Tungkol sa pag-bid na Target na ROAS

Makakatulong sa iyo ang aming may gabay na troubleshooter na tukuyin, ipaliwanag, at tugunan ang mga potensyal na sanhi ng mga hindi inaasahang pagbabago-bago sa paggastos ng Performance Max campaign mo.
 

Tandaan: Simula sa Hulyo, makakakita ka ng mga opsyonal na field ng target sa mga Search campaign para sa bagong strategy sa pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion o Pag-maximize ng halaga ng conversion. Dapat mong malaman na para sa mga Video action campaign, magkaibang strategy sa pag-bid ang 2 ito. Kapag may opsyonal na target, mag-o-optimize ang Smart Bidding sa mga layuning ito tulad ng pag-optimize nito para sa Target na CPA (cost per action) at Target na ROAS (return on ad spend). Kikilos ang Pag-maximize ng mga conversion na may nakatakdang target na CPA tulad ng pagkilos ng strategy na Target na CPA sa kasalukuyan, at gayundin, kikilos ang Pag-maximize ng halaga ng conversion na may nakatakdang target na ROAS tulad ng pagkilos ng strategy na Target na ROAS sa kasalukuyan. Tandaan, sinusuportahan lang ng mga Hotel campaign ang Pag-maximize ng halaga ng conversion na may mandatoryong target na ROAS.

Matuto pa tungkol sa pag-bid na Target na ROAS.

Matuto pa tungkol sa Mga pagbabago sa kung paano nakaayos ang mga strategy sa Smart Bidding.

Gamit ang Smart Bidding ng Google Ads, sinusuri at mahusay na hinuhulaan ng diskarte sa pag-bid na ito ang halaga ng posibleng conversion sa tuwing may user na maghahanap ng mga produktong ina-advertise mo. Pagkatapos, awtomatiko nitong isinasaayos ang iyong mga bid para sa mga paghahanap na ito para ma-maximize ang return on ad spend mo sa mga iyon.

Ayon sa nakasanayan, nangangahulugan itong kung tutukuyin ng strategy sa pag-bid na malamang na magdulot ng conversion na may mataas na halaga ang isang paghahanap ng user, magbi-bid nang mataas ang Target na ROAS sa paghahanap na iyon. Kung tutukuyin ng strategy sa pag-bid na ito na mababa ang posibilidad na magdulot ng conversion na may mataas na halaga ang paghahanap, magbi-bid ito nang mababa. Awtomatikong ino-optimize ang mga bid mo sa oras ng auction, na magbibigay-daan sa iyong iangkop ang mga bid para sa bawat auction. Suriin ang Iyong Gabay sa Smart Bidding.

Available ang Target na ROAS bilang karaniwang diskarte para sa isang campaign o bilang diskarte sa portfolio sa maraming campaign. Kung hindi mo pa alam kung anong uri ng portfolio na strategy sa pag-bid ang naaangkop sa iyo, basahin muna ang Tungkol sa naka-automate na pag-bid. Kung mayroon kang mga Shopping campaign, suriin ang naka-automate na pag-bid para sa mga Shopping campaign.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumagana ang pag-bid na Target na ROAS at kung ano ang mga setting nito.

