Dahil sa kasalukuyang giyera sa Ukraine, pansamantala naming ipo-pause ang paghahatid ng mga Google ad at ad sa YouTube sa mga user na nasa Russia. Matuto pa.
Kung ikaw ay kumikita ng pera sa YouTube, mag-ugnay ng inaprubahang account sa AdSense for YouTube para kumita at mabayaran.
Gumawa at mag-link ng account sa AdSense for YouTube
Mababayaran ka sa YouTube sa pamamagitan ng account sa AdSense for YouTube na naka-link sa iyong channel. Tandaang kung nasa YouTube Partner Program ka na, puwede mong palitan ang iyong naka-link na account sa AdSense for YouTube kung kinakailangan mo itong gawin. Puwede ka ring mag-monetize ng higit sa isang channel sa YouTube gamit ang parehong account sa AdSense for YouTube.
AdSense para sa Mga Creator sa YouTube
Puwede kang gumawa ng bagong account sa AdSense for YouTube at i-link ito sa iyong channel:
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang menu, piliin ang tab na Kumita.
- I-click ang MAGSIMULA sa card na Mag-sign up para sa AdSense para sa YouTube.
- Kapag hiniling sa iyo, ilagay ang password ng YouTube account mo at mag-authenticate ulit kapag kinakailangan.
- Piliin kung aling Google account ang gusto mong gamitin para sa AdSense for YouTube.
- Tandaan: kung ginagamit mo na ang AdSense para sa iba pang dahilan na wala sa YouTube, mag-sign in gamit ang Google account na ginagamit mo sa kasalukuyan mong AdSense account.
- Nasa AdSense for YouTube ka na. Kapag narito ka na, i-verify kung tama ang email address sa itaas ng page. Kung hindi ito ang email address, i-click ang Gumamit ng ibang account para magpalit ng account.
- Magpatuloy sa pag-set up ng iyong account. Ibigay ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan at isumite ang aplikasyon mo para sa account sa AdSense for YouTube.
Pagkatapos sundin ang mga hakbang sa itaas, dadalhin ka pabalik sa YouTube Studio, kung saan may makikita kang mensaheng nagve-verify na natanggap na ang iyong aplikasyon para sa account sa AdSense for YouTube. Ipapaalam namin sa iyo sa email kapag naaprubahan na ang account mo, na puwedeng abutin nang hanggang ilang araw. Kapag naaprubahan na, makikita mo ang kumpirmasyon sa YouTube Studio sa card na Mag-sign up para sa AdSense for YouTube na naaprubahan at aktibo na ang iyong account sa AdSense for YouTube.
Hindi ko alam kung may AdSense account na ako o account sa AdSense for YouTube
- Mag-sign in sa iyong YouTube account at pumunta sa https://studio.youtube.com/channel/UC/monetization
- I-click ang Magsimula sa card na “Mag-sign up para sa AdSense for YouTube.”
- Kakailanganin mong ilagay ang password ng iyong YouTube account at mag-authenticate ulit. Alamin kung paano i-authenticate ulit ang iyong YouTube account.
- Piliin kung aling Google account ang gusto mong gamitin para maka-sign in sa AdSense for YouTube. Kung mayroon ka nang account sa AdSense o AdSense for YouTube, dapat kang mag-sign in gamit ang Google account na ginagamit mo para ma-access ang dati mo nang account. Posibleng naiiba ang account na ito sa mga kredensyal na ginagamit mo sa pag-sign in sa YouTube.
- Ididirekta ka sa isang page sa pag-sign up sa AdSense for YouTube. I-verify na ang tamang email ang nasa itaas ng page. Kung mali ang account na lumalabas, i-click ang "Gumamit ng ibang account" para magpalit ng account.
- I-click ang Tanggapin ang Pagkakaugnay.
- Mare-redirect ka pabalik sa page na Kumita sa YouTube Studio.
- Kapag naikonekta mo na ang iyong account sa AdSense for YouTube, mamarkahan namin ang hakbang na ito gamit ang berdeng sign na “Tapos na” sa card na “Mag-sign up para sa account sa AdSense for YouTube.”
