Mga update ng creator

Gamitin ang artikulong ito para manatiling up to date sa mga pinakabagong update ng creator. Para sa iba pang paksa, tingnan ang mga artikulong ito:

Buwanang roundup mula sa channel para sa Mga Creator sa YouTube

Buwanang roundup ng Mga Creator sa YouTube

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Mga pinakabagong update sa manonood sa YouTube

Mga update mula sa nakalipas na 4 na linggo

Iba pang update

Mga bagong suhestyon para palitan ang mga kanta ng video mo: Nagdagdag kami ng bagong tab na “Mga Suhestyon" sa feature na Palitan ang kanta sa YouTube Studio. Ngayon, mapipili mo na rin ang parehong kanta nang maraming beses, at mamu-mute at mapapalitan ang isang kanta sa iisang operasyon. Matuto pa.
Live streaming
  • Mga Q&A sticker ng YouTube Live sa mobile: Puwede ka na ngayong magdagdag ng mga Q&A sticker sa mga live stream sa iyong mga mobile device. Ang mga Q&A sticker ay isang madaling paraan para makipag-ugnayan sa iyong audience nang real time gamit ang mga nako-customize na prompt. Nasa Shorts na ang feature na ito sa ngayon at available na sa live stream sa mobile. Matuto pa

Iba pang update

  • Bagong setting ng pagsasanay ng third party: Mapipili mo na ngayon kung gusto mong payagan ang mga third-party na kumpanya na gamitin ang iyong content para sanayin ang mga modelo ng AI. Matuto pa.

Mga nakaraang update sa manonood sa YouTube

Mga update mula sa nakalipas na 6 na buwan

Nobyembre 2024

Iba pang update
  • Mag-upload ng mga video at Shorts gamit ang isang third-party app: Simula Nobyembre 2024, puwede kang magbahagi at mag-upload ng mga long-form video at Shorts mula sa mga external na app sa mga Android at iOS device. Kung hindi mo nakikita ang YouTube app bilang opsyon sa pagbabahagi, puwede mo itong idagdag sa pamamagitan ng menu sa pagbabahagi ng app sa iyong device. Bibigyang-daan ka nito na direktang mag-upload ng mga video mula sa ibang app.
  • Mga Pagbabago sa Mga Tab na Inspirasyon at Mga Trend: Makikita na ngayon ang Tab na Inspirasyon sa page na Content sa YouTube Studio sa desktop. Madali mong mae-explore ang mga ideya sa tulong ng mga AI tool para mag-brainstorm ng mga ideya, outline, pamagat, at suhestyon sa thumbnail para sa iyong susunod na video sa iisang lugar. Kasalukuyang available ang feature na ito sa mga kwalipikadong bansa. Matuto pa tungkol sa Tab na Inspirasyon.

I-explore din ang Tab na Mga Trend para makakita ng mga paksa at makakuha ng mga ideya para sa iyong susunod na video. Makikita mo sa Analytics ang Tab na Mga Trend sa lahat ng device. Matuto pa tungkol sa Tab na Mga Trend.

YouTube Analytics
  • Available na sa YouTube Studio ang data ng performance sa Shopping para sa Shopify: Simula Nobyembre 2024, madali nang matitingnan ng mga creator na nagkonekta ng kanilang mga store sa Shopify sa YouTube Shopping ang kanilang data ng performance nang direkta sa YouTube Analytics. Makakakita ang mga creator ng impormasyon kaugnay ng mga kabuuang benta, bilang ng mga order, at higit pa sa tab na Kita. Matuto pa.

