I-set up ang iyong campaign para sa tagumpay

May ilang paraan para mapahusay ang performance ng bagong gawang ad campaign. Sa artikulong ito, may mga tip para matiyak na ang napili mo ay ang mga tamang setting para sa matagumpay na campaign.

I-optimize ang iyong campaign habang ginagawa mo ito

Habang ginagawa mo ang iyong campaign, puwede kang makatanggap ng mga notification batay sa mga napili mong setting. Puwede kang alertuhin ng mga notification na ito tungkol sa mga isyung puwedeng humantong sa mas mababang performance o posibleng may sapat na kahalagahan para mapigilan kang i-publish ang iyong campaign.

Ang menu ng navigation sa paggawa ng campaign na lumalabas habang ginagawa mo ang iyong campaign ay nagbibigay ng pangkalahatang view sa pag-usad ng paggawa mo at magbibigay-pansin sa mga notification na baka gusto mong tugunan. Magpalipat-lipat sa mga hakbang sa menu ng navigation para madaling masuri at maresolba ang anumang potensyal na isyu sa iyong pag-target, pag-bid, badyet, o iba pang setting ng campaign. Alamin kung paano I-set up ang iyong campaign para sa tagumpay.

1. Mag-set up ng pagsubaybay sa conversion sa iyong website

Makakapagbigay sa iyo ng mga insight ang pagsubaybay sa conversion para ma-optimize mo ang performance ng iyong campaign. Ipapakita sa iyo ng mga conversion kung ano ang nangyayari kapag may customer na nakikipag-ugnayan sa mga ad mo – kung bumibili sila ng produkto, nagsa-sign up sila para sa iyong newsletter, tumatawag sila sa negosyo mo, o dina-download nila ang iyong app.

Kapag may customer na kumumpleto ng pagkilos na tinukoy mong mahalaga, bibilangin ang pagkilos na ito bilang conversion. Para i-enable ang pagsubaybay sa conversion:

  1. Mag-set up ng pagkilos na conversion para sa iyong account.
  2. Kumopya ng code na tinatawag na “tag.”
  3. I-paste ang tag sa iyong website.

Alamin kung paano mag-set up ng pagsubaybay sa conversion para sa iyong website

2. Gumamit ng mga diskarte sa Smart Bidding, tulad ng Pag-maximize ng mga conversion

Gumagamit ng Google AI ang naka-automate na pag-bid para i-optimize ang tamang bid para sa bawat ad auction. Karamihan ng mga advertiser ay gumagamit ng isang partikular na uri ng naka-automate na pag-bid dahil kayang i-boost ng mga ganitong strategy sa pag-bid ang performance, habang nakakatipid ng oras sa manual na pag-adjust ng mga bid.

Ang Smart Bidding ay isang subset ng mga naka-automate na diskarte sa pag-bid na nag-o-optimize para sa mga conversion o halaga ng conversion. Para ma-access ang Smart Bidding, kailangan mo munang i-set up ang pagsubaybay sa conversion. Kung walang pagsubaybay sa conversion, makakagamit ka pa rin ng naka-automate na pag-bid sa pamamagitan ng Pag-maximize sa mga pag-click. Kapag nakapag-set up ka na ng pagsubaybay sa conversion sa iyong website, i-edit ang mga setting ng campaign mo para gumamit ng diskarte sa pag-bid na batay sa conversion.

Inirerekomenda naming gamitin ang Pag-maximize ng mga conversion dahil nag-o-optimize ito para sa kung ano ang mahalaga sa iyong negosyo, habang binabawasan ang oras na kailangan mong gugulin sa pagpapanatili ng account sa araw-araw.

Alamin kung paano baguhin ang iyong strategy sa pag-bid

3. Palawakin ang iyong pag-target

Posibleng hindi maihatid sa mga customer ang campaign mo kapag nag-target ka ng iyong mga ad sa maliit na lungsod o ilang keyword lang. Gayundin, puwedeng magdala ng walang kaugnayang trapiko sa iyong website ang pag-target ng lugar na masyadong malawak. Ganito iwasan ang mga karaniwang problemang ito.

I-target ang mga lokasyon kung nasaan ang iyong mga customer, hindi lang kung nasaan ang negosyo mo

Sabihin nating nagpapatakbo ka ng website ng e-commerce. Gugustuhin mong i-target ang lahat ng lokasyon kung saan ka nagpapadala, hindi lang kung saan aktwal na makikita ang iyong negosyo. Gaano man kaganda ang iyong ad, malamang na hindi maging mahusay ang performance nito kung hindi ito lalabas sa mga tamang lugar. Tandaan, puwede mong isaayos ang iyong mga setting ng pag-target sa lokasyon anumang oras.

