Pangkalahatang-ideya ng pag-bid para sa mga hotel ad

Available ang mga sumusunod na diskarte sa pag-bid para sa mga hotel campaign sa Google Ads:

  • Mga Komisyon (bawat pananatili): Magbabayad ka ng porsyento ng halaga ng pag-book para lang sa mga pananatili ng bisita, na mag-aalis sa gastos ng mga pagkansela.
  • Mga Komisyon (bawat conversion): Magbi-bid ka ng nakatakdang porsyento ng halaga ng pag-book ng kwarto sa tuwing may magbu-book na biyahero sa pamamagitan ng iyong ad.
  • Pinahusay na CPC: Ginagamit sa pag-bid na CPC o CPC%, makakatulong sa iyo ang diskarteng ito na makaabot ng mas mataas na kabuuang halaga ng conversion habang sinubusubukang panatililhin ang parehong ROAS na makukuha mo sa manual na CPC. Nakadisensyo ang diskarte sa pag-bid na ito para gumana sa mga in-house o third-party na system ng pag-bid.
  • Manual na CPC (cost-per-click): Mag-bid ng nakatakdang halaga sa tuwing may biyaherong magki-click sa iyong ad.
  • CPC%: Mag-bid ng porsyento ng presyo ng kwarto bawat gabi kapag may biyaherong nag-click sa iyong ad.

Nilalaman ng artikulong ito ang mga sumusunod na seksyon:

Pagpili ng diskarte sa pag-bid

Itinatakda ang mga diskarte sa pag-bid sa antas ng campaign habang sine-set up ang campaign. Alamin kung paano baguhin ang iyong diskarte sa pag-bid

Diskarte sa pag-bid

Uri

Nag-o-optimize para sa

Bayaran sa pamamagitan ng...

Bakit ito gagamitin?

Mga Komisyon (bawat pananatili) Naka-automate (Smart Bidding) Return on ad spend (ROAS = halaga ng conversion / gastos) pagkatapos magkansela

Mga kumpletong pananatili ng mga bisita

  • Inaalis ang panganib ng pagkansela
  • Pinapanatili ang cash flow (hindi magbabayad hanggang sa makumpleto ang pananatili ng bisita)
  • Garantisadong ROAS
  • Awtomatikong nag-o-optimize ang bidder para sa ROAS batay sa rate ng komisyon na itinakda ng advertiser

Mga Komisyon (bawat conversion)

Naka-automate (Smart Bidding)

Return on ad spend (ROAS = halaga ng conversion / gastos) bago ang pagkansela

Mga Booking (mga conversion)

  • Inaalis ang panganib ng non-conversion (hindi magbabayad hanggang sa may mag-book)
  • Garantisadong ROAS

Pinahusay na CPC

Semi-automated (Smart Bidding)

Halaga ng conversion

Mga Pag-click

  • Gumagana sa mga kasalukuyang in-house o third-party na system ng pag-bid
  • Nagbibigay-daan sa mga advertiser na manual na kontrolin ang mga bid habang awtomatikong pinapataas ang kabuuang halaga ng conversion
  • Puwede kang mag-bid gamit ang CPC o CPC%

CPC

Manual

N/A

Mga Pag-click

Hindi inirerekomendang gamitin nang mag-isa

CPC%

Manual

N/A

Mga Pag-click

Hindi inirerekomendang gamitin nang mag-isa

Tandaan: Kinakailangan ang pagsubaybay sa conversion at mga halaga ng conversion ng pagbili (buong halaga ng booking) para sa lahat ng Smart Bidding na strategy sa pag-bid ng Hotel Ads. Matuto pa tungkol sa pagsubaybay sa conversion para sa mga hotel campaign

Tungkol sa mga signal sa Smart Bidding

Gumagamit ang Smart Bidding ng mga signal sa oras ng auction para matulungan kang awtomatikong pahusayin ang iyong performance sa mas granular na antas kaysa sa kung ano ang posible sa pamamagitan ng manual na pag-bid. Matuto pa tungkol sa mga real-time na signal sa Smart Bidding

Mahalaga: Kung sinusubukan mo ang Smart Bidding sa unang pagkakataon, dapat mong hayaang tumakbo ang campaign nang hindi bababa sa 2 linggo bago suriin ang performance. Nagbibigay-daan ito sa algorithm ng Smart Bidding na matuto at makapagsaayos.

Mga antas ng bid

Para sa pag-bid na Mga Komisyon, puwede mong itakda ang halaga ng bid, o ang iyong rate ng komisyon, sa antas ng campaign.

Para sa mga diskarte sa pag-bid na Manual na CPC at CPC%, itatakda mo ang diskarte sa antas ng campaign. Para sa CPC%, puwede kang magtakda ng maximum na limitasyon sa epektibong bid sa antas ng campaign. Kailangang itakda ang mga partikular na halaga ng bid sa antas ng ad group. Alamin kung paano baguhin ang iyong bid sa ad group

Ibinubuod ng sumusunod na talahanayan kung saan puwedeng itakda ang bawat uri ng mga bid, at kung puwedeng isama ang mga ito sa Pinahusay na CPC o mga manual na pagsasaayos ng bid.

