Gamitin ang Companion mode para sa hybrid learning at pakikipag-collaborate

Mahalaga: Nangangailangan ng mga partikular na edisyon ng Google Workspace ang ilang feature. Matuto pa tungkol sa mga edisyon ng Google Workspace.

Puwede mong gamitin ang companion mode para sumali sa isang video meeting sa Google Meet sa isang pangalawang screen. Sa Companion mode, naka-off ang iyong mikropono at video para maiwasan ang anumang audio feedback.

Kapag may mga kalahok na remote o nasa mga meeting room (hybrid meeting), walang access ang mga tao sa isang meeting room para indibidwal na mag-chat, mag-upvote ng mga tanong, o sumagot ng mga poll gamit ang meeting-room hardware o Nest Hub Max. Sa halip, puwede mong gamitin ang companion mode para pahusayin ang pakikipag-collaborate ng mga kalahok.

  • Sa mga meeting room— Sumali sa mga meeting gamit ang audio at video sa meeting-room hardware o Google Nest Hub Max para magsalita o makinig sa mga remote na kalahok. Para i-share ang iyong screen o gumamit ng mga chat, mga poll, Q&A, at mga kontrol ng host, gamitin ang Companion mode sa laptop mo. Para sa pinahusay na paggamit ng mga feature habang nasa Companion mode, gamitin ang Pag-check in sa kuwarto para:
    • Makita ang tile ng iyong personal na video sa iba pang conference room na nasa tawag.
    • Lumabas ang iyong pangalan sa tile ng conference room.
    • Lumabas ang tile ng iyong personal na video at ang pangalan ng kuwarto mo kapag itinaas mo ang iyong kamay.
  • Kapag remote ka—Sumali sa isang meeting gamit ang audio at video gaya ng karaniwan.

Kumonekta sa pamamagitan ng Companion mode at gamitin ang Pag-check in sa kuwarto

Mahalaga: Lumalabas lang ang opsyong Pag-check in sa kuwarto kapag may conference room na nakakonekta sa iyong meeting.

Kapag sumali ka sa isang meeting sa Google Meet sa Companion mode, puwede kang mag-check in o kumonekta sa isang conference room. Kapag nag-check in ka, lalabas ang iyong pangalan sa listahan ng kalahok sa tile ng kuwarto.

  • Nakakonekta sa session ng companion ang Pag-check in sa kuwarto: Kung lalabas ka sa companion mode, mawawala ang iyong koneksyon at mache-check out ka sa kuwarto mo.
  • Para makita ang Pag-check in sa kuwarto, nasa tawag dapat ang isang device sa kuwarto: Puwede ka lang mag-check in sa mga device na nasa tawag. Kung sasali ka sa companion nang walang hardware device ng Google Meet sa meeting, hindi ka ipo-prompt na mag-check in. Kung sasali sa ibang pagkakataon ang hardware device ng Google Meet, ipo-prompt ka sa Companion mode na mag-check in.
  • Hindi na-verify ang pag-check in sa kuwarto: Posibleng mag-check in sa kuwartong hindi ka kasama. Kung may taong mang-aabuso nito sa tawag, para maalis sa meeting ang mga kalahok na nasa tawag, i-click ang Alisin sa tawagAlamin kung paano mag-alis ng mga tao habang nasa video meeting.
  • Ang mga pangalan ay nakabukod-bukod ayon sa alpabeto sa tile ng kuwarto.

Puwede mong ikonekta ang iyong laptop sa meeting sa Google Meet sa Companion mode mula sa isang imbitasyon sa meeting o gamit ang isang maikling link.