Bago ka magsimula

  • Bago ka makapaglapat ng diskarte sa pag-bid na Target na ROAS sa iyong mga campaign, kakailanganin mong magtakda ng mga halaga para sa mga sinusubaybayan mong conversion.
  • Puwede kang maglapat ng mga panuntunan sa halaga ng conversion para mas maipahayag mo ang halaga ng mga conversion ayon sa kung paano nauugnay ang mga ito sa iyong negosyo at makapag-optimize ka para sa mga conversion na mula sa mga uri ng mga user na mas mahalaga sa iyo. Gamitin ang mga panuntunan sa halaga ng conversion para maglapat ng multiplication factor sa mga halaga ng conversion para sa mga uri ng mga customer, device, o lokasyon na mas mataas ang halaga.
  • Para magamit ang pag-bid na Target na ROAS, kailangan ng karamihan ng mga uri ng campaign ng kahit man lang 15 conversion sa loob ng nakalipas na 30 araw.
    • Mga Display campaign: Kahit man lang 15 conversion (na may mga valid na halaga ng conversion) sa loob ng huling 30 araw sa lahat ng iyong campaign nang pinagsama-sama. Hind mo na kailangang magkaroon ng history ng mga conversion sa mga bagong Display campaign para magamit ang pag-bid na Target na ROAS.
    • Mga App campaign: Kahit man lang 10 conversion araw-araw (o 300 conversion sa loob ng 30 araw).
    • Mga Discovery campaign: Kahit man lang 75 conversion sa loob ng huling 30 araw (nangyari dapat ang 10 sa mga conversion na ito sa huling 7 araw). Kasalukuyang nasa beta ang Target na ROAS para sa mga Discovery campaign.
    • Mga Video Action Campaign: Kahit man lang 30 conversion sa nakalipas na 30 araw.
  • Para sa mga Search campaign, kung sinimulan mo kamakailan ang pag-uulat ng halaga ng conversion o binago mo ang paraan ng pag-uulat ng halaga ng conversion, inirerekomenda naming isama mo ang mga bagong halaga sa column na "Mga Conversion" at maghintay ka nang 6 na linggo hanggang sa makatanggap ang iyong campaign ng mga halaga ng conversion sa parehong rate bago mo gamitin ang Target na ROAS.
  • Inirerekomenda rin naming suriin ang iyong mga setting ng badyet para matiyak na kumportable ka sa paggastos ng hanggang 2 beses ng average na pang-araw-araw mong badyet. Sa loob ng isang buwang yugto ng pagsingil, hindi ka sisingilin nang lampas sa pinayagan sana ng iyong average na pang-araw-araw na badyet sa loob ng mahigit sa 30.4 na araw. Para sa mga App campaign, inirerekomenda ring magpagana ng Target na Cost Per Action na uri ng campaign bago magpagana ng Target na ROAS na uri ng campaign para maunawaan ang baseline na ROAS habang itinatakda mo ang iyong paunang target na ROAS. Kapag hindi nagtakda ng maayos na paunang target na ROAS, posibleng hindi maging maganda ang performance o posibleng mapigilan ang paglago.
Tandaan:
  • Kasalukuyang nasa beta ang target na ROAS para sa mga App at Discovery campaign.
  • Para sa mga App campaign, kakailanganin mo ring i-install ang Google Analytics for Firebase SDK sa iyong app. Dapat magmula sa Firebase SDK ang mga event ng conversion kung saan ka nagbi-bid (at ginagamit mo para magpadala ng mga halaga).
  • Sa pangkalahatan, huhusay ang performance kung magpapagana ka ng mas kaunti at mas malalaking campaign na nakakakuha ng mas maraming conversion.

Kailan gagamitin ang pag-bid sa halaga

Pinakakapaki-pakinabang ang pag-bid na batay sa halaga kung may iba't ibang halaga ang iba't ibang conversion para sa iyong negosyo o kung mayroon kang partikular na target na Return On Ads Spend (ROAS) na sinusubukan mong maabot.

Makakatulong sa iyo ang talahanayan sa ibaba na malaman kung aling strategy sa pag-bid ang pinakamahusay para sa campaign mo.

 

I-max ang mga conversion

Target na CPA

I-max ang halaga ng conversion

Target na ROAS

Layunin

Pag-maximize ng mga conversion para sa badyet

Pag-maximize ng mga conversion na pasok sa tCPA

Pag-maximize ng mga halaga ng conversion para sa badyet

Pag-maximize ng mga conversion na pasok sa iyong tROAS

Kailan

  • Priyoridad na gastusin ang badyet
  • Walang partikular na target na ROI.
  • Ang mga conversion kung para saan nag-o-optimize ay may pare-parehong halaga para sa iyong negosyo.
  • Partikular na target na ROI.
  • Ang mga conversion kung para saan nag-o-optimize ay may pare-parehong halaga para sa iyong negosyo.
  • Priyoridad na gastusin ang badyet.
  • Magkakaiba ang halaga ng mga conversion para sa iyong negosyo.
  • Walang partikular na target na ROI.
  • Partikular na target na ROI.
  • Ang mga conversion kung para saan nag-o-optimize ay may magkakaibang halaga para sa iyong negosyo.

