Matuto tungkol sa mga refund sa Google Play

Puwedeng magbigay ang Google ng mga refund para sa ilang pagbili sa Google Play, depende sa mga patakaran sa refund na inilalarawan sa ibaba. Puwede ka ring direktang makipag-ugnayan sa developer.
  • Kung nakabili nang hindi sinasadya ang kaibigan o miyembro ng pamilya gamit ang iyong account, humiling ng refund sa website ng Google Play.
  • Kung may makikita kang pagbili sa Google Play sa iyong card o iba pang paraan ng pagbabayad na hindi mo ginawa at hindi rin ginawa ng sinumang kakilala mo, iulat ang mga hindi awtorisadong bayarin sa loob ng 120 araw mula nang isinagawa ang transaksyon.
  • Kung naaprubahan ang iyong kahilingan sa refund, alamin kung gaano katagal bago maipadala ang refund.
  • Hindi mapapabilis ng paghiling nang maraming beses para sa parehong transaksyon ang proseso ng pag-refund. Posibleng abutin nang 1–4 na business day ang pagdedesisyon tungkol sa pag-refund.

Para sa mga user sa United Kingdom at European Economic Area

Kung nasa European Economic Area o United Kingdom ka at bumili ka noong Marso 28, 2018 o pagkalipas nito, alamin kung paano makakuha ng refund.

Humiling ng refund para sa mga kamakailang pagbili

  • Kung wala pang 48 oras pagkatapos mong bumili ng app o gumawa ng in-app na pagbili: Puwede kang humiling ng refund sa pamamagitan ng Google Play.
  • Kung bumili ka ng mga pelikula, aklat, o iba pang content: Posibleng makahiling ka ng refund mahigit 48 oras pagkatapos mong bumili (tingnan ang patakaran sa ibaba).

Karaniwan kang makakakuha ng desisyon sa loob ng 1 business day pero puwede itong abutin nang 4 na business days.

Tingnan ang status ng kahilingan sa refund

Pagkatapos mong humiling ng refund sa pamamagitan ng website ng Google Play o button na “Humiling ng refund” sa itaas, puwede mong tingnan ang status ng iyong kahilingan.

Humiling ng refund kapag hindi ito nakalista sa ilalim ng mga binili kamakailan

Kung hindi mo nakikita ang iyong binili sa listahan ng mga binili kamakailan, puwede kang humiling ng refund sa website ng Google Play. Gamitin ang mga opsyon sa ibaba para humiling ng refund.

Mag-explore ng mga opsyon sa kahilingan sa refund

Opsyon 1: Humiling ng refund sa website ng Google Play
  • Kung wala pang 48 oras pagkatapos mong bumili ng app o gumawa ng in-app na pagbili: Puwede kang humiling ng refund sa pamamagitan ng Google Play.
  • Kung bumili ka ng mga pelikula, aklat, o iba pang content: Posibleng makahiling ka ng refund mahigit 48 oras pagkatapos mong bumili (tingnan ang patakaran sa ibaba).
  1. Pumunta sa play.google.com.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang iyong Larawan sa profile.
  3. I-click ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay History ng badyet at order.
  4. Para sa order na gusto mong ibalik, i-click ang Mag-ulat ng problema.
  5. Piliin ang opsyong naglalarawan sa iyong sitwasyon.
  6. Sagutan ang form at isaad na gusto mo ng refund.
  7. I-click ang Isumite.

Tip:

  • Kung marami kang kahilingan para sa refund, ulitin ang mga hakbang na ito para sa bawat item na binili mo.
  • Kung hindi mo makita ang order, posibleng sa ibang Google Account mo ito nabili. Alamin kung paano lumipat ng account.
  • Karamihang dumarating sa loob ng 15 minuto ang mga email kung saan nakasaad ang mga pasya sa refund, pero puwede itong abutin nang hanggang 4 na business day.
  • Para sa mga hardware device: Para magbalik ng mga device na binili mo sa Google Store o humiling ng refund para sa mga ito, pumunta sa page ng mga refund ng Google Store.
Opsyon 2: Humiling ng refund sa Google Assistant

Puwede mo ring sabihin sa Google Assistant sa iyong device na gusto mo ng refund sa Google Play.

