Matuto tungkol sa paglipat sa Google Tasks mula sa Mga Paalala

Para matulungan kang isaayos at pamahalaan ang mga kailangan mong gawin sa iisang lugar, magiging Google Tasks na ang Mga Paalala sa Google Assistant at Calendar. Puwede mong tingnan at i-edit ang mga kasalukuyan mong paalala (mga gawain na ngayon) gamit ang Google Assistant, Google Calendar, o Google Tasks.

Tip: Mahihiling mo pa rin sa Google Assistant na magtakda ng paalala sa iyong moile device o smart display. Ise-save bilang gawain sa Google Tasks ang paalala, at makakatanggap ka ng notification kapag oras na para tapusin ang gawain.

Ano ang mga paalala at paano ko ginawa ang mga iyon?

Dati, puwede kang gumawa ng mga paalala sa:

  • Assistant
  • Calendar
  • Inbox
    • Tip: Hindi na sinusuportahan ang Inbox. Posibleng pinapanatili pa rin ang mga paalalang ginawa mo sa Inbox bago mag-2019.
  • Keep

Kung na-on mo ang kalendaryo ng Mga Paalala, makikita sa iyong kalendaryo ang mga paalala. Puwede mo ring tingnan ang iyong mga paalala sa reminders.google.com. Inaabisuhan ka ng Calendar tungkol sa hiniling na aktibidad sa hiniling na oras.

Ano ang mangyayari sa mga paalala ko?

May opsyon kang gawing mga gawain ang iyong mga paalala, o puwede mong hintaying awtomatikong ma-convert ang mga ito. Mako-convert sa mga gawain ang iyong mga paalala, maliban sa:

  • Mga na-delete na paalala
  • Mga paalala sa Keep
    • Mananatili sa Keep ang mga paalala sa Keep, pero hindi na makikita sa iyong kalendaryo ang mga ito.

Mahalaga:

  • Kung nakabatay sa lokasyon ang isang paalala: Awtomatikong idaragdag sa field ng mga detalye ng gawain ang lokasyon. Hindi ka na makakatanggap ng notification batay sa lokasyon.
  • Kung itinalaga sa iyo ang isang paalala: Idaragdag sa pamagat ng gawain ang pangalan ng nagtalaga. Mawawalan na ng access ang nagtalaga sa paalala.
    • Halimbawa: “Mula kay James: Ilabas ang basura.”
  • Kung hindi pa nakukumpleto ang iyong gawain: Lalabas ang gawain sa iyong kalendaryo. Sa loob ng hanggang 365 araw, lalabas din ang gawain bilang "Nakabinbing gawain" sa seksyong buong araw ng iyong kalendaryo. Ang mga gawaing mahigit 365 araw na ay ipapakita sa orihinal na takdang petsa sa Calendar at sa iyong Tasks app.
  • Kung may gawain kang umuulit nang mas madalang sa kada 1000 araw/linggo/buwan/taon, na-adjust namin ang iskedyul ng pag-ulit para maging isang beses kada 1000 araw/linggo/buwan/taon. Halimbawa, ang isang gawaing umuulit kada 2000 araw ay na-adjust sa kada 1000 araw.
  • Ang anumang gawaing may mga petsa lampas sa taong 3000 ay ia-adjust sa taong 2900.

Saan ko mahahanap ang mga paalala kong na-convert sa mga gawain?

Para tingnan ang iyong mga gawain, pumunta sa kalendaryo ng Tasks sa halip ng kalendaryo ng Mga Paalala. Puwede ka ring pumunta sa Google Tasks o magtanong sa Assistant, para sa iyong mga gawain.

Mga Tip:

Paano kung naka-off ang serbisyo ng Tasks sa aking organisasyon?

Kung mayroon kang Google Account para sa trabaho o paaralan, simula sa Mayo 2023, awtomatikong ima-migrate sa Google Tasks ang mga paalala sa Google Assistant at Google Calendar.

Matuto pa tungkol sa mahahalagang petsa para sa pag-migrate ng Mga Paalala.

Makikita pa rin ba sa kalendaryo ko ang mga paalala?

Mga gawain na ang iyong mga paalala. Makikita ang mga gawain bilang mga event sa iyong kalendaryo at isasaad ang mga ito nang may check mark . Para tingnan ang iyong mga gawain, i-on ang kalendaryo ng "Tasks."