Oktubre 2024

Iba pang update
  • Kinakailangan ng Studio app OS: Ang pinakabagong YouTube Studio app ay gumagana lang sa Android 10.0 o mas bago at iOS 16 o mas bago. Matutunan kung paano i-update ang app.
  • Hindi na available ang maramihang pag-upload sa Android: Simula sa gitnang bahagi ng Nobyembre 2024, aalisin na namin ang kakayahang mag-share ng maraming video nang sabay-sabay sa YouTube app sa Android mula sa ibang app. Puwede pa ring mag-upload ang mga creator ng isang video sa bawat pagkakataon sa kanilang mga Android device. Hindi makakaapekto ang pagbabagong ito sa mga maramihang pag-upload sa desktop. Matuto pa.
  • Mga update sa tab na Komunidad: In-upgrade ang tab na Komunidad sa YouTube Studio app para magkaroon ng mga bagong tool na nakakatipid ng oras na tutulong sa iyong buuin at pamahalaan ang mga komunidad mo. Matuto pa.
  • Pag-e-eksperimento sa mga minimum na threshold sa pagbabayad: Patuloy kaming nagsusumikap na pahusayin ang experience sa pag-monetize para sa mga creator. Bilang bahagi ng aming pagsusumikap, nag-e-eksperimento kami sa aming infrastructure ng pagbabayad. Sa mga susunod na linggo, posibleng makapansin ang ilang creator ng pagbabago sa kanilang minimum na threshold sa pagbabayad. Posibleng pansamantala ang pagbabagong ito at hindi makakaapekto ang eksperimento sa iyong mga kita at pangkalahatang status ng pag-monetize.
  • Tingnan ang data ng mga benta at order sa YouTube Shopping: Ang mga creator na nagkonekta ng kanilang mga Spreadshop, Spring, at Cafe24 store sa YouTube Shopping ay makakakita na ngayon ng higit pang data ng performance para sa mga produkto nila sa YouTube Analytics. Puwede mo na ngayong tingnan ang kabuuang benta, bilang ng mga order, mga nangungunang produkto (ayon sa mga benta) para sa Cafe24, at nangungunang kumikitang content (ayon sa mga benta) sa tab na Kita. Matuto pa.
YouTube Shorts

Setyembre 2024

YouTube Shorts
  • Ngayon, sa lahat na ng mobile device, pumili ng thumbnail kapag gumawa ka ng Mga Short: Puwede ka nang pumili ng frame mula sa iyong Short na gagamitin bilang thumbnail, pagkatapos ay magdagdag ng text at mag-apply ng filter kapag gumawa ka ng Mga Short sa Android at iPhone. Matuto pa tungkol sa paggawa ng Mga Short.

Agosto 2024

Iba pang update

 

  • Magsumite ng impormasyon ng buwis bago ang Dis 10: Tiyaking magsusumite ka ng iyong form para sa buwis, at kung kwalipikado, magke-claim ng benepisyo ng tax treaty, bago ang ika-10 ng Dis. Nire-require ang lahat ng nagmo-monetize na creator, saanman ang kanilang lokasyon, na magsumite ng impormasyon ng buwis. Inirerekomenda naming suriin at i-update ang iyong impormasyon ng buwis bawat taon. Kahit na walang nagbago, nag-e-expire ang iyong mga form para sa buwis kada ilang taon. Matuto pa.

 

  • Mas Simpleng Channel ng Creator: Simula sa Agosto 2024, makakakita ang ilang creator ng pinasimpleng bersyon ng kanilang channel kung saan inalis ang “tab na Home” para pahusayin ang pag-navigate para sa maliliit na channel. Puwedeng i-on ng mga creator ang “tab na Home” sa anumang oras sa YouTube Studio para simulan ang pag-curate ng kanilang content.

    Na-merge na namin ang “Pag-brand” at “Pangunahing Impormasyon” sa tab na “Profile.” Ire-rename din ang tab na “Layout” at gagawing “tab na Home.” Matuto pa.

  • Mga pagbabago sa mga pag-apela sa pagsususpinde sa YPP: Para sa ilang paglabag sa patakaran, aabisuhan ang mga creator kung nakaiskedyul na suspindihin ang kanilang channel at iimbitahan silang mag-apela bago ang pagsususpinde. May 7 araw para mag-apela ang mga apektadong creator nang hindi nawawalan ng pag-monetize. Kung tatanggihan namin ang iyong apela, aalisin ka sa YPP, pero puwede kang mag-apply ulit pagkalipas ng 90 araw. Kung hindi ka magsusumite ng apela bago ang pagsususpinde sa iyo, puwede kang magsumite ng apela sa loob ng 21 araw mula sa pagkakasuspinde o mag-apply ulit sa YPP pagkalipas ng 90 araw. Matuto pa.

