Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Mga Patakaran

Mga Patakaran ng Google para sa Publisher

(Marso 23, 2022) Dahil sa giyera sa Ukraine, ipo-pause namin ang pag-monetize ng content na nananamantala, nagbabalewala, o nagkukunsinti sa giyera.

(Marso 10, 2022) Dahil sa kamakailang pagsususpinde ng mga system ng pag-advertise ng Google sa Russia, ipo-pause namin ang paggawa ng mga bagong account sa Russia sa AdSense, AdMob, at Google Ad Manager. Bukod pa rito, ipo-pause namin ang mga ad sa mga pag-aari at network ng Google sa buong mundo para sa mga advertiser na nakabase sa Russia.

(Marso 3, 2022) Dahil sa patuloy na digmaan sa Ukraine, pansamantala naming ipo-pause ang paghahatid ng mga ad sa mga user na nasa Russia.

(Pebrero 26, 2022) Kaugnay ng digmaan sa Ukraine, ipo-pause namin ang pag-monetize ng Google sa media na pinopondohan ng estado ng Russian Federation. 

Patuloy naming aktibong susubaybayan ang sitwasyon at gagawa kami ng mga adjustment ayon sa kinakailangan.

Nasa proseso kami ng pag-migrate at pagsasama-sama ng lahat ng Patakaran ng Google para sa Publisher at Paghihigpit ng Google sa Publisher sa bagong Help Center ng Mga Patakaran para sa Publisher. Sa ngayon, matitingnan mo pa rin ang lahat ng patakaran sa Mga Help Center ng AdMob, AdSense, at Ad Manager

Kapag mino-monetize mo ang iyong content gamit ang Google ad code, kinakailangan mong sumunod sa mga patakarang nasa ibaba. Puwedeng humantong ang hindi pagsunod sa mga patakarang ito sa pag-block ng Google sa paglabas ng mga ad kasama ng iyong content, o sa pagsuspinde o pagwawakas sa account mo.

Nalalapat ang mga paghihigpit na ito bukod sa anupamang patakarang sumasaklaw sa iyong paggamit sa mga produkto ng Google para sa publisher.

Tumutulong ang Google sa pagbibigay-daan sa libre at bukas na internet sa pamamagitan ng pagtulong sa mga publisher na i-monetize ang kanilang content at sa mga advertiser na maabot ang mga inaasahang customer sa pamamagitan ng mga kapaki-pakinabang at nauugnay na produkto at serbisyo. Ang pagpapanatili ng tiwala sa ecosystem ng mga ad ay nangangailangan ng pagtatakda ng mga limitasyon sa kung ano ang imo-monetize namin.

Ang Mga Patakaran ng Google para sa Publisher ay isinasaayos sa mga sumusunod na kategorya:

Matuto pa tungkol sa mga karaniwang ginagamit na termino ng patakaran at kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon sa glossary

Mga patakaran sa content 

Ilegal na content

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • ilegal, nagpo-promote ng ilegal na aktibidad, o lumalabag sa mga legal na karapatan ng iba.

 Matuto pa tungkol sa ilegal na content

Pang-aabuso sa intellectual property

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • may nilalabag na copyright. Patakaran naming tumugon sa mga abiso ng paratang na paglabag na sumusunod sa Digital Millennium Copyright Act (DMCA). Puwede kang maghain ng sagot sa notification sa pamamagitan ng form na ito.
  • nagbebenta o nagpo-promote ng pagbebenta ng mga pekeng produkto. Naglalaman ang mga pekeng produkto ng trademark o logo na kapareho ng o halos hindi matukoy ang kaibahan sa trademark ng iba. Ginagaya ng mga ito ang mga feature ng brand ng produkto para subukang magmukhang mga tunay na produkto ng may-ari ng brand ang mga ito.

Matuto pa tungkol sa pang-aabuso sa intellectual property

Content na mapanganib o mapanirang-puri

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • nag-uudyok ng galit laban sa, nagpo-promote ng diskriminasyon ng, o humahamak ng indibidwal o pangkat batay sa kanilang lahi o etnikong pinagmulan, relihiyon, kapansanan, edad, nasyonalidad, status bilang beterano, sekswal na oryentasyon, kasarian, pagkakakilanlan sa kasarian, o iba pang katangiang nauugnay sa sistematikong diskriminasyon o pagmamaliit at pang-aapi.

    Mga Halimbawa: Pag-promote ng mga hate group o paraphernalia ng hate group, paghihikayat sa iba na maniwalang hindi makatao, mas mahina, o karapat-dapat kapootan ang isang tao o pangkat

  • nanliligalig, naninindak, o nananakot ng indibidwal o pangkat ng mga indibidwal.

    Mga Halimbawa: Pagpuntirya sa isang tao para sa pang-aabuso o panliligalig, pagpapahiwatig na hindi nangyari ang isang trahedya o mga aktor lang o sangkot sa pagtakip sa kaganapan ang mga biktima o ang kanilang mga pamilya

  • nagbabanta o nag-uudyok ng pisikal o sikolohikal na pananakit sa sarili o sa iba.

    Mga Halimbawa: Content na nagsusulong ng pagpapatiwakal, anorexia, o iba pang paraan ng pananakit sa sarili; pagbabanta sa isang tao ng pisikal na pananakit o panghihikayat ng pag-atake sa ibang tao; pag-promote, pagpuri, o pangungunsinti sa karahasan laban sa iba; content na ginawa ng o bilang suporta sa mga teroristang pangkat, o mga transnational na organisasyon ng drug trafficking, o content na nagpo-promote ng mga gawaing terorismo, kasama ang pangangalap ng miyembro, o nagbubunyi sa mga pag-atake ng mga transnational na organisasyon ng drug trafficking o teroristang organisasyon

  • nananamantala ng iba sa pamamagitan ng pangingikil.

    Mga Halimbawa: Mga mapagsamantalang pag-alis, revenge porn, blackmail

Matuto pa tungkol sa mapanganib at mapanirang-puri na content

Kalupitan sa hayop

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • nag-uudyok ng kalupitan o labis na karahasan sa mga hayop.

    Mga Halimbawa: Pagpo-promote ng kalupitan sa hayop para sa libangan, gaya ng pagsasabong ng manok o aso

  • nag-uudyok ng pagbebenta ng mga produktong nagmula sa mga endangered o nanganganib na species.

    Mga Halimbawa: Pagbebenta ng mga tigre, mga palikpik ng pating, ivory mula sa elepante, mga balat ng tigre, sungay ng rhino, langis mula sa dolphin

Matuto pa tungkol sa kalupitan sa hayop

Nakakapanlinlang na content

Nakakapanlinlang na representasyon

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • nanlilinlang, maling nagpapahayag, o nagtatago ng impormasyon tungkol sa publisher, creator ng content, layunin ng content, o content mismo.
  • may kasinungalingang nagpapahiwatig ng kaugnayan sa, o pag-endorso ng isa pang indibidwal, organisasyon, produkto, o serbisyo.

    Mga Halimbawa: Pagpapanggap bilang mga produkto ng Google, maling paggamit sa mga logo ng kumpanya

 Matuto pa tungkol sa nakakapanlinlang na representasyon

Hindi maaasahan at nakakahamak na pahayag

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • gumagawa ng mga pahayag na kitang hindi totoo at puwedeng magkaroon ng negatibong epekto sa paglahok o pagtitiwala sa elektoral o demokratikong proseso.

    Mga Halimbawa: impormasyong kumokontra sa mga opisyal na tala ng gobyerno na tungkol sa mga pamamaraan ng pampublikong pagboto, pagiging kwalipikado ng isang pulitikal na kandidato batay sa edad o lugar ng kapanganakan, resulta ng eleksyon, o paglahok sa census

  • nagsusulong ng mga nakakahamak na pahayag sa kalusugan, o kaugnay ng isang kasalukuyan at pangunahing krisis sa kalusugan, at sumasalungat sa napagkasunduan ng awtoridad at ng siyensya.

    Mga Halimbawa: Adbokasiya para sa anti-vaccine, pagtanggi sa pagiging totoo ng mga medikal na kundisyong gaya ng AIDS o Covid-19, gay conversion therapy

  • kumokontra sa may awtoridad na siyentipikong napagkasunduan tungkol sa pagbabago sa klima.

 Matuto pa tungkol sa mga hindi maaasahan at mapaminsalang pahayag

Mga mapanlinlang na kagawian

Hindi namin pinapayagan ang:

  • panghihikayat sa mga user na makipag-ugnayan sa content gamit ang mga mali o hindi malinaw na dahilan.
  • pagtangkang magnakaw ng personal na impormasyon o manlinlang ng mga user para magbahagi sila ng personal na impormasyon

    Halimbawa: Social engineering gaya ng phishing

  • pag-promote ng content, mga produkto, o mga serbisyo sa pamamagitan ng mga hindi totoo, hindi matapat, o mapanlinlang na pahayag.

