Gumawa ng Search campaign

Tandaan: Habang pinapahusay ng Google ang proseso sa pag-onboard ng bagong user, puwedeng makaranas ang mga bagong user ng Google Ads ng na-update na workflow. Ang content sa ibaba ay tumutukoy sa mga user ng Google Ads na nakagawa na ng kanilang Google Ads account at naka-log in na rito. Ia-update ng bagong impormasyon ang page na ito sa 2023.

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Search campaign na makapaglagay ng mga ad sa malawak na network ng mga resulta ng paghahanap ng Google. Puwede kang magpakita ng mga ad sa mga taong aktibong naghahanap online ng iyong mga produkto at serbisyo.

Ang Search campaign ay isa sa mga uri ng campaign na available sa iyo sa Google Ads.

Mga Benepisyo

  • Abutin ang iyong mga layunin: Makakatulong sa iyo ang mga Search campaign na magkaroon ng mas maraming benta, lead, o trapiko sa website.
  • Ma-access ang lubos na may kaugnayang pag-target: I-target ang mga taong aktibong naghahanap ng iyong mga partikular na produkto at serbisyo.
  • Mabilis na pag-set up: Mabilis gawin ang mga ad at hindi nangangailangan ng mga espesyal na asset.

Mga Tagubilin

1. Gumawa ng bagong campaign at magtakda ng layunin

Magsisimula ka sa pamamagitan ng paggawa ng bagong campaign sa iyong account at pagpili ng layunin para sa campaign mo.

GUMAWA SA AKING ACCOUNT

Gawin ang Search campaign at layunin

 

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. I-click ang icon na plus para gumawa ng Bagong campaign.
  5. Piliin ang layuning Mga Benta, Mga Lead, o Trapiko sa website.
    • Puwede mo ring piliin ang Gumawa ng campaign nang walang gabay ng layunin.
  6. Sa ilalim ng “Pumili ng uri ng campaign,” piliin ang Search.
  7. Sa ilalim ng “Piliin ang mga paraan kung paano mo gustong makamit ang iyong layunin,” puwede kang maglagay ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa negosyo mo.
  8. I-click ang Magpatuloy.
  9. Sa susunod na page, maglalagay ka ng pangalan para sa iyong campaign.
Tandaan: Kapag gumagawa ng campaign, awtomatikong sine-save bilang draft ang mga pagbabago.
Makakatulong din sa iyo ang mga Display, Shopping, at Video campaign sa pag-abot ng parehong mga layunin sa benta, mga lead, at trapiko sa website, pero nangangailangan ang mga ito ng mga karagdagang asset gaya ng mga larawan, feed ng produkto, at video.

Mga Draft

  1. Para i-edit ang iyong draft na campaign, pumunta sa page na Mga Campaign.
  2. Mahahanap mo ang mga draft na campaign sa itaas ng listahan ng campaign.
  3. I-click ang Ipagpatuloy at magpatuloy.

2. Pumili ng mga setting ng campaign

Pipili ka na ngayon ng mga taong ita-target gamit ang iyong mga ad, paano mo gustong gastusin ang iyong badyet, at kung paano papahusayin ang campaign mo gamit ang mga asset.

Puwede kang makakita ng mga mensaheng gagabay sa iyo para makatiyak na hindi pinipigilan ng ilang partikular na setting ang paggana ng mga ad mo. Subukang ayusin ang anumang potensyal na isyu bago i-publish ang iyong campaign.

Piliin ang iyong pag-target

Habang pinipili mo ang iyong unang pag-target, isipin ang uri ng mga taong posibleng handa nang bumili ng produkto mo, mag-sign up para matuto pa tungkol sa iyong negosyo, o bumisita sa website mo. Lagyan ng check ang kahon para sa Isama ang mga partner sa paghahanap ng Google, kung gusto mong lumabas ang iyong mga ad sa mga karagdagang search engine bukod pa sa Google.

