Gumagawa ka man ng bagay na gusto mo o nagnenegosyo ka, alam naming pinagbubuhusan mo ng oras at pagod ang paggawa ng content na inilalagay mo sa YouTube. Mahalagang maunawaan mo kung paano natutuklasan ang iyong content at kung kumusta ang performance nito. Bilang mga creator, kayo ang nasa sentro ng ating komunidad, kaya nananatiling priyoridad namin ang pakikipag-ugnayan at transparency sa inyo. Nakatuon kami sa pagsuporta sa inyong tagumpay. Kaya naman pinagsama-sama namin ang ilang magagandang resource na nagpapaliwanag sa sumusunod:
- Paano gumagana ang aming mga system para sa iyong content
- Paano ka kikita sa YouTube
- Paano sukatin ang iyong performance sa YouTube
- Paano pamahalaan ang iyong ugnayan sa YouTube
YouTube Search
Binibigyang-priyoridad ng YouTube Search ang ilang pangunahing element para maibigay ang mga pinakanaaangkop na resulta ng paghahanap, kasama ang kaugnayan, engagement, at kalidad. Para matantya ang kaugnayan, tinitingnan namin ang maraming bagay, gaya ng kung gaano kalapit na tumutugma ang pamagat, mga tag, paglalarawan, at content ng video sa query sa paghahanap ng manonood. Mahalagang paraan ang mga signal ng engagement para matukoy ang kaugnayan at gumagamit kami ng mga pinagsama-samang signal ng engagement mula sa mga user. Halimbawa, posibleng tingnan namin ang haba ng panonood sa isang partikular na video para sa isang partikular na query para matukoy kung itinuturing ba ng iba pang user na may kaugnayan ang video sa query. Para sa kalidad, nakadisenyo ang aming mga system para tumukoy ng mga signal na makakatulong na malaman kung aling mga channel ang nagpapakita ng pagiging eksperto, maaasahan, at mapapagkatiwalaan tungkol sa isang partikular na paksa. Hindi tumatanggap ng bayad ang YouTube para sa mas magandang placement sa mga resulta ng organic na paghahanap.
Sa larangang gaya ng musika o entertainment, kadalasang gumagamit kami ng mga karagdagang batayan tulad ng pagiging bago o sikat para makatulong sa aming mga system sa pag-ugnay sa mga user sa mga de-kalidad na content na magugustuhan nila. Sa ibang larangan kung saan mahalaga ang kredibilidad, kabilang ang balita, politika, at impormasyong medikal o siyentipiko, nagsisikap kaming tiyaking inuuna ng aming mga system sa paghahanap ang mga de-kalidad at authoritative na content mula sa mga pinagkakatiwalaang source.
Mas pinapadali rin ng Mga Opisyal na Card ang pagtuklas ng mga user ng content sa pamamagitan ng pag-highlight sa opisyal na materyal sa YouTube Search. Kasama sa mga card na ito ang mga opisyal na video at post mula sa mga nangungunang channel, tulad ng mga channel ng mga nangungunang creator sa YouTube, celebrity, at music artist. Kasama rin dito ang mga video at post mula sa content na may kaugnayan sa mga sports team, pelikula at TV, musika, at espesyal na event. Awtomatikong binubuo ang mga card na ito at hindi puwedeng i-customize ang mga ito.
Nilalayon naming maibigay sa iyo ang mga resource na makakatulong sa iyong maunawaan ang mga bagay na isinasaalang-alang namin para maibigay ang pinakamagagandang resulta ng paghahanap para sa mga user.
Higit pang resource
- Help Center - Mga Tip sa Pag-optimize sa Pagtuklas
- Help Center - Mga FAQ tungkol sa Paghahanap at Pagtuklas
- Help Center - Mga Opisyal na Card
Mga inirerekomendang video
Nagsisimula kami sa kaalamang may mga natatanging gawi sa panonood ang bawat isa. Inihahambing ng aming system ang mga gawi sa panonood ng isang user sa mga may katulad na gawi. Ginagamit ng system ang impormasyong iyon para magmungkahi ng iba pang content na posibleng gustong panoorin ng manonood.
