Tungkol sa naka-automate na pag-bid

Gaya ng inanunsyo noong Setyembre 5, 2024, ang strategy sa pag-bid na Pinahusay na CPC (Enhanced CPC o ECPC) ay hindi na magiging available para sa mga Search at Display campaign.

Ano ang mangyayari sa Oktubre 2024?

  • Hindi magiging available para sa Search o Display ang kakayahang mag-opt in sa strategy sa pag-bid na ECPC.
  • Aalisin ang opsyong ECPC para sa mga kasalukuyang campaign na lumipat mula sa ECPC.
  • Patuloy itong magagamit ng mga kasalukuyang campaign na gumagamit ng ECPC hanggang Marso 2025.

Tandaan ang mga sumusunod:

  • Habang nagta-transition sa bagong strategy sa pag-bid, mahalagang subaybayan nang mabuti ang performance at i-minimize ang mga pagbabago-bago dahil unti-unting nag-a-adjust ang pag-bid sa bago mong strategy.
  • Pamahalaan ang paggastos at performance sa pamamagitan ng pag-adjust ng mga badyet at target kung kinakailangan
  • Pagkalipas ng Marso 15, 2025, awtomatikong mama-migrate sa Manual na Cost-Per-Click (CPC) ang mga Search at Display campaign na gumagamit pa rin sa strategy sa pag-bid na ECPC.

Pag-isipan ang mga sumusunod na strategy sa pag-bid at layunin:

  • Pag-maximize ng mga conversion o Target na CPA: Kung ang layunin mo ay makakuha ng maraming conversion hangga't posible sa iyong mga limitasyon sa badyet at target na CPA (kung naaangkop). May higit pang detalye rito
  • Pag-maximize ng halaga ng conversion o Target na ROAS: Kung ang layunin mo ay i-maximize ang return on ad spend na itatakda mo na pasok sa iyong mga limitasyon sa badyet at target na ROAS (kung naaangkop). Bago magpalit ng layunin, siguraduhing mayroon kang mga sapat na conversion na naka-enable ang halaga (dalawa o higit pang magkakaibang halaga). May higit pang detalye rito at sa hub ng pag-bid na batay sa halaga
  • Pag-maximize sa mga pag-click o target na Mga Impression/Cost-per-thousand impressions (CPM): kung ang pangunahin mong layunin ay paramihin ang mga pagbisita sa site o impression.
  • Pay per conversion (Display lang): Kung kwalipikado, puwede kang gumamit ng Magbayad para sa Mga Conversion para maparami ang mga conversion nang ang binabayaran lang ay ang mga conversion na iyon. Makakita ng higit pang detalye tungkol sa pagiging kwalipikado rito.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa iba't ibang strategy sa pag-bid, sumangguni sa Tungkol sa naka-automate na pag-bid at Ang Iyong Gabay sa Smart Bidding

Mas pinapadali at pinapatumpak ng naka-automate na pag-bid ang pagtatakda ng mga bid para matugunan ang iyong mga layunin sa performance. Hindi tulad ng Manual na CPC na pag-bid, hindi kailangang manual na i-update ang mga bid para sa mga partikular na ad group o keyword. Nagtatakda ang Google Ads ng mga bid para sa iyong mga ad batay sa posibilidad ng ad na iyon na magresulta sa isang pag-click o conversion na tutulong sa iyong maabot ang isang partikular na layunin para sa iyong negosyo.

Makakatulong sa iyo ang iba't ibang uri ng mga naka-automate na diskarte sa pag-bid na mapataas ang mga pag-click, visibility, at mga conversion. Natututo ang mga naka-automate na diskarte sa pag-bid sa paglipas ng panahon, at gumagamit ang mga ito ng impormasyon tungkol sa performance ng isang bid para mapagbatayan ng mga bid sa hinaharap. Matutunan kung paano tumukoy ng diskarte sa pag-bid batay sa iyong mga layunin

Inilalarawan ng artikulong ito ang iba't ibang layunin sa negosyo at ang naka-automate na diskarte sa pag-bid na pinakamahusay na makakaabot sa bawat layunin.

Tandaan: Kung gusto mong i-automate ang iyong pag-bid partikular na para sa isang Shopping campaign, sumangguni sa Tungkol sa mga naka-automate na pag-bid para sa mga Shopping campaign.

