Ang anumang content na idinaragdag sa kanilang Profile ng Negosyo ay dapat tumpak na kumatawan sa naturang lokasyon at dapat sumunod ang mga ito sa mga patakaran at alituntunin. Kapag may nangyaring mga paglabag, gagawa kami ng mga kinakailangang hakbang para paghigpitan ang pagpapakita sa content, o paghigpitan ang access sa profile o merchant account.
Lahat ng patakaran at alituntunin sa Profile ng Negosyo sa Google
Ibinabalangkas ng artikulong ito ang aming mga pangunahing patakaran at ipinapaliwanag nito ang mga pinakakaraniwang isyung posibleng maranasan ng mga merchant, pero hindi ito komprehensibo. Tingnan ang kumpletong listahan ng mga patakaran at alituntunin ng Profile ng Negosyo sa Google.
Ipinagbabawal at pinaghihigpitang content
Ang lahat ng content na idinaragdag sa Profile ng Negosyo ay dapat sumunod sa Mga patakaran sa ipinagbabawal at pinaghihigpitang content ng Google. Nalalapat ang mga patakarang ito sa lahat ng format ng content, na kinabibilangan ng Mga Review, Larawan, at Video. Puwedeng tanggihan ang pag-publish sa Google ng mga profile at content na hindi nakakatugon sa mga pamantayang ito.
Mga paghihigpit sa level ng account
Posibleng mawalan ng access sa kanilang Profile ng Negosyo ang mga merchant o mapaghigpitan ang kanilang access dahil sa mga sumusunod:
Kung nagpapakita ang isang merchant ng pattern ng paglabag sa mga patakaran ng Profile ng Negosyo sa Google, posibleng paghigpitan ang access sa kanyang Profile ng Negosyo.
Kung pinaghihigpitan ang account ng isang merchant, sususpindihin ang lahat ng Profile ng Negosyo na nauugnay sa account na iyon.
Kapag pinaghihigpitan ang isang account, tatanggihan ang content na idaragdag mula sa pinaghihigpitang account. Dapat maibalik ang account bago matagumpay na maibabalik ang anumang content na inalis dati o bago may maidaragdag na bagong content sa profile.
Kapag ginawa ang isang Profile ng Negosyo sa pamamagitan ng account na nauugnay sa ibang produkto ng Google, posibleng magresulta sa pagsususpinde ng Profile ng Negosyo ang paghihigpit sa account ng produkto na hindi Profile ng Negosyo.
Kapag pinaghigpitan ang isang account na hindi Profile ng Negosyo, posibleng tanggihan ang content na idaragdag sa profile ng negosyo mula sa pinaghihigpitang account. Dapat maibalik ang account na hindi Profile ng Negosyo bago ibalik ang profile.
Pagiging Kwalipikado
Mayroon ang Google ng mga sumusunod na paghihigpit at kwalipikasyon para sa Mga Profile ng Negosyo:
Para maging kwalipikado para sa isang Profile ng Negosyo sa Google, dapat nagsasagawa ang isang negosyo ng personal na pakikipag-ugnayan sa mga customer sa mga isinaad na oras nito.
Halimbawa, hindi kwalipikado ang mga sumusunod na negosyo para sa Profile ng Negosyo:
- Isang kasalukuyang serbisyo, klase, o pulong sa isang lokasyong hindi mo pagmamay-ari o wala kang pahintulot na katawanin.
- Mga ahente o kumpanya sa pagbuo ng lead.
- Mga brand, organisasyon, artist, at iba pang online lang na negosyo.
- Mga pinaparentahan o binebentang ari-arian, gaya ng mga bahay-bakasyunan, modelong bahay, o bakanteng apartment.
Para sa higit pang detalye tungkol sa pagiging kwalipikado, suriin ang Pagiging kwalipikado at pagmamay-ari ng negosyo.
Para mapanatiling tumpak hangga't posible ang data sa Google, gumagamit ang Google ng impormasyon mula sa iba't ibang source tulad ng mga ulat ng user at may lisensyang content.
Kung matutukoy namin na wala ang iyong negosyo sa lokasyong sinasabi mo, idi-disable ng Google ang iyong profile.
Pagmamay-ari
Kasama sa mga isyu sa pagmamay-ari ng Profile ng Negosyo ang:
Mga paghihigpit sa pag-post
Kapag ang mga kontribusyon ng user sa isang profile ay laging hindi kapaki-pakinabang, mapaminsala, walang kinalaman sa paksa, o lumalabag sa pangkalahatan sa Mga Patakaran ng Google, posibleng limitahan o suspindihin namin ang content na binuo ng user para sa profile na iyon. Isang halimbawa ay sunod-sunod na hindi magandang review para sa isang negosyo dahil sa mga bagay na walang kinalaman sa mismong negosyo. Matuto pa tungkol sa mga paghihigpit sa pag-post.
Mga dahilan kung bakit posibleng tanggihan ang isinumiteng content
May ilang dahilan kung bakit posibleng tanggihan ang content na idaragdag sa isang Profile ng Negosyo.
Posibleng tanggihan ng Google ang mga content at apela kapag na-disable ang nauugnay na profile bago masuri o ma-publish ng Google ang content.
Dapat ibalik muna ang mga na-disable na profile bago matagumpay na makakapag-ambag ng content sa profile.
Posibleng tanggihan ng Google ang content at mga apela kapag nasuspinde ang nauugnay na profile bago masuri o ma-publish ng Google ang content.
Dapat ibalik muna ang mga nasuspindeng profile bago matagumpay na makakapag-ambag ng content sa profile.
Para i-update ang pangalan ng iyong negosyo at iba pang impormasyon nito sa Google, dapat mo munang i-verify ang negosyo mo. Posibleng tanggihan ng Google ang content na idaragdag sa mga hindi na-verify na profile.
Para sa higit pang gabay sa pagpapa-verify, sundin ang mga hakbang na ito.
Iba pang dahilan kung bakit posibleng hindi ma-publish ang content o posibleng tanggihan ang mga apela
Kung minsan, posibleng hindi ma-publish ang isinumiteng content dahil sa mga bagay na hindi nauugnay sa patakaran kung saan posibleng kasama ang: