Gamitin ang Google Maps sa iyong Wear OS device

Kapag nag-download ka ng Google Maps app sa Play Store, puwede kang gumamit ng navigation, maghanap ng mga lokal na destinasyon o iyong lokasyon, at makakuha ng iba pang kapaki-pakinabang na impormasyon sa relo mo.
Nalalapat lang ito sa Wear 3 at posibleng naiiba ang ilang feature depende sa bersyon ng iyong smartwatch. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong relo.
Mahalaga:
  • Para gamitin ang navigation, dapat mong payagan ang pagsubaybay sa lokasyon sa iyong telepono at smartwatch.
  • Posibleng makasagabal ang power-saving mode sa Maps.
  • Hindi available ang ilang voice action sa lahat ng wika at bansa o rehiyon.
  • Ginagamit ng Maps sa iyong Wear device ang unit ng layo na ginagamit sa nakapares na telepono mo.

I-explore ang mapa

Puwede mo ring gamitin ang Maps para matuto pa tungkol sa mga kalapit na lugar.

Makakuha ng mga direksyon sa iyong relo

Mahalaga: Nalalapat lang ang mga hakbang na ito sa Wear 3. Para sa mga relong may Wear 2, puwede mo lang gamitin ang mga direksyon sa bawat pagliko sa Google Maps app sa nakapares na telepono.
Para makakuha ng mga direksyon sa iyong relo, puwede mong simulan ang navigation sa relo mo o sa iyong nakapares na telepono. Makikita ang rutang ito sa iyong telepono, at habang gumagalaw ka, makakakuha ka ng mga direksyon para sa bawat pagliko sa relo mo. Kasalukuyang sinusuportahan ng Maps ang navigation para sa pagbibisikleta, pagmamaneho, at paglalakad. Sinusuportahan ang mga direksyon sa pampublikong transportasyon nang walang boses sa bawat pagliko at haptics.
Tip: Kung papahintulutan mo ang lokasyon sa iyong telepono, gagana ang navigation sa relo mo kahit naka-lock ang iyong telepono. Alamin kung paano pahintulutan ang lokasyon sa iyong telepono.

Maghanap ng mga lokasyon

  1. Kung hindi mo nakikita ang screen ng iyong relo, i-wake ang relo.
  2. Mag-swipe pataas para hanapin ang iyong mga app at buksan ang Maps app.
  3. Para pumili mula sa iyong bahay, trabaho, o mga kamakailang lokasyon, i-tap ang Maghanap.

Makakuha ng mga direksyon gamit ang boses mo

  1. Para simulan ang Google Assistant, sabihin ang "Ok Google" o pindutin nang matagal ang Power button.
    • Puwede mo ring i-tap ang Mikropono Microphone o keyboard para maghanap ng ibang bagay.
  2. Sabihin ang "Mag-navigate sa malapit na coffee shop" o katulad nito. May card ng Google Maps na makikita sa iyong relo.
Tip: Kung hindi mo mahanap ang destinasyong gusto mo, posibleng kailangan mong maghanap ng mas partikular na destinasyon.

Pagkatapos mong simulan ang navigation, magagawa mong:

  • Hanapin ang tagal ng iyong biyahe at ang kasalukuyang oras.
  • Hanapin ang susunod na 3 direksyon.
  • Kanselahin ang iyong biyahe: Para ihinto ang mga direksyon at bumalik sa home screen, sa relo mo, mag-swipe pakaliwa o mag-swipe sa pinakababa at i-tap ang Huminto.

Gamitin ang relo mo nang wala sa malapit ang iyong telepono

Puwede mong simulan ang pag-navigate sa iyong relo nang wala ang telepono mo sa malapit. Puwede mo ring i-enable ang pag-mirror at simulan ang pag-navigate sa iyong telepono, at pagkatapos ay iwan ang telepono mo. Kapag na-enable mo ang pag-mirror, papangasiwaan ng iyong relo ang pag-navigate ng telepono mo. Gumagana lang ito sa mga relong ipinares sa mga Android device.

Para simulan ang pag-navigate mula sa iyong relo:

  1. Buksan ang Maps mula sa iyong relo.
  2. Gamitin ang tool ng boses o keyboard para ilagay ang iyong destinasyon. Puwede mo ring i-tap ang mapa para makita ang iyong lokasyon.
  3. Piliin ang iyong paraan ng transportasyon. Mula rito, matitingnan mo ang iyong ETA.
  4. Simulan ang iyong paglalakad o pagbiyahe gamit ang bisikleta o kotse.

I-set up ang pag-mirror sa telepono at relo mo

  1. Para i-mirror ang iyong sesyon ng pag-navigate sa parehong telepono at relo, pumunta sa Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Pag-mirror.
  2. I-on ang I-mirror sa telepono.

Tip: Para sa pag-navigate na nakabase sa relo lang, i-off ang I-mirror sa telepono.

Pamahalaan ang mga setting para sa Maps sa iyong relo

Puwede mong i-tap ang Maghanap Maghanap para mag-scroll hanggang sa ibaba ng screen at baguhin kung paano gumagana ang Maps sa iyong relo.

Pigilan ang pag-vibrate

Para pigilan ang pag-vibrate sa iyong relo, mag-scroll pababa at i-off ang Pag-vibrate. Tinatandaan ang setting na ito para sa lahat ng biyahe mo.

Pigilan ang pag-autolaunch ng mga direksyon sa relo mo

Awtomatikong magsisimula ang mga direksyon sa relo mo kapag sinimulan mo ang navigation sa Google Maps sa iyong telepono. Puwede mong pigilan ang pag-autolaunch ng mga direksyon sa relo mo.
  1. Sa iyong relo, buksan ang Maps app.
  2. I-tap ang Maghanap.
  3. Mag-swipe pataas hanggang sa maabot mo ang pinakaibaba ng screen.
  4. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Pag-mirror.
  5. Para ihinto ang mga prompt sa pag-navigate habang nagmamaneho, nagbibisikleta, at naglalakad ka, i-off ang Pagmamaneho, Pagbibisikleta, at Paglalakad.

Hanapin ang iyong lokasyon

Kapag binuksan mo ang Maps sa iyong relo, makikita mo ang lokasyon mo bilang asul na tuldok at compass needle na nakaturo sa hilaga. Para i-on o i-off ang compass, i-tap ang pulang indicator ng compass.

Gamitin ang Maghanap para maghanap ng mga lugar

Para buksan ang menu ng paghahanap at maghanap ng mga negosyo, i-tap ang Maghanap Maghanap. Para magsimula ng paghahanap, o hanapin ang numero ng telepono o address ng negosyo sa malapit, puwede mong gamitin ang keyboard at mikropono. Alamin kung paano maghanap ng mga lugar gamit ang Google Maps.

Mag-pan at mag-zoom sa mapa

  • Para i-pan ang mapa, gamitin ang iyong daliri para igalaw ang mapa. Para ibalik ang mapa sa kasalukuyang lokasyon mo, i-tap ang Lokasyon .
  • Para mag-zoom sa mapa, i-rotate ang button sa itaas ng relo mo:
    • Para mag-zoom out, mag-double tap gamit ang isang daliri at mag-drag pataas.
    • Para mag-zoom in, mag-double tap gamit ang isang daliri at mag-drag pababa.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2032242782313208856
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false