I-set up ang AdSense for YouTube gamit ang isang Content Manager account
- Mag-sign in sa iyong Content Manager account.
- Pumunta sa Mga Setting.
- Sa ilalim ng seksyong Overview, makikita mo ang AdSense para sa YouTube (posibleng kailangan mong mag-scroll para makita ito).
- I-click ang I-edit.
- I-click ang Magpatuloy sa AdSense for YouTube.
- Kakailanganin mong ilagay ang password ng iyong YouTube account at mag-authenticate ulit. Alamin kung paano i-authenticate ulit ang iyong YouTube account.
- Piliin kung aling Google account ang gusto mong gamitin para maka-sign in sa AdSense for YouTube. Kung mayroon ka nang account sa AdSense o AdSense for YouTube, dapat kang mag-sign in gamit ang Google account na ginagamit mo para ma-access ang dati mo nang account.
- Kapag hiniling, ilagay ang password para sa iyong account sa AdSense for YouTube. Posibleng iba ang impormasyong ito sa mga kredensyal na ginagamit mo para maka-sign in sa YouTube.
- Kumpirmahin ang channel sa YouTube na iniuugnay mo sa account sa AdSense for YouTube, at piliin ang pangunahing wika para sa channel. Kahit isang channel sa YouTube lang ang piliin mo para makumpleto ang pag-uugnay ng AdSense for YouTube, maghahatid ng mga ad ang YouTube sa lahat ng channel na naka-link sa iyong Content Manager.
- I-click ang Tanggapin ang Pagkakaugnay at idagdag ang iyong impormasyon sa pagsingil, kung hihilingin ito.
Mga karaniwang isyu
Gamitin ang impormasyon sa ibaba para mag-troubleshoot ng mga karaniwang isyu kapag sinusubukang mag-link ng account sa AdSense for YouTube sa iyong channel.
Gumawa ako ng bagong account sa AdSense for YouTube, pero hindi ito inaprubahan dahil mayroon na akong kasalukuyang account sa Adsense o sa Adsense for YouTube
Puwede ka lang magkaroon ng isang account sa Adsense for YouTube sa ilalim ng parehong pangalan ng payee alinsunod sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng AdSense o Mga Tuntunin ng Serbisyo ng AdSense for YouTube, gaya ng naaangkop. Kung napag-alamang may duplicate na account ka, hindi aaprubahan ang iyong bagong gawang account sa AdSense for YouTube.
Hanapin sa iyong mga inbox ng email ang email na may paksang “Mayroon ka nang dating account sa AdSense o AdSense for YouTube.” Nakasaad sa mensaheng ito ang impormasyon tungkol sa dati mo nang account sa AdSense o AdSense for YouTube. Gamit ang impormasyong ito, mayroon kang dalawang pagpipilian para ayusin ang isyu:
Gamitin ang kasalukuyang (mas lumang) account
- Mag-sign in sa YouTube Studio at i-click ang Baguhin ang Pagkakaugnay.
- Sa menu sa pagpili ng account, piliin ang Google Account na gumagamit ng dati mo nang (lumang) account sa AdSense o AdSense for YouTube.
- I-click ang Tanggapin ang Pagkakaugnay.
Ire-redirect ka pabalik sa YouTube Studio, kung saan makikita mo ang naka-link na account sa iyong channel.
Gamitin ang bagong account na kakagawa mo lang
Una, kakailanganin mong isara ang kasalukuyang (mas lumang) account
- Mag-sign in sa iyong dati nang account sa AdSense o AdSense for YouTube, kung naaangkop.
- Sundin ang mga hakbang dito para isara ang iyong account.
Kapag naisara na, mag-sign in sa bago mong account sa AdSense for YouTube para kumpirmahing naisara mo na ang mas lumang account.
Mga Isyu sa Pag-verify ng Address (PIN)
Kinakailangang makumpleto ang pag-verify ng address (PIN) sa iyong account sa AdSense for YouTube para mapanatili ang pag-monetize ng channel at makatanggap ng mga bayad.
