Ang Firebase ay ang app software development kit (SDK) at analytics tool ng Google. Para i-import sa Google Ads ang iyong mga conversion sa Firebase, puwede mong i-link sa Google Ads ang iyong property sa Google Analytics 4 o ang proyekto mo sa Firebase. Kapag nag-link ka sa Google Ads ng property sa Google Analytics 4 o proyekto sa Firebase, magkakaroon ka ng access sa napakahuhusay na tool na makakatulong sa iyong malaman ang performance ng mga Google Ads campaign mo.
Ang artikulong ito ay isang pangkalahatang-ideya kung paano mo magagamit ang Firebase kasama ng Google Ads para makakuha ng insight sa iyong performance sa pag-advertise at app.
Mga Benepisyo
- Mag-import ng mga conversion sa Firebase nang hindi kinakailangang magdagdag ng bagong code sa iyong app.
- Gumamit ng mga audience sa Firebase na ginawa sa mga property sa Google Analytics 4 o proyekto sa Firebase.
Paano ito gumagana
Ang Firebase ay isang mobile platform na magagamit mo para mabilis na makabuo ng mga app. Pinapadali ng Firebase na makita ang performance ng iyong mga app. Kung wala kang Firebase account, puwede kang matuto pa sa help center ng Firebase at sa website ng Developers.
Kung nagsusukat ka ng mga conversion sa pamamagitan ng manager account, o kung gusto mong magkaroon ng access sa mga audience sa Firebase ang maraming pinapamahalaang account, dapat kang mag-link ng property sa Google Analytics 4 o proyekto sa Firebase sa iyong manager account.
Kapag naka-link na ang iyong mga account, makakakita ka ng data ng Google Ads sa iyong property sa Google Analytics 4 o sa proyekto mo sa Firebase, at makakagamit ka ng mga conversion para sa pagsubaybay sa conversion at remarketing sa Google Ads.
Pagsubaybay sa conversion
Puwede kang mag-import ng mga conversion mula sa isang property sa Google Analytics 4 o proyekto sa Firebase para malaman kung paano nakakahimok ng mga pag-install ng app, in-app na pagkilos, at higit pa ang iyong pamumuhunan sa Google Ads. Puwede mong malaman kung gaano kahusay ang performance ng iyong mga ad, at pagkatapos ay puwede kang gumawa ng mga pagbabago sa account mo para makatulong sa paghimok ng higit pa sa mga layuning ito para sa iyong app.
Kapag na-link mo na ang mga account, mapipili mo kung aling mga event sa Firebase ang susubaybayan bilang mga pagkilos na conversion sa Google Ads. Hindi mo na kailangang magdagdag ng anumang bagong code sa iyong app. Gagamitin ng pagsubaybay sa conversion ng Google Ads ang code na na-install mo na para sa Firebase. Alamin kung paano magsukat ng mga conversion sa app.
Web to App Connect
Puwede ka ring mag-set up ng pagsubaybay sa conversion sa app gamit ang Web to App Connect. Kapag nagamit mo na ang interface ng Web to App Connect para mag-set up ng pagsubaybay sa conversion at pag-deep link, makakapagbigay ka ng tuloy-tuloy na experience sa web hanggang app para sa iyong mga customer at makakapaghatid ka ng average na 2 beses na mas matataas na rate ng conversion para sa landing ng mga pag-click sa ad sa app mo kung ihahambing sa iyong mobile website.
Sa pinagandang experience na ito, mas madaling makukumpleto ng iyong mga customer ang mga nilalayon nilang pagkilos, pagbili man ito, pag-sign up, o pagdaragdag ng mga item sa kanilang cart. Dagdag pa rito, mula sa interface ng Web to App Connect, masusubaybayan mo ang mga in-app na pagkilos na conversion na ito at makakakuha ka ng mga rekomendasyon kung paano papahusayin ang iyong campaign.
Para magsimula sa Web to App Connect, sundin ang 3 hakbang sa ibaba:
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon .
- I-click ang drop down na Pagpaplano sa menu ng seksyon.
- I-click ang Hub ng pag-advertise ng app. Dadalhin ka nito sa interface ng Web to App Connect.
Matuto pa tungkol sa pag-convert nang mas mahusay sa interface ng Web to App Connect.
Remarketing
Pagkatapos mong mag-link, puwede mong gamitin ang mga audience na ginawa sa isang property sa Google Analytics 4 o proyekto sa Firebase para sa iyong mga Google Ads campaign. Magkakaroon ng access sa mga audience na iyon ang bawat Google Ads account na ili-link mo. Matuto pa tungkol sa mga listahan ng remarketing na gumagamit ng data ng Firebase.