Gamitin ang navigation sa Google Maps app

Para makakuha ng madaling navigation sa bawat pagliko papunta sa mga lugar, gamitin ang Google Maps app. Ipapakita sa iyo ng Maps ang mga direksyon at gagamitin nito ang impormasyon ng real-time na trapiko para makita ang pinakamagandang ruta papunta sa patutunguhan mo. 

Gamit ang voice navigation, makakarinig ka ng mga alerto sa trapiko, kung saan dapat lumiko, kung aling lane ang dapat gamitin, at kung mayroon bang mas magandang ruta.

Tandaan: Hindi available sa lahat ng rehiyon at wika ang navigation at impormasyon tungkol sa kung aling lane ang dapat gamitin.

Simulan o ihinto ang navigation

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Maghanap ng lugar o i-tap ito sa mapa.
  3. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Direksyon. Kung pipindutin mo naman nang matagal ang button, magsisimula kang mag-navigate at puwede mong laktawan ang hakbang 4-6.
  4. Opsyonal: Para maglagay ng mga karagdagang patutunguhan, pumunta sa kanang sulok sa itaas at i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Magdagdag ng istasyon. Puwede kang magdagdag ng hanggang 9 na istasyon. Kapag tapos ka na, i-tap ang Tapos na.
  5. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
    • Pagmamaneho: Pagmamaneho
    • Pampublikong sasakyan: Pampublikong Sasakyan
    • Paglalakad: Naglalakad
    • Mga Biyahe: Mga Serbisyo ng Sasakyan
    • Pagbibisikleta: Pagbibisikleta
  6. Kung may iba pang rutang available, ipapakita ang mga ito nang kulay gray sa mapa. Para sundan ang isang alternatibong ruta, i-tap ang gray na linya.
  7. Para simulan ang pag-navigate, i-tap ang Magsimula Umpisa. Kung nakikita mo ang "Naghahanap ng GPS," sinusubukan ng iyong telepono na makasagap ng signal ng GPS. Halimbawa, maaaring ikaw ay nasa o malapit sa isang tunnel, garahe, o iba pang lokasyon kung saan walang signal ng GPS.
  8. Para ihinto o kanselahin ang pag-navigate, pumunta sa kaliwang bahagi sa ibaba at i-tap ang Isara Close.

 

Mga Tip:

Magpatugtog ng musika habang nagna-navigate

Puwede mong i-play, i-pause, i-skip, at baguhin ang musika nang hindi pinapaliit ang Google Maps navigation. 

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Account Circle Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng navigation at pagkatapos ay Ipakita ang mga kontrol sa pag-playback ng media.
  3. Pumili ng media app at pagkatapos ay Susunod  Okay.
  4. Para baguhin ang iyong mga setting ng media, i-tap ang Account Circle Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng navigation at pagkatapos ay Mga kontrol sa pag-playback ng musika.
  5. Lalabas ang mga kontrol ng media player na pinili mo sa ibaba ng screen ng navigation sa Google Maps.

Pumili ng iyong default na serbisyo ng musika sa Google Assistant

Puwede kang pumili ng gusto mong serbisyo sa streaming ng musika para maging iyong default na source ng musika kapag ginagamit mo ang Google Assistant habang nagna-navigate.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pindutin nang matagal ang Home button, o sabihin ang "OK Google." 
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-explore Mag-explore at Ang iyong mga bagay-bagayat pagkatapos ay Higit pa Moreat pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Serbisyo at pagkatapos ay Musika.
  4. Pumili ng serbisyo sa musika. Para sa ilang serbisyo, maaaring hilingin sa iyong mag-sign in sa account mo.

Makakita ng higit pang pagkilos habang nagna-navigate

Para makakita ng higit pang pagkilos habang nagna-navigate ka papunta sa isang lugar, pumunta sa kanang bahagi sa ibaba at i-tap ang pataas na arrow Pataas na arrow. Para itago ang menu, i-tap ang pababang arrow Pababang Arrow.

  • Maghanap sa ruta: Maghanap ng lugar sa iyong ruta, tulad ng isang restaurant o gasolinahan. Alamin kung paano maghanap sa iyong ruta.
  • Ipakita ang satellite map: Tingnan ang mapa nang mas detalyado gamit ang mga larawan mula sa satellite.
  • Mga Direksyon: Makakuha ng listahan ng mga sunud-sunod na direksyon.
  • Mga Setting: Baguhin ang iyong mga setting, tulad ng pagpapalipat-lipat sa milya at kilometro.