    Mga Halimbawa: Mga scheme para sa biglaang pagyaman

  • pakikipag-ugnayan sa iba pang site o account at ang pagtatago o pagsisinungaling tungkol sa iyong pagkakakilanlan o sa iba pang mahahalagang detalye tungkol sa sarili mo, kung saan nauugnay ang iyong content sa pulitika, mga isyung panlipunan, o mga pampublikong usapin.

  • pagdidirekta ng content tungkol sa pulitika, mga isyung panlipunan, o mga pampublikong usapin sa mga user na nasa ibang bansa, kung iba ang ilalagay o itatago mo ang iyong pinagmulang bansa o ang iba pang mahahalagang detalye tungkol sa sarili mo.

 Matuto pa tungkol sa mapanlinlang na kagawian

Minanipulang media

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • nanlilinlang sa mga user sa pamamagitan ng minanipulang media na nauugnay sa pulitika, mga isyung panlipunan, o mga pampublikong usapin.

 Matuto pa tungkol sa minanipulang media 

Panghihikayat ng hindi matapat na gawi

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • tumutulong sa mga user na manlinlang ng iba.

    Mga Halimbawa: Paggawa ng mga peke o hindi totoong dokumento gaya ng mga pasaporte, diploma, o accreditation; pagbebenta o pamamahagi ng mga term paper, mga serbisyo sa pagsusulat ng akademikong papel o pagsagot sa eksaminasyon; impormasyon o mga produkto para sa pagpasa sa mga drug test

  • nagpo-promote ng anumang anyo ng pag-hack o pag-crack at/o nagbibigay sa mga user ng mga tagubilin, kagamitan, o software na nagta-tamper o nagbibigay ng hindi pinapahintulutang access sa mga device, software, mga server, o mga website.

    Mga Halimbawa: Mga page o produktong nagbibigay-daan sa ilegal na access sa mga cell phone at iba pang system o device ng komunikasyon o paghahatid ng content; mga produkto o serbisyong lumalaktaw sa proteksyon ng copyright, kabilang ang pag-iwas sa mga teknolohiya ng pamamahala sa mga digital na karapatan; mga produktong ilegal na gumugulo sa mga signal ng cable o satellite para makakuha ng mga libreng serbisyo; mga page na tumutulong o nagbibigay-daan sa mga user na mag-download ng mga streaming video kung ipinagbabawal ng provider ng content

  • nagbibigay-daan sa isang user, o nagpo-promote ng mga produkto at serbisyong nagbibigay-daan sa isang user, na sundan o subaybayan ang isa pang tao o ang mga aktibidad nito nang wala ang pahintulot ng taong ito.

    Mga Halimbawa: Spyware at teknolohiyang ginagamit para sa pagmamanman sa asawa o kinakasama kabilang ang, pero hindi limitado sa, spyware/malware na nagbibigay-daan sa user na subaybayan ang mga text, tawag sa telepono, o history ng pag-browse ng isa pang tao; mga tracker ng GPS na partikular na ibinebenta para manmanan o sundan ang isang tao nang walang pahintulot niya; pag-promote ng kagamitan para sa pagmamanman (hal. mga camera, audio recorder, dash cam, nanny cam) na ibinebenta para sa hayagang layuning magmanman

    Hindi kasama rito ang (a) mga serbisyo sa pribadong imbestigasyon o (b) mga produkto o serbisyong idinisenyo para masundan o masubaybayan ng mga magulang ang mga anak nilang wala pa sa hustong gulang.

 Matuto pa tungkol sa panghihikayat ng hindi matapat na gawi

Tahasang sekswal na content

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • naglalaman ng graphic na sekswal na text, larawan, audio, video, o mga laro.

    Mga Halimbawa: Mga sekswal na gawaing gaya ng pakikipagtalik sa ari, puwit, at sa pamamagitan ng bibig; masturbation; cartoon porn o hentai; graphic na kahubaran

  • naglalaman ng mga sapilitang sekswal na tema, tunay man o hindi.

    Mga Halimbawa: Panggagahasa, pakikipagtalik sa kamag-anak, hayop, o patay, snuff, lolita o pornograpiyang kinasasangkutan ng teenager, pakikipag-date sa menor de edad

    Matuto pa tungkol sa content na tahasang sekswal

Mga may bayad na sekswal na gawain

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • puwedeng maituring na nagpo-promote ng sekswal na gawain na may kapalit na bayad.

    Mga Halimbawa: Prostitusyon; mga companionship at escort service; intimate massage; mga cuddling site; may bayad na pakikipag-date o mga sekswal na kaayusan kung saan inaasahan ang isang kasangkot na magbigay ng pera, mga regalo, pinansyal na suporta, pagtuturo, o iba pang mahahalagang benepisyo sa isa pang kasangkot tulad ng "Sugar" dating.

