Mag-set up ng mga Shopping ad at libreng listing sa maraming bansa

A custom icon for Merchant Center Classic Article Header.

Nag-aalok sa iyo ang mga Shopping ad at libreng listing ng ilang feature na makakatulong sa iyong suportahan ang abot mo sa buong mundo, tulad ng pag-target ng maraming bansa mula sa iisang alok at awtomatikong pag-convert ng currency kung sakaling hindi ka makapagbigay ng mga presyo ng produkto sa currency ng ibang bansa. Matuto pa tungkol sa paggamit ng tamang wika at currency

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano mag-set up ng mga Shopping ad at libreng listing sa maraming bansa.

Bago ka magsimula

  • Tukuyin ang mga bagong bansa kung saan mo gustong ilista ang iyong mga produkto.

Gumawa ng feed sa Merchant Center para mag-target ng maraming bansa

Para simulan ang paglilista ng iyong mga produkto sa maraming bansa, puwede mong gamitin ang isa sa mga pamamaraang ito:

Mga wika ng feed

  • Puwede mong gamitin ang iyong kasalukuyang feed para mag-target ng mga bansa na pareho ang ginagamit na wika. Halimbawa, kung may kasalukuyan kang Spanish na feed, puwede mong gamitin ang feed na ito para i-target ang mga taong nagsasalita ng Spanish sa Colombia at Ecuador, kung saan Spanish ang lokal na wika. Puwede mo ring gamitin ang feed na iyon para mag-target ng mga taong nagsasalita ng Spanish sa Canada, Japan, o saanpamang bansa kung saan available ang mga Shopping ad at listing.
  • Kung mayroon kang mga pag-translate ng iyong mga listing ng produkto, puwede kang magdagdag pa ng mga feed para sa bawat wika at mag-target ng mga bagong bansa sa mga wikang iyon.

Maging available sa buong mundo sa Merchant Center

Ang pinakamadaling paraan para maging nahahanap ang iyong mga produkto sa maraming bansa ay sa pamamagitan ng pagdaragdag pa ng mga bansa sa mga feed ng produkto mo.
  1. Mag-log in sa iyong Merchant Center account.
  2. I-click ang Mga Feed sa ilalim ng “Mga Produkto.”
  3. Piliin ang feed na gusto mong maging available sa maraming bansa, at pagkatapos ay i-click ang tab na Mga Setting.
  4. Idagdag ang lahat ng bansa kung saan gusto mong maging nahahanap bilang mga karagdagang bansa.
  5. Naka-set up na ngayon ang iyong mga alok sa mga libreng listing sa mga naka-configure na karagdagang bansa.

Sundin ang mga hakbang ito para tiyaking may naka-configure na serbisyo ng pagpapadala ang iyong account para sa mga napiling bansa:

  1. Pumunta sa page na “mga setting ng Pagpapadala at Pagbalik.”
  2. Kumpirmahing may mga serbisyo ng pagpapadala na naka-set up sa currency ng iyong feed/mga alok para sa lahat ng bansang pinili mo sa feed. Kung wala, mag-set up ng mga serbisyo ng pagpapadala para sa mga bansang ito. Tiyaking nakatukoy ang halaga ng pagpapadala sa currency na katulad ng sa mga alok.
  • Halimbawa, kakailanganin ang sumusunod na tatlong hakbang para idagdag ang AU:
    1. Pangalanan ang iyong serbisyo ng pagpapadala at piliin ang mga bansang gusto mong saklawin ng serbisyong ito. Tandaan: Tumutugma ang currency ng serbisyo ng pagpapadala sa currency ng alok, hal., USD sa halimbawang ito—hindi AUD.
    2. Mag-set up ng mga oras ng paghahatid.
    3. Mag-set up ng halaga ng pagpapadala.
  1. Naka-set up na ngayon ang iyong mga alok para sa mga libreng listing sa lahat ng bansang idinagdag mo.

Tandaan: Kapag gumawa ng feed sa Merchant Center, hindi nito awtomatikong gagawing bahagi ng isang campaign ng pag-advertise ang mga produkto mo, dahil kailangan ay mayroon ka ring naka-configure na campaign sa Google Ads para saklawin ang mga produktong ito.

Para i-set up ang iyong mga produkto para maihatid sa maraming bansa sa mga Shopping campaign ng Google Ads, mag-log in sa Google Ads, gumawa ng bagong campaign, at piliin ang Pinagbebentahang Bansa o label ng feed ng iyong mga alok/feed (ililista ang bilang ng mga produkto sa bawat Pinagbebentahang Bansa o label ng feed sa Google Ads UI, pero hindi ililista ang mga karagdagang bansa sa iyong mga alok.)

