Paano gumawa ng spreadsheet ng maramihang pag-upload para sa Mga Profile ng Negosyo

Puwede mong pamahalaan ang isang indibidwal na profile sa Search at Maps. Para mamahala ng mga profile nang maramihan, puwede mong gamitin ang Business Profile Manager. Kung gusto mong magdagdag ng isa pang profile, sa Google Search, piliin ang menu na tatlong tuldok Menu at pagkatapos ay Magdagdag ng bagong Profile ng Negosyo.

Puwede kang mangolekta ng impormasyon para sa maraming Profile ng Negosyo at mag-upload ng data para mag-verify ng maraming lokasyon ng negosyo nang sabay-sabay kapag gumamit ka ng spreadsheet ng maramihang pag-upload.

Gumawa ng spreadsheet ng maramihang pag-upload

Sa iyong computer, mag-sign in sa Business Profile Manager.

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Magdagdag ng profile.
  2. Sa menu na magda-drop down, i-click ang Mag-import ng mga profile.
    • Para mag-download ng blangkong spreadsheet: i-click ang I-download ang template. Ida-download ang spreadsheet sa wikang ginagamit mo para sa iyong negosyo.
    • Para makakita ng halimbawa ng nakumpletong spreadsheet: i-click ang I-download ang halimbawang spreadsheet.
    • Para malaman kung anong mga detalye ang magagamit mo para ilarawan ang iyong profile: i-click ang I-download ang spreadsheet na reference ng mga attribute.
  3. Sagutan ang bawat field.
  4. Bago mo i-upload ang iyong spreadsheet, idagdag ang lahat ng negosyong pinapamahalaan mo.

Mga Tip:

  • Para mag-upload ng mga negosyo sa maraming bansa o rehiyon, siguraduhing gamitin ang tamang format ng address.
  • Hindi mo kailangang punan ang lahat ng field bago mo i-upload ang spreadsheet. Kung may kulang na kinakailangang impormasyon, ipa-prompt kang punan ang mga cell na iyon.

Maunawaan ang mga karaniwang isyu sa pag-upload

Kung ilang partikular na field lang ang ia-update mo para sa mga kasalukuyang negosyo sa iyong spreadsheet, puwede mong i-delete ang mga column na hindi mo ginagamit. Kinakailangan ang column na “Code ng negosyo.”

Kung magsasama ka ng mga column na may heading pero walang impormasyon sa ilalim ng mga ito sa spreadsheet mo, mabubura ang dati nang impormasyon para sa mga column na iyon.

Kung nakapagdagdag ka ng negosyo nang hindi sinasadya. makakatanggap ka ng alerto na wala ang mga kinakailangang header ng column. Naka-highlight sa iyong account ang mga error na nangangailangan ng pagkilos. Matuto pa tungkol sa mga mensahe ng error.

Para matiyak na mabilis na mave-verify ang na-upload mo, maunawaan ang mga karaniwang isyu.

Alamin ang tungkol sa mga field sa spreadsheet

Code ng negosyo

Mahalaga: Kinakailangan ng code ng negosyo para sa bawat negosyong kasama sa iyong spreadsheet.

Ang mga code ng negosyo ay mga natatanging ID para sa bawat isa sa iyong mga negosyo na tumitiyak na tama ang mga pagbabago sa iyong account. Hindi available sa publiko ang mga code na ito sa Google, pero available ang mga ito sa mga user ng profile ng lokasyon mo.

Ang mga code ng negosyo ay dapat:

  • Natatangi sa isang partikular na negosyo
  • Hindi lampas sa 64 na character
  • Walang anumang espasyo sa unahan o dulo
  • Walang special character (gaya ng "<" o ">") o URL

Gumawa ng mga code na madaling tandaan

Para maiwasang malito sa mga spreadsheet, puwede mong isama ang pangalan ng iyong brand sa mga code ng negosyo mo. Puwede kang bumuo ng mga code ng negosyo gamit ang identifier ng brand at numero.