     Matuto pa tungkol sa mga may bayad na sekswal na gawain

Mga mail order bride

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • pinapadali ang pakikipag-asawa sa dayuhan.

    Mga Halimbawa: Mga mail-order bride, internasyonal na broker sa pagpapakasal, romance tour

      Matuto pa tungkol sa mga mail order bride

Mga pang-adult na tema sa pampamilyang content

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • ginawa para magmukhang naaangkop para sa isang pamilyang audience pero naglalaman pala ng mga temang pang-adult, kabilang ang pagtatalik, karahasan, o iba pang paglalarawan ng mga bata o sikat na character na pambata na hindi naaangkop para sa pangkalahatang audience.

       Matuto pa tungkol sa mga pang-adult na tema sa pampamilyang content

Sekswal na pang-aabuso at pananamantala sa bata

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

  • Sekswal na nananamantala o nang-aabuso sa mga bata o content na nagpo-promote ng sekswal na pananamantala o pang-aabuso sa mga bata. Kabilang dito ang lahat ng materyal na nagpapakita ng sekswal na pang-aabuso sa bata.
  • Nagsasapanganib sa mga bata. kasama ang, pero hindi limitado sa:
    • 'Paghahanda sa bata' (halimbawa, pakikipagkaibigan sa isang bata online para magsagawa, online man o offline, ng sekswal na pakikipag-ugnayan at/o pakikipagpalitan ng sekswal na koleksyon ng imahe sa batang iyon);
    • 'Sextortion' (halimbawa, pananakot o pag-blackmail sa isang bata sa pamamagitan ng paggamit ng tunay o sinasabing access sa maseselang larawan ng bata);
    • Sexualization ng menor de edad (halimbawa, content na nagpapakita, nanghihimok, o nagpo-promote sa sekwal na pang-aabuso o pananamantala ng mga bata); at
    • Trafficking ng bata (halimbawa, pag-advertise o pangangalap ng bata para sa komersyal na sekswal na pananamantala).

Magsasagawa kami ng naaangkop na pagkilos, kung saan puwedeng kabilang ang pag-uulat sa National Center for Missing & Exploited Children at pag-disable ng mga account. Kung naniniwala kang nasa panganib ang isang bata o nakakaranas ng pang-aabuso, pananamantala, o trafficking, makipag-ugnayan kaagad sa pulisya. Kung nag-aalala kang may batang nanganganib o nanganib noon kaugnay ng aming mga produkto, puwede mong iulat ang gawi sa Google.

        Matuto pa tungkol sa sekswal na pang-aabuso at pananamantala sa bata


Mga patakarang nauugnay sa gawi 

Mga hindi tapat na paghahayag

Ang impormasyong ibinibigay ng mga publisher para i-enable ang paggamit nila ng o pakikipag-ugnayan nila sa mga system sa pag-advertise ng Google ay:

  • dapat sadyang tumpak at kumpleto, nang walang mapanlinlang na hindi pagbanggit; at
  • hindi puwedeng ipahayag sa mapanloko o mapanlinlang na paraan.

    Mga Halimbawa: Ang personal na impormasyon o mga detalye ng pagbabayad na ibinigay ng publisher ay sadyang hindi kumpleto, hindi malinaw, o hindi tumpak. Hindi tumpak ang impormasyong ibinigay tungkol sa website (hal., sa ads.txt file) o app (hal., sa app-ads.txt file) ng publisher. Mga kahilingan sa ad na naglalaman ng mga hindi kumpleto o hindi tumpak na URL o AppID.

               Matuto pa tungkol sa mga di-tapat na paghahayag

Mga pag-abala ng mga ad 

Nakakagambala ang mga ad na inihahatid ng Google sa content o sa mga interaction ng user

Hindi namin pinapayagan ang mga ad na inihahatid ng Google na:

  • naka-overlay o katabi ng mga item sa pag-navigate o iba pang item ng pagkilos at posibleng humantong sa mga hindi nilalayong ad interaction,
  • labis na nakakagambala sa pagkonsumo ng content kasama ang pag-overlay sa content o pagtulak sa content palabas ng display,
  • nakalagay sa "dead end" na screen kung saan hindi makakalabas ang user sa screen nang hindi nagki-click sa ad. 

