Humiling ng biyahe

Sa Google Maps app, maaari mong ihambing ang mga serbisyo sa pagsakay sa iba pang paraan ng pagpunta sa iyong patutunguhan, tulad ng pampublikong sasakyan o paglalakad.

Tandaan: Hindi available ang feature na ito sa lahat ng rehiyon at wika.

Paano humiling ng biyahe

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Google Maps. Tiyaking magsa-sign in ka sa iyong Google Account.
  2. Hanapin ang iyong patutunguhan o i-tap ito sa mapa.
  3. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Direksyon Mga Direksyon.
  4. Sa itaas, i-tap ang Mga Biyahe Mga Serbisyo ng Sasakyan. May lalabas na listahan ng mga serbisyo, presyo, at oras.
    • Para maghanap ng mga sasakyan ng Lime na malapit sa iyo, i-tap ang Pampublikong sasakyan Pampublikong sasakyan.
      Tandaan: Hindi available ang mga sasakyan ng Lime sa lahat ng lungsod.
  5. Piliin ang serbisyong gusto mong gamitin. Dadalhin ka sa app ng provider. Kung hindi mo na-install ang kanilang app, dadalhin ka sa Play Store para i-download ang app.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa app ng provider para tapusin ang iyong paghiling ng masasakyan.

Tandaan: Nagpapakita ang Maps ng impormasyong ginawang available ng mga provider ng serbisyo sa pagsakay. Kung mayroon kang tanong o reklamo tungkol sa isa sa mga provider na ito, direktang makipag-ugnayan sa kanila.

Impormasyon tungkol sa mga biyahe

Humiling ng bisikleta o scooter

Kung sinusuportahan ng iyong lungsod ang mga sasakyan ng Lime, maaari kang humiling ng bisikleta o scooter ng Lime sa Maps app. Lalabas sa iyong mga opsyon sa Pampublikong sasakyan ang mga available na bisikleta at scooter ng Lime na malapit sa iyo. Ipinapakita sa iyo ng Maps ang sasakyan ng Lime na pinakamalapit sa iyo, kasama ang uri ng sasakyan, presyo, at kung gaano katagal bago maabot ang sasakyan at ang patutunguhan mo.

Para pumili ng sasakyan ng Lime, i-tap ang opsyon sa sasakyan ng Lime sa iyong mga opsyon sa Pampublikong sasakyan para buksan ang Lime app, pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin.

Tumingin ng listahan ng mga provider ng serbisyo sa pagsakay

Narito ang isang listahan ng mga provider ng serbisyo sa pagsakay na maaari mong makita, depende sa iyong bansa o rehiyon:

  • 99
  • Beat
  • Bitaksi
  • BlaBlaCar
  • Cabify
  • Careem
  • Chauffeur Privé
  • Gett
  • GO-JEK
  • Grab
  • JapanTaxi
  • Juno
  • Lime
  • Lyft
  • Meru Cabs
  • MyTaxi
  • Ola Cabs
  • Taxify
  • Uber
Anong impormasyon ang ibinabahagi

Hindi kami nagbabahagi ng anumang impormasyon sa mga provider ng serbisyo sa pagsakay hangga't hindi ka nagta-tap sa isang resulta. Narito ang ibinabahaging impormasyon:

  • Ibinabahagi ng Maps ang iyong lokasyon ng pagsusunduan at patutunguhan. Hindi ibinabahagi ang iyong kasalukuyang lokasyon at ang mga pangalang inilagay mo para sa mga lugar, tulad ng "Bahay" at "Trabaho."
  • Ibinabahagi ng mga provider ng serbisyo sa pagsakay ang impormasyong tulad ng mga pagtatantya sa gastos at tagal ng paghihintay.
Paano kinakalkula ang mga pamasahe

Kapag naghanap ka ng masasakyan, bibigyan ka ng Google Maps ng tinantyang gastos. Ang provider ng serbisyo sa pagsakay ang tutukoy sa pinal na presyo para sa biyahe, hindi ang Google. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa provider ng serbisyo sa pagsakay.

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?