Mga Halimbawa:

  • G1, G2, G3
  • Goog101, Goog102, Goog103
  • GClaremont, GMainStreet, GDowntown

Mga Tip:

Pangalan ng negosyo

Mahalaga: Kinakailangan ng pangalan ng negosyo para sa bawat lokasyon.

Ang pangalan ng negosyo mo ang lumalabas sa Google, at dapat itong kumatawan sa iyong negosyo gaya mismo ng pagkatawan dito offline.

Ang pangalan ng iyong negosyo ay:

  • Hindi puwedeng lumampas sa 100 character
  • Puwedeng may kasamang acronym na hanggang 4 na titik
  • Puwedeng naka-title case
    • Hindi dapat malalaking titik lahat ang mga salita.

Kung nasa loob ng mall o isa pang tindahan ang iyong negosyo, huwag isama ang impormasyong ito sa pamagat. Ang pangalan lang ng negosyo mo ang isama.

Address
Para ilagay ang mga address ng negosyo mo, sundin ang format ng address para sa maramihang pag-upload.
Latitude at longitude

Mahalaga: Hindi kinakailangan ang latitude at longitude, pero puwede mong isama ang mga ito kapag gumawa ka ng bagong business. Kung hindi namin ma-validate ang nakalistang address, mangangailangan kami ng latitude at longitude.

Para matulungan kaming ilagay ang iyong bagong negosyo sa mapa, puwede mong ibigay ang latitude at longitude nito. Ginagamit lang ang latitude at longitude kapag ginawa ang isang negosyo sa iyong profile sa unang pagkakataon at nakakatugon ito sa iba pang pamantayan. Hindi isinasaalang-alang ang mga ito kung kasama ang mga ito sa mga susunod na pag-upload ng spreadsheet para sa mga kasalukuyang negosyo.

Magbigay ng mga coordinate para sa bagong negosyo

Nakabatay dapat ang latitude at longitude ng iyong negosyo sa sentro ng lokasyon mo.

Kasama dapat sa iyong mga coordinate ang:

  • Isang latitude na mula -90 hanggang 90
  • Isang longitude na mula -180 hanggang 180
  • Mga value ng latitude at longitude na may kasamang kahit 6 na digit pagkatapos ng decimal point
    • Halimbawa, tumpak na mailalagay ang Googleplex kung ang value ng latitude ay 37.421998 at ang value ng longitude ay -122.084059.

Para makapagbigay ng latitude at longitude para sa mga bagong negosyo:

  1. Magdagdag ng mga column ng latitude at longitude sa iyong spreadsheet saan mo man pipiliin.
  2. Pangalanan ang iyong mga header ng column batay sa wika mo.
    • English: Gamitin ang “Latitude” at “Longitude” bilang mga header ng column.
    • Mga wika maliban sa English: I-download ang spreadsheet ng template para sa iyong wika at gamitin ang mga header ng column na iyon.
      • Tip: Puwede mong gamitin ang “Latitude” at “Longitude” sa English bilang iyong mga header ng column para sa anumang wika ng dashboard.
  3. Idagdag ang latitude at longitude sa row para sa bawat lokasyon.
Tip: Sa Japan, WGS84 lang ang tinatanggap na format ng latitude at longitude.
Pangunahing telepono

Mahalaga: Kinakailangan ng pangunahing numero ng telepono o website para sa bawat negosyo.

Ang iyong pangunahing numero ng telepono ay ang pinakamagandang numero na puwedeng tawagan ng mga customer para makaugnayan ang negosyo mo. Puwede kang pumili ng numero para sa mobile device o landline.

Dapat direktang kumonekta ang pangunahing numero ng telepono mo sa iyong negosyo hangga't maaari. Halimbawa, mas direkta ang indibidwal na numero ng telepono ng negosyo kaysa sa call center. Valid dapat ang mga numero ng telepono sa bansa o rehiyon kung nasaan ang iyong negosyo.