Patuloy na nagbabago at natututo ang aming system ng rekomendasyon araw-araw mula sa mahigit 80 bilyong impormasyong tinatawag naming mga signal, kung saan mga pangunahing signal ang:
- History ng panonood: Ginagamit ng aming system ang mga video sa YouTube na pinapanood ng mga manonood para mabigyan sila ng mas magagandang rekomendasyon, maalala kung saan sila natigil, at marami pa.
- History ng paghahanap: Ginagamit ng aming system ang mga hinahanap ng manonood sa YouTube para maimpluwensyahan ang mga rekomendasyon sa hinaharap.
- Mga subscription sa channel: Ginagamit ng aming system ang impormasyon tungkol sa mga channel sa YouTube kung saan naka-subscribe ang viewer para magrekomenda ng iba pang video na posibleng magustuhan niya.
- Mga like: Ginagamit ng aming system ang impormasyon sa mga like para subukang hulaan ang posibilidad na magiging interesado ang manonood sa mga katulad na video sa hinaharap.
- Mga dislike: Ginagamit ng aming system ang mga video na na-dislike ng manonood para malaman kung ano ang dapat iwasang irekomenda sa hinaharap.
- Mga piniling “Hindi interesado” na feedback: Ginagamit ng aming system ang mga video na minamarkahan ng mga manonood bilang “Hindi interesado” para malaman kung ano ang dapat iwasang irekomenda sa hinaharap.
- Mga piniling “Huwag irekomenda ang channel” na feedback: Ginagamit ng aming system ang mga piniling “Huwag irekomenda ang channel” na feedback bilang signal na malamang na hindi nagustuhang panoorin ng manonood ang content ng channel.
- Mga survey sa kasiyahan: Ginagamit ng aming system ang mga survey sa user na humihiling sa mga manonood na i-rate ang mga video na napanood nila, na nakakatulong sa system na maunawaan ang kasiyahan, hindi lang ang haba ng panonood.
Mas umaasa ang iba't ibang feature ng YouTube sa ilang partikular na signal sa rekomendasyon kaysa sa iba. Halimbawa, ginagamit namin ang video na kasalukuyang pinapanood ng manonood bilang pangunahing signal kapag nagmumungkahi ng video na sunod na ipe-play. Para makapagbigay ng mga rekomendasyon sa video sa homepage, pangunahing nakadepende kami sa history ng panonood ng manonood. Puwedeng i-off at i-clear ng mga manonood ang kanilang history ng panonood kung hindi nila gustong makakita ng mga rekomendasyon sa kanilang homepage. Para sa mga taong naka-off ang history ng panonood sa YouTube at walang naunang history ng panonood, patuloy na ipapakita sa homepage ang search bar at ang menu ng Gabay sa kaliwang bahagi.
Pagbabawas sa pagkalat ng borderline na content at nakakapinsalang maling impormasyon
Ang paninindigan namin sa pagiging bukas ay nangangahulugan na posibleng magkaroon kami ng available na content sa platform na malapit na sa paglabag sa aming mga patakaran, pero hindi pa talaga maituturing na lumalabag. Naniniwala kami na mahalagang protektahan ang kalayaan sa pagpapahayag, pero nagtatakda kami ng mataas na pamantayan sa kung anong mga video ang pangunahin naming ipapakita sa aming mga rekomendasyon sa homepage ng YouTube, o sa panel na “Susunod.”
Kaya nagsasagawa kami ng karagdagang hakbang sa pagrekomenda ng mga authoritative na video sa mga manonood sa mga paksang gaya ng balita, politika, impormasyong medikal, at siyentipiko.
