I-factory reset ang mga Google Nest o Home speaker o display

Ire-reset ng factory reset ang iyong Google Nest o Home speaker o display sa mga default na factory setting nito. Iki-clear ng pagkilos na ito ang iyong data sa device at hindi ito puwedeng i-undo.

Mahalaga:

1. I-troubleshoot ang mga karaniwang isyu

Bago mo i-factory reset ang iyong device, subukang i-troubleshoot muna ang mga karaniwang isyu. Puwede mo ring subukang i-reboot ang iyong device bago ka mag-factory reset. Alamin kung paano i-reboot ang iyong Nest speaker o display.

2. I-factory reset ang iyong Google Nest o Home speaker o display

Google Nest Hub Max

  1. I-save ang anumang mahalagang footage mula sa history ng video ng iyong device. Alamin kung paano mag-save at mag-download ng mga video clip.
  2. Alisin ang iyong Nest Hub Max sa Google Home app Google Home app. Alamin kung paano mag-alis ng mga Google device sa Google Home app.
  3. Sa likod ng Nest Hub Max, sabay na pindutin nang matagal ang mga button ng volume nang humigit-kumulang 10 segundo. Ipapaalam sa iyo ng Nest Hub Max mo na nagre-reset ito.

Google Nest Hub (2nd gen)

  1. Suriin ang iyong data ng Sleep Sensing. Alamin kung paano i-off ang Sleep Sensing at i-delete ang data ng pagtulog.

               Tandaan: Kung nagkakaproblema ka sa Sleep Sensing, pumunta sa Ayusin ang mga isyu sa Sleep Sensing.

  1. Sa likod ng Nest Hub, sabay na pindutin nang matagal ang mga button ng volume nang humigit-kumulang 10 segundo. Ipapaalam sa iyo ng Nest Hub mo na nagre-reset ito.

Google Nest Audio Google Nest Audio

  1. Sa likod ng iyong device, i-off ang mikropono. Magiging kulay orange ang mga ilaw.
  2. Pindutin nang matagal ang gitna ng Nest Audio, malapit sa itaas. Pagkalipas ng 5 segundo, sisimulan ng iyong device ang proseso ng pag-factory reset.
  3. Magpatuloy sa pagpindot nang humigit-kumulang 10 segundo pa hanggang sa makumpirma ng tunog na nagre-reset na ang device.

Kung nagkakaproblema ka sa pag-factory reset ng Nest Audio, pumunta sa Mga isyu kapag nire-reset mo ang iyong Google speaker.

Googel Nest Mini Google Nest Mini (2nd gen)

  1. Sa gilid ng iyong device, i-off ang mikropono. Magiging kulay orange ang mga ilaw.
  2. Pindutin nang matagal ang gitna ng Nest Mini, kung saan nasa itaas ang mga ilaw. Pagkalipas ng 5 segundo, sisimulan ng iyong device ang proseso ng pag-factory reset.
  3. Magpatuloy sa pagpindot nang humigit-kumulang 10 segundo pa hanggang sa makumpirma ng tunog na nagre-reset na ang device.
Google Nest Mini reset

Kung nagkakaproblema ka sa pag-factory reset ng Nest Audio, pumunta sa Mga isyu kapag nire-reset mo ang iyong Google speaker.

Google Nest Hub

Sa likod ng Nest Hub, sabay na pindutin nang matagal ang mga button ng volume nang humigit-kumulang 10 segundo. Ipapaalam sa iyo ng Nest Hub mo na nagre-reset ito.

Google Home Max Google Home Max

  1. Sa likod ng Home Max, pindutin nang matagal ang button para sa pag-factory reset na malapit sa power cord nang humigit-kumulang 12 segundo.
  2. Ipapaalam sa iyo ng Home Max mo na nagre-reset ito.

Kung nagkakaproblema ka sa pag-factory reset ng Google Home Max, pumunta sa Mga isyu kapag nire-reset mo ang iyong Google speaker.

Google Home Mini Google Home Mini (1st gen)

  1. Sa ibaba ng Home Mini, pindutin nang matagal ang button para sa pag-factory reset sa ibaba ng power cord. Hanapin ang bilog na nakaukit sa ilalim.
  2. Pagkalipas ng 5 segundo, sisimulan ng iyong device ang proseso ng pag-factory reset. Magpatuloy sa pagpindot nang humigit-kumulang 10 segundo pa hanggang sa makumpirma ng tunog na nagre-reset na ang device.

Kung nagkakaproblema ka sa pag-factory reset ng Google Home Mini (1st gen), pumunta sa Mga isyu kapag nire-reset mo ang iyong Google speaker.

Google Home Google Home

Sa likod ng iyong device, pindutin nang matagal ang button na i-mute ng mikropono nang humigit-kumulang 15 segundo. Ipapaalam sa iyo ng Google Home mo na nagre-reset ito.

Kung nagkakaproblema ka sa pag-factory reset ng Google Home, pumunta sa Mga isyu kapag nire-reset mo ang iyong Google speaker.

Mga kaugnay na artikulo

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17185822292880001274
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false