Maghanap ng mga hotel sa Google

Nakakatulong sa iyo ang paghahanap ng hotel sa Google na makatuklas, magkumpara, at mag-book ng mga accommodation para sa biyahe mo. Magagawa mong:

  • Maghanap ng mga hotel na tumutugma sa iyong mga pangangailangan at kagustuhan. Puwede kang mag-filter ayon sa mga parameter tulad ng presyo, lokasyon, rating ng user, at klase ng hotel.
  • Malaman ang tungkol sa isang hotel at ang kalapit na lugar sa pamamagitan ng mga larawan, review ng user, detalye ng amenity, at impormasyon ng lokasyon.
  • Magkumpara ng mga presyo para sa iyong pananatili o magreserba ng kuwarto sa isa sa aming mga booking partner.

Simulan ang iyong paghahanap ng hotel sa Google

May 2 paraan para simulan ang paghahanap mo ng hotel sa Google: 

  • Pumunta sa google.com/travel/hotels at ilagay ang iyong mga termino para sa paghahanap at petsa ng pagbiyahe. Kung nag-e-explore ka lang, puwede ka ring pumili sa mga sikat na destinasyon.
  • Magsimula sa google.com. Maghanap ng “mga hotel sa” lungsod o rehiyong gusto mong bisitahin at magdagdag ng mga kinakailangan, tulad ng “puwede ang alagang hayop” o “malapit sa bayan.” Sa mga resulta ng paghahanap, makikita mo ang unit sa paghahanap ng hotel, karaniwang isang listahan ng mga 4 na hotel na may mapa. I-click ang unit kung gusto mong ipagpatuloy ang iyong paghahanap sa Google.

Paano nagra-rank ng mga hotel ang Google

Mahalaga: Hindi binabayaran ng mga hotel ang Google para lumabas sa mga resulta ng paghahanap ng hotel at hindi sila puwedeng magbayad para maimpluwensyahan ang kanilang ranking. 

Pagkatapos mong ilagay ang iyong mga termino para sa paghahanap, makakakita ka ng listahan ng mga resulta ng hotel at mapang nagpapakita sa parehong mga resulta. Sa mobile, isa lang sa mga ito ang makikita mo. Bilang default, nakabukod-bukod ayon sa kaugnayan ang mga resultang ito. Dose-dosenang salik ang isinasaalang-alang sa pag-rank ayon sa kaugnayan, kasama ang iyong mga termino para sa paghahanap at iba't ibang aspeto ng hotel, tulad ng:

  • Lokasyon
  • Presyo
  • Mga rating at review ng user

Posibleng naka-personalize ang iyong mga resulta batay sa iyong aktibidad sa pag-browse at mga kamakailang paghahanap sa Google. Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account, posibleng ibatay din ang pag-personalize sa iyong mga nakaraang booking. Ang iyong mga resulta ay posibleng may mga mensahe para ipakita ang pag-personalize, halimbawa “Hinanap mo ang hotel na ito kamakailan.” Para kontrolin ang makikita mo, alamin kung paano i-adjust ang iyong:

Puwede kang makakita ng isa o higit pang may bayad na ad sa itaas ng mga resulta, na may “Ad” na badge at pangalan ng advertiser. Ang mga ad na ito ay pinipili at nira-rank sa pamamagitan ng isang auction, kung saan isinasaalang-alang ng Google ang mga bid at ang kalidad ng ad. Lumalabas lang ang mga ad na ito kapag may kaugnayan ang mga ito sa iyong query sa paghahanap at walang epekto ang mga ito sa mga resulta ng paghahanap. Matuto pa tungkol sa mga hotel ad.