Para humiling ng refund mula sa Google Assistant, dapat ay US English ang gamitin mo sa iyong device.

Matuto pa tungkol sa Google Assistant.

Opsyon 3: Makakuha ng suporta mula sa developer ng app

Ang karamihan sa mga app sa Play Store ay ginawa ng mga third-party na developer, hindi ng Google. Dapat suportahan ng mga developer ang kanilang mga app at tiyakin nilang gumagana ito nang maayos para sa iyo.

Dapat kang makipag-ugnayan sa developer ng app kung:

  • Mayroon kang tanong tungkol sa isang app.
  • Gumawa ka ng in-app na pagbili, pero hindi ito naihatid o hindi ito gumagana tulad ng iyong inaasahan. 
  • Gusto mo ng refund at higit sa 48 oras na mula noong ginawa mo ang pagbili. Makakatulong ang developer sa mga isyu sa pagbili, at puwedeng magproseso ng refund alinsunod sa mga patakaran nito at mga nalalapat na batas​.  

Tingnan kung paano makipag-ugnayan sa developer ng app.

Tandaan: Puwedeng ibahagi sa mga developer ang ilang impormasyong nauugnay sa mga kahilingan sa refund.

Opsyon 4: Humiling ng refund sa Google Play Store app

Mahalaga:

  • Sa kasalukuyan, puwede ka lang humiling ng mga refund para sa mga in-app na pagbili mula sa Play Store app.
  • Para sa mga hindi in-app na pagbili, gamitin ang button na “Humiling ng refund” sa itaas o pumili ng alternatibong opsyon sa paghiling ng refund sa page na ito.
  1. Pumunta sa Play Store app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang iyong Larawan sa profile. 
  3. I-click ang Mga pagbabayad at subscription > Badyet at history.
  4. Para sa order kung saan mo gustong humiling ng refund, i-click ang Tingnan para makita ang Mga detalye ng transaksyon.
  5. I-click ang Mag-ulat ng problema.
  6. Piliin ang dahilan para sa pag-refund mula sa dropdown.
  7. I-click ang Isumite.

Tip:

  • Kung marami kang kahilingan para sa refund, ulitin ang mga hakbang na ito para sa bawat item na binili mo.
  • Kung hindi mo makita ang order, posibleng sa ibang Google Account mo ito nabili. Alamin kung paano lumipat ng account.
  • Karaniwan kang makakakuha ng desisyon sa loob ng 1 business day pero puwede itong abutin nang 4 na business days.

Mga patakaran sa refund ng Google Play

Iba-iba ang mga patakaran sa refund depende sa kung ano ang binili mo. Pumili ng link para sa higit pang impormasyon.

Puwede kang makakuha ng awtomatikong refund kung mag-a-uninstall ka ng bayad na app ilang sandali pagkatapos mong bilhin ito. Kung gusto mong i-install ulit ang app, kakailanganin mo itong bilhin ulit at hindi ka magiging kwalipikado para sa refund sa pagbiling iyon.

Kung ibinigay mo sa ibang tao ang iyong account o mga detalye ng pagbabayad, mukhang inaabuso mo ang aming mga patakaran, o hindi mo pinoprotektahan ang iyong account gamit ang pag-authenticate, karaniwang hindi kami makakapagbigay ng refund.
Mga app, laro, at in-app na pagbili (kabilang ang mga subscription)
Hindi nagbibigay ang Google ng mga refund para sa karamihan ng pagbili sa Google Play. Gayunpaman, may mga exception na nakadetalye sa ibaba. Puwede ka ring direktang makipag-ugnayan sa developer. Makakatulong ang developer sa mga isyu sa pagbili at puwedeng magproseso ng mga refund alinsunod sa mga patakaran nito at mga nalalapat na batas.