Mayo 2024

Komunidad at mga komento
  • Availability ng post sa komunidad: Sa loob ng susunod na ilang linggo, maglulunsad kami ng access sa mga post para sa karamihan ng mga channel sa YouTube. Matuto pa.

YouTube Analytics

  • Makakuha ng mga ideya sa tab na Inspirasyon: May ilang pagbabagong ginawa sa tab na Pananaliksik. Ni-rename na sa tab na Inspirasyon ang tab na Pananaliksik. Sa YouTube Studio desktop, magagawa na ngayon ng mga creator na mag-brainstorm ng mga creative na ideya at bumuo ng mga outline ng video sa tulong ng tool na binuo ng AI na available na ngayon sa tab na Inspirasyon. Matuto pa.

Iba pang update

  • Mga pagbabago sa display ng page ng channel: Ipapakita na ngayon ng page ng iyong channel ang lahat ng stage sa visibility (naka-publish, pribado, nakaiskedyul, hindi nakalista, at mga video na pang-membership) gamit ang mga filter chip para mabilis mong pagbukud-bukurin ang iyong content ayon sa mga pinakabago, pinakaluma, at pinakasikat na video sa iisang lugar. Makikita mo rin ang mga paghihigpit sa iyong mga video at nabigong pag-upload. Matuto pa tungkol sa iyong mga setting ng privacy.

Abril 2024

YouTube Analytics
  • Mga filter ng pagpapanatili ng audience: Puwede na ngayong i-filter ng mga creator ang mga sukatan ng performance na haba ng panonood at average na tagal ng panonood ayon sa Mga Bago o Bumalik na manonood, para makita ang performance ng iyong content sa bawat uri ng manonood. Matuto pa.
  • Magkumpara ng mga impression: Puwede mo na ngayong ikumpara ang bilang ng mga impression at ang resultang click-through rate (CTR) sa pamamagitan ng mga bagong manonood kumpara sa mga bumalik na manonood. Matuto pa tungkol sa feature na ito.

YouTube Shorts

  • Mag-remix ng remix: Puwede ka nang mag-remix ng content na na-remix na. Sa tulong nito, mas maipapakita mo ang pagiging malikhain sa Shorts. Matuto pa.

YouTube Studio

  • Mga Clip sa YouTube Studio: Magagawa na ngayon ng mga creator na tumingin, mamahala, at mag-share ng Mga Clip sa YouTube Studio. Matuto pa.

Marso 2024

YouTube Studio
  • Binagong setting ng content: Simula sa Marso 18, 2024, ire-require na sa iyo sa pangkalahatan na ihayag sa proseso ng pag-upload kung may makabuluhang binago sa content na ina-upload mo o synthetic itong binuo. Magiging available muna ang tool na ito sa YouTube Studio sa mga computer, at pagkatapos ay papalawakin ito sa paggawa sa mobile. Matuto pa.
  • Mga Upload sa Studio Mobile: Puwede mo na ngayong i-upload at itakda ang status ng pag-monetize para sa mga video at Short nang direkta sa YouTube Studio sa iyong mga mobile device. Matutunan kung paano mag-upload ng mga video at Short gamit ang YouTube Studio.

Pebrero 2024

Iba pang update

Enero 2024

YouTube Studio

  • Seksyon na "Mga nangungunang clip ng komunidad": Puwede mong ipakita ang mga nangungunang clip ng iyong mga video sa tab na Home ng channel mo. Puwedeng gawa mo o ng iyong komunidad ang mga clip na ito. Kapag naidagdag na sa iyong tab na Home, makikita ng publiko ang mga clip at isasaayos ang mga ito nang ayon sa kasikatan at kung kailan ginawa ang mga ito. Matuto pa.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
16493591468503455145
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false
false