Tingnan ang mga pag-alis ng tren at bus

Maaari mong makita ang mga pag-alis para sa paglalakbay mula sa Google Maps app. Ang ilang istasyon para sa paglalakbay ay nagpapakita ng mga real-time na pag-alis habang ang iba naman ay nagpapakita ng iskedyul ng mga pag-alis.

Tingnan ang mga pag-alis sa kalapit na lugar
  1. Buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Maglagay ng patutunguhan at i-tap ang Mga Direksyon Mga Direksyon.
  3. Sa itaas ng screen, i-tap ang Pampublikong sasakyanPampublikong sasakyan.
  4. Opsyonal: I-tap ang Mga Opsyon para pumili ng gusto mong mode ng transportasyon at ruta at pagkatapos ay Tapos na
  5. Mag-scroll pataas at pababa para makita ang mga opsyon at oras ng biyahe ng pampublikong sasakyan. Mag-tap ng ruta para sa mga direksyon.

Tip: Idagdag ang widget ng Google Transit Departures upang makita ang mga paparating na pag-alis mula sa mga istasyon ng pampublikong sasakyan sa paligid mo.

Tingnan ang mga pag-alis mula sa isang partikular na istasyon
  1. Buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Hanapin ang istasyon o pindutin ito sa mapa.
Ang kahulugan ng mga kulay at icon

Berde - Nasa takdang oras at nag-a-update nang real time

Pula - Naantala, nag-a-update nang real time

Itim - Hindi nag-a-update nang real time

Mag-ingat - Konstruksyon o iba pang pagkaantala

Idagdag ang widget ng Google Transit Departures sa iyong iPhone o iPad

Tandaan: Para sa iOS 10 ang mga tagubilin sa ibaba.

Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng widget ng Google Transit Departures, makakakita ka ng mga paparating na pag-alis mula sa mga istasyon ng pampublikong sasakyan sa paligid mo. Ganito ito gawin:

  1. Sa lock screen ng iyong iPhone o iPad, mag-swipe mula sa kaliwa pakanan hanggang sa makakita ka ng listahan ng mga widget.
    Mag-swipe pakanan
  2. Mag-scroll pababa at i-tap ang Edit.
    Mag-swipe pataas I-tap ang i-edit
  3. I-tap ang Idagdag ang Idagdag "Google Transit Departures" Maps.
    Idagdag ang widget
  4. I-tap ang Done. Pagkatapos mong idagdag ang widget, makikita mo ang mga nalalapit na pag-alis sa iyong Home screen.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?