Mga pagbabago sa pag-target ng audience: Hindi na susuportahan ng Google Ads ang mga katulad na audience (kilala rin bilang “mga katulad na segment”)

Tulad ng inanunsyo noong Nobyembre 1, 2022, ililipat ang mga katulad na audience sa mga mas matatag na solusyon at aalisin ang mga ito sa Google Ads.

Ano ang mangyayari sa Agosto 2023?

  • Unti-unting aalisin ang mga katulad na segment sa lahat ng ad group at campaign sa Google Ads at dapat itong makumpleto hanggang sa katapusan ng buwan.
  • Patuloy kang magkakaroon ng access sa dating pag-uulat para sa mga segment ng katulad na audience mula sa mga nakaraang campaign.

Tandaan na:

  • Io-opt in sa naka-optimize na pag-target ang mga Display at Video action campaign na gumagamit pa rin ng mga segment ng katulad na audience pagkalipas ng Agosto 1, 2023.
  • Io-opt in sa pagpapalawak ng audience ang Video campaign na may mga layuning “Pagsasaalang-alang sa produkto at brand” o “Kaalaman sa brand at abot.”
  • Kung nag-opt out ka bago sumapit ang Agosto 1, 2023, mapo-pause ang mga ad group at campaign na nagta-target ng mga katulad na segment. Siguraduhing i-unpause ang mga ito at magdagdag ng mga kaugnay na pamantayan sa pag-target.

Iba pang paalala:

  • Idaragdag ang mga kaukulang first-party na segment ng audience bilang signal sa naka-optimize na pag-target at bilang pamantayan sa pag-target para sa pagpapalawak ng audience.
  • Kung nag-opt in ka sa awtomatikong paglalapat nang may rekomendasyong “Gumamit ng naka-optimize na pag-target,” patuloy itong gagana gaya ng inaasahan. Puwede mong patuloy na pamahalaan ang awtomatikong paglalapat sa pamamagitan ng pagbisita sa page na Mga Rekomendasyon.

Pagkalampas ng Agosto 1, aalisin na ang mga katulad na segment sa lahat ng ad group at campaign sa Google Ads. Magkakaroon ka pa rin ng access sa dating pag-uulat para sa mga katulad na segment mula sa mga nakaraang campaign.

Bilang kapalit ng mga katulad na segment, mag-aalok ng iba't ibang solusyon ang iba't ibang uri ng campaign para tulungan kang i-leverage ang iyong data mula sa first-party, abutin ang tamang audience, at pahusayin ang performance ng campaign para direkta kang makapag-optimize para sa mga layunin ng negosyo mo.

Kung gumagamit ka na ng mga katulad na segment sa mga Display o Video Action campaign, at hindi mo pa nao-on ang naka-optimize na pag-target, dapat mong i-on ang naka-optimize na pag-target para makaabot ng mga karagdagang nauugnay at pinalawak na audience at makapag-optimize para sa iyong mga layunin sa conversion. Matuto pa kung paano Gumamit ng naka-optimize na pag-target.

Kung gumagamit ka ng mga katulad na segment sa mga video campaign para sa Kaalaman at Abot o Pagsasaalang-alang, dapat mong isama ang iyong mga segment ng data mula sa first-party sa mga ad group mo, at i-on ang pagpapalawak ng audience para abutin ang mga taong katulad ng nasa iyong data mula sa first-party. Matuto pa tungkol sa Paggamit ng pagpapalawak ng audience.

Kung gumagamit ka ng mga katulad na segment sa mga Search o Shopping campaign at hindi ka gumagamit ng Smart Bidding, dapat mong gamitin ang Smart Bidding sa mga campaign mo. Kung gumagamit ka na ng Smart Bidding, o kung nagpapagana ka ng mga Performance Max campaign, wala ka nang kailangang gawin, dahil nile-leverage ng mga Performance Max campaign ang mga signal mula sa iyong data mula sa first-party.

Paalala para sa Display & Video 360:
Kung gumagamit ka ng mga katulad na segment sa mga item sa linya ng pagkilos ng video sa YouTube sa Display & Video 360 at hindi mo pa nao-on ang naka-optimize na pag-target, dapat mong i-on ang naka-optimize na pag-target. Para sa iba pang uri ng mga item sa linya ng video sa YouTube, puwede mong gamitin ang pagpapalawak ng audience kapag naging available na ito sa unang bahagi ng 2023.

 


Bakit isinasagawa ang pagbabagong ito?

Ngayong pahigpit na nang pahigpit ang mga karaniwang diskarte sa online marketing, kailangan ng mga mas bago at mas matibay na strategy para mapalago ang iyong negosyo. Ang pinakamagandang paraan para makapaghanda sa mga pagbabagong ito ay sa pamamagitan ng Google AI, na tutulong sa iyong abutin ang mga nauugnay na audience at sukatin ang mga resulta sa mga paraang nakatuon sa privacy. Kaya namin ia-upgrade ang mga katulad na audience sa mas mahuhusay na solusyong batay sa AI, gaya ng naka-optimize na pag-target, pagpapalawak ng audience, at Smart Bidding, na makakatulong sa iyong i-leverage ang iyong data mula sa first-party at mag-optimize para sa mga layunin mo sa marketing.

 


Ano’ng magbabago simula 2023?

  • Mga pagbabago sa Agosto 1, 2023:
    • Hindi mo magagamit ang mga katulad na segment para sa pag-target at pag-uulat.
    • Aalisin sa lahat ng ad group at campaign ang mga katulad na segment.
    • Hindi lalabas ang mga katulad na segment sa Google Ads, kabilang ang Manager ng Audience.
    • Hindi isasama sa mga insight o pag-uulat ng Google Ads ang mga katulad na segment. Magiging available pa rin ang dating pag-uulat.
    • Hindi gagana ang mga panuntunan sa halaga ng conversion gamit ang mga katulad na segment, at hindi ia-adjust ang halaga ng conversion batay sa mga katulad na segment.