Limitahan ang iyong paghahanap ng hotel

Ang bawat resulta sa hotel ay nagbibigay sa iyo ng pangkalahatang-ideya tungkol sa hotel na iyon. Puwede kang makahanap ng impormasyon tulad ng average na rating ng user, mga pangunahing amenity, at ang pinakamababang presyo mula sa aming mga partner na puwedeng i-book para sa iyong mga petsa. Sasabihin namin kung sulit ang presyo kumpara sa mga katulad na hotel sa lugar sa pamamagitan ng pagpapakita ng “Deal” o “Magandang deal” na badge. Matuto pa tungkol sa kung paano kami tumutukoy ng mga deal

Sa pamamagitan ng berdeng “eco-certified” na badge, matutukoy mo rin ang mga hotel na ang mga kasanayan sa sustainability ay nakakatugon sa mga pamantayan ng mga accredited na organisasyon. Matuto pa tungkol sa Sustainability sa mga hotel.

Para tulungan kang eksaktong makita ang hinahanap mo, puwede mong i-adjust ang mga resulta gamit ang mga opsyon sa pag-filter at pagbubukod-bukod sa itaas ng page. Magagawa mong: 

  • I-adjust ang iyong mga petsa o dami ng tao sa grupo mo.
  • Pagbukod-bukurin ang iyong mga resulta ayon sa pinakamababahang presyo o pinakamataas na rating ng user.
  • I-filter ang iyong mga resulta ayon sa mga parameter tulad ng presyo, rating ng user, klase ng hotel, at mga amenity.
  • Gamitin ang mapa para malaman ang lokasyon ng mga hotel, o i-adjust ang iyong resulta ng paghahanap batay sa isang partikular na lokasyon.

Tip: Kapag available, puwede ka ring maghanap ng mga pinaparentahang bakasyunan.

Matuto pa tungkol sa isang partikular na hotel

Para matuto pa tungkol sa isang partikular na hotel, mag-click kahit saan sa listing para pumunta sa “placesheet” o page ng detalye ng hotel. Kapag available, puwede mo ring i-click ang Tingnan ang mga presyo para makakuha ng listahan ng mga presyo para sa iyong mga petsa mula sa mga partner ng Google.

Sa tab na “Pangkalahatang-ideya” ng placesheet, makikita mo ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng hotel, isang link sa website nito, at mga direksyon sa pagmamaneho. Puwede ka ring makakita ng mga snapshot tungkol sa lokasyon ng hotel, mga review ng user, mga larawan, at mga amenity. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa nauugnay na tab sa itaas ng page, o i-click ang mga ibinigay na link. Puwede ka ring makakita ng mga link para mag-book ng mga kuwarto sa hotel sa pamamagitan ng hotel, online na travel agency, at mga partner sa metasearch ng Google.

Mga presyo ng hotel

Ang mga presyo ng hotel ay mula sa mga partner ng Google tulad ng mga may-ari ng hotel, online na travel agency, metasearch engine, at iba pang travel provider. Matuto pa tungkol sa kung paano nagse-share ng mga presyo sa Google ang mga partner.

Sang-ayon ang aming mga partner sa aming Patakaran sa Katumpakan ng Presyo. Ayon sa patakarang ito, dapat kasama sa presyong ipinapadala nila sa Google ang mga buwis at bayarin, at dapat ay tumutugma ang mga ito sa kabuuang presyong babayaran mo sa kanilang page para sa pag-book. Para tumulong na matiyak na ang mga presyong ipinapakita sa Google ng mga partner ay ang mga presyong babayaran mo, regular naming tinitingnan ang mga presyo para sa katumpakan. Gayunpaman, puwedeng mabilis na magbago ang mga presyo ng hotel, kaya kung pipiliin mong mag-book sa isa sa aming mga partner, tingnan nang mabuti ang final na halaga ng iyong kuwarto.

Paminsan-minsan, nag-aalok ang aming mga partner ng mga presyong nag-iiba-iba batay sa mga sumusunod na salik:

  • Ang uri ng iyong device, halimbawa mobile o computer
  • Kung naka-sign in ka sa iyong Google account
  • Kung bahagi ka ng isang listahan ng audience

May katabing asterisk (*) ang mga “na-customize” na presyo.

Kung minsan, posibleng mga average na presyo ang ipinapakita. Kinakalkula ng Google ang mga average na presyo kada gabi ng pananatili na ipinapakita para sa bawat property sa pamamagitan ng paghahanap ng median rate sa susunod na 90 araw ng availability.