               Matuto pa tungkol sa pag-abala ng mga ad

Halaga ng imbentaryo

Mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na walang content ng publisher

Hindi namin pinapayagan ang mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na:

  • nang walang content ng publisher o may content na hindi masyadong mahalaga,
  • ginagawa pa,
  • ginagamit para sa mga alerto, pag-navigate, o iba pang layunin sa gawi

Matuto pa tungkol sa mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na walang content ng publisher

Mga ad na wala sa konteksto

Hindi namin pinapayagan ang mga ad na inihahatid ng Google:

  • sa mga app o web page na gumagana sa background,
  • na nasa labas ng display,
  • kapag inaasahang nakatuon sa ibang bagay ang user at hindi sa screen na nagho-host sa ad.

Malinaw dapat sa user kung sa aling content ng publisher nauugnay ang ad.

Matuto pa tungkol sa mga ad na wala sa konteksto

Mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na may kinopyang content

Hindi namin pinapayagan ang mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na:

  • may naka-embed na content o content na kinopya mula sa iba nang walang karagdagang komentaryo, pag-curate, o pagdaragdag ng halaga sa content na iyon sa iba pang paraan.

Inaatasan ka ring sumunod sa aming Patakaran sa pang-aabuso sa intellectual property.

Matuto pa tungkol sa mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na may kinopyang content

Mas maraming ad o may bayad na pampromosyong materyal kaysa sa content ng publisher

Hindi namin pinapayagan ang mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na:

  • mas maraming ad o iba pang may bayad na pampromosyong materyal kaysa sa content ng publisher.

Matuto pa tungkol sa Mas maraming ad o may bayad na pampromosyong materyal kaysa sa content ng publisher

 

 Mga hindi sinusuportahang wika

Hindi namin pinapahintulutan ang content na:

Matuto pa tungkol sa mga hindi sinusuportahang wika

 

 


Mga patakaran sa video

Mga patakaran para sa imbentaryo ng video

Ang pag-monetize ng imbentaryo ng video ay isang paraan para maghatid ng karagdagang halaga sa video content, kung saan makikinabang ang mga publisher, user, at advertiser. Para matiyak na nagbibigay ang imbentaryo ng video na mino-monetize gamit ang Google ad code ("Video Inventory") ng positibong experience para sa mga publisher, user, at advertiser, nagtakda kami ng mga requirement sa ibaba para sa katangian at pagpapatupad ng Imbentaryo ng Video.

Tumpak na ilarawan ang imbentaryo

  1. Dapat magbigay ang Imbentaryo ng Video ng mga paghahayag na may mga tumpak na signal (para sa AdManager, tingnan ang mga parameter ng URL ng tag ng ad na VAST, kasama ang:
    • Audibility ng placement ng ad: Naririnig bilang default o naka-mute (para sa Ad Manager, tingnan ang parameter na vpmute).
    • Uri ng placement ng ad: Ang mga video ad na inihahatid sa mga video player na may video content ay dapat tumpak na ihayag bilang mga placement na "In-stream" o "Kasamang Content" (para sa Ad Manager, tingnan ang parameter na plcmt). Ang mga video ad na inihahatid sa mga placement na hindi video player ay hindi nangangailangan ng mga paghahayag, at awtomatikong tutukuyin ng Google batay sa format ng imbentaryo bilang mga placement na "Interstitial" o "Standalone."
      • Ang "In-stream" ay nangangahulugang video o audio ad na pine-play sa stream ng video o audio content, kung saan ang video o audio content ang tuon ng pagbisita ng user o malinaw na hiniling ng user.

        Halimbawa: Video ad na pine-play bago ang, sa kalagitnaan ng, o pagkatapos ng stream ng video content na hiniling ng user.

      • Ang "Kasamang Content" ay nangangahulugang video ad na pine-play sa stream ng video content na kasama ng pangunahing content ng pagbisita ng user, kung saan hindi ang video content ang tuon ng pagbisita ng user o hindi ito malinaw na hiniling ng user. Dapat mag-load ang mga placement na Kasamang Content sa body ng page, at naka-mute dapat ang mga iyon bilang default.

        Halimbawa: Video ad na pine-play bago ang, sa kalagitnaan ng, o pagkatapos ng stream ng naka-mute na video content na sumasakop sa maliit na bahagi ng page na pangkalahatang pang-editoryal.

      • Ang "Interstitial" ay nangangahulugang video ad na pine-play nang walang anupamang streaming video content sa transition sa pagitan ng content, kung saan ang video ad ang pangunahing tuon ng page at sakop nito ang kalakhan ng viewport.

        Halimbawa: Video ad na hiwalay sa anupamang streaming video content at nakapuwesto nang buong view sa natural break o transition sa pagitan ng content.

      • Ang "Standalone" ay nangangahulugang video ad na pine-play nang walang anupamang streaming video content, kung saan hindi ang video ad ang tuon ng page.