  1. Kung ia-uncheck mo ang kahong ito, lalabas ang iyong mga ad sa mga page ng paghahanap ng Google sa Search Network, pero hindi sa mga partner sa paghahanap.
  2. Lagyan ng check ang kahon para sa Display Network para palawakin ang iyong abot mula sa mga resulta ng paghahanap hanggang sa iba pang site.
  3. Puwede mong piliin ang Mga opsyon sa lokasyon para pinuhin ang iyong pag-target ayon sa ugnayang mayroon ang mga tao sa mga lokasyong pinili mo.
    • Halimbawa, puwedeng maging kapaki-pakinabang ang setting na ito kung nagma-market ka ng event sa Angeles City, Pampanga na kadalasang dinadaluhan ng mga tao mula sa ibang bayan. Sa ganitong pagkakataon, puwede mong piliin ang Mga taong naghahanap ng iyong mga target na lokasyon.
  4. Piliin ang mga heograpikong lokasyon kung saan lalabas ang iyong mga ad o mga lugar na gusto mong ibukod. Alamin kung paano mag-target ng mga ad sa mga heograpikong lokasyon
    • Posibleng maging kapaki-pakinabang ang mga pagbubukod kung nagta-target ka ng mas malaking lugar at may gusto kang iwasang lokasyon sa loob nito. Halimbawa, baka gusto mong i-target ang buong Pilipinas, maliban sa isang partikular na lalawigan o lungsod.
    • Kung masyadong limitado ang iyong pag-target sa lokasyon at 0 ang mga tinatayang pag-click mo, makakatanggap ka ng alerto para palawakin ang iyong pag-target sa lokasyon.
  5. Ilagay ang mga wikang gusto mong i-target. Ang mga ad at keyword na gagawin mo ay dapat nakasulat sa mga wikang pipiliin mo rito. Matuto pa tungkol sa pag-target sa wika
  6. Makakapagdagdag ka ng mga audience sa iyong pag-target batay sa demograpiko, mga interes, online na aktibidad, at remarketing. Matuto pa tungkol sa pag-target ng audience
    • I-click ang Mag-browse para sa mga opsyong posibleng nauugnay sa iyong mga layunin.
Sa susunod, kapag nag-set up ka ng iyong mga ad, mapapahusay mo ang iyong pag-target sa pamamagitan ng pagpili ng mga keyword na hinahanap ng mga potensyal mong customer.

I-set up ang iyong pag-bid

Habang tinutukoy ng pag-target kung sino ang titingin sa iyong mga ad, tinutukoy naman ng pag-bid kung ano ang gusto mong gawin ng mga taong iyon.

  1. Habang pinipili mo ang iyong pag-bid, balikan ang layunin ng campaign mo:
    • Gusto mo ba ng mga benta o lead? Puwede mong pagtuunan ang Mga Conversion. Matutunan kung paano mag-set up ng pagsubaybay sa conversion para sa iyong website
    • Gusto mo ba ng trapiko sa website? Puwede mong pagtuunan ang Mga Pag-click.
    • Kung nag-set up ka ng mga conversion at nagtakda ka ng partikular na halaga sa mga ito, puwede mong ilaan ang iyong pera sa Halaga ng conversion. Sa opsyong ito, puwede kang mag-target ng partikular na return on ad spend.
    • Para i-maximize kung gaano kadalas lalabas ang iyong ad, piliin ang Bahagi ng Impression. Puwede mong pagtuunan ang pagtiyak na lalabas ang iyong ad sa isang partikular na porsyento ng mga pagbisita sa mga may kaugnayang page ng resulta ng paghahanap.
  2. Kung mas may karanasan ka sa pag-bid, puwede kang Direktang pumili ng diskarte sa pag-bid. Matutunan kung paano Tumukoy ng strategy sa pag-bid batay sa iyong mga layunin.
  3. I-click ang Magpakita pa ng mga setting para pumili ng mga karagdagang opsyon:
    • Mga Conversion: Piliin ang uri ng conversion kung saan mo gustong mag-bid.
    • Iskedyul ng ad: Magtakda ng partikular na oras at araw kung kailan mo gustong gumana ang iyong mga ad.
    • Pag-rotate ng ad: Piliin kung mas madalas na ipapakita ang mga ad na mas mahusay ang performance, o pantay-pantay na ipapakita ang lahat ng ad.

Pahusayin ang mga ad gamit ang mga asset

Sa pamamagitan ng mga asset ng ad, nagkakaroon ang mga tao ng maraming paraan para makipag-ugnayan sa iyong ad, tulad ng mga numero ng telepono, sitelink, o form ng lead. Sa pamamagitan din ng mga asset nagmumukhang mas malaki ang iyong mga ad sa mga resulta ng paghahanap.

