Para magdagdag ng mga lugar, magsulat ng mga review, mag-upload ng mga larawan, o magmungkahi ng pag-edit, sa ibaba, i-tap ang Mag-ambag .
Magagawa mo ring magsumite ng mga pagwawasto sa mga kalsada at lugar, pamahalaan ang iyong profile sa Maps, at alamin kung ilan ang nakakita at natulungan ng kontribusyon mo.
Mag-sign in para maghanap ng content sa tab na Mag-ambag. Kung hindi ka pa nakakapag-ambag sa Google Maps, sundin ang mga tagubilin sa screen para magsimula.
Mga paraan para mag-ambag
I-edit ang mapa
Magdagdag o magmungkahi ng mga pag-edit sa mga lugar, address, o kalsada. Puwede mo ring i-edit ang iyong lokasyon, at ipadala ang opinyon mo sa Maps.
- Sa ibaba ng iyong screen, i-tap ang Mag-ambag I-edit ang mapa .
- Pumili ng opsyon.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Alamin kung paano magmungkahi ng mga pag-edit o mag-flag ng lugar para alisin.
Magdagdag ng nawawalang lugar
- Sa ibaba ng iyong screen, i-tap ang Mag-ambag Magdagdag ng lugar .
- Punan ang lahat ng may kaugnayang field para magdagdag ng nawawalang lugar sa mapa.
Magsulat ng review
- Sa ibaba ng iyong screen, i-tap ang Mag-ambag Magsulat ng review .
- Pumili ng lugar sa mapa.
- I-tap ang mga star para i-rate ang lugar.
- Opsyonal: Puwede kang magsulat ng review.
Alamin kung paano magsulat ng mga review at magdagdag ng mga rating ng lugar.
Magdagdag ng mga larawan o video sa Google Maps
- Sa ibaba ng iyong screen, i-tap ang Mag-ambag Magdagdag ng Larawan .
- I-tap ang (mga) larawang gusto mong i-post. Bago magbahagi ng mga larawan, kakailanganin mong payagan ang Google Maps na i-access ang iyong mga larawan.
- I-tap ang Pumili ng lugar.
- Kung mali ang mga iminumungkahing lokasyon, i-tap ang Iba pang lugar?
- I-tap ang I-post.
Iminumungkahi ang mga lokasyon ayon sa impormasyon ng lokasyon sa iyong mga larawan. Para sa higit pang impormasyon, alamin kung paano magdagdag, mag-alis, o magbahagi ng mga larawan at video.
Mag-ambag pa
- Sa ibaba ng iyong screen, i-tap ang Mag-ambag Mag-ambag pa.
- Mapo-prompt kang ibahagi ang iyong mga karanasan sa mga lugar na binisita mo, o kung saan nakipag-ugnayan ka.
I-access ang iyong profile sa Maps
- Para tingnan at pamahalaan ang profile mo sa Maps, i-tap ang Tingnan ang iyong profile.
- Para hanapin ang iyong mga tagasubaybay at ang mga profile na sinusubaybayan mo, i-tap ang Mga Tagasubaybay.
Mga iminumungkahing review
Kung na-on mo na ang History ng Lokasyon dati, puwede kang makakita ng mga iminumungkahing lugar para i-review sa tab na Mag-ambag.
Hanapin ang iyong mga nakaraang Kontribusyon
Hanapin ang iyong mga kontribusyon sa Google Maps sa tab na Mag-ambag. Mahahanap mo ang iyong mga kontribusyon, ang kabuuang dami ng beses na tiningnan ang review, at ang kabuuang dami ng beses na tiningnan ang larawan sa iyong mga post.