Paano ito gumagana

Hinuhulaan ng Google Ads ang mga conversion at nauugnay na halaga sa hinaharap gamit ang iyong mga iniulat na halaga ng conversion, na iniuulat mo sa pamamagitan ng pagsubaybay sa conversion. Pagkatapos, magtatakda ang Google Ads ng mga maximum cost-per-interaction (max. CPC) na bid para ma-maximize ang halaga ng conversion mo, habang sinusubukang makamit ang isang average na return on ad spend (ROAS) na katumbas ng iyong target.

Puwedeng magbalik ang ilang conversion ng mas mataas na ROAS at ang ilan naman ay puwedeng magbalik ng mas mababang ROAS, pero sa pangkalahatan, susubukang ipantay ng Google Ads ang halaga ng iyong conversion sa bawat gastusin sa itatakda mong target na ROAS. Halimbawa, kung magtatakda ka ng target na ROAS na 500%, awtomatikong ia-adjust ng Google Ads ang iyong mga bid para subukang i-maximize ang halaga ng conversion mo, habang inaabot ang target na ROAS na ito (tingnan ang mga detalye ng halimbawa sa ibaba). Para makatulong na pahusayin ang iyong performance sa ad auction, ia-adjust ng strategy na ito ang mga bid gamit ang mga real-time na signal gaya ng device, browser, lokasyon, at oras ng araw. Awtomatiko rin nitong isinasaayos ang mga bid batay sa kung nasa iyong mga listahan ng remarketing ang isang tao o wala.

Magrerekomenda ang Google Ads ng halaga ng target na ROAS pagkatapos mong gumawa ng bagong diskarte sa pag-bid o pumili ng rekomendasyon sa marka ng pag-optimize, at pumili ng mga campaign na paglalapatan nito. Kinakalkula ang rekomendasyong ito batay sa iyong aktwal na ROAS sa nakaraang ilang linggo. Ibubukod namin ang performance mula sa nakaraang araw para maitala para sa mga conversion na puwedeng abutin nang mahigit isang araw bago makumpleto kasunod ng isang pag-click o interaction sa ad (tulad ng engaged na panonood). Ikaw ang magpapasya kung gagamitin ang inirerekomendang halaga ng target na ROAS na ito o kung magtatakda ka para sa sarili mo.

Halimbawa

Ipagpalagay nating sinusukat mo ang mga benta para sa iyong online na tindahan ng mga pambabaeng sapatos at gusto mong i-optimize ang iyong mga bid batay sa halaga ng kabuuan ng isang shopping cart. Ang iyong layunin ay makakuha ng bentang nagkakahalaga ng Php250 (ito ang halaga ng iyong conversion) para sa bawat Php50 na ginagastos mo sa mga ad. Magtatakda ka ng target na ROAS na 500% - para sa bawat Php50 na ginagastos mo sa mga ad, at gugustuhin mong kumita ng katumbas ng 5 beses nito.

Narito ang kalkulasyon:

Php250 sa mga benta ÷ Php50 sa gastos sa ad x 100% = 500% target na ROAS

Pagkatapos, awtomatikong itatakda ng Google Ads ang iyong mga max. CPC na bid para ma-maximize ang halaga ng conversion mo, habang sinusubukang abutin ang iyong target na ROAS na 500%.

Mga pagsasaayos ng bid at Target na ROAS

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga adjustment ng bid na ipakita ang mga ad mo nang mas madalas o mas madalang batay sa kung saan, kailan, at paano naghahanap ang mga tao. Dahil nakakatulong ang Target na ROAS na i-optimize ang iyong mga bid batay sa real-time na data, hindi ginagamit ang mga kasalukuyan mong adjustment ng bid. May isang pagbubukod: Puwede ka pa ring magtakda ng mga adjustment ng bid sa device na -100%.

Tandaan: Hindi mo kailangang mag-alis ng mga adjustment ng bid—hindi na lang gagamitin ang mga iyon.

Gumawa ng bagong strategy sa pag-bid

Puwede kang gumawa ng diskarte sa pag-bid na Target na ROAS para sa isang campaign (karaniwang diskarte) o maraming campaign (portfolio na diskarte sa pag-bid) sa mga sumusunod na paraan:

  • Gumawa gamit ang bagong campaign.
  • Gumawa o magbago mula sa mga setting ng campaign.
  • Gumawa mula sa page na “Mga diskarte sa pag-bid” ng Nakabahaging library.

