Paano gumamit ng mga pinagsamang segment

Para magbigay ng komprehensibo at pinag-isang view ng iyong Mga Audience at gawing mas simple ang pamamahala at pag-optimize ng audience, makikita mo ang mga sumusunod na pagpapahusay sa Google Ads:

  • Bagong pag-uulat ng audience
    Pinagsama-sama na ngayon sa iisang lugar ang detalyadong pag-uulat tungkol sa demograpiko ng audience, mga segment, at mga pagbubukod. I-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon at buksan ang tab na “Mga audience, mga keyword at content” tab at i-click ang Mga Audience. Madali mo ring mapapamahalaan ang iyong Mga Audience mula sa page ng ulat na ito. Matuto pa Tungkol sa Pag-uulat ng audience.
  • Mga bagong termino
    Gumagamit kami ng mga bagong termino sa iyong ulat tungkol sa audience at sa buong Google Ads. Halimbawa, tinutukoy na ngayon ang “mga uri ng audience” (kabilang dito ang custom, in-market, at affinity) bilang “mga segment ng audience,” at tinutukoy na ngayon ang “remarketing” bilang “iyong data.” Matuto pa tungkol sa Mga update sa mga Termino at parirala ng audience

Puwede kang gumawa ng mga pinagsamang segment para i-target ang iyong mga ad sa iba't ibang segment ng audience batay sa kung sino ang posibleng maging interesado sa mga produkto o serbisyo mo. Kapag nakagawa ka na ng mga pinagsamang segment, magagamit mo ang mga ito sa iyong mga ad group o campaign, kasama na ang mga Display at Search campaign.

Habang nagkakabisa ang mga patakaran sa App Tracking Transparency (ATT) ng Apple, posibleng maapektuhan ang iyong mga segment ng data (lalo na ang mga website, app, at awtomatikong ginawang listahan) at mga listahan ng Customer Match sa trapiko ng iOS 14 (kabilang ang paggamit ng mga listahang ito para sa mga pagbubukod). Ang mga campaign na nagpo-promote ng mga web-based na layunin sa conversion - lalo na ang mga gumagamit ng Customer Match at iba mo pang segment ng data - ay posible ring makakita ng mga pagbabago-bago sa performance. Sa panahong ito, papalawakin namin ang mga nakamodelong conversion sa higit pang trapiko ng iOS 14.

Basahin ang mga tagubilin sa ibaba para matutunan kung paano gumawa ng mga bagong pinagsamang segment, magdagdag ng mga segment ng audience, magbukod ng mga segment ng audience, o gamitin ulit ang mga kasalukuyang pinagsamang segment ng audience.

Gumawa ng bagong pinagsamang segment

Sa saklaw ng campaign/ad group:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Pumili ng kasalukuyang campaign o gumawa ng bagong campaign.
  3. I-click ang Mga Audience sa menu ng page.
  4. I-click ang I-edit ang mga segment ng audience.
  5. Pagkatapos ay piliin ang
    • Pag-target: Para limitahan ang abot ng iyong campaign sa mga napiling segment, na may opsyong isaayos ang mga bid
    • Mga obserbasyon (inirerekomenda): Para tingnan ang mga ulat sa mga karagdagang pamantayan nang hindi na nililimitahan pa ang iyong pag-target para magpakita lang ng mga ad para sa mga napiling pamantayan.
  6. Piliin ang Mag-browse.
  7. I-click ang Iyong mga pinagsamang segment ng audience, pagkatapos ay plus Bagong pinagsamang segment. May lalabas na bagong window.
  8. Sa ilalim ng "Pangalan ng audience," maglagay ng pangalan para sa iyong bagong pinagsamang segment.
  9. Sa ilalim ng "Isama ang mga taong tumutugma sa mga sumusunod na kundisyon," idagdag ang mga audience kung saan mo gustong i-target ang iyong mga ad. Puwede kang maglagay ng termino o parirala, o mag-browse batay sa: Kung sino sila, ano ang kanilang mga interes at nakagawian, ano ang kanilang sinasaliksik o pinaplano, o paano sila nakipag-ugnayan sa iyong negosyo.
  10. Para isama ang isa pang segment ng audience sa iyong target na audience, i-click ang Limitahan ang iyong segment(AND).
  11. Sa lalabas na seksyon, kagaya ng Hakbang 10 sa itaas, magdagdag ng mga audience mula sa isa pang segment na gusto mong isama sa iyong pag-target.
  12. Kung gusto mong magbukod ng ilang segment ng audience sa iyong pinagsamang segment, i-click ang Magbukod ng mga segment (NOT) at pagkatapos, ilagay ang mga segement ng audience na gusto mong ibukod sa iyong pag-target.
    Tandaan: Dapat may kahit man lang isang isinamang segment ng audience bago payagan ang isang pagbubukod. Ang pinagsamang segment lang ang maaapektuhan ng mga pagbubukod at hindi ito makakaapekto sa iba pang segment ng audience na naka-target sa campaign o ad group.
  13. I-click ang Gawin.

Para protektahan ang privacy ng user, hindi ihahatid ng Google Ads ang isang pinagsamang segment na may <= 1,000 miyembro. Awtomatikong ipo-pause ng Google ang Mga Campaign o Ad group na tina-target ng pinagsamang segment na may kakaunting miyembro.

Gumamit ng kasalukuyang pinagsamang audience

Kapag gumawa ka ng pinagsamang segment, puwede mo itong gamitin ulit para sa iyong iba pang campaign o ad group. Puwede mong i-access, i-edit, o alisin ang iyong mga dati nang pinagsamang segment sa picker ng pag-target gamit ang icon na lapis Mag-edit ng setting, icon na lapis sa tabi ng audience na iyon.

Kung mag-e-edit ka ng dati nang segment ng audience mula sa picker para sa isang partikular na campaign, maapektuhan nito ang lahat ng campaign o ad group na gumagamit nito.

Mga pagtatantya sa abot

Ipapakita sa iyo ng mga pagtatantya sa abot ang isang tinantyang bilang ng mga impression ng audience mo para sa ginagawang pinagsamang segment ng audience. Ang mga pagtatantyang ito ay may kinalaman sa paggawa ng segment ng audience at hindi nito isinasaalang-alang ang mga setting na partikular sa campaign. Puwede kang pumili ng partikular na bansa, wika, o channel para makakuha ng mga mas partikular na pagtatantya. Isinasaad ng mga pagtatantya sa abot ang epekto sa abot para sa bawat bahagi ng segment ng audience ng pinagsamang segment.

Tandaan: Kapag pinagsama-sama ang 2 o higit pang pamantayan ng audience gamit ang isang lohikal na AND, puwede nitong lubhang malimitahan ang iyong abot ng audience.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18085587961094938785
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false