Hindi makapaglipat ng data sa bagong Pixel phone

Kung magkakaproblema sa pagkopya ng data mula sa iyong kasalukuyang telepono papunta sa Pixel phone mo habang nagse-set up, subukan ang mga sumusunod na hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Puwede kang awtomatikong mag-transfer ng data mula sa karamihan sa mga phone na gumagamit ng Android 5.0 at mas bago o iOS 8.0 at mas bago, at manual na maglipat ng data mula sa karamihan sa iba pang system. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android o iOS.

Puwede ka ring mag-restore ng data sa teleponong hindi bago o na-reset. Alamin kung paano mag-back up at mag-restore ng data.

Mahalaga: Kung puno na ang iyong storage ng data batay sa capacity ng device mo, posibleng ma-pause ang paglilipat ng data. Tiyaking tingnan ang iyong capacity ng storage bago ka magsimula ng paglilipat ng data.

Naantala o hindi nagsisimula ang pag-set up

Nawalan ng baterya o nadiskonekta

Kung nawalan ka ng koneksyon sa Wi-Fi o mobile, o namatay ang telepono o nadiskonekta ang cable, mag-factory reset at pagkatapos ay magsimula ulit kaagad.

Walang nangyari o may mensaheng "Sumubok ng isa pang cable"

Suriin ang cable

  • Bunutin at pagkatapos ay isaksak ulit ang cable sa magkabilang dulo.
  • Sumubok ng ibang cable. Hindi nakakapaglipat ng data ang lahat ng power cable.

Subukan ang Quick Switch Adapter

  • Kung ginagamit mo ang Quick Switch Adapter, tingnan kung nakakabit ito sa iyong Pixel phone.
  • Kung hindi ka gumagamit ng Quick Switch Adapter, subukan ito. Puwedeng ipakita ng adapter sa iyong telepono kung saan ililipat ang data mo. Kung kinakailangan, gumamit ng USB-C to USB-A cable sa adapter.

Suriin ang ilang pangunahing kaalaman

  • Suriin kung parehong naka-unlock, naka-charge, at naka-on ang dalawang telepono.
  • Sa mga Pixel (2016) phone, kung naka-on ang Pantipid ng Baterya, i-off ang Pantipid ng Baterya.

Kung walang gumaganang cable, alamin kung paano maglipat nang walang cable.

Mensaheng "Posibleng hindi sinusuportahan ang telepono"
  1. I-install ang anumang available na update para sa iyong kasalukuyang telepono.
  2. I-restart ang iyong kasalukuyang telepono. Sa karamihan ng mga telepono, pindutin nang matagal ang power button hanggang sa ganap na mag-restart ang telepono.
  3. Subukan ulit ang Quick Switch Adapter. Kung hindi pa rin gumagana ang Quick Switch Adapter sa iyong kasalukuyang telepono, alamin kung paano maglipat nang walang adapter mula sa Android o iPhone.
Natigil ang paglilipat sa setup (Android lang)
  1. Kung hindi umusad ang pag-set up sa loob ng mahigit 15 minuto, i-tap ang Ihinto ang pagkopya.
  2. Kapag nakita mo ang "Malapit nang maging handa ang iyong telepono," tingnan kung aling data ang nakopya. Baka hindi mo makopya ang ilang partikular na data mula sa iyong kasalukuyang Android phone. Alamin kung aling data ang hindi makokopya mula sa Android.
Hindi makapaglipat gamit ang Wi-Fi
Ilang partikular na device lang ang puwedeng maglipat ng data gamit ang Wi-Fi. Kung ang teleponong nagpapadala ng data ay isang iPhone na gumagamit ng iOS 7 o mas luma o gumagamit ng Android 4 o mas luma, hindi gagana ang paglilipat.
Hindi makapag-set up ng profile sa trabaho

Kung magkakaroon ka ng mga isyu sa pag-set up ng profile sa trabaho habang nagse-set up ng telepono, subukan ang isa sa mga hakbang sa pag-troubleshoot na ito.

Laktawan ang pag-setup ng profile sa trabaho

  1. Sa panahon ng pag-setup, kapag lumabas ang prompt na nagsasabing, “Idagdag ang iyong account sa trabaho sa susunod na screen,” i-tap ang Laktawan.
  2. Normal na tapusin ang pag-set up.
  3. Kapag tapos na ang pag-setup, i-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Mga Password at Account at pagkatapos ay Magdagdag ng Account at pagkatapos ay Google.

Tip: Para matuto pa kung paano mag-set up ng profile sa trabaho, bisitahin ang I-set up ang Google Workspace sa Android device.