Para gumawa ng diskarte sa pag-bid, suriin ang Mag-set up ng Smart Bidding.

Mga Setting

Target na ROAS

Ang iyong target na ROAS ay ang average na halaga ng conversion (halimbawa, kita) na gusto mong matanggap para sa bawat pisong ginagastos mo sa mga ad. Tandaan na puwedeng makaimpluwensiya ang itatakda mong target na ROAS sa dami ng conversion na iyong makukuha. Halimbawa, puwedeng malimitahan ang dami ng trapiko na maaaring matanggap ng iyong mga ad kapag nagtakda ka ng masyadong mataas na target.

Narito ang ilang tip para matulungan kang magtakda ng target na ROAS na tama para sa iyo:

  • Kapag available, gamitin ang inirerekomendang target sa mga lugar tulad ng page na Mga Rekomendasyon sa iyong account. Nakabatay ang mga inirerekomendang target sa iyong dating performance, habang isinasaalang-alang ang mga pagkaantala ng conversion.
  • Subukang magtakda ng target na ROAS batay sa dating data ng halaga ng conversion sa bawat gastusin para sa mga campaign na gusto mong gamitan ng diskarteng ito. Makakatulong ito sa iyong ma-maximize ang halaga ng conversion mo, habang inaabot ang parehong return on ad spend na nakukuha ng iyong mga campaign. Dapat mo ring isaalang-alang ang mga pagkaantala ng conversion.
  • Para mahanap ang iyong dating data ng halaga ng conversion sa bawat gastusin, kakailanganin mong piliin ang Baguhin ang mga column mula sa drop-down na “Mga Column” at idagdag ang column na Halaga ng conv./gastusin mula sa listahan ng mga column na "Mga Conversion." Pagkatapos, i-multiply sa 100 ang iyong sukatang halaga ng conversion sa bawat gastusin para makuha ang porsyento ng target na ROAS mo. Tiyaking katugma ng palugit ng conversion ng iyong in-app na pagkilos ang yugto ng panahon ng pagsusuri sa ROAS mo para makuha ang pinakatumpak na view sa performance ng campaign.

Mga limitasyon sa bid

Hindi inirerekomenda ang pagtatakda ng mga limitasyon sa bid para sa Target na ROAS dahil pinaghihigpitan nito ang Google Ads sa awtomatikong pag-optimize ng iyong bid. Puwede rin nitong pigilan ang Google Ads na i-adjust ang iyong mga bid sa halagang pinakamahusay na nakakatugon sa target na ROAS mo. Available ang mga limitasyon sa bid para sa mga portfolio na diskarte sa pag-bid ng Search at Shopping. Kung magtatakda ka ng mga limitasyon sa bid, sa mga auction sa Search Network lang gagamitin ang mga ito, at available lang ang mga ito para sa mga portfolio na diskarte sa pag-bid.

  • Limitasyon sa max. na bid: Ang pinakamataas na CPC na bid na gusto mong itakda ng Google Ads kapag gumagamit ng Target na ROAS.
  • Limitasyon sa min. na bid: Ang minimum na max. CPC na bid na gusto mong itakda ng Google Ads kapag gumagamit ng Target na ROAS. Tandaang posibleng magtakda ang Google Ads ng max. CPC na bid na mas mababa kaysa sa iyong limitasyon sa minimum na bid, karaniwang dahil sa smart pricing. Ibig sabihin nito, ang limitasyon sa bid na itatakda mo rito ay hindi ang pinakamababang bid na puwedeng itakda.

Tip: Piliin kung sa aling mga conversion magbi-bid

Binibigyang-daan ka ng setting na Isama sa "Mga Conversion" na magdesisyon kung magsasama ba o hindi ng mga indibidwal na pagkilos na conversion sa iyong mga column sa pag-uulat na "Mga Conversion" at "Halaga ng conversion." Ang data sa mga column na ito ay ginagamit ng mga diskarte sa pag-bid gaya ng Target na CPA, Target na ROAS, at ECPC, kaya mag-o-optimize lang ang iyong diskarte sa pag-bid batay sa mga conversion na pinili mong isama. Matuto pa tungkol sa setting na "Isama sa 'Mga Conversion.'"

