I-set up ang iyong Pixel phone

 Puwede mong ilipat ang laman ng iyong kasalukuyang telepono sa Pixel phone mo, o i-set up ang iyong Pixel phone bilang bagong device.

  • Puwede kang awtomatikong maglipat ng data mula sa karamihan ng mga teleponong gumagamit ng Android 5.0 at mas bago o iOS 8.0 at mas bago. (Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android o iOS , at kung ano ang makakalimita sa pagkopya sa iPhone .)
  • Puwede kang manual na maglipat ng data mula sa karamihan ng mga teleponong gumagamit ng karamihan ng mga system.

Opsyon 1: Maglipat ng data mula sa iyong kasalukuyang telepono

Para ilipat ang data sa iyong telepono, sundin ang mga hakbang sa screen sa unang pagkakataong i-on mo ang iyong telepono.

Kung nilaktawan mo ang paglilipat ng data o hindi tinapos pag-set up sa unang pagkakataon:

  • Sa loob ng ilang minuto, makakatanggap ka ng notification na "Hindi pa tapos ang pag-set up ng Pixel." I-tap ang Tapusin ang pag-set up.
  • Sa loob ng ilang araw, buksan ang iyong app na Mga Setting. Sa itaas, i-tap ang Tapusin ang pag-set up.
  • Pagkatapos ng ilang sandali, puwede mo nang i-reset ang iyong telepono anumang oras. Gayunpaman, buburahin nito ang lahat ng iyong data. Alamin kung paano mag-reset sa mga factory setting.
Mula sa Android phone

Bago ka magsimula

  1. Kung wala kang nano SIM card, kumuha nito sa iyong mobile carrier. Alamin kung paano kumuha ng SIM card.
    Tip: Depende sa telepono at mobile carrier, puwedeng gumamit ng eSIM ang ilang Pixel phone. Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa iyong carrier.
  2. Maghanap ng cable na gumagana sa iyong kasalukuyang telepono, tulad ng cable nito sa pag-charge.
  3. Hanapin ang iyong Quick Switch Adapter. Tingnan kung ano ang kasama sa kahon ng iyong telepono.

Ilipat ang iyong data

Sundin ang aming gabay sa paglilipat sa Android.

Mula sa iPhone

Bago ka magsimula

  1. Kung wala kang nano SIM card, kumuha nito sa iyong mobile carrier. Alamin kung paano kumuha ng SIM card.
    Tip: Depende sa telepono at mobile carrier, puwedeng gumamit ng eSIM ang ilang Pixel phone. Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa iyong carrier.
  2. Tiyaking makakapaglipat ka ng maraming data hangga't posible. Alamin kung ano ang makakalimita sa pagkopya sa iPhone at kung paano maglipat ng higit pang data.
  3. Maghanap ng cable na gumagana sa iyong kasalukuyang telepono, tulad ng cable nito sa pag-charge.
  4. Hanapin ang iyong Quick Switch Adapter. Tingnan kung ano ang kasama sa kahon ng iyong telepono.

Ilipat ang iyong data

Sundin ang aming gabay sa paglilipat sa iPhone ..

Mula sa BlackBerry o Windows Phone

Bago ka magsimula

Kung wala kang nano SIM card, kumuha nito sa iyong mobile carrier. Alamin kung paano kumuha ng SIM card.

Tip: May ilang Pixel phone na puwedeng gumamit ng eSIM, depende sa telepono at mobile carrier. Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa iyong carrier.

Ilipat ang iyong data

Sundin ang aming gabay sa paglilipat sa BlackBerry o Windows Phone.

Opsyon 2: Laktawan ang paglilipat ng data

Kung ang iyong Pixel phone ang una mong device o kung gusto mong magsimula sa umpisa, i-on ito at i-tap ang Simulan At pagkatapos I-set up bilang bago. Lalaktawan mo ang paglilipat ng data at masisimulan mong i-personalize ang iyong bagong telepono.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17615664149026678670
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false