Kung nag-link ka ng bagong account sa AdSense for YouTube sa iyong channel, may ipapadalang card ng pag-verify gamit ang PIN sa iyong aktwal na address kapag naabot mo ang $10 na balanse. May kasamang PIN code ang card ng pag-verify gamit ang PIN na ito na ilalagay mo sa iyong account para i-verify ang address mo.
Kung nag-link ka sa dati nang account sa AdSense o AdSense for YouTube, posibleng kailanganin mong maghintay nang hindi bababa sa 3 linggo bago dumating sa mail ang card ng pag-verify gamit ang PIN. Kung hindi mo pa ito natatanggap pagkalipas ng 3 linggo, puwede kang humiling ng kapalit na card ng pag-verify gamit ang PIN.
Tiyaking tumutugma ang naka-file na address sa iyong account sa AdSense for YouTube sa address na kilala ng lokal na post office mo. Ang pagkakaroon ng tamang address ay nakakatulong sa lokal na post office na maihatid ang iyong mail. Kung magkaiba ang mga ito, kailangan mong palitan ang address sa pagbabayad sa iyong account para maging magkapareho ang mga ito.
Kung kailangan mo ng tulong sa pag-verify ng address (PIN), sumangguni sa mga resource ng Tulong na ito:
Ano ang mangyayari kung hindi ko ive-verify ang address ko?
Kung hindi mo ive-verify ang iyong address sa loob ng 4 na buwan, mapo-pause ang pag-monetize para sa channel mo. Kabilang dito ang pag-pause ng access sa mga feature tulad ng:
- Mga channel membership
- Super Chat, at iba pa
Magpapatuloy ang pag-monetize sa iyong channel kapag na-verify mo na ang iyong address.
Iba pang isyu
Ipinapakita sa akin ang “Oops, nagkaproblema” sa YouTube Studio
Posibleng lumabas ang mensahe ng error na ito kapag sinusubukan mong gumawa ng mga pagbabago sa mga email na hindi kinikilala ng YouTube Studio. Para malutas ang mga isyung ito, subukan ang mga sumusunod:
- Kapag nagli-link ng account sa AdSense for YouTube, hihilingin sa iyo ng YouTube Studio na I-verify na Ikaw Ito. Tiyaking gagawin mo ito gamit ang email address na ginagamit mo para mag-sign in sa YouTube.
- Pagkatapos ay hihilingin sa iyong pumili ng Google Account na gagamitin para magpatuloy sa AdSense for YouTube. Sa ganitong sitwasyon, puwede kang pumili ng email address na iba sa email address na ginagamit mo para maka-sign in sa YouTube Studio.
- Kung naka-link ang iyong channel sa isang Brand Account, kailangan mong mag-sign in gamit ang email address na orihinal na ginamit sa paggawa ng iyong channel. Kung hindi ka makapag-sign in gamit ang email address na iyon, i-recover ang iyong account sa pamamagitan ng pagsunod sa aming mga tip sa pagkumpleto ng mga hakbang sa pag-recover ng account.
Hinihingan ako ng AdSense for YouTube ng URL ng website para maka-sign up
Kapag nagli-link ng bagong account sa AdSense for YouTube sa iyong channel sa YouTube, huwag gumawa ng account sa google.com/adsense o sa adsense.com para sa layuning ito. Kung gagawin mo ito, hindi maaaprubahan ang iyong account at madi-disable ang pag-monetize para sa channel mo. Sa halip, direktang gawin ang account sa AdSense for YouTube mula sa YouTube Studio.
Iba pang error
Kung nakakaranas ka ng iba pang teknikal na error na hindi nakabalangkas sa page na ito, subukan ang mga sumusunod:
- Isara ang lahat ng tab ng browser.
- I-clear ang cache at cookies ng iyong browser.
- Gumamit ng pribado o incognito window (para matiyak na walang ibang Google account na naka-sign in).