Maging available sa buong mundo gamit ang Shopping sa pamamagitan ng mga attribute sa mga file ng iyong feed

  1. Para mag-target ng maraming bansa mula sa isang file ng feed lang, magdagdag ng mga attribute ng shipping sa bawat isa sa iyong mga item, nang tinutukoy ang bansang papadalhan at ang halaga ng pagpapadala, bilang minimum. Matuto pa tungkol sa attribute na shipping [shipping]

Sa halimbawa sa ibaba, may na-upload na 4 na produktong ibinebenta sa euros sa isang account, kung saan walang serbisyo sa pagpapadala na naka-configure sa account.

  • Naka-configure ang item 122 na ibenta sa GB at IE.
  • Naka-configure ang item 133 na ibenta lang sa IE.
  • Naka-configure ang item 144 na ibenta sa IE, GB, FR, at DE.
  • Naka-configre ang item 155 na ibenta sa IE, FR, NZ, at AU.

ID
[id]

Title
[title]

Description
[description]

Link
[link]

Condition
[condition]

Price
[price]

Availability
[availability]

Image link
[image_link]

Shipping
[shipping]

122

Laruang Bear

Isang dilaw na teddy bear

https://ww...

bago

10.00 EUR

in_stock

https://ww...

IE::: 5 EUR, GB:::1.00 EUR

133

Blender

12-speed, itim na blender

https://ww...

bago

10.00 EUR

in_stock

https://ww...

IE::: 5 EUR

144

Pulang Ballpen

Madaling hawakan para sa komportableng pagsusulat. Pulang ink.

https://ww...

bago

10.00 EUR

in_stock

https://ww...

IE::: 5.00 EUR, GB::: 1.00 EUR, FR::: 1.00 EUR, DE::: 5.00 EUR

155

Android Squishable

15" na Android Squishable na Organic na Cotton

https://ww...

bago

10.00 EUR

in_stock

https://ww...

IE::: 5.00 EUR, FR::: 10.00 EUR, AU::: 7.00 EUR, NZ::: 7.00 EUR

  1. Para mag-target ng maraming bansa mula sa isang file ng feed kung saan na-configure mo na ang mga serbisyo ng pagpapadala sa account, magdagdag ng mga attribute sa pagpapadala sa bawat isa sa iyong mga item at tukuyin ang 2 titik na country code ng bansang papadalhan bilang minimum. Puwedeng iwang blangko ang gastos sa pagpapadala dahil kukunin ang impormasyon ng pagpapadala sa mga serbisyo ng pagpapadala sa account.

Sa halimbawa sa ibaba, may na-upload na 3 produktong ibinebenta sa US dollars sa isang account, kung saan may na-configure nang mga serbisyo ng pagpapadala sa account na ito para sa US, CA, at AU.

  • Naka-configure ang item 123 na ibenta sa US at CA.
  • Naka-configure ang item 456 na ibenta lang sa CA.
  • Naka-configure ang item 789 na ibenta sa US, CA, AU, NZ, at MX. Tandaan: Hindi mandatoryo ang mga serbsiyo ng pagpapadala sa NZ at MX. Ibig sabihin, hindi kailangan ng mga ito ng nakatukoy na presyo ng pagpapadala sa antas ng item.

ID
[id]

Title
[title]

Description
[description]

Link
[link]

Condition
[condition]

Price
[price]

Availability
[availability]

Image link
[image_link]

Shipping
[shipping]

123 Shirt T-Shirt, Pula https://ww... bago 10.00 USD in_stock https://ww... US:::,
CA:::
456 Asul na Ballpen Madaling hawakan para sa komportableng pagsusulat. Asul na ink. https://ww... bago 5.00 USD in_stock https://ww... CA:::
789 Mga Sapatos Original na Panlalaking Sapatos, Asul/orange, 12 https://ww... bago 15.00 USD in_stock https://ww... US:::,
CA:::,
AU:::,
NZ:::,
MX:::
Tandaan: Kung mayroon kang ilang feed na nagre-reference sa iisang file ng feed, puwede kang magdagdag na lang ng bansa sa isa sa mga feed at puwede mong i-delete ang iba pa.

Maging available sa buong mundo gamit ang mga Shopping API (Content API at Shipping API)

May 2 opsyon kapag gumagamit ng mga API para mag-set up ng pag-target sa maraming bansa sa mga Pandaigdigang Alok.