Patakaran sa refund

  1. Sa loob ng 48 oras: Puwede kang makakuha ng refund depende sa mga detalye ng pagbili. Sundin ang mga tagubiling ito.
  2. Pagkalipas ng 48 oras: May mga sariling patakaran at legal requirement ang mga developer at puwedeng makapagbigay sila sa iyo ng refund. Para mag-troubleshoot at malaman kung puwede kang makakuha ng refund, makipag-ugnayan sa developer.

Mahalaga:  

  • Isang beses mo lang maibabalik ang isang app o laro para sa isang refund. Kung bibilhin mo ulit ito, hindi ka na makakakuha ng refund. Kung nabigay ang refund, mawawalan ka mg access sa item. 
  • Kung bumili ka ng maraming item sa iisang pagbili, mare-refund mo lang ang buong pagbili. Hindi mo mare-refund ang mga indibidwal na item sa pagbiling iyon.
Google Play Pass
Puwedeng kanselahin anumang oras ang iyong subscription sa Play Pass. Magkakaroon ka pa rin ng access sa subscription hanggang sa katapusan ng panahong binayaran mo.
  • Kung magkakansela ka sa loob ng unang 48 oras ng buwanang subscription at hihiling ka ng refund, puwede naming i-refund ang gastos sa buwang kinansela mo.
Play Points

Kung mare-refund mo ang isang item na binili mo sa Google Play, ang anumang puntos na nakuha sa pagbiling iyon ay ibabawas sa iyong balanse at pagtaas sa level sa Play Points.

  • Kung wala kang sapat na puntos para masaklaw ang mga nabawas na puntos sa na-refund na item, magiging negatibo ang balanse ng iyong puntos. 
  • Kung wala kang sapat na puntos para manatili sa iyong kasalukuyang level pagkatapos ibawas ng mga puntos sa iyong pagtaas sa level, posibleng bumaba ng isa ang level mo. 
  • Kung bumili ka gamit ang isang coupon, at na-refund ang binili mo, ibabalik sa iyo ang anumang halagang ibinayad mo gamit ang iyong paraan ng pagbabayad at ang mga puntos na ginamit mo  para sa coupon. Kakailanganin mong magpapalit ng mga puntos para sa isa pang coupon kung available. 
  • Kung gumamit ka ng mga puntos para sa isang app, laro, at in-app na item at gusto mo ng refund, tingnan ang aming mga patakaran sa refund.
  • Hindi nare-refund ang mga puntos na ginamit para sumuporta sa isang mabuting layunin o para sa Credit sa Play.

Matuto pa tungkol sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Play Points.

Google Play Movies & TV o Google TV
Kung ayaw mag-play nang maayos ng iyong video, subukan ang mga tip para ayusin ang mga isyu sa pag-playback na ito. Kung gusto mo pa rin ng refund o kung humihiling ka ng refund para sa iba pang dahilan, tingnan ang impormasyon sa ibaba. 

Availability ng refund

  • Kung hindi mo pa ito nasimulang panoorin, puwede kang humiling ng refund sa loob ng 7 araw mula sa iyong pagbili.
  • Kung ang pelikula o palabas sa TV ay sira, hindi available, o hindi gumagana tulad ng nakasaad, puwede kang humiling ng refund sa loob ng 65 araw mula sa iyong pagbili.
  • Kung ibabalik mo ang pelikula o palabas sa TV para sa refund, puwede itong alisin sa iyong library at baka hindi mo na ito mapanood.
Google Play Books

Kung hindi naglo-load o nagpe-play ang iyong e-book o audibook, subukan ang mga hakbang sa pag-troubleshoot na ito. Kung gusto mo pa rin ng refund o kung humihiling ka ng refund para sa iba pang dahilan, tingnan ang impormasyon sa ibaba.