Paano ko mapapamahalaan ang mga paalalang na-convert sa mga gawain?

Puwede mong tingnan at i-edit ang iyong mga paalala bilang mga gawain sa:

  • Assistant
    • “Ok Google, show me my tasks (Ipakita sa akin ang mga gawain ko).”
    • “Ok Google, show my reminders (ipakita sa akin ang mga paalala ko).”
  • Calendar
  • Tasks sa:
    • Panel sa gilid katapat ng Workspace sa iyong desktop
    • Mga mobile app

Alamin kung paano gamitin ang Google Tasks.

Puwede ko bang i-convert pabalik sa mga paalala ang aking mga gawain pagkatapos ng pag-migrate?

Permanente at hindi maa-undo ang pag-migrate ng iyong mga paalala sa mga gawain.

Paano ako makakagawa ng bagong gawain?

Puwede kang gumawa ng mga bagong gawaing may pamagat, petsa, o dalas sa:

  • Assistant
  • Calendar
  • Chat
  • Gmail
  • Ibahagi sa Tasks sa mobile
  • Tasks

Tip: Puwedeng magtalaga sa iyo ng mga gawain sa mga nakabahaging surface gaya ng space o dokumento. Alamin kung paano magsimula sa Nakabahaging Google Tasks.

Ano pa ang magagawa ko sa Tasks?

Nagbibigay-daan din sa iyo ang Tasks na:

  • Magdagdag ng paglalarawan.
  • Magsaayos ng mga gawain gamit ang mga listahan.
  • Isapriyoridad ang mga gawaing may mga star.
  • Baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa listahan gamit ang “Manual na isaayos” o “Isaayos ayon sa petsa.”
  • I-export ang iyong data mula sa Tasks. Alamin kung paano i-export ang iyong data mula sa Google Tasks.
    • Kung gumagamit ka ng account sa trabaho o paaralan, kailangang i-enable ng iyong admin ang opsyong ito.
    • Kung hindi mo ma-export ang iyong data mula sa Tasks, puwede mo itong i-print.

Kailangan ko bang i-install ang Tasks para patuloy na makagamit ng mga paalala sa Google Assistant?

Hindi, hindi kailangan ang Tasks app para makagamit ng mga paalala sa Google Assistant.

Puwede ko pa rin bang sabihin ang “Set reminder (Magtakda ng paalala)” sa Google Assistant pagkatapos ma-migrate ang mga paalala ko?

Oo, mase-save sa Tasks ang paalala.

Maaabisuhan pa rin ba ako tungkol sa mga paalalang ginawa ko gamit ang Google Assistant sa mga compatible na Google Assistant device ko?

Oo, makakatanggap ka pa rin ng mga paalala sa mga Google Assistant device. Para makatanggap ng mga notification sa iyong iPhone o iPad, tiyaking ii-install mo ang Google Calendar o Google Tasks app.

Aling mga app ang puwedeng magpadala sa akin ng notification tungkol sa mga gawain?

  • Google Tasks
  • Google Calendar
  • Google Assistant

Para makatanggap ng mga notification tungkol sa mga gawain, i-update ang iyong mga setting ng notification:

Mga Tip:

  • Kung wala kang Tasks app, Calendar ang magpapadala sa iyo ng notification tungkol sa iyong mga gawain.
  • Sa Android, kung wala kang Tasks o Calendar, Google Assistant ang magpapadala sa iyo ng notification.
  • Kapag gumawa ka ng gawain offline at gusto mong mag-sync ng mga gawain sa iba mo pang sinusuportahang device, ikonekta ang iyong device sa internet.
  • Kung hindi ka regular na gumagamit ng mga app, mao-off o maaantala ang mga notification sa ilang Android phone. Para mapanatiling naka-on ang mga notification para sa mga gawain, bigyan ng mga pahintulot ang Tasks at Calendar.
  • Kung magse-set up ka ng Focus sa iyong iPhone o iPad, posibleng hindi ka makatanggap ng mga notification. Para mapanatiling naka-on ang mga notification para sa mga gawain, i-on ang Time Sensitive Notifications.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10087234443093405876
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
88
false
false