Baguhin ang ipinapakitang currency ng mga presyo ng hotel

Para makita ang selector ng currency, mag-scroll papunta sa ibaba ng listahan ng mga resulta. Posibleng hindi sa lahat ng site ng partner available ang mga piniling currency.

Mga link sa pag-book ng hotel

Sa ibaba ng iyong mga petsa ng pagbiyahe, puwede kang makakita ng mga link sa pag-book mula sa aming mga partner na hotel na nauugnay sa paghahanap mo. Ang mga link ay nakabatay sa iyong mga kasalukuyang termino para sa paghahanap at puwedeng ibatay sa kung naka-sign in ka sa isang Google Account.

Makakagawa ng mga link sa pag-book ang mga partner na hotel nang libre, o nang may bayad. Palaging may badge na "Mga Ad" ang mga may bayad na link. Gumagamit ang Google ng maraming salik para i-rank ang mga libreng link sa pag-book, kabilang ang kagustuhan ng customer, karanasan sa landing page, at katumpakan ng history ng mga presyong ibinibigay ng Google. Matuto pa tungkol sa mga libreng link sa pag-book.

Ang mga may bayad na link sa pag-book, o hotel ad, ay palaging malinaw na matutukoy sa pamamagitan ng badge na “Mga Ad” at nakalista bilang “Mga itinatampok na opsyon.” Nira-rank ng Google ang mga ad na ito ayon sa isang ad auction, batay sa kumbinasyon ng bid at kalidad ng ad. Isinasaalang-alang nito ang mga salik tulad ng kaugnayan, katumpakan ng presyo, at experience sa referral/landing page. Puwedeng mabayaran ang Google kung magki-click ka ng hotel ad, o sa ilang sitwasyon, kung magkukumpleto ka ng booking. Matuto pa tungkol sa mga hotel ad.

Kung magki-click ka ng link sa pag-book, mapupunta ka sa website ng partner para kumpletuhin ang iyong booking. Dapat idirekta sa booking partner ang mga tanong sa customer service, kasama ang mga request para sa mga pagbabago, pagkansela, o refund.

Mga deal ng hotel

Para tumulong sa iyong paghahanap ng hotel, hina-highlight namin ang mga sulit na presyo gamit ang “Deal” o “Magandang Deal” na badge sa tabi ng pangalan ng hotel. May 2 uri ng deal:

  • Mga hotel na may presyong mas mababa sa kanilang normal na rate o mas mababa sa mga rate ng mga katulad na hotel sa malapit. 
    • Para malaman kung sulit ang isang hotel, tumutukoy ang Google ng “ratio ng presyo” para sa mga katulad na hotel sa lugar. Ikinukumpara namin ang average na presyo sa nakalipas na taon para sa mga hotel na iyon at ang kasalukuyang average na presyo. Nakakatulong ang pagkukumparang ito na matukoy ang seasonality, mga malaking event, o mga holiday. 
    • Ginagawa rin namin ang parehong pagkalkula para sa partikular na hotel, at ikinukumpara ang ratio ng presyo ng partikukar na hotel sa ratio ng presyo ng mga katulad na hotel malapit dito. Kung ang ratio ng isang partikular na hotel ay kahit man lang 15% mas mababa kaysa sa mga katulad na hotel nito, nilalagyan namin ito ng label na “Deal.” Kung kahit man lang 25% mas mababa, nilalagyan namin ito ng label na “Great Deal.” 
  • Mga hotel kung saan ang isang partner ay nag-aalok ng tuwirang diskwento kumpara sa kasalukuyang presyo sa market para sa hotel na iyon. Ang halaga ng matitipid ay ipinapakita bilang porsyento.
Mga klase ng hotel

Para tulungan kang magkumpara ng mga opsyon sa accommodation, ipinapakita ng Google ang opisyal na rating ng klase ng mga hotel na itinalaga ng mga lokal na awtoridad, kapag available, o nagtatalaga ito ng mga rating ng klase sa mga hotel. Nakakatanggap ang bawat hotel ng rating na isa hanggang limang star. 