Paano pinapahusay ng Smart Bidding ang naka-automate na pag-bid para sa mga Search campaign

Ginagamit ng Smart Bidding ang mga benepisyo ng naka-automate na pag-bid na nakatuon sa layunin at inilalapat ang mga iyon sa mga conversion (mga pag-click na na-convert sa mga pagbili o serbisyo) at halaga ng conversion. Isinasaalang-alang nito ang iba't ibang signal sa oras ng auction kung saan kasama ang device, lokasyon, oras ng araw, listahan ng remarketing, wika, at operating system para makuha ang natatanging konteksto ng bawat paghahanap. Gumagamit ang Smart Bidding ng feature na tinatawag na “pag-bid sa oras ng auction,” na nagtatakda ng bid para sa bawat query. Ang Target na CPA, Target na ROAS, Pag-maximize ng mga conversion at Pag-maximize ng halaga ng conversion ay mga diskarte sa Smart Bidding. Matuto pa tungkol sa Smart Bidding.

Halimbawa

Baka gusto mong paramihin ang mga conversion sa lahat ng iyong campaign sa isang CPA na layunin, pero wala kang oras na magtakda ng indibidwal na max. CPC para sa bawat indibidwal na keyword. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga campaign na iyon sa isang portfolio na strategy sa pag-bid na Target na CPA at pagtatakda ng CPA na layunin na gusto mong maabot, binibigyang-daan mo ang Google Ads na mag-optimize ng mga bid gamit ang advanced na AI para mabigyan ka ng mas mahusay na performance para sa iyong mga layunin.

Para sa higit pang impormasyon kung paano gumagana ang Smart Bidding, sumangguni sa Iyong gabay sa Smart Bidding, Tungkol sa Smart Bidding, at Pagtatakda ng Mga Mas Smart na Bid sa Search.

Mga uri ng mga naka-automate na strategy sa pag-bid

Layunin Diskarte sa pag-bid

Paramihin ang mga pagbisita sa site.

Itinatakda ng Pag-maximize sa mga pag-click ang iyong mga bid para makatulong na makuha ang pinakamaraming pag-click na pasok sa badyet mo.

Available ang Pag-maximize sa mga pag-click bilang karaniwang strategy sa isang campaign o portfolio na strategy sa pag-bid sa maraming campaign.

Matuto pa tungkol sa Pag-maximize sa mga pag-click

Matuto pa tungkol sa Pag-maximize sa mga pag-click para sa mga Shopping campaign

Dagdagan ang visibility.

Nagtatakda ang Target na bahagi ng impression ng mga bid para maipakita ang iyong ad sa pinakataas ng page, sa itaas ng page, o kahit saan sa page ng mga resulta ng paghahanap sa Google.

Available ang target na bahagi ng impression sa Search Network lang, bilang karaniwang strategy sa isang campaign o portfolio na strategy sa pag-bid sa maraming campaign.

Matuto pa tungkol sa Target na bahagi ng impression.

Makakuha ng mas maraming conversion gamit ang iyong target na CPA.

Smart Bidding

Nagtatakda ng mga bid ang Target na CPA para makatulong na makakuha ng maraming conversion hangga't maaari sa itatakda mong target na cost-per-action (CPA). Posibleng mas mahal o mas mura ang ilang conversion kaysa sa iyong target.

Available ang Target na CPA bilang karaniwang diskarte sa isang campaign o portfolio na diskarte sa pag-bid sa maraming campaign.

Kung available ang Pag-maximize ng mga conversion o Pag-maximize ng halaga ng conversion para sa uri ng iyong campaign, inirerekomenda naming gamitin mo iyon sa halip na ang Target na CPA.

Kapag gumagamit ka ng Pag-maximize ng halaga ng conversion nang walang nakatakdang Target na CPA, susubukan naming gastusin ang iyong badyet para i-maximize ang halaga ng conversion para sa mga campaign mo.

Kapag gumagamit ka ng Pag-maximize ng halaga ng conversion nang may nakatakdang Target na CPA, tutulong kami para makuha mo ang pinakamalaking halaga ng conversion hangga't possible sa target na return on ad spend (ROAS).

Matuto pa tungkol sa Target na CPA

Abutin ang isang target na return on ad spend (ROAS) kapag binibigyan mo ng iba't ibang halaga ang bawat conversion.

Smart Bidding

Nagtatakda ang Target na ROAS ng mga bid para makatulong na makakuha ng malaking halaga ng conversion hangga't maaari batay sa itinakda mong target na return on ad spend (ROAS). Posibleng mas malaki o mas maliit ang kita ng ilang conversion kaysa sa iyong target.

Available ang Target na ROAS bilang karaniwang diskarte sa isang campaign o portfolio na diskarte sa pag-bid sa maraming campaign.

Matuto pa tungkol sa Target na ROAS.

Matuto pa Tungkol sa Target na ROAS para sa mga Shopping campaign

Matuto pa tungkol sa kung paano i-set up ang Target na ROAS para sa Mga Hotel Ad

Makakuha ng mas maraming conversion habang ginagastos ang iyong badyet.

