12 tip sa pag-advertise sa Google Ads

12 tip sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign [Hero image]

Para sa karamihan ng mga advertiser, isang mahalagang bahagi ng paggamit ng Google ang pagsulit sa bawat perang nagastos sa pag-advertise. Narito ang ilang tip para sa epektibong pag-advertise sa Google Ads mula sa Mga Eksperto sa Komunidad ng Google Ads.

Decide your marketing objectives to find success with Google

Magtuon sa iyong mga layunin sa pag-advertise

Bago buuin ang Ads campaign mo, magpasya kung ano ang iyong mga layunin sa marketing. Kapag alam mo na ang iyong gusto bago mo gawin ang iyong campaign sa halip na pagkatapos nitong magawa, matitiyak mong pinakaepektibo ang iyong pag-target, badyet, at mga format, at makakatulong ito sa iyong magtakda ng mga makatotohanang layunin sa kung ano ang makukuha mo sa mga setting na ito ng campaign.

12 tip sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign | Badyet [Icon]

Magtalaga ng badyet batay sa performance

Kung namamahala ka ng ilang campaign, tiyaking magtalaga ng mas malaking badyet sa mga campaign na may mas mahusay na performance at nakakatulong sa iyong maabot ang mga layunin ng negosyo mo at mas maliit na badyet sa mga campaign na ginagamit mo para mag-eksperimento o may mas mababang ROI.

12 tip sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign | Mga Ad [Icon]

Unawain ang iyong audience

Kadalasan, nangangailangan ng iyong panahon ang paggawa ng mga epektibong ad para talagang maisaalang-alang ang mga taong inaasahan mong makakakita at tutugon sa iyong mga ad. Pag-isipan ang kanilang mga partikular na pangangailangan at ang mga tanong na baka mayroon sila, at tugunan ang kanilang mga tanong at pangangailangan gamit impormasyon ng iyong produkto, ad text, at iba pang asset. Narito ang pinakamahuhusay na kagawian sa paggawa ng ad para sa mga App campaign, mga Display campaign, mga Search campaign, mga Smart Shopping na campaign, at mga Video campaign.

12 tip sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign | Lokasyon [Icon]

Gumamit ng pag-target sa lokasyon kung naaangkop

Gamitin ang mga advanced na opsyon sa lokasyon sa panahon ng o pagkatapos ng paggawa ng campaign para sa pinakamahusay na pag-target ng lokasyon at pinahusay na performance ng campaign.

12 tip sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign | capping ng dalas [Icon]

Iwasan ang sobrang pagkakalantad sa iyong mga ad

Gumamit ng capping ng dalas (available para sa mga Display at Video campaign) para limitahan ang dami ng beses ng paglabas ng iyong mga ad sa parehong mga user. Tumutulong ito na matiyak na hindi sobra ang pagkakalantad ng iyong mga customer at potensyal na customer sa iyong ad.

12 tip sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign | Pag-target sa content [Icon]

I-target ang pagiging nauugnay

Nagbibigay-daan sa iyo ang pag-target sa content, tulad ng paggamit ng keyword, placement, at/o pag-target sa paksa, na magpakita ng mga ad sa tabi ng mga may kaugnayang content na tinitingnan ng mga customer at potensyal na customer mo. Para sa mas malawak na pag-target, pag-isipang gumamit ng pag-target ng audience tulad ng pag-target ayon sa demograpiko, remarketing, mga custom na audience, at mga affinity audience, na nagta-target sa customer sa halip na sa content ng page.

12 tips sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign | Setting ng obserbasyon [Icon]

Mag-obserba para mag-optimize

Sulitin ang setting ng obserbasyon, kung naaangkop. Hindi makakaapekto ang setting ng obserbasyon sa kung sino ang makakakita sa iyong mga ad o kung saan lalabas ang mga ito, pero binibigyang-daan ka nitong subaybayan ang performance ng mga ad para sa mga napili mong placement, paksa, o audience habang gumagana ang iyong campaign. Magagamit mo ang data sa mga ulat na ito para i-optimize ang performance ng iyong ad.

12 tip sa paghahanap ng tagumpay gamit ang Google Ads campaign | Pagsama-samahin ang mga campaign [Icon]

Pasimplehin

Subukang pagsama-samahin ang mga campaign na may iisang uri ng campaign, kung posible, para mas kaunti ang mga campaign na papamahalaaan at susubaybayan mo, at isaayos ang iyong mga campaign para sa pinakamahusay na pagtatalaga ng badyet.

12 tip sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign | Iba't ibang uri ng campaign [Icon]

Maging madiskarte sa paggamit ng mga uri ng campaign

Pero pag-isipang gumamit ng iba't ibang uri ng campaign kung ang pagpapakita ng iba't ibang uri ng ad sa iba't ibang lugar ay makakatulong sa iyong maabot ang (mga) layunin ng negosyo mo. Matutunan ang tungkol sa lahat ng iba't ibang uri ng campaign na available para mapili mo ang (mga) pinakatumutugma sa iyong mga layunin sa marketing.

Gamitin ang Smart Bidding sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign [Icon]

Mag-bid nang may layunin

Gamitin ang Smart Bidding kung kapaki-pakinabang at naaangkop ito. Para sa Mga Search Campaign, nakatakda nang real-time ang mga Smart na bid sa antas ng termino para sa paghahanap, at para sa iba pang uri ng campaign, dose-dosenang signal ang ginagamit para itakda ang pinakamahusay na bid.

Mga tip sa pagsubaybay sa offline na conversion sa paghahanap ng tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign | [Icon]

Subaybayan ang mga conversion para sa kalidad

Gumamit ng pagsubaybay sa conversion at pagsubaybay sa offline na conversion para makatulong na ma-optimize ang kalidad ng iyong mga conversion. Nakakatulong sa iyo ang pagsubaybay sa offline na conversion na subaybayan ang mga conversion kapag nakarating ang mga lead malapit sa dulo ng funnel ng pagbebenta. Puwede mo ring gamitin ang Google Analytics sa Google Ads para maging advance ang iyong mga insight.

Palaging sumubok para mahanap ang tagumpay gamit ang mga Google Ads campaign |  [Icon]

Subukan, subukan, subukan

Subukan, subukan, subukan para matuto at pagkatapos ay i-optimize. Halimbawa, puwede kang magpagana ng mga ad na may ibang text para sa isang produkto para makita mo kung aling text at/o larawan ang pinakaepektibo. Puwede mo ring subukan ang iba't ibang uri ng pag-target. Pagkatapos, batay sa resulta ng pagsubok na iyon, puwede mong i-optimize ang iyong mga ad para isama ang mga asset na may pinakamahusay na performance.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2529113254344543861
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false