I-clear ang mga setting ng iPhone

Kung may kasamang pamamahala ng device ang account sa trabaho ng iyong iPhone, posibleng hindi nito ma-update nang tama ang ilang setting habang naglilipat ng data. Kung magkakaroon ka ng mga isyu, gawin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot na ito:

  1. Tanggalin ang iyong profile sa pamamahala ng device.
    1. Sa iyong iPhone, buksan ang app na Mga Setting.
    2. I-tap ang Pangkalahatan at pagkatapos ay Pamamahala ng Device.
    3. Piliin ang iyong profile.
    4. I-tap ang Alisin ang Pamamahala.
    5. Ilagay ang iyong passcode.
  2. I-clear ang mga setting ng iPhone mo.
    1. Sa iyong iPhone, buksan ang app na Mga Setting.
    2. I-tap ang Pangkalahatan at pagkatapos ay Ilipat o I-reset ang iPhone at pagkatapos ay I-reset at pagkatapos ay I-reset ang Lahat ng Mga Setting.
  3. Ulitin ang pag-setup ng telepono.

Tip: Hindi mabubura ang iyong mga app o data kapag ini-reset mo ang iyong mga setting sa iPhone.

Mag-factory reset sa iyong Pixel phone

Mahalaga: Binubura ng pag-factory reset ang lahat ng iyong data sa telepono mo.

Kung natapos mo na ang pag-setup ng telepono at hindi matagumpay o hindi makumpleto ang mga hakbang sa itaas, posibleng kailanganin mo munang mag-factory reset.

  1. Mag-factory reset sa iyong Pixel phone. Alamin kung paano i-factory reset ang iyong Pixel phone.
  2. Ulitin ang pag-setup ng telepono.

Natapos ang pag-set up perohindi nakopya ang data

Nilaktawan ang paglilipat ng data noong unang na-on

Bumalik sa pag-setup
  • Sa loob ng ilang minuto
    Makakatanggap ka ng notification na "Hindi pa tapos ang pag-set up ng Pixel." I-tap ang Tapusin ang pag-set up.
  • Sa loob ng ilang araw
    Buksan ang iyong app na Mga Setting. Sa itaas, i-tap ang Tapusin ang pag-set up.
  • Kung matagal mo nang ginagamit ang iyong telepono
    Puwede mong i-reset ang iyong telepono anumang oras. Gayunpaman, kapag nag-reset, mabubura ang lahat ng iyong data sa telepono mo. Alamin kung paano mag-reset sa mga factory setting.

Bakit hindi naililipat ang ilang data mula sa iPhone

iPhone na pinangangasiwaan ng organisasyon

Pinangagasiwaang iPhone

Kung negosyo, paaralan, o iba pang organisasyon ang nangangasiwa sa iyong iPhone, hindi mo puwedeng kopyahin ang iyong data. Para alamin kung sinusubaybayan ang iyong iPhone:
  1. Buksan ang Mga Setting At pagkatapos Pangkalahatan At pagkatapos Tungkol Dito.
  2. Sa ilalim ng pangalan ng iyong device, hanapin ang: "This iPhone is Supervised."

Pinamamahalaang iPhone

Kung negosyo, paaralan, o iba pang organisasyon ang namamahala ng iyong iPhone, posibleng malimitahan ang pagkopya mo. Para alamin kung pinapamahalaan ang iyong iPhone:

  1. Buksan ang Mga Setting At pagkatapos Pangkalahatan At pagkatapos Mga Profile at Pamamahala ng Device.
  2. Sa ilalim ng pangalan ng device, maghanap ng mga profile ng patakaran mula sa iyong organisasyon.

Upang madagdagan ang mga maililipat mo, maaari mong alisin ang mga profile na ito. Makakaapekto ito sa iyong access sa impormasyon ng organisasyon mo.

Naka-on ang iMessage
Kung lilipat ka sa isang Pixel phone mula sa isang iPhone, i-off ang iMessage. Alamin kung paano i-off ang iMessage.
May mga larawan na HEIF ang iPhone (iOS 11 at mas bago)
Para awtomatikong makita ang iyong mga orihinal na larawan na HEIF sa Pixel mo, i-save ang iyong mga larawan na HEIF sa Google Photos mula sa iPhone mo. Alamin kung paano mag-back up sa Google Photos.
Tip: Kung walang Google Photos ang iyong iPhone, mako-convert ang mga larawan na HEIF sa JPG sa Pixel habang nagse-set up.

Ano ang hindi makokopya habang nagse-set up

Mula sa Android
  • Mga download, tulad ng mga PDF file
  • Mga larawan, mga video, at musikang naka-store sa mga nakatago o naka-lock na folder
  • Mga app na hindi nagmula sa Google Play Store
  • Data mula sa mga app na hindi gumagamit ng pag-back up sa Android
  • Mga account maliban sa Mga Google Account at ang data ng mga ito
  • Mga contact at kalendaryo na naka-sync sa mga serbisyo maliban sa Google
  • Mga ringtone
  • Ilang partikular na setting ng telepono (nag-iiba-iba ayon sa telepono at bersyon ng Android)

Alamin kung paano ilipat ang ilan sa data na ito pagkatapos mag-set up.

Mula sa iPhone
  • Mga in-app na pagbili
  • Mga setting ng telepono, gaya ng mga password ng Wi-Fi
  • Musikang may proteksyon ng Digital Rights Management (DRM)
  • Mga bookmark mula sa Safari®
  • Mga bayad na app at app na hindi available sa Google Play
  • Ilang data ng app, gaya ng data mula sa mga app na hindi naka-store sa cloud

Alamin kung paano ilipat ang ilan sa data na ito pagkatapos mag-set up.