Kumonekta gamit ang Companion mode mula sa imbitasyon sa meeting:

  1. Sa imbitasyon sa isang meeting, i-click ang Sumali.
  2. Sa ilalim ng “Iba pang opsyon sa pagsali,” i-click ang Gamitin ang Companion mode.
    • Kung gumagamit ka ng maikling link, sa iyong browser, ilagay ang g.co/companion. Pumili ng meeting o maglagay ng code ng meeting.
  3. Opsyonal: Mag-check in sa iyong conference room.
    • Mula sa pop-up pagkatapos mong sumali, i-click ang Mag-check in.
    • Kung maraming kuwarto, sa pop-up, i-click ang Piliin ang iyong kuwarto.
    • Sa conference room kung nasaan ka, i-click ang Mag-check in.

Kapag nagsimula na ang meeting, mag-check in sa iyong conference room sa Companion mode:

  1. Sa Companion mode, sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-click ang pangalan ng iyong meeting.
  2. Sa dialog box, i-click ang Mag-check in.
  3. Opsyonal:
    • Para lumabas sa Companion mode at bumalik sa landing page ng meeting: I-click ang Umalis at sumali ulit para magamit ang iyong audio .
    • Para mag-check in sa ibang conference room: I-click ang Mag-check in sa ibang kuwarto .
    • Para mag-check out sa iyong conference room: I-click ang mag-check out sa iyong kuwarto .

Mga Tip:

  • Para maiwasang may mapalampas na mensahe sa chat, gamitin ang Companion mode sa simula ng meeting. Hindi kasama sa iyong stream ng chat ang mga mensaheng naipadala bago ka kumonekta.
  • Kung may plano kang gamitin ang chat habang nasa meeting, ipaalala sa mga kalahok sa meeting room na kumonekta gamit ang Companion mode.

Mga dahilan kung bakit posibleng hindi ka makakita ng prompt para sa Pag-check in sa kuwarto

Gamitin ang View ng Sarili para ma-share ang iyong personal na tile ng video sa mga remote na kalahok

Kung ikaw ay nasa isang meeting room at sasali ka gamit ang Companion mode, puwede mong i-on ang View ng Sarili sa pamamagitan ng camera ng iyong laptop para maibahagi ang personal mong tile ng video sa ibang taong nasa tawag. Hindi ibabahagi ang audio at hindi kailanman ipapakita ang iyong personal na tile ng video bilang aktibong nagsasalita. Kapag ini-off mo ang iyong camera, ipapakita ng View ng Sarili ang avatar mo.

  1. I-on ang View ng Sarili: Mula sa ibaba ng screen ng Companion Mode, i-click ang I-on ang camera .
    • I-off ang View ng Sarili: i-click ang I-off ang camera Camera.
    • Bilang default, palaging naka-off at naka-minimize ang View ng Sarili.
  2. Baguhin ang background at maglapat ng mga visual effect: Mula sa ibaba ng screen ng Companion mode, i-click ang Higit pang opsyon More and then Maglapat ng mga visual effect .

Mahalaga:

  • Kapag naka-on ang video, ipapakita ang iyong View ng Sarili sa iba pang user ng Meet na sasali nang may kumpletong audio at video.
  • Ipapakita lang ang View ng Sarili sa mga hardware device ng Google Meet kapag itinaas mo ang iyong kamay at/o kapag naka-check in.

Mag-present gamit ang Companion mode sa iyong laptop

Puwede mong mabilisang ibahagi ang screen ng iyong laptop sa Companion mode.

Mula sa imbitasyon sa meeting:

  1. Sa imbitasyon sa isang meeting, i-click ang Sumali.
  2. Sa landing page ng meeting, i-click ang Mag-present and then piliin ang ibabahagi mo.

Gumamit ng maikling link:

  1. Sa iyong browser, ilagay ang g.co/present.
  2. Sa home screen ng Meet, pumili ng meeting and then piliin ang ibabahagi mo.

Matuto pa tungkol sa Companion mode

Video na pangkalahatang-ideya ng Companion mode

Infographic: Pagkakapantay-pantay sa pakikipag-collaborate sa mga hybrid na meeting

Sino ang puwedeng gumamit ng Companion mode, at anong mga feature ang available?