Alamin kung paano gumamit ng pag-target sa lokasyon.

Magdagdag ng maraming may kaugnayang keyword hangga't kaya mo

Ang marurunong na advertiser ay namumuhunan ng oras at pagod sa paggawa ng mahusay na listahan ng keyword. Subukang isipin ang lahat ng posibleng hanapin ng iyong customer kapag pumili ka ng mga keyword mo:

  1. Isulat ang mga pangunahing kategorya ng iyong negosyo.
  2. Para sa bawat kategorya, isulat ang lahat ng term o pariralang posibleng gamitin ng iyong mga customer para ilarawan ang mga produkto o serbisyo mo.
  3. Ilagay ang mga term na iyon sa Keyword Planner para makakuha ng mas maraming ideya sa keyword at makakita ng mga pagtatantya kung ilang tao ang talagang naghahanap sa mga iyon.
  4. Sabihin nating nagbebenta ka ng mga panlalaking sapatos. Puwede kang magsimula sa pangunahing kategoryang "panlalaking sports shoes." Sa kategoryang iyon, puwede kang magdagdag ng mga kaugnay na term na tulad ng "panlalaking sneakers," at "panlalaking tennis shoes." Pagkatapos, puwede mo pang dagdagan ang iyong listahan sa pamamagitan ng pagsasama ng mga pangalan ng brand at produkto mo, tulad ng “Acme na panlalaking sneakers.”

Alamin kung paano magdagdag ng mga keyword

4. Ikalat ang iyong mga keyword sa mahigit sa isang ad group

Kasama sa mga ad group ang mga ad na ipapakita sa mga taong naghahanap ng mga partikular na term. Puwedeng magkaroon ang isang campaign ng ilang ad group, na bawat isa ay may sarili nitong mga ad at keyword. Direkta dapat na nauugnay ang content ng ad sa mga keyword na nasa iyong ad group.

Sabihin nating nagpapatakbo ka ng online na tindahan ng bisikleta. Baka gusto mong magkaroon ng magkakaibang ad group para sa mga pambatang bisikleta, pangkarerang bisikleta, mountain bike, road bike, helmet, at pambisikletang lock. Ang ad group para sa mga pambatang bisikleta ay mayroon dapat mga keyword na nauugnay sa produktong ito, at nasa text dapat ng headline ng iyong ad ang isa sa mga keyword mo.

Para hatiin ang mas malalaking ad group sa mas maliliit at mas partikular na mga ad group, alamin kung paano kopyahin ang ad group at i-edit ang mga keyword na nandito.

5. Magsulat ng mga ad na direktang nauugnay sa gustong bilhin ng iyong mga customer

Dapat mabanggit sa iyong text ad kung ano mismo ang gustong bilhin ng customer mo. Narito ang isang magandang sitwasyon:

May naghanap ng “24 na oras na delivery ng bulaklak na lily.” Pagkatapos, nakakita siya ng ad na may headline na “Mag-order kaagad ng lily - 24 na oras na delivery ng bulaklak.” Iki-click niya ang ad at mapupunta siya mismo sa site ng tindahan ng bulaklak, kung saan niya kukumpletuhin ang kanyang order.

Alamin kung paano magsulat ng mga matagumpay na text ad

Mga tip para sa pagsusulat ng mga kaugnay na ad

  1. Maging malinaw kung ano ang pino-promote mo: Isama sa headline ng ad mo ang kahit isa sa iyong mga keyword. Kung inilagay mo ang “mga digital camera” bilang keyword, ang headline ng iyong ad ay posibleng maging "Bumili ng Mga Digital Camera." (Tandaang sumusunod dapat sa mga patakaran sa trademark ng Google Ads ang anumang paggamit ng mga trademark sa ad text.)
  2. Maging nauugnay: Tiyaking may ibinibigay kang sagot o solusyon sa iyong customer. Halimbawa, kung naghahanap siya ng solusyong malapit sa kanya, ang lokasyon mo ang pinakakapaki-pakinabang na impormasyon at dapat itong maidagdag sa headline.
  3. Itugma sa headline ang iyong ad: Tingnan ang page kung saan ka nagli-link mula sa iyong ad (ang landing page), at tiyaking kasama roon ang mga promosyon o produkto sa ad mo. Puwedeng umalis ang mga tao sa iyong website kung hindi nila nahanap ang inaasahan nila.
  4. Tiyaking sumusunod ang iyong mga ad sa mga alituntuning pang-editoryal: Para matiyak na mataas ang kalidad ng lahat ng ad sa Google Ads, dapat matugunan ng bawat ad ang matataas na pamantayang pampropesyonal at pang-editoryal. Ibig sabihin, bawal ang mga sobrang space, kAkAiBaNg CAPITALIZATION, tandang padamdam!, o hindi malinaw na URL, at marami pang iba. Matuto pa tungkol sa mga kinakailangan sa text ad.

6. Magsama ng kahit 3 ad sa bawat ad group

Mahalagang magkaroon ng mahigit sa isang ad para maipakita ng Google Ads ang ad na malamang na magkaroon ng pinakamahusay na performance para sa bawat paghahanap. Dapat mabanggit sa isang headline sa bawat ad ang kahit isa lang sa iyong mga keyword. Para sa iba pang headline at paglalarawan, puwedeng bigyang-diin ng bawat ad ang iba't ibang aspeto ng iyong alok.

Pag-isipang magsama ng text tungkol sa mga paksang ito

  1. Mga produkto o serbisyo: Ano ang iniaalok ng iyong negosyo? Halimbawa:
    • Bulaklak sa Lokal na Grower
    • Mga Certified na Pre-Owned Car
    • Mga Plan ng Web Hosting
    • Tumatanggap Kami ng Karamihan sa Insurance
  2. Mga Benepisyo: Paano nakakatulong sa mga tao ang iyong mga produkto at serbisyo? Halimbawa:
    • Mag-post sa Maraming Site
    • Mga Madaling Ihandang Pagkain
    • Hindi Kailangang Iluto
    • 2 Madaling Puntahang Lokasyon
  3. Brand: Anong mga parirala ang gumagamit sa iyong brand? Halimbawa:
    • [Pangalan ng Brand]
    • [Brand.com]
    • Pinakamurang Presyo sa [Brand]
    • Opisyal na site ng [Brand]
  4. Call to action: Ano ang gusto mong gawin ng iyong mga customer? Halimbawa:
    • Mag-book ng Hotel sa Las Vegas
    • Mag-iskedyul na ng Test Drive
    • Lampas 100 Magagandang Alok
    • Mag-sign Up sa Libreng Exam
  5. Imbentaryo at pagpipilian: Anong mga kategorya, opsyon, at pagpipilian ang iniaalok mo? Halimbawa:
    • Daan-daang Mapagpipilian
    • Pinakabagong Style sa Taglamig
    • May Supply ng 50,000+ Produkto
    • 50 Istilo, 50 Matingkad na Kulay
  6. Pagpepresyo at mga bayarin: Magkano ang iyong mga presyo, buwis, o bayarin? Halimbawa:
    • Mag-book sa Halagang $[number]
    • Walang Bayarin sa Pagkansela
    • 0% Intro APR sa 18 Buwan
    • Mababang 0.05% Management Fee
  7. Mga promosyon at diskwento: Anong uri ng mga deal ang iniaalok mo? Halimbawa:
    • Hanggang 33% Bawas sa Order
    • May Mga Weekend Deal Na
    • Dobleng Loyalty Points
    • Makakuha ng $100 Sign-up Bonus

7. Tiyaking gumagamit ka ng kahit 4 na asset

Gumagamit ng mga asset ang karamihan sa mga advertiser, at mahalaga ang mga ito sa paggawa ng mga Search ad. Kung dati ka nang naghahanap sa Google at nakakita ng ad na may button sa pagtawag, mga karagdagang link, address, o iba pang karagdagang impormasyon, nakakita ka na ng mga asset.

Mas pinapalaki at pinapahusay ng mga asset ang iyong ad, na nagbibigay sa mga tao ng mas maraming dahilan para direktang gumawa ng pagkilos mula sa mga ad mo. Libre ang pagdaragdag sa mga asset, at karaniwang napapataas nito ang iyong click-through-rate at kalidad ng ad. Lumalabas lang ang mga ito kapag hinulaang maikukuha ka ng mga ito ng mas mahuhusay na resulta, tulad ng mga pag-click sa iyong website.

Para masulit nang husto ang iyong mga Search campaign, tiyaking magdagdag ng kahit 4 na iba't ibang uri ng asset sa account o mga campaign mo.

Alamin kung paano i-boost ang iyong mga ad gamit ang mga asset.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
512355194369517035
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false