Kumonekta sa mga dati mo nang customer at abutin ang mga bago gamit ang Customer Match

Gabay para tulungan kang masulit ang iyong data mula sa first-party.

Best Practices logo

Makakabuo ka ng mga makabuluhang relasyon sa mga customer mo sa pamamagitan ng pag-activate sa data mula sa first-party gamit ang Customer Match ng Google. Gumagawa ang Customer Match ng listahan ng audience mula sa impormasyong ibinibigay sa iyo ng mga customer mo, at nagbibigay-daan ito sa iyo na makipag-ugnayan sa kanila sa mga Search, Shopping, Display, Video, at Discovery campaign. Tukuyin ang mga segment ng mga bisita na gusto mong makaugnayan sa ibang paraan, at isaayos ang mga bid at pagmemensahe para sa mga audience na iyon.

Habang nagkakabisa ang mga patakaran sa App Tracking Transparency (ATT) ng Apple, posibleng maapektuhan ang iyong mga segment ng data (lalo na ang mga website, app, at awtomatikong ginawang listahan) at mga listahan ng Customer Match sa trapiko ng iOS 14 (kabilang ang paggamit ng mga listahang ito para sa mga pagbubukod). Ang mga campaign na nagpo-promote ng mga web-based na layunin sa conversion - lalo na ang mga gumagamit ng Customer Match at iba mo pang segment ng data - ay posible ring makakita ng mga pagbabago-bago sa performance. Sa panahong ito, papalawakin namin ang mga nakamodelong conversion sa higit pang trapiko ng iOS 14.

Narito ang ilang paraan kung paano makakatulong ang Customer Match na mapalago ang iyong negosyo:

  • Mag-cross sell sa mga dati mo nang customer ng ibang produkto o serbisyong baka magustuhan nila
  • Maghanap ng mga bagong customer na katulad ng mga pinakamasusugid mong customer
  • Abutin ang mga dati mong customer sa pamamagitan ng mga espesyal na alok at pagmemensahe
  • I-reactivate ang mga tahimik na customer

Kapag nag-upload ng impormasyon ng customer sa Google, hina-hash—ginagawang mga naka-encrypt na code—ang data at itinutugma ito sa mga code ng mga Google account. Pagkatapos itugma ang mga code, kaagad na dine-delete ang mga ito. May tumugma man o wala, hindi pinapanatili ng Google ang data na ito at hindi rin nito ito ginagamit para sa anupamang produkto ng Google. Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ng Google ang data ng Customer Match sa paraang ligtas ang privacy

1. I-maximize ang laki at abot ng listahan

  • I-upload ang lahat ng available na uri ng impormasyon—gaya ng mga email address, mobile device, numero ng telepono, at pisikal na address—sa tamang format para magawa ang pinakamalaking posibleng audience ng mga customer.

Bakit: Ang laki ng listahan ay ang aktwal na bilang ng mga user na naaabot mo, kaya kung mas malaki ito, mas maganda. Ang mga advertiser na nag-upload ng dalawang uri ng impormasyon ng customer ay nakakita ng average na 28% paglaki ng listahan, at 35% paglaki kapag tatlong uri ang na-upload nila1.

Tip

Sini-streamline ng paggamit ng na-verify na partner sa pag-upload ng Customer Match ang manual na gawain ng pag-upload ng iyong listahan ng customer. Nagbibigay-daan din ito sa iyo na maglagay ng karagdagang impormasyon, na posibleng malaki ang maitulong sa pagpapataas ng mga rate ng pagtugma at pagpapalaki ng listahan.

  • Gamitin ang rate ng pagtugma bilang benchmark para makatulong sa pag-diagnose kung mayroon kang anumang isyu sa pag-format ng data.

Bakit: Ang rate ng pagtugma ay ang porsyento ng iyong pag-upload na naikonekta sa mga user ng Google para makita mo kung gaano kalaking bahagi ng iyong listahan ang magagamit. Huwag mabahala kung hindi 100% ang rate ng pagtugma mo—karaniwan lang na magkaroon ng impormasyon ng customer na hindi maitutugma. Gamitin ito bilang indicator ng kung gaano karami sa iyong data ang magagamit at may tamang format.

81% ng mga tao sa iyong listahan ng mga customer ang natukoy para sa mga layunin ng pag-target. 
Nasa 29% hanggang 62% ang mga rate ng pagtutugma ng karamihan ng mga advertiser. Para tumaas ang iyong rate ng pagtutugma, tiyaking ifo-format at ie-encrypt mo nang maayos ang iyong listahan.
  • Maglagay ng maraming source ng impormasyon para sa mga customer sa iisang row ng iyong data file.

Bakit: Ito ang makakapagbigay sa iyo ng pinakatumpak na rate ng pagtugma sa Google Ads. Halimbawa, kapag mayroon kang numero ng telepono at email address mula sa iisang customer, pagsamahin ang mga ito sa iisang row nang magkatabi (gaya ng ipinapakita sa row 2 at row 5).

2. Panatilihing napapanahon ang mga listahan para sa pinakamahusay na performance

  • I-update nang madalas ang mga listahan ng Customer Match para sa mas magagandang resulta.

Bakit: Kung hindi mo ia-update ang iyong mga listahan, magiging di-aktibo ang mga ito, na maglilimita sa dami ng impormasyong magagamit ng Google para hanapin ang nauugnay mong audience. Tumataas nang average na +17% ang trapiko at conversion ng mga listahan ng Customer Match pagkatapos mag-update2.