Opsyon A: Mga detalyadong hakbang

  1. Mag-set up ng mga serbisyo sa pagpapadala sa iyong Merchant Center account, at ibigay ang destinasyon, currency, halaga ng pagpapadala, at mga tinatayang oras ng paghahatid.
  2. Idagdag ang attribute na pagpapadala/shipping [shipping]sa lahat ng produkto, at tukuyin sa impormasyon ang lahat ng bansa kung saan mo gustong gawing nahahanap ang iyong produtko at kung saan ito puwedeng ipadala.
Tandaan: Sa pamamagitan ng Content API, tukuyin lang ang 2 titik na country code, at hayaang blangko ang mga attribute ng presyo ng pagpapadala at serbisyo ng pagpapadala. Opsyonal ang mga ito dahil may naka-configure kang serbisyo ng pagpapadala sa antas ng account at ipo-populat ang presyo ng pagpapadala mula sa iyong mga setting ng serbisyo ng pagpapadala na tinukoy sa hakbang isa.

Opsyon B: Mga detalyadong hakbang

  1. Magdagdag ng mga attribute ng pagpapadala ng produkto sa lahat ng iyong alok/item, nang tinutukoy ang bansang papadalhan, antas ng serbisyo, at presyo para sa lahat ng bansa kung saan mo gustong gawing nahahanap ang mga produkto. Matuto pa tungkol sa Shipping Settings API

I-set up ang mga setting ng buwis na partikular sa iyong bagong bansa

  • Sundin ang mga patakaran sa tamang buwis para sa iyong target na bansa. Ang buwis para sa mga Shopping ad at libreng listing ay nalilimitahan sa dalawang konsepto: value-added tax (karaniwang tinatawag na VAT, IVA, TVA, MWST, o GST sa iba't ibang bansa) at sales tax. Gumagamit ng VAT ang karamihan ng mga bansa, habang may sistema ng sales tax ang US. Tandaang magkakaiba ang mga regulasyon at patakaran sa buwis ng bawat bansa. Kapag nag-set up ka ng mga partikular na setting sa buwis at pagpapadala para sa bagong bansa, tiyaking nagbibigay ka ng tamang impormasyon para sa iyong mga produkto. Matuto pa tungkol sa mga setting sa buwis

Kasamang buwis vs. hindi kasamang buwis gamit ang currency ng tina-target na bansa

Magkakaiba para sa iba't ibang bansa ang mga pakataran sa pagsasama ng buwis at pangangailangan ng audience. Kung ililista mo ang iyong mga produkto sa isang bansang may mga patakaran sa pagsasama ng buwis na naiiba sa iyong target na bansa, posibleng kailanganin mong i-adjust ang iyong mga gawi sa buwis. Dahil ginagamit mo ang currency ng target na bansa, kailangan mong sundin ang mga kinakailangan sa presyo at buwis ng target na bansa.

Halimbawa

Sa Germany, kasama ang buwis sa mga presyo ng produkto. Sa Canada, hindi kasama ang buwis. Ang isang merchant na nakabase sa Germany na nag-e-export sa Canada sa currency ng tina-target na bansa ay hindi dapat magsama ng anumang buwis sa mga presyo ng kanyang produkto. Sa Canada, hindi rin dapat magsumite ng anumang buwis sa attribute na tax [tax] ang mga merchant. Kung maniningil ang merchant ng buwis sa Canada, puwede niya itong sabihin sa kanyang landing page o page sa pag-check out.

Kasamang buwis vs. hindi kasamang buwis gamit ang pag-convert ng currency

Kung gagamit ka ng pag-convert ng currency, puwedeng ipagpalagay ng mga consumer na hindi ka lokal na advertiser. Dahil dito, kailangan mong sundin ang mga kinakailangan sa presyo at buwis para sa bansang tumutugma sa iyong piniling currency.

Halimbawa

Kung mag-e-export sa Australia ang isang merchant sa USD, malalaman ng mga customer sa Australia ang lokasyon ng merchant gamit ang currency sa ad. Dapat sundin ng merchant ang mga panuntunan sa sales tax sa US sa data ng kanyang produkto at sa kanyang website. Dapat gamitin ang attribute na tax [tax] sa halip na attribute na price [price] kapag nagsusumite ng impormasyon tungkol sa buwis. Dahil inaasahan ng mga consumer sa Australia na kasama na sa mga presyo ang mga buwis, dapat magpakita ang mga ad ng anotasyong “+tax” para sabihin sa mga user na hindi kasama ang buwis sa presyo.