Umaasa kami sa mga taong evaluator, sinanay gamit ang mga tagubiling available sa publiko, na nag-a-assess sa kalidad ng impormasyon sa bawat channel at video. Para magpasya kung authoritative ba ang isang video, tinitingnan ng mga evaluator ang mga salik na gaya ng expertise at reputasyon ng speaker o ng channel, ang pangunahing paksa ng video, at kung ipinapakita ng content ang ipinapangako nito o kung natutupad nito ang mga layunin nito. Kapag mas authoritative ang isang video, mas ipino-promote ito sa mga rekomendasyon. Patuloy kaming nagsisikap na pahusayin pa ang aming mga system para mas mapalabas ang content mula sa mga authoritative na source, gaya ng mga news outlet at institusyong pangkalusugan.
Higit pang resource
- Help Center - Mga Tip sa Pag-optimize sa Pagtuklas
- Help Center - Mga FAQ tungkol sa Paghahanap at Pagtuklas
- Tuloy-tuloy ang Pagsisikap Naming Mapahusay ang Mga Rekomendasyon sa YouTube
- Hanapin ang iyong channel o video sa mga resulta ng paghahanap
- Module na 'Ano'ng Susunod na Papanoorin'
- Pumili ng diskarte para maabot ang mga pandaigdigang audience
- Ang Iyong Content at ang Restricted Mode
- Mga Chart ng Musika at Insight sa YouTube
Iyong kontrata sa YouTube
Ang lahat ng paggamit ng serbisyo ay napapailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng YouTube, aming Mga Alituntunin ng Komunidad, at aming Mga Patakaran sa Platform.
Tandaang ilalapat din ang mga karagdagang patakaran kapag in-on mo ang ilang partikular na feature tulad ng pag-monetize, live streaming, o Shopping. Huwag kalimutang kung magbibigay ka ng pag-advertise o mga sponsorship sa serbisyo o magsasama ka ng mga may bayad na promosyon sa iyong content, napapailalim ka rin sa aming mga patakaran sa ad para sa mga advertiser. Puwede mong basahin ang lahat ng aming patakaran sa anumang oras sa pamamagitan ng paghahanap sa aming Help Center.
Makikita mo ang mga pinakabagong online na kontratang natanggap sa YouTube Studio.
Pakikipag-ugnayan sa YouTube
Bilang bahagi ng aming kasalukuyang layuning mapahusay ang aming transparency at pakikipag-ugnayan sa aming mga partner, nakatuon kami sa pagtiyak na up to date ka sa mga pagbabagong posibleng kailangan naming gawin at puwedeng makaapekto sa iyo. Nahaharap ka man sa isang partikular na problema, nangangailangan ka man ng tulong sa paglutas ng mga teknikal na isyu, o gusto mo mang matutunan kung paano masusulit ang YouTube, narito kami para tumulong sa iyo. Puwede kang makipag-ugnayan sa Creator Support o sa iyong Partner Manager. Puwede kang matuto pa tungkol sa paraan namin ng pakikipag-ugnayan sa iyo rito.
Partner Program ng YouTube
Kung wala ka sa isa sa mga bansa/rehiyon sa itaas, walang pagbabago sa Partner Program ng YouTube para sa iyo. Puwede mong basahin ang artikulong ito para sa pangkalahatang-ideya ng YPP, pagiging kwalipikado, at mga tagubilin sa aplikasyong naaangkop sa iyo.
Tingnan ang iyong pagiging kwalipikado para sa pinalawak na Partner Program ng YouTube. Kung hindi ka pa kwalipikado, piliin ang Maabisuhan sa bahaging Kumita ng YouTube Studio. Papadalhan ka namin ng email kapag nailunsad na namin sa iyo ang pinalawak na programa ng YPP at naabot mo na ang mga threshold ng pagiging kwalipikado.
Bilang bahagi ng Partner Program ng YouTube, kwalipikado kang gamitin ang maraming mapagkukunan ng kita, basta't available ang mga ito sa iyong bansa/rehiyon, at natutugunan mo ang mga pamantayan. Magkakaroon ka rin ng access sa creator support at sa Copyright Match Tool. Puwede mong malaman pa ang tungkol sa programa, kung paano ito gumagana, at kung paano mag-apply dito.