Magiging available ang Companion mode sa lahat ng kalahok ng Google Meet. Nakadepende ang availability ng mga feature, gaya ng pagtataas ng kamay, sa iyong edisyon ng Google Workspace. Matuto pa tungkol sa mga edisyon ng Google Workspace.

Wala ako sa isang meeting room. Puwede ko bang gamitin ang Companion mode bilang pangalawang screen?

Oo. Kapag pinanood mo ang presentation sa isang pangalawang screen, puwede mong i-unpin ang presentation mula sa iyong pangunahing screen, para makakita ka ng higit pang video feed mula sa mga kalahok sa pangunahin mong screen.

Alamin ang tungkol sa device, mga kalahok, at pag-host

Impormasyon ng device

  • Audio—Naka-off ang iyong mikropono at ang audio ng meeting sa Companion mode para maiwasan ang mga echo. Para makapagsalita o marinig ang iba sa tawag, gamitin ang meeting room hardware o Nest Hub Max. Puwede pa ring mag-play ng mga notification ang iyong laptop, gaya ng mga kahilingan sa pagsali, at audio mula sa iba pang app, sa Companion mode.
  • Video—Naka-off ang iyong video camera sa Companion mode. Nakatago rin ang iyong tile sa grid ng kalahok para mabigyan ng espasyo ang iba pang feed ng video. Kapag itinaas mo ang iyong kamay sa Companion mode, ipapakita ng Meet ang avatar at pangalan mo, na sinusundan ng (Companion), sa iba pang kalahok. Halimbawa, Iyong Pangalan (Companion).
  • Mga notification sa aktibidad—Sa tuwing nagpapadala ng mga mensahe sa chat o nagsisimula ng mga aktibidad ang mga tao sa mga meeting, tulad ng mga poll, may mga lumalabas na notification sa meeting room hardware at Nest Hub Max. Ipinapaalala ng mga notification na ito sa mga tao sa mga meeting room na gamitin ang Companion mode para makasali.
  • Mga mobile device—Hindi available ang Companion mode sa mga mobile device.

Impormasyon ng kalahok

  • Mga kalahok na nasa Companion mode—Ipinapakita ng tab na Mga Tao ang lahat ng nakakonekta sa meeting gamit ang Companion mode.
  • Mga notification sa pagsali at pag-alis—Inaabisuhan ang lahat ng kalahok kapag may mga kumokonekta o dumidiskonekta na kalahok ng Companion mode.
  • Mga Bisita—Dapat maaprubahan ng host ng meeting ang mga taong hindi naka-sign in sa isang Google Account (mga bisita) para makakonekta sila gamit ang Companion mode.

Ibinabawas ba sa limitasyon sa kalahok ang bilang sa Companion mode?

Oo, ibinabawas sa limitasyon sa kalahok ang mga koneksyon at presentation sa Companion mode. Puwede mong tingnan ang kasalukuyang dami ng kalahok sa icon na tao sa ibabang bahagi sa kanan ng meeting sa isang laptop o computer.

Mag-present at manood ng presentation

  • g.co/present—Kapag nag-present ka gamit ang g.co/present, kokonekta ka sa meeting sa Companion mode. Para makapagsalita, marinig ang iba, o maibahagi ang iyong video sa meeting, kumonekta gamit ang meeting room hardware o Nest Hub Max. O kaya, sumali sa meeting gamit ang buong audio at video (hindi Companion mode).
  • Listahan ng mga tao—Dalawang beses na lumalabas sa tab na Mga Tao ang mga taong nagpe-present sa Companion mode. Kaya naman magagawa mong hiwalay na mag-pin o mag-eject ng mga tao at presentation.
  • Manood ng mga presentation—Kung may 2 o higit pang presentation sa isang meeting:
    • Ang aktibong presentation lang ang makikita ng mga taong nasa Companion mode.
    • Kung hihinto sa pag-present ang aktibong presenter, kakailanganin ng ibang presenter na ipagpatuloy ang kanilang mga presentation para makita sila ng mga taong nasa Companion mode.