Makinig sa mga binibigkas na direksyon

Puwede kang makinig sa mga binibigkas na direksyon habang nagna-navigate papunta sa isang lugar. 

Lakasan o hinaan ang volume

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Account Circle Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng navigation at pagkatapos ay Antas ng boses.
  3. Piliin ang Mas Malakas, Normal, o Mas Mahina.

Mag-mute, mag-unmute, o makarinig ng mga alerto

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Simulan ang navigation.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Tunog Tunog. Pagkatapos ay pumili ng isa sa mga sumusunod:
    • I-mute: I-tap ang I-mute I-mute.
    • Makarinig ng mga alerto: I-tap ang Mga Alerto Mga Alerto. Makakarinig ka ng mga alerto tulad ng trapiko, konstruksyon, at mga aksidente. Hindi ka makakarinig ng mga direksyon sa bawat pagliko.
    • I-unmute: I-tap ang Tunog Tunog.

Mag-ayos ng mga problema sa voice navigation

Hakbang 1: I-on ang volume ng iyong device

Tiyaking naka-on at hindi naka-mute ang volume ng iyong telepono o tablet. Pagkatapos mong masimulan ang navigation, lakasan ang iyong volume.

Hakbang 2: Tiyaking naka-on ang voice navigation sa Maps app
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Simulan ang navigation.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, makikita mo ang Tunog Tunog. Kung hindi mo ito makita, i-tap ang I-mute I-mute at pagkatapos ay Tunog Tunog. Magsisimula nang magsalita ang Google Maps.
Hakbang 3: Lakasan ang volume sa Maps app
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Account Circle Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng navigation at pagkatapos ay Antas ng boses.
  3. Piliin ang Mas Malakas.
Hakbang 4: Piliin kung aling mga speaker ang gagamitin
  1. I-on ang Bluetooth sa iyong telepono o tablet.
  2. Ipares ang iyong telepono o tablet sa iyong kotse.
  3. Itakda sa Bluetooth ang source ng audio system ng iyong kotse.
  4. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  5. I-tap ang Account Circle Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga setting ng navigation.
  6. Pumili ng opsyon:
    • Para makarinig ng navigation mula sa mga speaker ng iyong sasakyan, i-on ang I-play ang boses sa pamamagitan ng Bluetooth.
    •  Para makarinig ng navigation mula sa speaker ng iyong telepono o tablet, i-off ang I-play ang boses sa pamamagitan ng Bluetooth.

Mga Paalala:

  • Sa bersyon 9.13 ng Google Maps para sa Android at mas bago, makakapag-play ka ng pansubok na tunog. Para mag-play ng pansubok na tunog, buksan ang Google Maps app Maps at pagkatapos ay Account Circle Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng navigation at pagkatapos ay I-play ang pansubok na tunog. Maririnig mo ang "Ganito ang magiging tunog kapag nagna-navigate gamit ang Google Maps."
  • Kung gusto mong i-charge ang iyong telepono o tablet, gumamit ng USB cable o power adapter na para lang sa pag-charge, na nakakonekta sa isang outlet o lighter ng sigarilyo sa kotse.
Hakbang 5: I-download ang mga binibigkas na direksyon

Kung minsan, hindi naka-download o kailangang i-update ang mga binibigkas na direksyon sa iyong telepono o tablet. Sa ganitong sitwasyon, makakarinig ka ng chime sa halip na mga binibigkas na direksyon.

  1. Tiyaking nakakonekta ka sa Internet. Mas mabilis na mada-download ang mga binibigkas na direksyon kung malakas ang iyong koneksyon sa Internet.
  2. Kumuha ng mga direksyon.
  3. Gamitin ang Google Maps app gaya ng karaniwan mong ginagawa. Mada-download ang mga binibigkas na direksyon habang nakabukas ang Maps app.
  4. Kapag tapos nang mag-download ang mga binibigkas na direksyon, makakarinig ka ng mga direksyon sa halip na mga chime kapag nag-navigate ka papunta sa isang lugar.

Iba pang bagay na magagawa mo sa navigation

Mag-ulat ng mga alerto sa trapiko

Mag-ulat ng mga speed camera at aksidente sa trapiko

Para makatulong na mapahusay ang Maps para sa iyong sarili at para sa ibang tao, puwede kang magbahagi ng impormasyon tungkol sa ruta mo. Puwede kang mag-ulat ng:

  • May Pagbagal Masikip na trapiko
  • Mga Banggaan Banggaan
  • Mga speed trap Mga speed trap

Tandaan: Mag-ulat lang kung ligtas na gawin ito.