Pag-monetize ng Channel sa YouTube Music
Isa ka mang label, publisher, distributor, o nagsasariling musikero, matutulungan ka ng YouTube na maabot ang mas maraming fan at magdagdag ng kita. Matuto pa tungkol sa kung paano ka matutulungan ng YouTube na kumita sa iyong musika sa pamamagitan ng mga ad, subscription, at iba pang source ng kita rito. Matuto pa tungkol sa mga puwedeng masukat na tool at diskarte para ma-deliver ang iyong musika at mapamahalaan ang mga digital na karapatan mo sa YouTube dito.
Support fund mula sa fans
Ang Super Chat at Super Stickers ay mga paraan para makakonekta ang mga creator sa mga fan habang nasa mga live stream at Premiere. Puwedeng bumili ang mga fan ng mga Super Chat para ma-highlight ang kanilang mensahe sa live chat o ng Super Stickers para makakuha ng animated na larawan na lalabas sa live chat. Kung kwalipikado ka, alamin pa ang tungkol sa kung paano i-on ang Super Chat o Super Stickers at kung paano mo mapapamahalaan ang mga feature na ito.
Nagbibigay-daan ang Super Thanks sa mga creator na kumita mula sa mga manonood na gustong magpakita ng karagdagang pasasalamat para sa kanilang mga Short at long-form video. Magagawa ng mga fan na bumili ng one-time na animation at mag-post ng makulay at nako-customize na komento sa seksyon ng komento ng video o Short. Kung kwalipikado ka, alamin kung paano i-on at pamahalaan ang Super Thanks para sa iyong channel.
Nagbibigay-daan ang mga channel membership sa mga manonood na makasali sa iyong channel sa pamamagitan ng mga buwanang pagbabayad at makakuha ng mga perk na para lang sa mga miyembro tulad ng mga badge, emoji, at iba pang benepisyo. Kung kwalipikado ka, alamin pa ang tungkol sa kung paano i-on ang mga membership at kung paano mo mapapamahalaan ang mga membership para sa iyong channel.
Pagbebenta sa YouTube
Nag-aalok din kami sa mga kwalipikadong may-ari ng channel ng pagkakataong maipakita ang kanilang mga sariling produkto at opisyal na branded na merchandise sa YouTube. Magsimula sa Shopping sa YouTube.
Kung isa kang music artist sa YouTube, posible ka ring maging kwalipikadong ipakita ang mga listing ng iyong nalalapit na concert sa YouTube. Matuto pa tungkol sa kung paano magdagdag ng mga ticket para sa mga petsa ng iyong tour hanggang sa mga video dito.
Ang YouTube ay bahagi ng Google at sumusunod ito sa mga patakaran sa privacy at prinsipyo ng Google. Kapag ginagamit mo ang aming mga serbisyo, bilang user man o partner, ipinagkakatiwala mo sa amin ang iyong impormasyon. Nauunawaan namin kung gaano kahalaga ang data sa pagsukat ng iyong tagumpay sa YouTube. Tinitiyak naming naaayon ang mga pamamaraan namin sa aming Patakaran sa Privacy para maprotektahan ang privacy at seguridad ng aming mga user at partner.
Nag-aalok ang YouTube ng suite ng mga tool para masukat mo ang iyong performance para makatulong sa iyong masulit ang data mo. Kung papayagan mo ito, magbibigay kami ng access sa data sa YouTube Analytics para sa channel sa YouTube at mga may-ari ng content. Matuto pa tungkol sa mga uri ng mga ulat na puwedeng ma-access ng channel sa YouTube at mga may-ari ng content sa pamamagitan ng mga API na ito. Mayroon din kaming mga feature ng analytics, ang YouTube Analytics at YouTube Analytics para sa Mga Artist, na direktang binuo sa platform, at nagbibigay-daan sa iyong ma-access ang mga sukatan ng performance, gaya ng:
- Haba ng panonood: Ang tagal ng oras na ginugol ng mga manonood sa isang video.
- Mga Subscriber: Ang bilang ng mga manonood na nag-subscribe sa iyong channel.
- Mga Panonood: Ang bilang ng mga lehitimong panonood para sa iyong mga channel o video.