Pag-host

  • Mga kontrol ng host—Puwede mong gamitin ang mga kontrol ng host sa pag-moderate ng mga meeting sa Companion mode. Magagawa mong gawing co-host ang mga kalahok na nasa laptop o computer, mobile, o Companion mode, mag-set up ng pagsubaybay sa attendance, at tapusin ang tawag para sa lahat ng kalahok (kasama ang mga kalahok na nasa Companion mode). Puwede mo ring kontrolin ang paggamit ng chat, pagbabahagi ng screen, video, at audio Matuto pa tungkol sa mga kontrol ng host.
  • Tapusin ang tawag para sa lahat—Bilang host, puwede mong tapusin ang meeting para sa lahat. Kapag tinapos mo ang meeting para sa lahat, madidiskonekta ang sinumang kalahok na posibleng nakalimot na dumiskonekta nang umalis siya sa meeting room. Matuto pa tungkol sa pagtapos ng mga meeting para sa lahat.
  • Mga live stream na event—Puwede kang magsimula at maghinto ng mga live stream na event mula sa Companion mode kung ise-set up mo sa Google Calendar ang mga nasabing event bago ang meeting. Matuto pa tungkol sa mga live stream na event.

Alamin ang tungkol sa mga alam na isyu

Mga kuwarto para sa breakout

Kung host ka, magagawa mong:

  • Mag-set up ng mga breakout session kapag kumonekta ka gamit ang Companion mode
  • Magtakda ng mga taong nasa Companion mode sa mga breakout session.

Mahalaga: Hindi nakakapagsalita o nakakarinig sa mga breakout session ang mga taong nasa Companion mode, at hindi ka puwedeng magtalaga ng meeting room hardware o Nest Hub Max sa mga breakout session.

Para mag-set up ng mga kuwarto para sa breakout sa mga hybrid meeting, pumili ng opsyon:

  • Panatilihin ang mga in-person na kalahok (mga tao sa mga meeting room) sa pangunahing kuwarto ng tawag sa Google Meet, sa halip na italaga sila sa mga breakout session.

  • Hilingin sa isang in-person na kalahok sa bawat meeting room na magdiskonekta sa meeting room hardware mula sa meeting. Pagkatapos ay pasalihin siya sa meeting sa kanyang laptop o telepono nang may buong audio at video, at italaga siya sa isang breakout session. Kapag natapos na ang mga breakout session, ipakonekta ulit sa nasabing tao ang meeting room hardware sa meeting.

  • Bago ang event, mag-set up ng mga hiwalay na meeting na gagamitin para sa mga breakout session. Kapag nagsimula na ang mga breakout session, hilingin sa mga attendee na magdiskonekta mula sa pangunahing meeting at kumonekta sa mga breakout session. Kapag natapos na ang mga breakout session, gamitin ang Google Chat para ipaalala sa mga kalahok na bumalik sa pangunahing kuwarto.

Tip: Kung magche-check in ka sa isang kuwarto at pagkatapos ay sasali ka sa isang kuwarto para sa breakout, kailangan mong mag-check in ulit sa kuwarto para sa breakout. Kapag bumalik ka sa pangunahing kuwarto, kailangan mong mag-check in ulit.

Matuto pa tungkol sa mga kuwarto para sa breakout.

Mga 3rd party na extension ng Chrome

Nagdudulot ng mga hindi inaasahang problema sa mga meeting ang ilang 3rd party na extension ng Chrome. Kung may mga mapapansin kang isyu, subukang i-off ang mga 3rd party na extension. Matuto pa tungkol sa mga 3rd party na extension ng Chrome.

Grid view

Nakikita ng mga taong wala pang Companion mode ang mga kalahok na nasa Companion mode bilang mga tile na may label na Pangalan ng Mga Kalahok (Companion) sa grid ng kalahok.
Para sa mga taong may Companion mode, nakatago sa grid ang mga tile na nasa Companion.

Mga kaugnay na paksa

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14873689555702483660
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false