Iba't ibang antas ng kasamang buwis

Kung magbebenta ka sa ibang bansa mula sa isang bansang nagsasama ng buwis sa mga presyo, malamang na magkaiba ang mga rate ng VAT. Dapat mong isama ang buwis sa mga presyo ng iyong produkto. Kung ginagamit mo ang currency ng tina-target na bansa, puwede mong piliing isama ang rate ng buwis na ginagamit mo sa iyong website. Kung gumagamit ka ng pag-convert ng currency, dapat mong gamitin ang rate ng VAT mula sa bansa ng iyong piniling currency.

Halimbawa

Kung may retailer sa France (VAT rate 20%) na mag-e-export sa Sweden (VAT rate 25%), puwede niyang isama ang alinman sa 20% o 25% sa presyo ng produkto hangga't tumutugma ito sa landing page at sa mga page sa pag-check out sa kanyang website.

  • Tukuyin ang mga singilin sa pag-import o pag-export. Ito ang mga singiling gagamitin sa mga gastusing direktang nauugnay sa mga produktong tumatawid ng hangganan. Madalas itong tinatawag na duty, excise, o customs, pero posibleng kasama rito ang gastusin sa storage, mga bayarin sa espesyal na pangangasiwa, o iba pang gastusin. Naniningil din ang ilang bansa ng luxury tax o buwis na partikular sa produkto para sa ilang partikular na import. Hindi napapailalim ang mga uring ito ng singilin sa kategorya ng buwis, pero itinuturing ang mga ito na singilin sa pag-import o pag-export.

Para tiyaking maikokonekta ng mga consumer ang impormasyong nakikita nila sa Google sa impormasyong nakikita nila sa iyong website, dapat mong lagyan ng malinaw na label ang mga nauugnay na gastusin at dapat kang magsumite ng impormasyon sa data ng iyong produkto nang naaayon.

Batay sa paraan ng iyong pagpapatakbo, magagawa mong magpakita ng mga singilin sa pag-import at pag-export sa page mo sa pag-check out nang hiwalay, pagsama-samahin ang mga ito sa iisang item sa linya, o isama ang ilan sa mga ito sa mga kasalukuyang gastusin sa pagpapadala. Puwedeng isama ang mga singilin sa pag-import o pag-export sa attribute na shipping [shipping] o price [price]. Kung isasama ang mga ito sa attribute na price [price], dapat tumugma ang presyo ng produkto na nasa landing page at page sa pag-check out sa halagang isinumite para sa attribute na price [price], at sa tina-target na bansa lang puwedeng ilista ang item.

Halimbawa

Ang iyong provider sa pagpapadala ang mangangasiwa sa clearance sa customs, pero ikaw pa rin ang maniningil para sa mga duty sa pag-import. Sa iyong page sa pag-check out, dapat mayroon kang singiling “pagpapadala at customs” at singiling “duty sa pag-import.” Dapat kang magsumite ng gastusin sa pagpapadala na may kasamang mga singilin para sa clearance sa customs at dapat tumutugma ito sa singiling “pagpapadala at customs” sa iyong page sa pag-check out. Dapat ipakita sa page sa pag-check out ang singilin para sa duty sa pag-import, pero hindi ito kailangang isumite sa Google.

Mga kinakailangan para sa bansa kung saan ka mag-e-export

Gumawa ng campaign para sa iyong bagong feed

Puwede kang gumamit ng mga campaign para gumawa ng mga ad sa Google at sa web, kung saan makikita ng mga potensyal na customer ang ibinebenta mo. Nakakatulong sa iyo ang mga campaign na i-promote ang online at lokal na imbentaryo mo, i-boost ang trapiko sa iyong website o lokal na tindahan, at makahanap ng mas mahuhusay na kwalipikadong lead. Matuto pa tungkol sa mga Shopping ad

  1. Kung mayroon ka nang karaniwang Shopping o Performance Max campaign na may naka-set up na feed ng Merchant Center, suriin ang iyong pag-target sa lokasyon at tiyaking kasama rito ang anumang karagdagang bansa na idinagdag mo sa iyong feed.
  2. Kung wala ka pang campaign, suriin muna at pagkatapos ay piliin kung aling campaign ang pinakaakma para sa iyong negosyo.

Habang sine-set up ang iyong campaign, puwede kang pumili ng pinagbebentahang bansa o label ng feed. Kung gagawin mo iyon, dapat mong tiyaking kasama sa iyong pag-target sa lokasyon ang anumang karagdagang bansang idinagdag mo sa iyong feed.

Halimbawa

Tina-target ng iyong feed ang US, UK, at France. Sa iyong mga setting ng campaign, kakailanganin mong tiyaking hindi kasama ang UK at France sa iyong mga setting ng pag-target sa lokasyon para lumabas ang mga produkto sa mga bansang iyon.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8718536511316032159
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false