Mga Tip:

  • Kung maglalagay ka ng website para sa isang negosyo, hindi nire-require ang field na “Pangunahing telepono.”
  • Kung mayroon kang vanity na numero, ilagay ito ayon sa bawat numero.
Mga karagdagang telepono

Mahalaga: Opsyonal ang mga karagdagang numero ng telepono.

Puwede kang magdagdag ng hanggang 2 numero ng telepono o landing page para sa iyong negosyo bukod pa sa pangunahing numero ng telepono.

Website

Mahalaga: Kinakailangan ang website o pangunahing numero ng telepono para sa bawat negosyo.

Puwede mong ibigay sa mga customer ang website na nauugnay sa iyong negosyo.

Para ibahagi ang iyong website:

Pangunahing kategorya

Mahalaga: Kinakailangan ng pangunahing kategorya para sa bawat negosyo.

Puwede mong piliin ang kategoryang pinakamahusay na kumakatawan sa iyong negosyo. Consistent dapat ang pipiliin mong kategorya sa lahat ng iyong negosyo. Kung marami kang uri ng mga negosyo o pagpapatakbo, gaya ng mga retail, distribution center, at opisina, nalalapat ang panuntunang ito sa mga sub-group na ito. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kategorya, tingnan ang aming mga alituntunin.

Para pumili ng kategorya:

  • Pumili ng kategoryang naglalarawan kung ano ang iyong negosyo, hindi kung ano ang mayroon ito.
  • Ilarawan ang iyong negosyo sa kabuuan, hindi ang listahan ng mga serbisyo, produkto, o amenity.
    • Halimbawa, kung ang iyong negosyo ay isang hotel na may ATM, huwag isama ang kategoryang "ATM."
  • Kung mahigit sa isang kategorya ang naglalarawan sa iyong negosyo, puwede kang maglagay ng mga karagdagang kategorya.

Para magdagdag ng pangunahing kategorya:

  1. Sa iyong Business Profile Manager, pumunta sa Idagdag ang page ng iyong negosyo.
  2. Sa menu na magda-drop down, piliin ang iyong bansa o rehiyon.
  3. Sa seksyong “Kategorya,” simulang ilagay ang kategoryang pinakamahusay na naglalarawan sa iyong negosyo. Imumungkahi ng auto-complete ang mga sinusuportahang kategorya.
  4. Kopyahin ang napili mong kategorya.
  5. Sa column na “Pangunahing kategorya” ng iyong spreadsheet, i-paste ang pangalan ng kategorya.
    • Ang icon ng Google Maps na ipapakita para sa iyong negosyo ay tutukuyin ng kategoryang itatakda mo.
Tip: Kung hindi lumalabas ang gusto mong kategorya bilang opsyon, piliin ang susunod na pinakamahusay na opsyon. Puwede mong hilinging magdagdag ng kategorya ng negosyo na sa tingin mo ay kulang. Piliin ang Menu Higit pa at pagkatapos ay Suporta at pagkatapos ay Magpadala ng feedback.
Mga karagdagang kategorya

Mahalaga: Opsyonal ang mga karagdagang kategorya. Puwede kang maglagay nito para tumulong na ilarawan ang iyong negosyo.

Puwede kang magdagdag ng hanggang 9 pang kategorya na kumakatawan sa iyong negosyo. Kapag naglagay ka ng mga karagdagan kategorya, pumili ng mga kategoryang naglalarawan kung ano ang iyong negosyo, hindi kung ano ang mayroon ito.