Magdagdag ng ulat

  1. Buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Simulan ang navigation.
  3. I-tap ang Mag-ulat Iulatat pagkatapos ay Pumili ng opsyon.
  4. May lalabas na ulat sa mapa kung nasaan ka sa iyong ruta. Magiging anonymous ang ulat.

Makakita ng mga alerto mula sa ibang tao

Kung may ibang nag-ulat ng kung ano, makikita mo ito sa mapa habang papalapit ka. Depende sa iyong mga setting ng alerto, puwedeng may maririnig ka ring babala.

Kapag naabot mo ang alerto, makakakita ka ng prompt na nagtatanong "Nandito pa rin ba ito?" Para ipaalam sa iba kung totoo pa rin ang ulat, i-tap ang Ooo Hindi.

Tingnan ang mga speed limit

Tandaan: Hindi available ang feature na ito sa lahat ng lokasyon.

Sa ilang partikular na lugar, maaari kang makakita ng impormasyon ng limitasyon sa bilis habang nasa biyahe ka.

Sa ilang lokasyon, lumalabas ang maximum na speed limit bilang itim at puting kahon Box_speed_limit. Sa iba pang lokasyon, puwedeng lumabas ang maximum na speed limit bilang pula at puting bilog Circle_speed_limit.

Maaari mong i-off ang impormasyon tungkol sa speed limit sa iyong mga setting ng navigation:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Account Circle Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga setting ng navigation.
  3. Sa ilalim ng “Mga opsyon sa pagmamaneho,” i-off ang Mga speed limit.

Mahalaga: Nagbibigay lang ng impormasyon ang mga speed limit na ipinapakita sa Maps. Tiyaking kumpirmahin ang mga speed limit sa iyong biyahe sa mga nakapaskil na tanda sa trapiko.

I-mute ang mga binibigkas na direksyon kapag may tawag

Kung may tatawag sa iyo habang nagna-navigate ka papunta sa isang lugar, maaari mo itong sagutin, ngunit makakarinig ka pa rin ng mga binibigkas na direksyon hangga't hindi mo namu-mute ang mga ito.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Account Circle Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga setting ng navigation.
  3. I-on o i-off ang "I-play ang voice navigation habang may mga tawag."
Baguhin ang boses

Maaari kang makagamit ng ibang boses mula sa mga setting ng text-to-speech ng iyong telepono o tablet.

  1. Pumunta sa app ng mga setting ng iyong telepono o tablet.
  2. I-tap ang Wika at input.
  3. I-tap ang Output ng text-to-speech.
  4. Sa "Mas gustong engine," pumili ng ibang opsyon sa text-to-speech.
  5. Gagamitin ng voice navigation ang boses na pinili mo. Babaguhin din nito ang boses sa iba pang app.
Palitan ang wika
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Account Circle Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga setting ng navigation.
  3. Sa ilalim ng "Tunog at boses," i-tap ang Pagpipilian ng boses.
  4. Pumili ng wika.
Mga tip para makatipid ng baterya habang nagna-navigate

Mas mabilis mawalan ng charge ang iyong baterya kapag nagna-navigate ka dahil ginagamit ng Maps ang mga bagay na ito sa iyong telepono o tablet:

  • Ang kasalukuyan mong lokasyon
  • Ang iyong screen
  • Ang iyong mga speaker

Mga tip sa pagtitipid ng baterya

  • Gumamit ng power adapter: Hindi mo na kailangang alalahaning mauubos ang iyong baterya kung nagcha-charge ang telepono mo. Inirerekomenda naming gumamit ka ng power adapter, lalo na kapag lampas 30 minuto ang iyong biyahe.
  • I-off ang iyong screen: Kung hindi mo kailangang makita ang screen habang ginagamit ang navigation, pindutin ang power button sa iyong telepono o tablet para i-off ito. Makakarinig ka pa rin ng mga binibigkas na direksyon.

Ang kailangan mo para magamit ang navigation

Sa iyong telepono o tablet:

  • I-on ang GPS
  • Pahintulutan ang Google Maps na i-access ang iyong kasalukuyang lokasyon at mga audio speaker
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?