        Halimbawa: Video ad na hiwalay sa anupamang streaming video content at nakapuwesto sa isang banner sa kanang gilid ng page ng artikulo.

Tandaan: Para sa Ad Manager, ang mga terminong "instream" o "in-stream" sa mga page ng Help Center at sa mga kontrol sa produkto ay tumutukoy sa "In-stream" at "Kasamang Content" gaya ng tinutukoy sa mga patakarang ito. Ang Imbentaryo ng Ad sa Ad Manager na "In-stream" o "Kasamang Content" alinsunod sa mga patakaran ay dapat sumunod sa mga partikular na requirement sa mga patakarang ito.

Gumamit ng mga sinusuportahang pagpapatupad

  1. Dapat gamitin ng mga placement na In-stream o Kasamang Content ang SDK ng Mga Interactive Media Ad ng Google o Programmatic na Library ng Access ng Google sa mga sinusuportahang platform, maliban na lang kung sa pamamagitan ng opisyal na Beta program ng Google.
    • Hindi puwedeng gamitin ng mga partner at publisher ang mga produkto ng Interactive Media Ads para mag-monetize ng content sa YouTube. Para sa content sa YouTube, kailangang mag-monetize ang mga partner at publisher sa pamamagitan ng Partner Program ng YouTube.
  2. Ang mga placement na Interstitial o Standalone ay dapat gumamit ng mga solusyon na ibinigay ng Google: sa web: Google Publisher Tag; sa app: Google Mobile Ads SDK (para sa Ad Manager; para sa AdMob).
    • Hindi pinapayagan ang SDK ng Mga Interactive Media Ad ng Google para sa mga placement na Interstitial o Standalone, maliban kung para sa mga placement sa mga laro.

Protektahan ang halaga ng advertiser

  1. Hindi dapat natatakpan, nakatago, o hindi gumagana ang content o mga kontrol ng Imbentaryo ng Google (halimbawa, pag-play, pag-pause, pag-mute, paglaktaw, o pag-dismiss), kasama ang content o mga kontrol ng ad kung ibinigay.
  2. Para sa mga placement na In-stream, hindi dapat humiling o maghatid ng mga audio ad sa mga naka-mute na placement.

Igalang ang user

  1. Ang Imbentaryo ng Video ay puwedeng mag-autoplay, hangga't:
    • Isang Imbentaryo ng Video lang sa lahat ng uri ng placement ang puwedeng mag-autoplay nang may tunog anumang oras.
      • Bukod pa rito, para sa mga placement na In-stream o Kasamang Content, isang video player lang ang puwedeng mag-autoplay anumang oras kapag ipinapakita.
    • Hindi dapat mag-autoplay ang ad hangga't hindi nakikita ang kahit 50% man lang ng unit ng ad.
  2. Puwedeng maging sticky ang Imbentaryo ng Video, hangga't:
    • May ipinapakitang opsyon sa pag-dismiss para sa buong haba ng video content o content ng ad. Hindi dapat nakatago, natatakpan, o hindi gumagana ang opsyong ito.
    • Para sa mga placement na In-stream o Kasamang Content, dapat magsimula ang video player sa pangunahing content at mag-transition lang sa sticky na placement kapag nag-scroll ang user sa page palayo sa video player.
Tandaan: Tinutukoy ng aming mga patakaran ang uri ng content na puwedeng i-monetize ng mga creator at publisher gamit ang Google ad code. Ang mga requirement sa itaas ay hindi garantiya sa mga advertiser na maganda ang kalidad ng mga placement na mabibili nila.

            Matuto pa tungkol sa mga patakaran para sa imbentaryo ng video


Mga patakarang nauugnay sa privacy

Mga paghahayag sa privacy

Ang mga publisher ay:

  • mayroon at sumusunod dapat sa isang patakaran sa privacy na malinaw na naghahayag sa anumang pangongolekta, pagbabahagi, at paggamit ng data na nangyayari sa anumang publikasyon ng site, app, email, o iba pang property bilang kahihinatnan ng iyong paggamit ng mga produkto ng Google. Dapat ihayag ng patakaran sa privacy sa mga user na puwedeng naglalagay o nagbabasa ng cookies ang mga third party sa mga browser ng iyong mga user, o kaya ay gumagamit ang mga ito ng mga web beacon para mangolekta ng impormasyon bilang resulta ng paghahatid ng ad sa website mo.