Narito ang mga paraan para ma-update mo ang iyong mga listahan:

Paraan ng Pag-update Pinakamahusay na Kagawian
Mga manual na pag-upload sa Google Ads Magtakda ng paalala sa kalendaryo na mag-update ng mga listahan sa parehong araw/oras bawat linggo
API I-automate ang iyong proseso ng pag-upload para dagdagan ang mga listahan kahit isang beses lang bawat araw
Partner sa pag-upload sa Customer Match Makipagtulungan sa isang partner sa pag-upload para mas padaliin ang madalas na pag-refresh ng mga listahan
Naka-automate na solusyon ng third party (halimbawa, Zapier) Mag-set up ng “Zap,” na awtomatikong mag-a-update ng mga listahan nang real time (magsimula)
Mga listahan ng customer na batay sa conversion Pumunta sa Mga Setting ng Account at lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "I-on ang mga listahang batay sa conversion"

3. I-maximize ang engagement kapag inilalapat ang iyong mga listahan

  • Panatilihing malawak ang pag-segment ng listahan at i-enable ang Smart Bidding.

Bakit: Awtomatikong isinasaalang-alang ng Smart Bidding ang mga listahan ng Customer Match kapag nagpapasya sa pag-bid, kaya hindi mo kailangang i-segment nang sobra-sobra ang iyong mga listahan. Kapag maraming audience ang kwalipikado para makakuha ng attribution para sa isang impression, ibibigay ng Google Ads ang attribution sa audience na may pinakamalaking halaga sa iyo.

  Rekomendasyon Bakit
Naka-automate na Pag-bid +0% ang gamitin para sa lahat ng audience Io-optimize ng Smart bidding at Pinahusay na CPC ang mga bid para sa bawat inilapat na audience
Manual na Pag-bid Gamitin ang pinakamataas ng pagsasaayos ng bid para sa mga listahan ng Customer Match Ito ang pinakamahahalagang customer at madalas na pinakamataas ang pagtaas sa CVR ng mga ito
  • Maglapat ng mga listahan ng Customer Match sa lahat ng campaign.

Bakit: Tiyaking available sa buong account mo ang mahahalagang audience na ito.

  • Mag-deploy ng mas malalawak na uri ng pagtutugma at piniling keyword.

Bakit: Na-prequalify ang mga listahan ng audience, kaya makakatulong sa pagpapalawak ng iyong abot ang paggamit ng mas malalawak na keyword sa isang audience.

  • Limitahan ang paglalapat ng mga negatibong listahan.

Bakit: Kapag ibinukod ang isang audience, mawawala ang kakayahan mong mag-cross sell at magpanatili ng mga customer sa loob ng mas mahahabang yugto ng panahon.

  • Gumamit ng mga listahan ng audience sa Mga Dynamic na Search Ad (DSA).

Bakit: Naaabot ng DSA ang mga user batay sa content ng iyong site. Lalo pa itong nagiging kapaki-pakinabang kung alam mo kung aling hanay ng mga user ang naaabot nito.

4. Maghanap ng mga bagong audience

  • Gumamit ng mga katulad na audience sa Customer Match para makahanap ng mga bagong customer na interesado sa iyong negosyo.

Bakit: Ginagamit ng mga katulad na audience ang iyong mga listahan ng Customer Match para maghanap ng mga user na may magkakatulad na katangian at gawi.

Matuto pa tungkol sa Customer Match at suriin ang mga patakaran sa Customer Match dito.

Mga kuwento ng tagumpay

May natukoy ang Telia na mga bagong pagkakataon sa paglaki sa Customer Match

Nag-aalok ang Telia Norge ng mga solusyon sa mobile para sa mga negosyo at sambahayan. Ang panguhaning hamon sa marketing ng brand ay ang paghahanap ng mga paraan para mapataas ang trapiko mula sa kasalukuyan nilang customer base at paghihikayat sa kanilang mag-upgrade ng kanilang mga kontrata. Ginamit ng Telia ang Customer Match para i-segment ang kanilang mga customer batay sa kanilang mga pangangailangan sa paghahatid ng mga naka-customize na pagmemensahe at rekomendasyon. Mula sa mga campaign sa Customer Match na ito ang 69% ng mga conversion, na dahilan para tumaas ang kita nang 15% at ang conversion rate nang 22%.

Gumagamit ang asosasyon ng mga propesyonal na ISACA ng Customer Match para pasalihin ulit ang mga hindi aktibong miyembro

Ang Information Systems Audit and Control Association (ISACA) ay isang international na nonprofit na tumutulong sa mga propesyonal sa IT na umusad sa kanilang mga career. Tinulungan sila ng Google Marketing Platform Partner na MightyHive na gumamit ng Customer Match sa Display & Video 360 para imbitahang sumali ulit sa asosasyon ang mga hindi aktibong miyembro. Gumamit sila ng Customer Match para abutin ang mga dating miyembro na nagrehistro dati ng mga email address nila gamit ang iniangkop na mensahe, kung saan nakatipid sila ng hanggang 77% sa CPC para sa pag-renew ng membership.

1. Internal na data ng Google, Mayo 2020

2. Internal na data ng Google, Mayo 2020

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17051441251113327549
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false