Mula sa BlackBerry o Windows Phone
Mula sa BlackBerry o Windows Phone, data lang sa Mga Google Account ang awtomatikong ipapakita sa Pixel phone. Alamin kung paano manual na kopyahin ang ilang data mula sa BlackBerry o Windows Phone.

Iba pang problema sa pagkopya ng data

Mula sa Android

Sa Pag-set Up - Walang cable
  1. Sa iyong Pixel phone:
    • Simulan ang pag-set up at i-tap ang Magsimula.
    • Kumonekta sa Wi-Fi network o sa iyong mobile carrier.
  2. Kapag hiniling na “Kopyahin ang Mga App at Data,” i-tap ang Susunod.
  3. Kapag hiniling na “Gamitin ang iyong lumang device,” i-tap ang Hindi magamit ang lumang telepono.
  4. Sundin ang mga hakbang sa screen para mag-log in sa iyong Google Account at i-access ang backup mo.
Tip: Para maglipat sa Pixel 6 o mas bago, kasama ang Fold, mula sa teleponong gumagamit ng Android 5 o mas bago, puwede kang magkopya ng data gamit ang Wi-Fi.
Hindi magamit ang lumang telepono
  1. Tiyaking mayroon kang backup ng kasalukuyan mong Android phone. Alamin kung paano pamahalaan ang mga backup.
  2. Sa iyong Pixel phone, i-tap ang Magsimula. Kung hindi mo nakikita ang "Magsimula," alamin kung paano bumalik sa pag-set up.
  3. I-tap ang Susunod At pagkatapos Hindi magamit ang lumang telepono.
  4. Sa ilalim ng "Kopyahin sa ibang paraan," i-tap ang OK At pagkatapos Isang backup mula sa cloud.
  5. Kumonekta sa Wi-Fi o mobile carrier.
  6. Mag-sign in sa Google Account na may backup ng iyong data.
  7. Sundin ang mga hakbang sa screen.
Gustong maglipat nang hindi bumabalik sa pag-set up o maglipat lang ng piniling data

Kopyahin ang mga contact

Kung gumagamit ka na ng mga contact sa Google Account mo, tulad ng Gmail, awtomatikong ipapakita ang mga ito sa iyong Pixel phone pagkatapos mong mag-sign in. Para makita ang iyong mga contact, buksan ang app na Mga Contact Mga Contact ng Pixel phone mo.

Kung nasa SIM card ang iyong mga contact, alamin kung paano mag-import ng mga contact mula sa SIM card.

Kopyahin ang mga larawan, video, file at folder

  • Nakakonekta sa internet
    Mag-upload ng content mula sa iyong kasalukuyang telepono o computer papunta sa Google Account mo. Ipapakita sa iyong Pixel phone ang content sa Google Account mo. Learn how to upload to Google Drive and back up to Google Photos.
  • Hindi makakonekta sa internet
    Maglipat ng content sa iyong Pixel phone gamit ang USB cable.

Mula sa iPhone

Walang cable: Gamitin ang app na Lumipat sa Android

Kung gusto mong lumipat nang hindi bumabalik sa pag-set up:

Para kopyahin ang iyong kalendaryo, mga larawan, at mga video sa bago mong Pixel phone, alamin kung paano i-back up ang data ng iPhone at iCloud sa Google Drive

Gusto lang maglipat ng piniling data

Kopyahin ang mga contact

Sa iyong Google Account

  • Kung ginagamit mo na ang mga contact sa iyong Google Account, tulad sa Gmail, makikita mo ang mga ito sa iyong mga app sa pakikipag-ugnayan sa Pixel phone mo.

Mula sa iyong iCloud account

  1. Siguraduhing nasa iCloud ang lahat ng iyong contact.
  2. I-export ang iyong mga contact mula sa icloud.com bilang vCard file.
  3. I-import ang iyong mga contact sa Gmail. Alamin kung paano magdagdag, maglipat, o mag-import ng mga contact.
  4. Pagkatapos mong kopyahin ang iyong mga contact, makikita mo ang mga ito sa iyong mga app sa pagkikipag-ugnayan sa Pixel phone mo.

Mula sa SIM card

Kopyahin ang mga larawan at video

Alamin kung paano humiling ng paglipat ng mga larawan at video mula sa iCloud papunta sa Google Photos.

Para i-back up ang mga larawan at video mo mula sa iyong iPhone sa Google Photos, alamin kung paano mag-back up sa Google Photos. Ipapakita ang Google Photos sa iyong Pixel phone.

Tip: Para makita ang iyong mga larawan at video, buksan ang Photos app ng Pixel phone mo Photos.

Hindi pa rin makopya ang data

Kung hindi mo pa rin makopya ang iyong data sa Pixel phone mo, alamin kung paano makipag-ugnayan sa amin.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11720415829528048021
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false