    Para makasunod sa obligasyong ito ng paghahayag kaugnay ng paggamit ng Google ng data, may opsyon kang maglagay ng madaling makitang link sa Paano gumagamit ang Google ng data kapag ginamit mo ang mga site o app ng aming mga partner.

           Matuto pa tungkol sa mga paghahayag sa privacy

Cookies sa mga domain ng Google

Ang mga publisher ay:

  • hindi dapat magtakda ng cookie sa mga domain ng Google, at hindi rin dapat magbago, maghadlang, o mag-delete ng cookies na nakatakda sa mga domain ng Google.

           Matuto pa tungkol sa cookies sa mga domain ng Google

Pagkilala sa mga user

Ang mga publisher ay:

  • hindi dapat gumamit ng mga fingerprint ng device o mga object na lokal na nakabahagi (hal., Flash cookies, Mga Object na Pantulong sa Browser, lokal na storage ng HTML5) maliban sa HTTP cookies, o mga identifier ng mobile device na nare-reset ng user na idinisenyo para magamit sa pag-advertise. Hindi nito nililimitahan ang paggamit ng IP address para sa pag-detect ng panloloko.
  • hindi dapat magpasa ng anumang impormasyon sa data ng Google na magagamit o matutukoy ng Google bilang impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan; o na permanenteng tutukoy sa isang partikular na device (tulad ng natatanging identifier ng device ng isang mobile phone kung hindi mare-reset ang identifier na iyon).
  • hindi dapat gumamit sa aming mga serbisyo para kumilala ng mga user o magsagawa ng pagsasama ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan sa impormasyong nauna nang nakolekta bilang impormasyong hindi nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan nang walang malinaw na abiso at paunang pagpayag ng user (hal., pag-opt in) sa pagkilala o pagsasamang iyon. May pahintulot man ng user o wala, hindi mo dapat subukang paghiwa-hiwalayin ang data na iniuulat ng Google nang magkakasama.

    Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa Guidance for complying with the Identifying Users Policy.

  • sumunod sa EU user consent policy (Patakaran sa pagpapahintulot ng user sa EU).

           Matuto pa tungkol sa pagkilala ng mga user

Paggamit ng data ng device at lokasyon

Kung nangongolekta, nagpoproseso, o naghahayag ang mga publisher ng impormasyong kumikilala o magagamit para tukuyin ang eksaktong heograpikong lokasyon ng isang end user, tulad ng kinuha mula sa data ng GPS, wifi, o cell tower,

Ang mga publisher ay:

  • dapat ihayag sa user, sa pamamagitan ng interstitial o napapanahong abiso, kung saan posibleng gamitin ang kanilang data (kabilang ang pag-personalize ng ad, analytics, at attribution, gaya ng naaangkop), pati na rin na posibleng ibahagi sa mga partner ang data;
  • dapat kumuha ng malinaw (ibig sabihin, pag-opt in) na pahintulot mula sa mga end user bago mangolekta, magproseso, o maghayag ng naturang impormasyon;
  • dapat magpadala ng naturang impormasyon sa Google sa naka-encrypt na status o sa pamamagitan ng naka-encrypt na channel; at
  • dapat ihayag ang naturang pangongolekta, pagpoproseso, o paghahayag ng impormasyon sa lahat ng naaangkop na patakaran sa privacy.

            Matuto pa tungkol sa paggamit ng data ng device at lokasyon

Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA)

Kung magpapatupad ka ng anumang serbisyo sa pag-advertise ng Google sa isang app, site, o seksyon ng isang site na saklaw ng Children's Online Privacy Protection Act (COPPA):

  • dapat mong abisuhan ang Google tungkol sa mga site o seksyong iyon na saklaw ng COPPA gamit ang Google Search Console, i-tag ang kahilingan sa ad gamit ang AdMob SDK, o i-tag ang iyong site, app, o kahilingan sa ad para tratuhing nakadirekta sa bata;
  •  hindi ka dapat gumamit ng pag-advertise na batay sa interes (kabilang ang remarketing) para mag-target ng:
    • dati o kasalukuyang aktibidad ng mga user na alam mong wala pang 13 taong gulang o
    • dati o kasalukuyang aktibidad sa mga site na nakadirekta sa mga user na wala pang 13 taong gulang.

               Matuto pa tungkol sa Children's Online Privacy Protection Act (COPPA)


Mga kinakailangan at iba pang pamantayan

Mga patakaran sa spam para sa paghahanap sa web ng Google

Hindi ka dapat:

               Matuto pa tungkol sa Mga patakaran sa spam para sa paghahanap sa web ng Google

Mga mapang-abusong karanasan 

Hindi ka dapat:

               Matuto pa tungkol sa mga mapang-abusong experience

Malware o hindi gustong software

Hindi ka dapat:

  • maglagay ng mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na may nakakapinsalang software o "malware" na puwedeng makasira o magkaroon ng hindi pinapahintulutang access sa isang computer, device, o network.