Kapag wala kaming mga opisyal na rating, kumukuha ng data ang Google mula sa iba't ibang source. Kasama sa mga source ang mga third-party na partner, direktang paghahanap, feedback ng mga hotelier, at interface sa machine-learning na nagtitingin at nagsusuri sa mga attribute ng hotel, tulad ng presyo, lokasyon, laki ng kuwarto, at mga amenity. Posibleng may mga simpleng kuwarto at murang presyo ang isang 2-star hotel, habang posible namang magtampok ng sosyal na dekorasyon, isang nakalaang concierge, at mga luxury na amenity ang isang 4-star hotel. 

Kung walang ipinapakitang rating ng klase ang isang hotel, posibleng wala itong opisyal na rating mula sa nauugnay na awtoridad, o hindi pa ito nasusuri ng Google. Para magbigay ng feedback sa mga klase ng hotel, makipag-ugnayan sa amin.

Mga review ng user

Nangangalap ang Google ng mga review sa hotel mula sa mga naka-sign in na user sa Google Search at Maps. Gumagamit kami ng mga naka-automate na system para mag-alis ng spam at hindi naaangkop na pananalita. Puwede naming alisin ang anumang review na sa palagay namin ay peke o hindi sumusunod sa mga patakaran sa review ng Google. Kapag na-publish na ang isang review, ang may-akda lang nito ang puwedeng magbago o mag-update nito. Puwedeng lumabas ang review hangga't ipinapakita ng Google ang ni-review na accommodation.

Nangongolekta at nagsasama-sama rin kami ng mga review mula sa mga pinagkakatiwalaang third-party na provider ng review. Hindi nagsasagawa ang Google ng anumang karagdagang pag-filter para sa spam o hindi naaangkop na wika nang higit sa ginagawa ng provider, at hindi rin namin vine-verify ang mga review na ito.

Maraming hotel ang nagpapakita ng buod ng review, na nagpapakita sa iyo ng average na rating sa 5 star, na ibinigay ng mga user ng Google sa hotel. Hindi kasama sa buod na ito ang mga review ng third-party, kahit may mga available na review ng third-party para sa hotel. Puwede rin kaming magpakita ng mga buod para sa mga partikular na paksa, tulad ng mga kuwarto, serbisyo, lokasyon, at mga rating ayon sa uri ng traveler. Ibinibigay ng TrustYou, na isang third party, ang mga buod na ito.

Mga amenity ng hotel

Para tulungan ka sa iyong paghahanap ng hotel, ipinapakita ng Google ang mga serbisyo at amenity na iniaalok sa bawat hotel, tulad ng Wi-Fi o swimming pool. Makakatulong sa iyo ang impormasyong ito na makumpara ang mga opsyon sa accommodation at malimitahan ang paghahanap mo.

Nangongolekta ang Google ng impormasyon sa amenity ng hotel mula sa iba't ibang source. Kasama sa mga source ang mga hotelier at kanilang mga website, third-party na partner, direktang pananaliksik, at feedback mula sa mga user.

Kung may mapapansin kang hindi tumpak na amenity, ⁠makipag-ugnayan sa amin.

Mga feature sa sustainability

Posibleng magpakita ang Google ng impormasyon tungkol sa mga kasanayan sa sustainability at eco-certification ng hotel, kapag naaangkop. Matuto pa tungkol sa Sustainability sa mga hotel.

Mga kuwarto sa hotel

Para tulungan ka sa paghahanap ng hotel, puwedeng magpakita ng Google ng impormasyon tungkol sa mga kuwarto sa bawat hotel, tulad ng maximum na occupancy o uri ng kama. Makakatulong sa iyo ang impormasyong ito na makumpara ang mga opsyon sa accommodation at malimitahan ang paghahanap mo.

Nangongolekta ang Google ng impormasyon sa kuwarto ng hotel mula sa iba't ibang source. Kasama sa mga source na ito ang mga hotelier at kanilang mga website, third-party na partner, direktang pananaliksik, at feedback mula sa mga user.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14447981178378819758
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
254
false
false