  1. Pumili ng mga asset batay sa kung ano ang posibleng maging kapaki-pakinabang sa mga potensyal na customer:
  2. Puwede kang gumawa ng mga bagong asset o pumili ng mga asset na nagawa mo na.
  3. Bilang default, mapo-populate ang mga asset para sa sitelink, callout at pagtawag. I-click ang Asset ng ad para ipakita ang lahat ng available na asset.
  4. I-click ang I-save at magpatuloy para i-save ang mga setting ng iyong campaign at mag-set up ng mga ad group.

I-optimize ang iyong campaign habang ginagawa mo ito

Habang ginagawa mo ang iyong campaign, puwede kang makatanggap ng mga notification batay sa mga napili mong setting. Puwede kang alertuhin ng mga notification na ito tungkol sa mga isyung puwedeng humantong sa mas mababang performance o posibleng may sapat na kahalagahan para mapigilan kang i-publish ang iyong campaign.

Ang menu ng navigation sa paggawa ng campaign na lumalabas habang ginagawa mo ang iyong campaign ay nagbibigay ng pangkalahatang view sa pag-usad ng paggawa mo at magbibigay-pansin sa mga notification na baka gusto mong tugunan. Magpalipat-lipat sa mga hakbang sa menu ng navigation para madaling masuri at maresolba ang anumang potensyal na isyu sa iyong pag-target, pag-bid, badyet, o iba pang setting ng campaign. Alamin kung paano I-set up ang iyong campaign para sa tagumpay.

3. Mag-set up ng mga ad group

Pagkatapos mong piliin ang mga setting ng iyong campaign, gagawa ka ng mga pangkat ng mga ad. May kaugnayan dapat ang bawat pangkat sa kung ano ang hinahanap online ng mga taong interesado sa iyong mga produkto.

Sabihin nating nagbebenta ka ng mga furniture. Puwede kang gumawa ng ad group na “Mga Couch" kung saan magta-target ka ng mga keyword gaya ng "leather couch," "sofa," at "loveseat." Pagkatapos, gagawa ka ng mga ad tungkol sa mga couch at ili-link mo ang seksyon ng mga couch ng iyong website.

May 2 paraan ng paggawa ng mga ad group:

  1. Karaniwan: Maglalagay ka ng hanay ng mga keyword na nauugnay sa mga paghahanap at gagawa ka ng mga ad na tutugma sa mga iyon.
  2. Dynamic: Gagamit ang Google ng content sa iyong site para mag-target ng mga paghahanap at gumawa ng mga ad.

Gumawa ng mga karaniwang ad group

Pinipili ang “Karaniwan” bilang default na “Uri ng ad group.” Tandaan, isang uri lang ng ad group ang magagamit mo bawat campaign.

  1. Pangalanan ang iyong ad group.
  2. Maglagay ng mga keyword na pinaghihiwalay ng bagong linya. Tinutukoy ng mga keyword ang mga resulta ng paghahanap kung saan malamang na lumabas ang iyong mga ad.
    • Makakuha ng mga ideya para sa mga keyword sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong produkto o serbisyo sa ilalim ng “Kumuha ng mga ideya sa keyword.” Puwede mo ring gamitin ang tool na Keyword Planner para sa karagdagang gabay sa pagpili ng mga keyword.
  3. Pumili ng mga uri ng pagtutugma ng keyword para kontrolin kung aling mga paghahanap ang magti-trigger sa iyong mga ad. Bilang default, tutugma ang iyong mga keyword sa isang malawak na hanay ng mga kaugnay na paghahanap. Para pagtuunan ang mga partikular na grupo ng mga customer, puwede mong idagdag ang mga sumusunod na character sa iyong mga keyword para baguhin kung paano tumutugma ang mga ito sa mga paghahanap:
    • Katugmang parirala: Ilagay ang iyong keyword sa loob ng mga panipi “ ” para itugma ito sa isang parirala at sa malalapit nitong variation.
    • Eksaktong tugma: Ilagay ang iyong keyword sa loob ng mga bracket [ ] para i-target nang mas malapit ang mga eksaktong paghahanap.
    • Mga negatibong keyword: Maglagay ng minus sign - sa simula ng iyong keyword para magbukod ng mga paghahanap.
  4. I-click ang I-save at magpatuloy.

Gumawa ng mga dynamic na ad group

Kung bago ka sa Google Ads, subukang gumamit ng mga karaniwang ad group para sa iyong campaign. Kasama sa Mga Dynamic na Search Ad ang advanced na pag-target at AI na makakatulong para sa mas malalaking programa sa pag-advertise.