- Mga nangungunang video: Aling mga video ang may pinakamahusay na performance.
- Pagpapanatili ng audience: Tingnan kung gaano kahusay na napapanatiling interesado ng iyong video ang audience mo.
- Data ng Live Stream: Tingnan kung ilang manonood ang nanonood ng iyong stream sa kabuuan ng video mo.
- Demograpiko: Sino ang mga manonood mo, kabilang ang istatistika tungkol sa kanilang edad, kasarian, at lokasyon.
- Mga source ng trapiko: Makakatulong ito sa iyong maunawaan kung paano nahanap ng mga manonood ang iyong content.
Nagpa-publish din kami ng ilang analytics ng channel at video, tulad ng pinagsama-samang bilang ng subscriber at panonood ng video, na makikita ng publiko sa iyong page ng channel, page sa panonood, mga trending na site sa YouTube, YouTube Analytics para sa Mga Artist, Mga Chart ng Musika at Insight, at sa pamamagitan ng mga serbisyo ng API. Puwede rin kaming mag-share ng pinagsama-samang na-anonymize na data ng channel at video sa mga advertiser, partner sa pagbebenta, at rights holder, alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google. Halimbawa, puwede naming sabihing dumoble ang bilang ng mga fitness video sa nakalipas na taon sa isang partikular na bansa o rehiyon..
May mga partikular na uri ng data din na posibleng ibahagi kapag pinili mong gumamit ng ilang partikular na feature ng YouTube. Halimbawa, kung ikokonekta mo ang iyong opisyal na retailer ng merchandise at ang channel mo sa YouTube, ibabahagi ang data ng analytics na kaugnay ng mga benta at pagbisita sa pagitan ng Google at ng retailer. Ipapaalam namin palagi sa iyo sa mga tuntunin ng programa mo kung paano posibleng ibahagi nang sama-sama ang data.
May ilang partikular na team ng YouTube, gaya ng mga team na may kinalaman sa pagpapatupad para sa pagtitiwala at kaligtasan sa YouTube, na puwedeng magkaroon ng access sa analytics ng channel at video na iba o mas detalyado kaysa sa analytics na ginawang available sa pamamagitan ng YouTube Analytics platform o mga serbisyo ng API. Halimbawa, puwedeng suriin ng mga system ng pag-detect sa spam at breach sa seguridad ng YouTube ang detalyadong trapiko at analytics ng site para ma-detect ang hindi pangkaraniwang gawi at mahuli ang mga taong sumusubok na pataasin ang mga bilang ng panonood sa mga video o ang mga bilang ng mga subscriber, na lumalabag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng YouTube.
Patuloy kaming nagsisikap sa pagbuo ng mga bagong paraan para makapaghatid ng mga tumpak at praktikal na insight para sa mga negosyo at advertiser, lalo na't nagbabago ang panonood sa iba't ibang platform at device. Tinitiyak naming naaayon ang mga paraang ito sa aming Patakaran sa Privacy para maprotektahan ang privacy at seguridad ng aming mga user. Puwede kang magbasa ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano namin papanatilihin ang data na ito kung hihinto ka sa paggamit ng aming mga serbisyo bilang bahagi ng aming patakaran sa pagpapanatili.
Maa-access mo ang tulong sa kung paano masusulit ang iyong data sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Creator Support. Matutuwa kaming malaman ang iyong feedback tungkol sa mga tool na pinakamahalaga para sa iyo.
Paano namin sinusuportahan ang bagong talento
Bilang bahagi ng paninindigan naming makatulong sa aming mga bagong creator at artist, regular kaming nagpapatakbo ng mga programa para masuportahan ang kanilang pag-unlad. Puwedeng kasama rito ang pagbibigay ng access sa aming magagandang studio sa mga YouTube Space, training camp na tulad ng NextUp, at partikular na seed funding para masuportahan ang pagbuo ng bagong content. Bilang kapalit ng suportang ito, mangangako ang aming mga creator at artist na gagawa sila ng content na eksklusibo sa YouTube para ma-enjoy ng aming mga user.