Availability ng refund para sa mga isahang pagbabalik at bundle ng aklat

Para sa mga refund sa mga e-book:

  • Puwede kang humiling ng refund sa loob ng 7 araw pagkatapos ng pagbili, maliban para sa mga rental ng mga e-book kung saan pinal na ang lahat ng pagbenta.
  • Kung hindi gumagana ang e-book, puwede kang humiling ng refund anumang oras sa loob ng 65 araw mula sa pagbili.
  • Kung bumili ka ng bundle ng mga e-book, makakahiling ka lang ng refund para sa buong bundle.

Nakadepende ang mga refund sa mga audiobook kung saan mo binili ang audiobook:

  • Hindi na mababawi ang lahat ng pagbebenta, maliban sa mga sumusunod na sitwasyon:
    • Mga customer sa South Korea: Puwede kang humiling ng refund sa loob ng 7 araw pagkatapos ng pagbili, hangga't hindi mo pa nasisimulang pakinggan ang audiobook.
    • Kung hindi gumana ang audiobook, puwede kang humiling ng refund anumang oras.

Para sa mga refund sa mga bundle:

  • Puwede kang humiling ng refund para sa buong bundle sa loob ng 7 araw pagkatapos ng pagbili, hangga't hindi ka pa nakakapag-download o nakakapag-export ng maraming aklat sa bundle.
  • Kung hindi gumagana ang isang aklat sa bundle, puwede kang humiling ng refund para sa aklat na iyon sa loob ng 180 araw pagkatapos ng pagbili.

Kung maaprubahan ang refund mo, puwedeng maalis ang e-book o audiobook sa iyong library at baka hindi mo na mabasa o mapakinggan ito.

Para sa mga refund sa mga maramihang pagbili gaya ng "Bumili para sa mga grupo":

  • Puwede kang humingi ng buong refund sa loob ng 7 araw pagkatapos ng pagbili kung hindi mo pa nare-redeem ang mga nabiling lisensya.
  • Kung mukhang hindi gumagana ang libro, puwede kang humingi ng buong refund sa loob ng 65 araw pagkatapos ng pagbili.
  • Puwede kang humingi ng hindi buond refund para sa mga hindi na-redeem na lisensya sa loob ng 30 araw pagkatapos ng pagbili.
Google Play Newsstand

Mga isahang isyu

Hindi nare-refund ang mga pagbili ng isang isyu ng mga pamagat ng magazine maliban kung hindi mo ma-access ang isyu o kung may depekto sa content.

Mga Subscription

Puwedeng kanselahin ang mga subscription anumang oras kung:

  1. Hindi mo ma-access ang content, o
  2. Magkakansela ka sa loob ng unang 7 araw ng subscription.
Tip: Ang mga aktibong subscription lang ang puwede naming i-refund at hindi mare-refund ang mga subscription na natapos na. Kapag ibinalik mo ang isang publication, puwede itong alisin sa iyong library at baka hindi mo na ito ma-access.
Mag-subscribe gamit ang Google

Pagkansela ng subscription 

  1. Sa iyong Google Account, pumunta sa Mga pagbabayad at subscription.
  2. Para kanselahin, i-pause, o baguhin ang subscription, sa ilalim ng “Mga Subscription,” i-click ang Pamahalaan ang mga subscription

Alamin kung paano magkansela, mag-pause, o magbago ng subscription sa Google Play.

Paghiling ng refund para sa subscription

Alamin kung paano humiling ng refund para sa pagbili sa Google Play. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa team ng suporta ng Google Play para humiling ng refund.

Hindi nagbibigay ang Google ng mga refund para sa karamihan ng pagbili sa Mag-subscribe gamit ang Google, maliban na lang kung (1) sira ang mga ito; (2) hindi tumutugma ang mga ito sa mga nakasaad na benepisyo sa interface ng Mag-subscribe gamit ang Google; o (3) mayroon kang Karapatan sa Pag-withdraw ayon sa inilalarawan sa Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Mag-subscribe gamit ang Google.

Tandaan: Kung hindi ka gumagawa ng mga makatwirang hakbang para protektahan ang iyong account laban sa mga hindi gustong pagbili – halimbawa, ibinigay mo ang mga detalye ng account o pagbabayad mo sa ibang tao o hindi mo pinoprotektahan ang iyong account sa pamamagitan ng pag-authenticate – kadalasang hindi kami makakapagbigay ng refund.

