Magdagdag ng shortcut sa mga lugar na madalas mong puntahan

Magdagdag ng widget sa iyong Home screen upang madaling makakuha ng impormasyon gamit ang Google Maps app. Maaari mo ring i-save ang iyong mahahalagang lugar bilang mga shortcut upang mabilis na makahanap ng mga direksyon.

Magdagdag ng shortcut upang makakuha ng mga direksyon

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa seksyon ng widget.
  2. Hanapin ang widget na "Google Directions" Google Maps.
  3. Pindutin nang matagal ang widget at i-drop ito sa iyong Home screen.
  4. Sa itaas, pumili ng uri ng paglalakbay, tulad ng paglalakad o pagmamaneho.
  5. Maglagay ng patutunguhan at pangalan ng shortcut.
  6. Lagyan ng check ang anumang kahong tumutugma sa iyong mga kagustuhan. Halimbawa, maaari mong lagyan ng check ang isang kahon upang palaging iwasan ang mga toll para sa mga ruta sa pagmamaneho.
  7. I-tap ang I-save. Kapag nag-tap ka sa widget sa iyong Home screen, magna-navigate ang Google Maps sa naka-save mong patutunguhan.

Mabilis na makakuha ng mga direksyon papunta sa tahanan o trabaho

Naka-set up na ang feature na ito sa mga Pixel phone na nagpapatakbo ng Android 7.1 at mas bago. Kung nagpapatakbo ka ng ibang bersyon ng Android, makakapagdagdag ka ng widget sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa seksyon sa itaas.

  1. Sa iyong Home screen, pindutin nang matagal ang Google Maps app Google Maps.
  2. I-tap ang Tahanan o Trabaho.
Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?