Para maglagay ng karagdagang kategorya:

  1. Sa iyong Business Profile Manager, piliin ang Magdagdag ng negosyo.
  2. Simulang ilagay ang bansa o rehiyon kung nasaan ang iyong mga negosyo, at pumili ng sinusuportahang bansa o rehiyon.
  3. Sa seksyong “Kategorya,” simulang ilagay ang kategoryang pinakamahusay na naglalarawan sa iyong negosyo. Imumungkahi ng auto-complete ang mga sinusuportahang kategorya.
  4. Kopyahin ang napili mong kategorya.
  5. Sa column na “Mga karagdagang kategorya” ng iyong spreadsheet, i-paste ang pangalan ng sinusuportahang kategorya. Ihiwalay ang bawat kategorya gamit ang kuwit.
Mga Oras

Mahalaga: Hindi kinakailangan ang mga oras ng negosyo, pero lubos na hinihikayat ang mga ito para maipaalam sa mga customer kung kailan sila puwedeng bumisita sa iyong negosyo.

Puwede mong idagdag ang mga oras ng pagpapatakbo ng iyong negosyo.

Para ilagay ang mga oras ng iyong negosyo:

  • Sa column ng bawat araw, idagdag ang mga oras para sa araw na iyon.
  • Piliin ang format para sa iyong mga oras:
    • 24 na oras na format: HH:MM-HH:MM
    • Format na AM/PM: HH:MMAM-HH:MMPM

Halimbawa ng mga oras ng negosyo:

Mga karaniwang oras

  • 09:00AM-05:00PM
  • 09:00-17:00

Nagsasara nang hatinggabi

  • 09:00AM-12:00AM
  • 09:00-00:00

Bukas nang 24 na oras

  • 12:00AM-12:00AM
  • 00:00-00:00 (o 00:00-24:00)

Sarado buong araw

  • X
  • Hayaang walang laman ang cell sa spreadsheet

Bukas nang lampas hatinggabi. Isama ang mga oras na ito sa column para sa araw kung kailan nagsisimula ang hanay.

  • 06:00PM-02:00AM
  • 18:00-02:00

Bukas sa dalawang hanay ng mga oras sa isang araw.

  • 11:30AM-02:00PM, 05:00PM-10:00PM
  • 11:30-14:00, 17:00-22:00

Mga Tip:

  • Kapag nagbabago ang iyong mga oras ng pagpapatakbo sa loob ng maikling yugto ng panahon, puwede kang magdagdag ng mga espesyal na oras.
  • Magkaparehong oras ang 00:00 at 24:00. Parehong tinatanggap ang mga ito bilang oras ng pagtatapos para sa hanay ng mga oras.
Mula sa negosyo

Mahalaga: Opsyonal ang paglalarawan ng iyong negosyo.

Puwede kang maglagay ng maikling paglalarawan ng iyong negosyo. Puwede kang magsama ng mga detalye tulad ng kung ano ang iniaalok mo, bakit ka naiiba, iyong kasaysayan, o iba pang makakatulong na impormasyon.

Ang paglalarawan ng negosyo mo ay dapat:

  • May mga detalye tungkol sa iyong negosyo
  • Umiiwas sa mga detalye tungkol sa mga promosyon, presyo, o sale
  • Walang URL o HTML code
  • Hindi lampas sa 750 character sa field ng paglalarawan
Para matuto pa tungkol sa kung paano katawanin ang iyong negosyo online, basahin ang aming mga alituntunin sa paglalarawan ng negosyo.
Petsa ng pagbubukas

Mahalaga: Opsyonal ang petsa ng pagbubukas.

Puwede mong ilagay ang petsa kung kailan nagbukas o magbubukas ang iyong negosyo sa kasalukuyan nitong lokasyon. Kung maraming lokasyon ang iyong negosyo, puwedeng magkaroon ng sariling petsa ng pagbubukas ang bawat lokasyon.

Puwede kang maglagay ng petsang hanggang isang taon sa hinaharap, pero hindi ito lalabas sa Google hanggang 90 araw bago ang petsa. Ang taon at buwan lang ng petsa ng pagbubukas mo ang kinakailangan.