Bumili gamit ang pagkilos sa Google Assistant

Patakaran sa refund

  1. Sa loob ng 48 oras: Puwede kang makakuha ng refund depende sa mga detalye ng pagbili. Sundin ang mga tagubiling ito.
  2. Pagkalipas ng 48 oras: May mga sariling patakaran at legal requirement ang mga developer at puwedeng makapagbigay sila sa iyo ng refund. Para mag-troubleshoot at malaman kung puwede kang makakuha ng refund, makipag-ugnayan sa developer.
Mga gift card at balanse sa Google Play

Hindi mare-refund o maililipat ang mga gift card ng Play at iba pang prepaid na balanse sa Play, kabilang ang mga pag-top up ng cash, maliban na lang kung kinakailangan ng batas (halimbawa, mga user account ng menor de edad). Hindi mare-refund o maililipat ang pampromosyong balanse sa Play.

  • Puwedeng humiling ng refund ang mga residente ng U.S. na nag-redeem ng mga gift card o hindi pampromosyong gift code para sa kanilang Balanse sa Google Play kung wala pang $10 ang halaga.
  • Ang mga residente ng Brazil na nag-redeem ng mga gift card o hindi pampromosyong gift code ay puwedeng humiling ng refund ng kanilang Balanse sa Google Play kung matutugunan ang ilang partikular na kundisyon. Kabilang sa mga kundisyong ito na dapat ay mas mababa sa isang partikular na threshold ang halaga at walang refund na naibigay sa loob ng isang partikular na tagal ng panahon.
  • Ang mga residente ng South Korea na nag-redeem ng mga gift card o hindi pampromosyong gift code ay puwedeng humiling ng refund ng halaga ng card para sa mga natitirang halaga ng Balanse sa Google Play na katumbas ng o wala pang 40% ng orihinal na halaga ng gift card.
  • Alisunod sa Patakaran sa Patas na Pagtrato sa Mga Pinansyal na Consumer, ang mga residente ng Malaysia na nag-redeem ng mga gift card o hindi pampromosyong gift code ay puwedeng humiling ng isang beses na refund ng kanilang Balanse sa Google Play.

Mga regalo sa Google Play
Mahalaga: Nalalapat lang ito sa mga regalong credit sa Google Play o Google Play Books na binili sa pamamagitan ng Google. Kung binili ang iyong regalo sa pamamagitan ng isang third-party na retailer, makipag-ugnayan sa retailer para sa impormasyon sa refund.  Kung gusto mong ibalik ang iyong regalo, ipaalam sa bumili para makipag-ugnayan siya sa amin.

Mga Tip:

  • Puwede lang kaming magbigay ng refund sa taong bumili ng regalo.
  • Makakapagbigay lang ng mga refund para sa mga regalong hindi pa nare-redeem.
  • Hindi na mare-redeem ang gift code kapag na-refund na ang regalo.
  • Available lang ang mga refund para sa mga regalong credit sa Google Play sa loob ng 3 buwan mula sa petsa ng pagbili.
Mga donasyon sa Google Play
Hindi nare-refund ang mga donasyon sa mga nonprofit. Kung nagkakaproblema ka sa isang pagbabayad, makipag-ugnayan sa aming team ng suporta.
Mga hindi buong refund

Mahalaga: Kung pipiliin mo ang "kanselahin kaagad," makakansela ang iyong subscription at mawawalan ka agad ng access sa content.

Nalalapat lang ang patakarang ito sa mga user na nakabase sa Israel o Germany. Kung nakabase ka sa Israel o Germany, may opsyon kang kanselahin ang iyong subscription nang may bisa kaagad at humiling ng hindi buong refund. Para magkansela, sundin ang mga tagubilin sa pagkansela, at piliin ang opsyon na magkansela kaagad at humiling ng hindi buong refund. Ipo-prorate ang iyong hindi buong refund batay sa dami ng araw na natitira sa subscription.

