maunawaan kung "hindi maganda," "maganda," o "pinakamaganda" ang kalidad ng iyong asset. Sinasabi rin nito sa iyo kung kailangan mong magdagdag ng mga bagong asset para magamit ng Google AI. Kung mayroon ka nang maximum na bilang ng mga pinayagang asset, puwede mong palitan ang mga asset na mababa ang kalidad ng mga bagong asset na mas mataas ang kalidad..
  • Maunawaan ang iyong mga kumbinasyon ng asset na pinakamahusay ang performance para sa bawat grupo ng asset sa ulat sa Mga Kumbinasyon. Makakatulong din sa iyo ang ulat na ito na unawain kung paano ginagamit ang iba't iba mong text, larawan, at video ad sa iba't ibang istilo ng ad.
  • I-explore ang mga insight sa audience ng asset para makita kung aling mga ad ang pinakamahusay na gumagana sa iba't ibang segment ng audience. Gamitin ito para matulungan kang gumawa ng mga bagong ad na makakahikayat ng mga audience na pinakamahusay ang performance.
Maunawaan ang iyong mga nangungunang customer at humanap ng mga bago
  • Tingnan ang mga insight sa audience para maunawaan ang mga nangungunang interes at gawi ng mga customer na nagko-convert mula sa iyong mga Performance Max campaign at para malaman kung aling mga audience ang nagko-convert sa mas matataas na rate.
  • Unawain ang data ng conversion para sa mga segment na inilagay mo bilang mga signal ng audience sa pamamagitan ng pagtingin sa mga segment na may label na “Mga Signal.” Pagtuunan ang mga segment na minarkahang “Naka-optimize” para malaman ang mga bagong segment ng audience na nakatulong ang Google AI na matuklasan na hindi mo sana nalaman dati.
I-explore kung paano naghahanap ang iyong mga customer
  • Gumamit ng mga insight sa mga termino para sa paghahanap para maunawaan kung ano ang hinahanap ng mga customer mo. Ngayon, puwede ka pa ngang pumili ng mga custom na petsa para makita ang mga dating insight.
  • Puwede mong tingnan ang mga trend sa paghahanap para maunawaan kung nakakasabay ka sa pagtaas ng demand sa mga kategoryang mahalaga sa negosyo mo. Gamitin ang mga insight na ito para magplano ng mga badyet, imbentaryo, mga promosyon, at mga landing page batay sa kung ano ang hinahanap ng mga customer.
Tumingin ng mga ulat para sa mga retail na negosyo
  • Tumingin ng mga ulat na ginawa para sa mga retail na negosyo. Gumamit ng mga insight sa produkto sa page na Mga Produkto sa Google Ads. Nakakatulong ang mga ito sa iyo na humanap ng mga paraan para gawing mas mahusay ang mga indibidwal na produkto batay sa kung magkano mabebenta ang mga ito. Puwede ka ring gumawa ng mga pagbabago nang mas madali gamit ang mga naaaksyunang rekomendasyon. Sa tab na mga diagnostic, puwede ka ring makakita at mag-ayos ng mga isyung posibleng nakakaapekto sa kung gaano kahusay ang performance ng mga indibidwal na produkto.
  • Sa mga insight sa kategorya sa page na Mga Produkto sa Google Ads, puwede mong makita kung aling mga kategorya ng produkto ang trending. Puwede mo ring baguhin kung gaano kadetalyado mo nakikita ang mga kategorya at subcategory na ito.
  • Tingnan ang iyong mga pinakamabentang produkto sa Ulat sa mga sikat na produkto sa Google Merchant Center. Puwede mong gamitin ang ulat na ito para maunawaan kung anong mga brand at produkto ang gusto ng mga customer. Pagkatapos, mapipili mo kung aling mga produkto ang pinakamadalas na ipapakita sa iyong mga ad.
  • Gamitin ang ulat sa competitiveness ng presyo sa Google Merchant Center. Tinutulungan ka nitong makita kung paano pinepresyuhan ng mga competitor ang mga parehong produkto batay sa uri, bansa, at brand. Gamitin ang impormasyong ito para gawing mas mahusay ang iyong presyo at mga plano sa pag-bid para sa pinakamahuhusay mong produkto.

Pinakamahuhusay na kagawian

Para sa karagdagang pinakamahusay na kagawian, puwede mong suriin ang mga sumusunod na artikulo:


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
7363169522171317668
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false