Makakakita ka ng impormasyon at makakagawa ka ng mga bagay-bagay gamit ang iyong Google Assistant habang nagmamaneho ka. Magtanong dito at sabihan itong gumawa ng mga bagay sa Google Maps para makatutok ka sa daan.
Tandaan: Hindi available ang feature na ito sa lahat ng wika at bansa/rehiyon.
Mahalaga: Hindi available sa lahat ng wika, bansa, o kwalipikadong Android device ang ilang feature.
What you need
Sa Android phone na may:
- Bersyon 9.0 ng Android o mas bago
- 4 GB RAM o higit pa
- Portrait mode lang
- Lokasyon sa Australia, Canada, France, Germany, India, Italy, Mexico, Spain, United Kingdom, o United States
Mga Tip:
- Para sa iyong kaligtasan at kaginhawaan, i-dock ang iyong telepono habang nasa driving mode ng Assistant.
- Para makakuha ng mga notification ng mensahe:
- I-tap ang Mga Setting Mga app at notification Advanced Espesyal na access sa app Access sa notification Google.
- I-on ang Payagan ang access sa notification.
- Para tumawag at magpadala ng mga mensahe sa iyong mga contact: Bigyan ng pahintulot ang mga contact sa device.
Turn on or off Driving mode in Google Maps
- On your Android phone or tablet, open the Google Maps app .
- Tap your profile picture or initial Settings Navigation settings Google Assistant settings.
- Turn on or off Driving mode.
Makipag-usap sa iyong Google Assistant
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app .
- Mag-navigate papunta sa isang lugar.
- I-tap ang Mikropono .
- Magpatulong sa Google Assistant sa isang bagay.
Mahalaga: Kasalukuyang hindi available ang Google Assistant para sa CarPlay.
Makakuha ng tulong mula sa Google Assistant
Tip: Para sa mga sagot sa web, makakakuha ka ng higit pang impormasyon sa pamamagitan ng pagbubukas sa Google Assistant app.
- "Sinusuwerte ako."
- "What's the weather like (Ano'ng lagay ng panahon)?" o "How's the weather in Baguio (Ano'ng lagay ng panahon sa Baguio)?"
- "Kailan ang susunod kong meeting?"
Paglalakbay at mga kalapit na lugar
- “Mga gasolinahan sa malapit.”
- "Kailan magsasara ang [pangalan ng lugar]?"
- "Ipakita ang overview ng ruta" o "Magpakita ng mga alternatibong ruta."
Mga direksyon at navigation
- "Ano'ng susunod kong liko?" o "Susunod na hakbang."
- "Gaano katagal bago ako makarating?"
- "Kumusta ang trapiko pauwi?"
- "Ipakita ang trapiko" o "Itago ang trapiko."
- "Ipakita ang satellite view" o "Itago ang satellite view."
- "Umiwas sa mga toll" o "Payagan ang mga toll."
- “I-mute ang gabay na boses” o “I-unmute ang gabay na boses.”
- “Igitna ulit.”
- “Magpakita ng listahan ng mga direksyon.”
- "Umiwas sa mga highway" o "I-enable ang mga highway."
- "Ano'ng pupuntahan ko?" o "Gaano kalayo ang pupuntahan ko?"
- "Lumabas sa navigation."
- "Nasaan ako?"
- "Nakarating na ba tayo?"
- “Tulong.”
Puwede ka ring magtanong ng impormasyon sa Google Assistant o magpatulong dito sa mga gawain sa araw-araw. Alamin kung ano pa ang puwede mong itanong.