Sundin ang mga hakbang na ito para i-set up at paganahin ang iyong AdSense account:
1. Gumawa ng AdSense account
Para magtagumpay sa AdSense, tingnan kung mayroon bang kawili-wili at orihinal na content ang iyong site na makakatawag ng pansin ng mga bisita sa mga ad mo. Alamin kung paano gumawa ng AdSense account.
2. I-activate ang iyong AdSense account
Para i-activate ang iyong AdSense account kumpletuhin ang mga sumusunod na gawain:
- Ilagay ang iyong impormasyon sa mga pagbabayad
- (Opsyonal) Tingnan kung ano ang hitsura ng mga ad sa iyong site
- Ikonekta ang iyong site sa AdSense
3. Hintaying masuri ang iyong impormasyon sa mga pagbabayad at ang site mo
Susuriin namin ang iyong impormasyon sa mga pagbabayad para matiyak na tama ito. Sinusuri namin ang iyong buong site para malaman kung sumusunod ito sa Mga patakaran ng Programa ng AdSense.
Kapag tapos na kami, magpapadala kami sa iyo ng email na may mga detalye ng status sa pag-activate. Karaniwang tumatagal ito nang ilang araw, pero sa ilang sitwasyon, puwede itong umabot nang 2-4 na linggo.
4. Magsimulang magpakita ng mga ad
Kapag ganap nang na-activate ang iyong AdSense account, handa ka nang magsimulang magpakita ng mga ad. Alamin kung paano mag-set up ng mga ad sa iyong site.
Para tulungan kang magpatakbo ng matagumpay na AdSense account, Ang iyong gabay sa AdSense ang inirerekomenda namin.
Kung hindi namin ma-activate ang iyong AdSense account
Sa ilang sitwasyon, hindi namin ma-activate ang iyong AdSense account. Depende sa dahilan, posibleng maipagpatuloy mo ang proseso ng pag-activate. Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa: Ang dapat gawin kung hindi ma-activate ng AdSense ang iyong account.