Smart Bidding

Makakatulong sa iyo ang pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion na mag-optimize para sa mga conversion.

Mayroon kang opsyong magtakda ng Target na CPA sa iyong diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion na nangangahulugang susubukan ng Smart Bidding na makakuha ng maraming conversion hangga't posible sa target na cost-per-action (CPA) na itatakda mo. Kung hindi nakatakda ang opsyong Target na CPA, susubukan ng Pag-maximize ng mga conversion na gastusin ang iyong badyet para makakuha ng maraming conversion hangga't posible.

Makakatulong sa iyo ang pag-bid na Pag-maximize ng halaga ng conversion na mag-optimize para sa mga halaga ng conversion. Mayroon kang opsyong magtakda ng Target na ROAS sa iyong diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng halaga ng conversion, na nangangahulugang susubukan ng Smart Bidding na makuha ang pinakamalaking halaga ng conversion hangga't posible sa target na return on ad spend (ROAS) na itatakda mo. Kung hindi nakatakda ang opsyong Target na ROAS, susubukan ng Pag-maximize ng halaga ng conversion na gastusin ang iyong badyet para humihimok ng mas malaking halaga ng conversion hangga't posible.

Binibigyang-diin ng Pag-maximize ng mga halaga ng conversion ang lugar na gusto mong i-maximize, pero nililimitahan nito ang paggastos sa iyong tinukoy na badyet.

Sumangguni sa Pag-maximize ng mga conversion kumpara sa Pag-maximize ng halaga ng conversion

Matuto pa Tungkol sa Pag-maximize ng mga conversion

Makakuha ng higit pang halaga ng conversion habang ginagastos ang iyong badyet.

Smart Bidding

Nagtatakda ang Pag-maximize ng halaga ng conversion ng mga bid para matulungan kang makuha ang pinakamalaking halaga ng conversion para sa iyong campaign habang ginagastos ang badyet mo.

Binibigyang-diin ng Pag-maximize ng mga halaga ng conversion ang lugar na gusto mong i-maximize, pero nililimitahan nito ang paggastos sa iyong tinukoy na badyet.

Kapag gumagamit ka ng Pag-maximize ng halaga ng conversion nang walang nakatakdang Target na ROAS, susubukan naming gastusin ang iyong badyet para i-maximize ang halaga ng conversion para sa mga campaign mo.

Kapag gumagamit ka ng Pag-maximize ng halaga ng conversion nang may nakatakdang Target na ROAS, tutulong kami para makuha mo ang pinakamalaking halaga ng conversion hangga't possible sa target na return on ad spend (ROAS).

Kapag gumawa ka ng diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng halaga ng conversion, puwede kang magtakda ng Target na ROAS (return on ad spend).

Sumangguni sa Pag-maximize ng mga conversion kumpara sa Pag-maximize ng halaga ng conversion

Matuto pa Tungkol sa Pag-maximize ng halaga ng conversion

Gumawa ng naka-automate na strategy sa pag-bid

Puwede kang gumawa ng naka-automate na diskarte sa pag-bid para sa iisang campaign (karaniwang diskarte) o maraming campaign (portfolio na diskarte sa pag-bid) sa mga sumusunod na paraan:

  • Gumawa gamit ang isang bagong campaign.
  • Gumawa o magbago mula sa mga setting ng campaign.
  • Gumawa mula sa “Mga strategy sa pag-bid”

Para gawin, suriin, o pamahalaan ang iyong mga strategy sa pag-bid, gawin ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga badyet at pag-bid sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga strategy sa pag-bid.

Para gumawa ng strategy sa pag-bid, sumangguni sa Mag-set up ng Smart Bidding.

Tip: Kung hindi ka pa rin sigurado kung paano gumagana ang bawat strategy sa pag-bid, sumangguni sa Paghahanap ng tagumpay gamit ang Smart Bidding.

Ang kahusayan ng Smart Bidding

Ang Smart Bidding ay isang hanay ng mga strategy sa pag-bid na batay sa conversion, Target na CPA, Target na ROAS, at Pinahusay na CPC, na gumagamit ng advanced na AI para tulungan kang iangkop ang tamang bid sa bawat auction. Isinasaalang-alang nito ang maraming iba't ibang signal sa oras ng auction, kasama na ang device, lokasyon, oras ng araw, listahan ng remarketing, wika, at operating system para makuha ang natatanging konteksto ng bawat paghahanap.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang Smart Bidding, sumangguni sa Tungkol sa Smart Bidding o i-download ang aming Display Smart Bidding Guide.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12618685104814468379
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false