Gamitin ang isa sa mga format na ito:

  • YYYY-MM-DD
  • YYYY-MM
Mga Larawan

Mahalaga: Opsyonal ang mga larawan. Puwedeng magpakita ang profile mo ng mga larawan ng iyong negosyo sa Maps at Search, kahit na hindi ikaw mismo ang magdagdag ng mga iyon.

Puwede kang magdagdag ng mga larawang nagpapakita ng iyong negosyo. Mula sa iyo at sa iba pang source ang mga larawan ng negosyo mo sa Google. Alamin kung paano sino-source ng Google ang impormasyon sa Profile ng Negosyo. Ang lahat ng larawang idaragdag mo ay dapat makatugon sa aming mga alituntunin.

Para magdagdag ng mga larawan sa na-verify na lokasyon:

  1. Pumili ng larawan para sa kategoryang "Logo," "Cover," o "Iba pang Larawan."
  2. Sa column ng kategoryang iyon ng iyong spreadsheet, idagdag ang URL ng iyong larawan.
  3. Kung magdaragdag ka ng maraming larawan sa column na "Iba pang Larawan," gumamit ng mga kuwit para paghiwa-hiwalayin ang mga URL.
Tip: Kung nagdagdag ka dati ng mga larawan sa hindi na-verify na account, hindi lalabas ang mga URL ng larawan sa iyong spreadsheet kung ida-download mo ito mula sa iyong Profile ng Negosyo. Para idagdag ang mga larawang iyon, humiling ng maramihang pag-verify, at pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin sa itaas.
Mga Label

May opsyon kang gumamit ng mga label para igrupo ang iyong mga negosyo. Sa iyong dashboard, puwede kang maghanap ng mga negosyo ayon sa label. Puwede kang gumamit ng mga label para mag-filter ng mga asset para sa lokasyon sa Google Ads. Matuto tungkol sa mga asset para sa lokasyon.

Kapag naghanap ka ng label sa box para sa paghahanap, kasama sa mga resulta ang:

  • Lahat ng negosyong naglalaman ng label na iyon
  • Mga negosyong naglalaman ng iyong text para sa paghahanap sa ibang field
    • Halimbawa: Kung may label na "West Coast" ang unang negosyo, at may label na "East Coast" ang pangalawang negosyo at ang linya ng address ay "123 West Ave.," ipapakita ng termino para sa paghahanap na “west” ang dalawang lokasyon bilang mga resulta.

Para gumamit ng mga label:

  • Magtalaga ng hanggang 10 natatanging label sa bawat lokasyon.
  • Puwedeng hanggang 50 character ang haba ng mga label at dapat walang kasamang invalid na character ang mga ito, gaya < o >.
    • Tip: Para magsama ng mga kuwit sa pangalan ng label, gamitin ang string na "%2c" sa iyong spreadsheet. Halimbawa, gagawin ng “1%2c000+ na Pang-araw-araw na Bisita” ang label na “1,000+ na Pang-araw-araw na Bisita.”

Mahalaga: Opsyonal ang numero ng telepono sa Google Ads. Hindi pinapayagan ng Google Ads ang mga numero kung saan dapat magbayad ng mga karagdagang singil ang isang user, gaya ng mga numerong 1-900 sa US o mga numerong 871 sa UK.

Puwede mong idagdag ang numero ng telepono na ginagamit sa iyong mga ad ng asset para sa lokasyon sa pamamagitan ng Google Ads. Puwedeng magpakita ng ibang numero ng telepono ang iyong mga ad ng asset para sa lokasyon kaysa sa ipinapakita mo sa Google Maps, gaya ng toll-free na telepono o numero ng call center.

Kung hindi ka maglalagay ng numero ng telepono sa Google Ads, ang pangunahing numero ng telepono mo ang gagamitin ng Google Ads. Lalabas ang iyong pangunahing numero sa mga lokal na resulta ng paghahanap. Magagamit ang isang numero para sa maraming negosyo.

