Pag-link ng Produkto: Mag-link ng property sa Google Analytics (Universal Analytics) sa Google Ads

Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-link ng property sa Universal Analytics sa iyong Google Ads account. Tumutukoy ang Universal Analytics sa dating henerasyon ng Analytics. Ito ang default na uri ng property para sa mga website bago ang Oktubre 14, 2020.

Iba ang mga property sa Universal Analytics kaysa sa mga property sa Google Analytics 4 (dating kilala bilang mga App + Web property). Matuto pa tungkol sa pag-link sa Google Ads ng mga property sa Google Analytics 4.

Kung mayroon kang property sa Universal Analytics mula sa Google Analytics, puwede mong i-link ang property sa iyong Google Ads account. Makakatulong sa iyo ang pag-link ng property sa Universal Analytics sa Google Ads account mo na masuri ang aktibidad ng customer sa iyong website pagkatapos ng isang pag-click sa ad o ad impression.

Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung paano mag-link ng property sa Universal Analytics sa Google Ads account mo, pati na rin kung paano mag-edit o mag-alis ng mga naka-link na property.

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Bago ka magsimula

Para i-link sa Google Ads ang iyong mga property sa Universal Analytics, kakailanganin mo ng pang-administrator na access sa isang Google Ads account at “mga pahintulot na Mag-edit” sa isang property sa Google Analytics. Para sa pag-unlink o pag-edit ng kasalukuyang link mula sa Google Ads, pang-administrator na access lang sa isang Google Ads account lang ang kailangan.

Mga Tagubilin

Mag-link ng property sa Google Analytics (Universal Analytics) sa Google Ads

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Admin Admin Icon.
  2. I-click ang Mga naka-link na account.
  3. Sa ilalim ng "Mula sa Google," hanapin ang "Google Analytics (UA)," pagkatapos ay i-click ang Mga Detalye.
  4. Makakakita ka ng listahan ng mga property sa Universal Analytics kung saan ka may access. Ipinapakita ng column na “Status” kung naka-link ang isang property sa Google Ads. (Kung hindi mo nakikita ang property, tiyaking mayroon kang pahintulot na "Mag-edit" sa property na iyon.)
  5. Sa column na “Mga Pagkilos,” i-click ang I-link sa tabi ng mga property na gusto mong i-link sa Google Ads. Puwede kang mag-link ng maraming property hangga't gusto mo.
  6. Mag-import ng mga sukatan ng site o mag-link ng mga view sa Google Ads mula sa Analytics:
    1. Kung isa lang ang view ng napili mong property, ang pangalan lang ng view na iyon ang makikita mo. Piliin ang Mag-import ng mga sukatan ng site para makakita ng data sa Analytics sa mga ulat sa Google Ads.
    2. Kung maraming view ang property, makakakita ka ng listahan ng mga view na puwede mong i-link. Para sa bawat view, magagawa mo ang mga sumusunod:
      1. Mag-link: Gagawin nitong available sa Analytics ang data ng pag-click at gastos sa Google Ads, at gagawin nitong available sa Google Ads ang mga layunin at transaksyon sa Analytics. Puwede kang mag-link ng maraming view hangga't gusto mo.
      2. Mag-import ng mga sukatan ng site: (Inirerekomenda) Pumili ng isang view kung saan mo gustong mag-import ng mga sukatan ng pakikipag-ugnayan sa site. Gagamitin ang view na ito para magpakita ng mga sukatan ng pagkikipag-ugnayan sa site sa mga column ng pag-uulat sa Analytics ng iyong account. Tandaang kakailanganin mong magdagdag ng mga column ng Analytics sa iyong mga ulat sa Google Ads. Kadalasan, hindi aabutin nang isang oras ang pag-import ng data ng Google Analytics, pero posibleng mas matagalan ang proseso para sa mas malalaking account. Pagkatapos ma-import ang data, puwede kang magdagdag ng mga column ng Analytics sa iyong mga ulat sa Google Ads.
  7. I-click ang I-save.

Mag-unlink sa Google Ads ng property sa Google Analytics (Universal Analytics)

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Admin Admin Icon.
  2. I-click ang Mga naka-link na account.
  3. Sa ilalim ng "Setup," i-click ang Mga naka-link na account.
  4. Sa ilalim ng "Iyong mga naka-link na account at produkto," hanapin ang "Google Analytics (UA)," pagkatapos ay i-click ang Pamahalaan at i-link.
  5. May makikita kang listahan ng mga property sa Analytics kung saan ka may access.
    • Para baguhin kung aling mga view ang naka-link, o ang view na pagmumulan ng ii-import na mga sukatan ng site, i-click ang icon na lapis I-edit sa tabi ng data sa column na "Mga View." Para i-save ang iyong mga pagbabago, i-click ang I-save.
    • Para mag-unlink ng property sa iyong Google Ads account, i-click ang I-unlink sa column na "Mga Pagkilos."

Pagkatapos mong mag-unlink ng property sa Analytics:

  • Magiging available pa rin sa mga ulat sa Google Ads ang data ng session para sa Google Ads (gaya ng mga pag-click, impression, CPC, atbp.), pero lalabas sa mga ulat bilang "(not set)" ang mga bagong session mula sa mga pag-click sa mga Google Ads account pagkatapos mong maalis ang property.
  • Isasara ang mga listahan ng remarketing na nakabatay sa link.
  • Hindi na mai-import sa Google Ads mula sa Analytics ang mga layunin o transaksyon.

Nagkakaproblema ka ba?

Mag-ayos ng isyu sa pag-link

Kung kailangan mo ng higit pang tulong sa Google Analytics sa Google Ads, makipag-ugnayan sa amin.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Makakuha ng mas magagandang resulta sa negosyo gamit ang Google Analytics.

Makakapagpagana ka ng mas mahuhusay na Google Ads campaign gamit ang Google Analytics. Gamitin ang Google Analytics para makahikayat ng higit pang pagkilos na pinakamahalaga sa iyong negosyo.

Gamitin nang libre ang Google Analytics

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16402771580579112536
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false