Kasama bilang default ang mga cross-device na conversion mula sa mga Display Network, Video, Search, at Shopping campaign.

Mga target ng ad group

Puwede kang maglapat ng Mga Target ng Ad Group para sa Karaniwan at Portfolio na diskarte sa pag-bid. Sa pamamagitan ng strategy sa portfolio, sama-samang nao-optimize para sa iisang target ang iyong mga campaign, ad group, at keyword. O kaya, puwede kang magtakda ng mga indibidwal na target para sa bawat ad group pero hindi ito inirerekomenda dahil puwede nitong paghigpitan ang Smart Bidding.

Tandaan: Puwede kang magtakda ng mga indibidwal na target na CPA o target na ROAS na bid sa antas ng ad group, pero sa antas ng portfolio na kokontrolin ang diskarteng ginagamit para mag-bid.

Tandaan, kung hindi mo kailangang magtakda ng mga target para sa mga indibidwal na ad group, puwedeng makapag-alok ng mas magandang performance ang strategy sa portfolio.

Tandaan: Hindi nalalapat ang feature na ito sa Target na ROAS para sa mga App campaign para sa mga pag-install, Shopping campaign, o Discovery campaign.

Average na target na ROAS

Ang iyong average na target na ROAS ay ang traffic-weighted na average na ROAS kung saan naka-optimize ang diskarte sa pag-bid mo. Ina-average nito ang mga pagbabagong ginawa mo sa iyong target na ROAS para sa anumang partikular na yugto ng panahon. Dahil dito, puwedeng iba ang iyong average na target na ROAS sa target na ROAS na itinakda mo.

Nagbibigay-daan sa iyo ang sukatang ito na sukatin ang ROAS na na-target ng iyong strategy sa pag-bid para sa mga partikular na yugto ng panahon. Sa pamamagitan ng pagbabago sa hanay ng petsa, malalaman mo kung saan talaga naka-optimize ang iyong strategy sa loob ng yugtong iyon. Tandaan, hindi ka magkakaroon ng average na target na ROAS para sa mga yugto ng panahong walang trapiko.

Makikita mo ang sukatang average na target na ROAS sa talahanayan ng performance sa itaas ng iyong page na “Mga Campaign,” para masuri mo ang aktwal na performance laban sa target na performance. Piliin ang “Avg. na Target na ROAS” mula sa kategoryang “Performance” kapag nagdaragdag ng bagong column, o sa pamamagitan ng pagdaragdag nito sa chart ng performance.

Saan mo makikita ang mga sukatang ito

Nagbibigay-daan sa iyo ang sukatang average na target na ROAS na sukatin ang ROAS na na-target ng iyong diskarte sa pag-bid para sa mga partikular na yugto ng panahon. Sa pamamagitan ng pagbabago sa hanay ng petsa, malalaman mo kung saan talaga naka-optimize ang iyong strategy sa loob ng yugtong iyon. Tandaan, hindi ka magkakaroon ng average na target na ROAS para sa mga yugto ng panahong walang trapiko.

Puwede kang magdagdag ng column para tingnan ang iyong sukatang average na Target na ROAS sa talahanayan ng performance para masuri mo ang aktwal na performance kumpara sa target na performance. Sa itaas ng iyong talahanayang “Mga Campaign,” piliin ang icon ng column Isang larawan ng icon na mga column ng Google Ads sa kategoryang “Performance,” o sa pamamagitan ng pagdaragdag nito sa chart ng performance. Piliin ang “Avg. na target na ROAS,” “Avg. na target na cost per install,” o “Avg. na target na gastos sa bawat in-app na pagkilos” mula sa kategoryang “Performance” kapag nagdaragdag ng bagong column.

Makikita mo rin ang sukatang ito sa iyong ulat sa diskarte sa pag-bid sa tabi ng "Aktwal na ROAS" mo, na kumakatawan sa aktwal na ROAS na naabot ng diskarteng ito. Alamin kung paano hanapin ang iyong mga ulat sa diskarte sa pag-bid

Available ang average na target na ROAS para sa mga karaniwan at portfolio na diskarte sa pag-bid.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13995409735113703351
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false