Iba ang mga property sa Universal Analytics kaysa sa mga property sa Google Analytics 4 (dating kilala bilang mga App + Web property). Matuto pa tungkol sa pag-link sa Google Ads ng mga property sa Google Analytics 4.
Kung mayroon kang property sa Universal Analytics mula sa Google Analytics, puwede mong i-link ang property sa iyong Google Ads account. Makakatulong sa iyo ang pag-link ng property sa Universal Analytics sa Google Ads account mo na masuri ang aktibidad ng customer sa iyong website pagkatapos ng isang pag-click sa ad o ad impression.
Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung paano mag-link ng property sa Universal Analytics sa Google Ads account mo, pati na rin kung paano mag-edit o mag-alis ng mga naka-link na property.
Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.
Bago ka magsimula
Para i-link sa Google Ads ang iyong mga property sa Universal Analytics, kakailanganin mo ng pang-administrator na access sa isang Google Ads account at “mga pahintulot na Mag-edit” sa isang property sa Google Analytics. Para sa pag-unlink o pag-edit ng kasalukuyang link mula sa Google Ads, pang-administrator na access lang sa isang Google Ads account lang ang kailangan.
Mga Tagubilin
Mag-link ng property sa Google Analytics (Universal Analytics) sa Google Ads
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Admin .
- I-click ang Mga naka-link na account.
- Sa ilalim ng "Mula sa Google," hanapin ang "Google Analytics (UA)," pagkatapos ay i-click ang Mga Detalye.
- Makakakita ka ng listahan ng mga property sa Universal Analytics kung saan ka may access. Ipinapakita ng column na “Status” kung naka-link ang isang property sa Google Ads. (Kung hindi mo nakikita ang property, tiyaking mayroon kang pahintulot na "Mag-edit" sa property na iyon.)
- Sa column na “Mga Pagkilos,” i-click ang I-link sa tabi ng mga property na gusto mong i-link sa Google Ads. Puwede kang mag-link ng maraming property hangga't gusto mo.
- Mag-import ng mga sukatan ng site o mag-link ng mga view sa Google Ads mula sa Analytics:
- Kung isa lang ang view ng napili mong property, ang pangalan lang ng view na iyon ang makikita mo. Piliin ang Mag-import ng mga sukatan ng site para makakita ng data sa Analytics sa mga ulat sa Google Ads.
- Kung maraming view ang property, makakakita ka ng listahan ng mga view na puwede mong i-link. Para sa bawat view, magagawa mo ang mga sumusunod:
- Mag-link: Gagawin nitong available sa Analytics ang data ng pag-click at gastos sa Google Ads, at gagawin nitong available sa Google Ads ang mga layunin at transaksyon sa Analytics. Puwede kang mag-link ng maraming view hangga't gusto mo.
- Mag-import ng mga sukatan ng site: (Inirerekomenda) Pumili ng isang view kung saan mo gustong mag-import ng mga sukatan ng pakikipag-ugnayan sa site. Gagamitin ang view na ito para magpakita ng mga sukatan ng pagkikipag-ugnayan sa site sa mga column ng pag-uulat sa Analytics ng iyong account. Tandaang kakailanganin mong magdagdag ng mga column ng Analytics sa iyong mga ulat sa Google Ads. Kadalasan, hindi aabutin nang isang oras ang pag-import ng data ng Google Analytics, pero posibleng mas matagalan ang proseso para sa mas malalaking account. Pagkatapos ma-import ang data, puwede kang magdagdag ng mga column ng Analytics sa iyong mga ulat sa Google Ads.
- I-click ang I-save.
Mag-unlink sa Google Ads ng property sa Google Analytics (Universal Analytics)
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Admin .
- I-click ang Mga naka-link na account.
- Sa ilalim ng "Setup," i-click ang Mga naka-link na account.
- Sa ilalim ng "Iyong mga naka-link na account at produkto," hanapin ang "Google Analytics (UA)," pagkatapos ay i-click ang Pamahalaan at i-link.
- May makikita kang listahan ng mga property sa Analytics kung saan ka may access.
- Para baguhin kung aling mga view ang naka-link, o ang view na pagmumulan ng ii-import na mga sukatan ng site, i-click ang icon na lapis sa tabi ng data sa column na "Mga View." Para i-save ang iyong mga pagbabago, i-click ang I-save.
- Para mag-unlink ng property sa iyong Google Ads account, i-click ang I-unlink sa column na "Mga Pagkilos."
Pagkatapos mong mag-unlink ng property sa Analytics:
- Magiging available pa rin sa mga ulat sa Google Ads ang data ng session para sa Google Ads (gaya ng mga pag-click, impression, CPC, atbp.), pero lalabas sa mga ulat bilang "(not set)" ang mga bagong session mula sa mga pag-click sa mga Google Ads account pagkatapos mong maalis ang property.
- Isasara ang mga listahan ng remarketing na nakabatay sa link.
- Hindi na mai-import sa Google Ads mula sa Analytics ang mga layunin o transaksyon.
Nagkakaproblema ka ba?
Kung kailangan mo ng higit pang tulong sa Google Analytics sa Google Ads, makipag-ugnayan sa amin.