Mga refund para sa mga item na binayaran sa convenience store gamit ang isang code
Kung magbabayad ka para sa mga item gamit ang isang code sa isang convenience store at hihiling ka ng refund, ang anumang refund na ibibigay sa iyo ng Google Play ay ibabalik sa iyo bilang credit sa Google Play.
Stadia
Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa refund ng Stadia.

Mga tagal ng pagproseso ng refund

Ibinabalik ang mga refund mula sa Google Play sa paraan ng pagbabayad na ginamit noong ginawa ang orihinal na pagbili. Iba-iba ang itinatagal ng mga pag-refund depende sa kung paano ka nagbayad. 

Kung mas nagtatagal kaysa sa inaasahan ang iyong refund, tingnan ang status ng refund mo sa iyong Google Pay account. Kung ang status ay "Na-refund na," makakakita ka ng credit sa iyong paraan ng pagbabayad. Kung ang status ay "Nakansela," hindi siningil ang order kaya wala kang makikitang credit sa iyong paraan ng pagbabayad. 

YouTube

Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa refund ng YouTube

Mga tagal ng pagproseso ng refund

Ibinabalik ang mga refund mula sa Google Play sa paraan ng pagbabayad na ginamit noong ginawa ang orihinal na pagbili. Magkakaiba ang itinatagal ng mga pag-refund depende sa kung paano ka nagbayad.

Kung mas nagtatagal kaysa sa inaasahan ang iyong refund, tingnan ang status ng refund mo sa iyong Google Pay account. Kung ang status ay "Na-refund na," makakakita ka ng credit sa iyong paraan ng pagbabayad. Kung ang status ay "Nakansela," hindi siningil kailanman ang order kaya wala kang makikitang credit sa iyong paraan ng pagbabayad.
Mga timeline ng refund

Ibinabalik ang mga refund mula sa Google Play sa paraan ng pagbabayad na ginamit noong ginawa ang orihinal na pagbili. Magkakaiba ang itinatagal ng mga pag-refund depende sa kung paano ka nagbayad.

Kung mas nagtatagal kaysa sa inaasahan ang iyong refund, tingnan ang status ng refund mo sa iyong Google Pay account. Kung ang status ay "Na-refund," may makikita kang credit sa iyong paraan ng pagbabayad. Kung ang status ay "Nakansela," hindi siningil ang order kaya wala kang makikitang credit sa iyong paraan ng pagbabayad.

Paraan ng pagbabayad

Tinatayang oras ng refund

Credit o debit card

3–5 business days

Posibleng maapektuhan ng tagabigay ng card ang tagal ng pagpoproseso at kung minsan, umaabot ito nang hanggang 10 business day.

Kung hindi na aktibo ang iyong credit card, mapupunta ang mga refund sa bangko na nag-issue ng iyong card. Makipag-ugnayan sa bangko para mabawi ang mga pondo.

TrueMoney Wallet, Linepay (Thailand lang)

1–5 business day

Dapat lumabas sa account ng user ang mga refund.

AliPayHK (Hong Kong lang)

1–5 business day

Dapat lumabas sa e-Wallet account ng user ang mga refund.

Boost (Malaysia lang) 1–5 business day
Coins.ph (Pilipinas lang)

1–5 business day

Dapat lumabas sa account ng user ang mga refund.

Edy

1–5 business day

Ilalapat ang mga refund sa iyong balanse sa Credit sa Google Play.

Efecty (Colombia lang)

1–60 business days

Ipapadala sa iyong Google Play account ang refund bilang pampromosyong balanse sa Play na mag-e-expire pagkalipas ng 12 buwan.

FPX (Malaysia lang) 7 araw
GCash

1–5 business day

Dapat lumabas sa account ng user ang mga refund.

Pagsingil ng mobile carrier (prepaid / pay-as-you-go)

1–30 business day

Posibleng maapektuhan ng iyong carrier ang tagal ng pagpoproseso at mas matagal ito kung minsan.