Diskarte sa pag-bid

Antas kung saan puwedeng itakda ang halaga ng bid/target

Gumagana ang diskarte kasama ng...

Campaign Ad group Pangkat ng hotel ECPC Mga kontrol sa pagsasaayos ng bid
Naka-automate
Mga Komisyon OO I-pause lang** I-pause lang** HINDI OO
Manual
Manual na CPC (nakatakda) HINDI OO OO OO OO
CPC% HINDI * OO OO OO OO

Mga Tala:

Hindi ka puwedeng magtakda ng partikular na CPC% na bid sa antas ng campaign, pero puwede kang magtakda ng maximum na limitasyon sa epektibong bid. Para sa pag-bid na Mga Komisyon, puwede mong i-pause ang paggana ng mga ad group at pangkat ng hotel sa isang campaign, pero hindi mo puwedeng itakda ang halaga ng bid ng mga ito sa antas ng ad group o pangkat ng hotel.

Mga kontrol sa pagsasaayos ng bid

Magagamit sa lahat ng diskarte sa pag-bid ang mga pagsasaayos ng bid. Puwede mong isaayos ang iyong bid ayon sa mga salik na gaya ng lokasyon ng biyahero, uri ng device, tagal ng pananatili, araw ng pag-check in, uri ng petsa, palugit ng advanced na pag-book, at listahan ng audience.

Matuto pa tungkol sa mga pagsasaayos ng bid para sa mga hotel campaign

Pagiging kwalipikado sa mga auction

Kapag ang isang biyahero ay nagsagawa ng paghahanap na hahantong sa pagpapakita ng mga hotel ad, unang kukunin ng Google ang mga available na presyo para sa mga hotel at pagkatapos ay papaganahin nito ang auction. Pagkatapos ng mga resulta ng auction, ipapakita ng Google sa end-user ang mga ad na may mga nanalong bid.

Puwedeng makaapekto ang ilang salik sa pagiging kwalipikado ng iyong mga bid para maisama sa auction:

  • Pagtutugma ng itinerary: Dapat tumugma ang mga rate mula sa iyong Feed ng Presyo ng Hotel sa eksaktong itinerary ng end-user. Halimbawa, kung maghahanap ang biyahero ng pananatili nang 3 gabi na magsisimula sa Hulyo 14, dapat ay nakapagsumite ka ng mga rate na eksaktong tumutugma sa 3 gabi, simula sa Hulyo 14. Wala nang iba pang rate para sa anupamang kumbinasyon ng mga tagal ng mga pananatili/petsa ng pag-check in ang isasaalang-alang para sa auction.
    • Tandaan: Para sa isang partikular na itinerary, isang Central Reservation System (CRS) lang ang kwalipikadong magpakita ng kanilang mga ad.
  • Mga all-inclusive vs naka-itemize na rate: Ang iyong paglahok sa isang auction ay puwedeng nakadepende sa kung mga all-inclusive na rate o mga naka-itemize na rate (mga rate kung saan idinedetalye ang mga buwis at bayarin) ang ibinibigay mo.
    • Para sa US at Canada, isasama lang sa auction ang mga hotel na may mga all-inclusive na rate kung walang magbi-bid na hotel na may mga naka-itemize na bid.
    • Para sa lahat ng iba pang bansa, pareho ang pangangasiwa sa mga hotel na may mga all-inclusive na rate at naka-itemize na rate.
  • Mga hindi kumpletong rate: Anuman ang heograpikong lokasyon, isasama lang sa auction ang mga hotel na may mga hindi kumpletong rate kung wala nang iba pang hotel na may mga all-inclusive o naka-itemize na rate na bahagi ng auction. Nagkakaroon ng mga hindi kumpletong rate kapag natukoy ng Google na wala o kulang ang impormasyon ng buwis, o kung nakatakda sa 0 ang mga buwis, pero hindi naka-tag ang presyo bilang all-inclusive.
  • Status ng account: Kung na-disable ang iyong account dahil sa mga paglabag sa Patakaran sa Katumpakan ng Presyo, hindi isasama sa mga auction ang mga hotel mo.
  • Badyet ng campaign: Kung lumampas ang iyong hotel campaign sa badyet mo, hindi isasama ang iyong mga hotel sa auction at puwede kang makakita ng status na "nalilimitahan ng badyet." Alamin kung paano pamahalaan ang badyet ng iyong campaign
  • Badyet ng account: Kung gagamit ka ng badyet ng account (buwanang pag-invoice), at lampas sa badyet ng iyong account ang kabuuan ng paggastos mo sa campaign, hindi ihahatid ang iyong mga ad.

Mga kaugnay na link

Kung kailangan mo ng tulong sa iyong mga link sa pag-book, makipag-ugnayan sa amin o hilinging makipag-chat sa isang espesyalista sa suporta.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11496916164895901802
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false