 


Ano ang puwede mong gawin para paghandaan ang mga pagbabagong ito?

Para sa mga Search campaign at regular na Shopping campaign

Layunin Kasalukuyang taktika Inirerekomendang solusyon
Humimok ng performance

Obserbasyon o pag-target ng mga katulad na segment gamit ang Smart Bidding

+

Pag-uulat sa mga katulad na segment

Dapat gawin: Walang kailangang gawin

  1. Ang lahat ng segment ng Customer Match, kabilang ang mga hindi naka-target na segment ng customer match ay awtomatikong isasama bilang signal sa mga modelo ng Smart Bidding (maliban kung nag-opt out ka rito sa level ng account).
  2. Pag-target: Hindi magiging available ang mga katulad na segment para sa pag-target
  3. Pag-uulat: Sa pamamagitan ng Mga insight sa audience ng first-party na nasa page na Mga Insight, mauunawaan mo kung paano naghahatid ng halaga ang mga segment ng first-party, sa pamamagitan man ng mga conversion o sa pagbibigay ng mga signal para sa pag-bid mo. Magiging available ang mga insight na ito para sa lahat sa katapusan ng Marso 2023.
Bigyan ng iba't ibang halaga ang mga user

Manual na pag-bid sa mga katulad na segment

o panuntunan sa halaga ng conversion sa mga katulad na segment

Gamitin ang Smart Bidding para awtomatikong bigyan ng halaga ang mga user batay sa mga conversion o halaga ng conversion

Mga panuntunan sa halaga ng conversion: Hindi magiging available ang mga katulad na segment para sa mga panuntunan sa halaga

Pagkuha ng bagong customer

Pag-target ng mga purchaser sa katulad na segment

Layuning pagkuha ng bagong customer

Para sa mga Display at Video action campaign

Layunin Kasalukuyang taktika Inirerekomendang solusyon
Humimok ng performance at abutin ang mga bagong user Mag-target ng mga katulad na segment, naka-enable man o hindi ang naka-optimize na pag-target, habang ginagamit din ang mga in-market na segment, segment ng affinity ng audience, at mga custom na segment ng Google

Dapat gawin: Isama ang iyong mga segment ng first-party;

Kung hindi naka-enable ang naka-optimize na pag-target, i-enable ang naka-optimize na pag-target

Isama ang iyong data mula sa first-party (halimbawa, mga segment ng Customer Match) sa mga audience na ibibigay bilang mga hint para sa naka-optimize na pag-target, na makakatulong sa pagpapahusay ng performance. Ipagpatuloy ang pagsunod sa pinakamahuhusay na kagawian sa paggawa ng mga custom na segment at paggamit ng mga in-market na segment at segment ng affinity ng Google.

Bigyan ng iba't ibang halaga ang mga user Mag-target ng mga katulad na segment sa iba't ibang ad group at campaign

Dapat gawin: Gamitin ang naka-optimize na pag-target kasabay ng iyong mga first-party na listahan bilang mga hint sa audience.

Para sa Video sa YouTube para sa Kaalaman at Abot o Pagsasaalang-alang

Layunin ng advertiser Kasalukuyang taktika Inirerekomendang solusyon

Mag-target ng partikular na persona para sa Kaalaman o Pagsasaalang-alang

Pag-target ng katulad na segment

Dapat gawin: Gamitin ang pagpapalawak ng audience

Gamitin ang data mula sa first-party sa mga ad group at i-enable ang pagpapalawak ng audience para palawakin ang iyong abot sa mga katulad na user, batay sa data mula sa first-party.

 

 


Mga FAQ

I-expand lahat

1. Ano ang naka-optimize na pag-target at paano namin ito gagamitin bilang pamalit sa mga katulad na segment?

Depende sa layunin ng campaign, nakakatulong sa iyo ang naka-optimize na pag-target na maabot ang mga bago at nauugnay na audience na malamang na mag-convert. Higit pa sa mga segment ng audience na manual na pinili sa campaign ang tinitingnan ng naka-optimize na pag-target para makahanap ng mga segment ng audience na posibleng napalampas ng mga advertiser para mapahusay ang performance ng campaign. Sa halip na mag-target ng katulad na segment, puwede mong i-on ang naka-optimize na pag-target sa ad group at isama ang iyong mga segment ng data mula sa first-party bilang mga hint. Kung gusto mong magbukod ng mga user sa iyong mga segment ng first-party, puwede mo itong gawin gamit ang mga pagbubukod ng audience.

2. Ano ang mangyayari sa dati kong data mula sa aking mga katulad na segment? Magagamit ko pa ba ito sa susunod?

Magkakaroon ka pa rin ng access sa data ng dating performance para sa anumang katulad na segment na idinagdag sa mga campaign at ad group mo.

3. Makakaranas ba ako ng mga negatibong pagbabago sa performance o pagkawala ng kita?

Hindi dapat magresulta sa pagkawala ng kita ang mga update na ito. Makakapagbigay ang mga alternatibong solusyong inilarawan sa itaas ng katumbas o mas mahusay na performance sa mga layunin ng campaign mo.

4. Ano ang dapat kong gawin para paghandaan ang pagbabagong ito?

Sumangguni sa talahanayan sa itaas kung saan nakalista ang mga partikular na layunin at mga nauugnay na dapat gawin. Patuloy ring gamitin ang Customer Match para abutin at i-engage ulit ang mga customer mo sa Google Ads.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10320887767550974690
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false