    Mga Halimbawa: Mga computer virus, ransomware, mga worm, mga trojan horse, mga rootkit, mga keylogger, mga dialer, spyware, mapanlokong software na panseguridad, at iba pang nakakapinsalang program o app

  • maglagay ng mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na lumalabag sa patakaran ng Google sa Hindi Gustong Software.

    Mga Halimbawa: Hindi pagiging transparent tungkol sa functionality na ibinibigay ng software o buong detalye tungkol sa mga implikasyon ng pag-install ng software; hindi paglalagay ng Mga Tuntunin ng Serbisyo o Kasunduan sa Lisensya ng End User; pag-bundle ng mga software o application nang hindi alam ng user; paggawa ng mga pagbabago sa system nang walang pahintulot ng user; pagpapahirap ng pag-disable o pag-uninstall ng software para sa mga user; hindi maayos na paggamit ng mga Google API na available sa publiko kapag nakikipag-interact sa mga serbisyo o produkto ng Google

   Matuto pa tungkol sa malware o hindi gustong software

Better Ads Standards 

Hindi ka dapat:

  • maglagay ng mga ad na inihahatid ng Google sa mga screen na hindi sumusunod sa Better Ads Standards. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga uri ng mga hindi pinapahintulutang karanasan sa ad, pakibisita ang website ng Coalition for Better Ads.

               Matuto pa tungkol sa Better Ads Standards

Awtorisadong imbentaryo

Hindi ka dapat:

  • maglagay ng mga ad na inihahatid ng Google sa isang domain na gumagamit ng ads.txt kung saan hindi ka kasama bilang awtorisadong nagbebenta ng imbentaryo sa ads.txt file. 

Para sa mga partner ng syndication, dapat tiyakin ng Mga Parent na magdaragdagag kaagad ang Mga Child ng ads.txt file sa mga Child domain nang nakalagay ang Mga Parent bilang mga awtorisadong nagbebenta ng Imbentaryo ng Child.

               Matuto pa tungkol sa awtorisadong imbentaryo

Pagsunod sa mga sanction

Dapat sumunod ang Google sa mga sanction at kontrol sa pag-export na pinapanatili ng Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng Treasury Department ng United States, Bureau of Industry & Security ng Commerce Department ng United States, at iba pang naaangkop na sanction. Bilang resulta, ang mga produkto ng Google para sa publisher ay hindi magagamit ng mga publisher sa mga sumusunod na bansa o teritoryo:

  • Crimea
  • Cuba
  • Ang tinatawag na Donetsk People's Republic (DNR) at Luhansk People's Republic (LNR) 
  • Iran
  • North Korea
  • Syria

Hindi rin puwedeng gamitin ang mga produkto ng Google para sa publisher para sa o sa ngalan ng partidong nasa mga nakalista sa itaas na naka-sanction na bansa o rehiyon. 

Bukod pa rito, hindi kwalipikado ang mga produkto ng Google para sa publisher sa sinumang entity o indibidwal na pinaghihigpitan sa bisa ng mga naaangkop na sanction sa pakikipagkalakalan at batas sa pagsunod sa pag-export. Ang mga produkto ng Google para sa publisher ay hindi kwalipikado para sa mga entity o indibidwal na pagmamay-ari o kinokontrol ng o kumikilos para sa o sa ngalan ng mga naturang pinaghihigpitang entity o indibidwal. 

Dapat ding sumunod ang mga publisher sa mga naaangkop na sanction at regulasyon sa pag-export, na kinabibilangan ng mga sanction ng OFAC, at dapat silang sumang-ayong huwag maging dahilan para lumabag ang Google sa mga regulasyong ito. Hindi mo puwedeng gamitin ang mga produkto ng Google para sa publisher para sa o sa ngalan ng mga pinaghihigpitang entity o indibidwal. Hindi mo puwedeng gamitin ang mga produkto ng Google para sa publisher para sa o sa ngalan ng mga entity o indibidwal na nasa mga naka-sanction na bansa o rehiyon.

               Matuto pa tungkol sa pagsunod sa mga sanction

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Iyong page sa AdSense

Ipinapakilala ang Page sa AdSense: isang bagong resource kung saan makakakita ka ng naka-personalize na impormasyon at mga bagong oportunidad sa iyong account na makakatulong para magtagumpay sa AdSense.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17672246287208498439
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false