Dapat sumunod sa mga requirement ang numerong idaragdag mo. Matuto pa tungkol sa mga requirement sa call ad.

Mga Attribute

Mahalaga:

  • Opsyonal ang mga attribute pero lubos na inirerekomenda ang mga ito. Ipinapaalam ng mga ito sa mga customer kung anong mga amenity ang iniaalok ng iyong negosyo. Hindi mo puwedeng i-update ang mga attribute ng hotel sa pamamagitan ng pag-upload ng spreadsheet.
  • Para i-update ang mga attribute ng hotel, gamitin ang API at dashboard. Matuto pa tungkol sa Business Profile API.

Kasama sa mga attribute ng iyong negosyo ang mga amenity nito, gaya ng Wi-Fi o upuan sa labas. Puwede mong i-edit ang ilang aktwal na attribute, pero ang mga subjective na attribute, gaya ng kasikatan ng iyong negosyo sa mga tagaroon, ay umaasa sa mga opinyon ng mga user ng Google na bumisita sa negosyo mo.

Para magdagdag ng mga attribute ng negosyo:

  • Sa iyong na-download na spreadsheet, may isang column para sa bawat attribute na naaangkop sa kahit isa sa mga lokasyon mo.
  • Hindi nalalapat ang ilang attribute sa iyong negosyo batay sa kategorya o bansa/rehiyon nito. Kung may column ang isang attribute pero hindi ito nalalapat sa isang lokasyon, makikita mo ang “[HINDI NAAANGKOP]” sa cell. Hindi mo kailangang alisin ang value na ito bago mo i-upload ulit ang iyong spreadsheet.

Kung wala kang nakikitang column ng attribute sa iyong spreadsheet, i-download ang profile mo mula sa iyong account. May kasamang mga column ng attribute sa bagong spreadsheet mo.

Mga uri ng mga attribute

May tatlong uri ang mga attribute ng negosyo mo: oo/hindi, URL, o pagpili.

  • Mga attribute na oo/hindi:
    • Nangangailangan ng “Oo” o “Hindi” ang ilang attribute sa iyong spreadsheet.
    • Para mag-edit ng attribute na oo/hindi para sa isang lokasyon, sa column ng attribute, ilagay ang “Oo” o “Hindi.”
    • Kung “Hindi” ang ilalagay mo para sa ilang attribute ng lokasyon, makakatulong ang data sa Google na maipakita ang pinakatumpak na impormasyon tungkol sa iyong negosyo.
  • Mga attribute ng URL:
  • Mga attribute ng pagpili:
    • Para sa ilang attribute, gaya ng "Upuan sa labas," kailangang pumili ng isa sa ilang naka-predefine na opsyon. Halimbawa, ang "pagkaing Kosher" ay isang attribute ng pagpili na may mga opsyong "Walang pagkaing Kosher," "May ilang pagkaing kosher," o "Pagkaing kosher lang."
    • Para mahanap ang lahat ng posibleng opsyon para sa bawat attribute ng pagpili, i-download ang sangguniang spreadsheet ng mga attribute.

Makita ang listahan ng lahat ng posibleng attribute at ang mga uri ng mga ito

  1. Mag-sign in sa Business Profile Manager.
  2. Sa menu sa kaliwa, piliin ang Pamahalaan ang mga lokasyon.
  3. Piliin ang Magdagdag ng profile at pagkatapos ay Mag-import ng profile at pagkatapos ay I-download ang sangguniang spreadsheet ng mga attribute.
Mga hindi na ginagamit na field

Bago mo i-import ang iyong spreadsheet sa Profile ng Negosyo mo, alisin ang mga column para sa mga hindi na ginagamit na field.

Kasama sa mga field na hindi na sinusuportahan sa tool ng maramihang pag-upload ang:

Mga link sa social media

Para idagdag ang iyong mga link sa social media, sundin ang format para sa mga link sa social media.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17686417867969140550
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false