Tandaan, isang uri lang ng ad group bawat campaign ang magagamit mo.

  1. Para sa “Uri ng ad group,” piliin ang Dynamic.
  2. Pangalanan ang iyong ad group.
  3. Ilagay ang domain ng iyong site. Puwedeng may kasama itong domain o subdomain.
  4. Kung available, pumili ng anumang kategoryang ita-target. Matuto pa tungkol sa mga target para sa Mga Dynamic na Search Ad
  5. Maglagay ng mga webpage mula sa domain o subdomain na inilagay mo sa itaas.
    • Pumili ng mga page na may sapat na kaugnayan para ma-promote ng mga katulad na ad.
  6. Puwede ka ring mag-target ng mga page gamit ang mga panuntunan.
    • Halimbawa, kung gusto mong pagtuunan ng iyong ad group ang pag-promote ng mga sapatos, puwede kang gumawa ng mga ad para sa mga page na may “sapatos” sa URL, content, o pamagat. Bilang karagdagan, makakagawa ka ng mga ad batay sa isang kategoryang nauugnay sa sapatos na may kaugnayan sa iyong site.
  7. I-click ang Bagong ad group para magdagdag pa ng mga ad group.
  8. I-click ang I-save at magpatuloy para tapusin ang pag-set up ng iyong mga dynamic na ad.

4. Gumawa ng mga Search ad

Kapag ginagawa ang iyong mga Search ad, ang isa sa pinakamahahalagang bagay na dapat pagtuunan ay ang kaugnayan sa mga keyword mo. Gugustuhin mong gumawa ng mga headline at paglalarawang tumutugma sa mga keyword sa iyong ad group.

Inirerekomenda rin ang paggawa ng kahit man lang 3 ad bawat ad group. Alamin kung paano magsulat ng mga matagumpay na text ad

Gumawa ng mga Search ad

  1. Ilagay ang final URL. Kapag may nag-click sa iyong ad, mapupunta siya sa page na ito.
  2. Bilang default, domain lang ang lalabas sa text ng iyong ad. Kaya kung ang iyong final URL ay “www.example.com/shoes,” “www.example.com” ang lalabas sa ad mo. Para ipakita ang higit pang bahagi ng URL mo sa iyong ad, puwede mong punan ang display URL.
  3. Magsulat ng 1-3 headline. Ang mga headline na ito ang magiging asul na text sa itaas ng iyong ad. Matuto pa tungkol sa mga text ad
  4. Mako-customize mo ang URL na lalabas sa iyong ad sa pamamagitan ng pagbabago sa display path. Hindi maaapektuhan ng display URL ang page kung saan mapupunta ang mga tao kapag nag-click sila sa iyong ad.
  5. Magsulat ng hanggang 2 linya ng text ng paglalarawan. Puwede kang gumamit ng hanggang 90 character para ilarawan ang iyong produkto o serbisyo at kung gaano ito nauugnay sa mga customer mo.
  6. Puwede kang magdagdag ng mga parameter sa pagsubaybay sa iyong URL. Makakatulong sa iyo ang mga idinaragdag na ito sa URL para masubaybayan kung saan nagmumula ang trapiko mo, gaya ng mga mobile device.
  7. I-click ang Tapos na para tapusin ang ad na ito.
  8. I-click ang Bagong ad para magdagdag pa ng mga ad sa iyong ad group.
  9. Mag-scroll sa mga ad group para matiyak na nakagawa ka ng mga ad para sa lahat ng ito.
  10. I-click ang I-save at magpatuloy.
  11. Sa page ng pagsusuri, puwede kang maka-access ng listahan ng mga isyung puwedeng maglimita sa performance ng iyong campaign.
  12. Makakakita ka ng mga alerto para ayusin ang mga isyung may kaugnayan sa iyong campaign. Halimbawa:
    • Mga isyu sa pagsingil
    • Mga nawawalang keyword o ad
    • Invalid na final URL
  13. I-click ang Ayusin ito para lutasin ang mga isyu.
  14. Kapag handa na ang iyong campaign, i-click ang button na I-publish.
    • Puwede mong i-edit ang iyong mga setting, ad group, at ad sa page na ‘Pangkalahatang-ideya.’

Gumawa ng Mga Dynamic na Search Ad

Sa Mga Dynamic na Search Ad, binubuo ng Google ang iyong final URL, headline, at display URL. Pero iko-customize mo pa rin ang text ng paglalarawan ng iyong ad.