Pagsingil ng mobile carrier (postpaid / kontrata)

1–2 buwanang statement

Posibleng maapektuhan ng iyong carrier ang tagal ng pagpoproseso, pero karaniwang lumalabas ang mga refund sa loob ng 2 buwanang billing statement. Kung mas magtatagal iyon, makipag-ugnayan sa iyong carrier para alamin ang status.

GoPay at OVO (Indonesia lang)

1–5 araw 

Balanse sa Google Play (balanse ng gift card o credit)

1 business day

Lalabas ang mga refund sa iyong Google Play account. Kung minsan, posible itong abutin nang hanggang 3 business day.

Google Pay

1 business day

Lalabas ang mga refund sa iyong Google Pay account. Kung minsan, posible itong abutin nang hanggang 3 business day.

KakaoPay (Korea lang)

3–5 business days

Kung minsan, posible itong abutin nang hanggang 10 business day. Kung mas magtatagal ang refund, makipag-ugnayan sa KakaoPay para sa mas detalyadong impormasyon.

Mercado Pago (Brazil and Mexico) 1–5 business day
MoMo E-Wallet (Vietnam lang) 1–5 business day

my paysafecard (Poland, Cyprus, Czechia, Slovakia, Slovenia, Austria, Belgium, Italy, Netherlands, Portugal)

3–5 business days
Octopus O! ePay (Hong Kong lang)

1–5 business day

Dapat lumabas sa e-Wallet account ng user ang mga refund.

Online Banking

1–10 business day

Posibleng maapektuhan ng iyong bangko ang oras ng pagpoproseso, pero karaniwan itong inaabot nang 4 hanggang 10 business days.

PayPal

3–5 business days

Kung minsan, posible itong abutin nang hanggang 10 business day. Kung isinasauli mo ang pera sa isang paraan ng pagbabayad sa PayPal (tulad ng naka-link na bank account), makipag-ugnayan sa PayPal para sa mas detalyadong impormasyon.

Payco (Korea lang)

3–5 business days

Kung minsan, posible itong abutin nang hanggang 10 business day. Kung mas magtatagal ito, makipag-ugnayan sa PAYCO para sa mas detalyadong impormasyon.

Paytm (India) Dapat lumabas ang mga refund sa e-Wallet account ng user sa loob ng 1–5 business days.
PIX (sa Brazil lang)

1–5 business day

Promptpay (Thailand lang)
  • Awtomatiko at agad na make-credit sa Play account ng user bilang balanse sa Play ang mga naaprubahang refund. 
  • Hindi sinusuportahan ang mga refund sa orihinal na bank account.
QIWI Кошелек (Russia at Kazakhstan)

3–5 business days

Dapat lumabas sa account ng user ang mga refund. 

ShopeePay (Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand, at Vietnam) 15 business days
Touch n Go e-Wallet (Malaysia lang)

1–5 business day

TrueMoney Wallet (Thailand lang) 1–5 business day
VTC Pay (Vietnam lang) 1–5 business day
ZaloPay (Vietnam lang) 1–5 business day
ЮMoney [YooMoney] 13 business days
Magbayad sa mga convenience store o bank transfer ng user (Taiwan)

2–3 business days

Dapat lumabas ang mga refund sa naka-link na E.SUN account ng user.

Verve (Nigeria lang)

1-30 business day

Hindi nire-reset ng mga refund ang maximum na halaga ng nabili.

Merpay (Japan lang)

1–5 business day

Dapat lumabas sa Merpay account ng user ang mga refund.

Paypay (Japan lang)

1–5 business day

Dapat lumabas sa Paypay account ng user ang mga refund.

Bank transfer (Nigeria)

2–15 business day

Dapat lumabas sa account ng user ang mga refund.

Mga wallet ng carrier (Ghana)

1–3 business day

Dapat lumabas sa account ng user ang mga refund.

BLIK (sa Poland lang)

1–10 business day

Batay sa kanyang bangko, dapat lumabas ang mga refund sa account ng user.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15900081574599155793
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false