  1. Magsulat ng hanggang 2 linya ng text ng paglalarawan. Puwede kang gumamit ng hanggang 90 character para ilarawan ang iyong produkto o serbisyo at kung gaano ito nauugnay sa mga customer mo.
  2. Puwede kang magdagdag ng mga parameter sa pagsubaybay sa iyong URL. Makakatulong sa iyo ang mga idinaragdag na ito sa URL para masubaybayan kung saan nagmumula ang trapiko mo, gaya ng mga mobile device.
  3. I-click ang Tapos na para tapusin ang ad na ito.
  4. I-click ang Bagong ad para magdagdag pa ng mga ad sa iyong ad group.
  5. Mag-scroll sa mga ad group para matiyak na nakagawa ka ng mga ad para sa lahat ng ito.
  6. I-click ang I-save at magpatuloy.
  7. Sa page ng pagsusuri, puwede kang maka-access ng listahan ng mga isyung puwedeng maglimita sa performance ng iyong campaign.
  8. I-click ang Ayusin ito para lutasin ang mga isyu.
  9. Kapag handa na ang iyong campaign, i-click ang button na I-publish.
    • Puwede mong i-edit ang iyong mga setting, ad group, at ad sa page na ‘Pangkalahatang-ideya.’

5. Piliin ang iyong badyet

Habang tinutukoy ng pag-target kung sino ang makakakita sa iyong mga ad, at tinutukoy naman ng pag-bid kung ano ang gusto mong gawin ng mga taong iyon, tinutukoy naman ng iyong badyet kung gaano karaming tao ang makakakita sa iyong ad.

  • Ilagay ang iyong pang-araw-araw na badyet. Ito ang average na halagang gusto mong gastusin bawat araw.
    • Magrerekomenda ang Google ng ilang opsyon sa badyet batay sa isang hanay ng mga campaign na katulad ng bagong campaign na ginagawa mo, kasama ang mga katulad na advertiser at ang mga dati mong campaign kung naaangkop. Bukod pa sa mga inirerekomendang opsyon sa badyet, magkakaroon ka rin ng opsyong magtakda ng custom na halaga ng badyet.
    • Sa mga araw na mas malamang na makakuha ka ng mga pag-click at conversion, posibleng mas lumaki ang gastos mo. Pero sa kabuuan ng buwan, mag-a-average ang iyong badyet sa halagang inilagay mo rito. Sumangguni sa Mga singil at ang iyong average na pang-araw-araw na badyet para sa mga detalye.
Tandaan: Kapag nagdagdag ka ng campaign sa nakabahaging badyet, idaragdag din ang badyet ng campaign sa halaga ng nakabahaging badyet. Kung maaabot ng campaign mo ang iyong layunin, puwede mong pag-isipang taasan ang iyong badyet para mapalawak ang tagumpay mo. Kung hindi, puwede mong isaayos ang iyong pag-target, pag-bid, at mga ad.

Ano ang susunod

Kapag tapos mo nang i-set up ang iyong campaign, puwedeng abutin nang ilang araw bago magsimulang lumabas ang mga ad mo. Karaniwang naaaprubahan ang mga ad sa loob ng isang business day. Posibleng mas matagalan bago ganap na ma-optimize ng pag-bid ang performance.

Sa hinaharap, puwede mong gamitin ang mga gabay na ibinigay sa ibaba para makatulong sa iyong maging isang matagumpay na advertiser at para ayusin ang anumang isyung mararanasan mo sa mga susunod.

I-optimize ang iyong campaign

Kunin ang kurso ng Skillshop tungkol sa Mga Batayang Kaalaman sa Mga Google Search Ad.

I-EXPLORE ANG KURSO
  1. Alamin kung paano i-set up ang iyong campaign para sa tagumpay
  2. Alamin kung paano gumamit ng data para i-optimize ang iyong mga Search campaign
  3. Subaybayan ang mga conversion sa iyong website para matingnan kung natutugunan mo ang iyong mga layunin sa pag-advertise

Mag-ayos ng mga karaniwang isyu

  1. Alamin kung bakit hindi mo makita ang iyong ad
  2. Mag-ayos ng hindi naaprubahang ad
  3. Tungkol sa mga pagsususpinde ng account dahil sa patakaran ng Google Ads

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14894594924956853252
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false