Piliin ang tamang uri ng campaign

Nagsisimula ang Google Ads sa isang layunin at sa isang campaign.

Pipili ka ng uri ng campaign batay sa iyong mga layunin sa marketing, diskarte ng brand, at kung gaano karaming oras ang mailalaan mo.

Tutulong sa iyo ang artikulong ito na piliin ang tamang uri ng campaign para sa mga pangangailangan mo sa pag-advertise.

Mga Search campaign: Mga text ad sa mga resulta ng paghahanap

Ang mga Search campaign ay mga text ad sa mga resulta ng paghahanap na nagbibigay-daan sa iyong abutin ang mga tao habang hinahanap nila sa Google ang mga iniaalok mong produkto at serbisyo.

Napakahusay nito para sa pagdadala ng benta, lead, o trapiko sa iyong website, dahil maipapakita mo ang iyong mga ad sa mga taong aktibong naghahanap sa mga produkto at serbisyo mo.

Bakit dapat piliin ang mga Search campaign

  • Mga benta at lead:
    • Paramihin ang iyong mga online na benta at pag-sign up.
    • Pag-isipang gumamit ng mga lead kung mas mahaba ang cycle ng bentahan mo.
  • Madaling pag-set up:
    • Magsulat ng mga text ad at pumili ng mga keyword.
    • Laktawan ang mga espesyal na file o asset—hindi kailangan ang mga ito.
    • Subukan ang mga Smart campaign para sa mas madali pang pag-set up.
  • Napakapartikular na pag-target: Abutin ang mga taong aktibong naghahanap sa iniaalok mo.

GUMAWA NG SEARCH CAMPAIGN

Mga Display campaign: Mga image ad sa mga website

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Display campaign na maabot ang isang nauugnay na audience gamit ang mga makatawag-pansing ad habang nagba-browse sila sa milyon-milyong website, app, at property na pagmamay-ari ng Google, tulad ng YouTube, para maabot ang mga layunin mo sa marketing. Magandang paraan ang mga Display campaign para mapalawak ang iyong abot at manatili kang unang naiisip ng isang audience nang hindi lang sa Google Search.

Puwede ka ring gumawa ng isang Display campaign na gumagamit sa iyong mga segment ng data para ipakita ang mga ad sa mga taong bumisita sa website mo o gumamit ng iyong app.

Bakit dapat piliin ang mga Display campaign

  • Mga benta at lead: Gumamit ng mga makatawag-pansing call-to-action para maparami ang mga benta at pag-sign up.
  • Kaalaman at pagsasaalang-alang: Gumawa ng mga ad na madaling tandaan para ipaalam sa mga tao ang iyong brand o para isaalang-alang nila ang produkto mo.
  • Abot: Mag-target ng mga tao nang hindi lang sa mga resulta ng paghahanap, habang nagba-browse sila ng mga website at app.
  • Iyong mga segment ng data: Mag-follow up sa mga taong tumingin na sa iyong mga ad o bumisita sa site mo.

Mga uri ng mga Display campaign

  • Karaniwang Display: Piliin ang iyong mga setting ng campaign at pag-target, at i-automate ang ilang aspeto ng Display campaign mo.
  • Smart Display: Pasimplehin ang pag-set up ng iyong campaign para makatipid ng oras at makapag-optimize para sa mga conversion.

Tip:

Kapaki-pakinabang ang paggamit ng tool sa pag-edit ng larawan para gumawa ng mga parisukat at landscape na bersyon ng iyong display ad na nasa mga tamang dimensyon at laki ng file.

GUMAWA NG DISPLAY CAMPAIGN

Mga Video campaign: Mga video ad sa YouTube

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Video campaign na magpakita ng mga video ad sa YouTube at sa iba pang website.

Makakatulong sa iyo ang ilang uri ng Video campaign na i-boost ang pangkalahatang kaalaman sa brand mo. Idinisenyo ang iba para humimok ng mga conversion o para hikayatin ang mga tao na mamili sa iyong website.

Bakit dapat piliin ang mga Video campaign

  • Kaalaman at pagsasaalang-alang: Gumamit ng mga video ad para ipaalam sa mga tao ang tungkol sa iyong brand o hikayatin silang pag-isipang bilhin ang produkto mo.
  • Mga benta at lead: Gamitin ang subtype ng campaign na “Humimok ng mga conversion” para mag-set up ng mga video ad na nakatuon sa pagkilos.
  • Palawakin ang iyong abot: Mag-target ng mga tao hindi lang sa mga resulta ng paghahanap habang nasa YouTube sila.
  • Iyong segment ng data: Mag-follow up sa mga taong tumingin na sa iyong mga ad o bumisita sa site mo.

Mga uri ng mga Video campaign

Pumili sa 6 na uri ng mga Video campaign:

  • Humimok ng mga conversion: Humimok ng mga benta at lead gamit ang mga ad at pag-target na nakatuon sa pagkilos (kilala rin bilang mga Video action campaign).
  • Custom na video campaign: I-customize ang iyong mga setting gamit ang iba't ibang uri ng ad.
  • Mga Video reach campaign: Makuha ang pinakamaraming abot para sa iyong badyet, sa pamamagitan ng pag-abot ng mas maraming natatanging user (sa pamamagitan ng paggamit ng mga bumper ad, nalalaktawang in-stream ad, o opsyonal na kumbinasyon ng 2 format) o sa pamamagitan ng pag-abot sa mga user gamit ang buong mensahe mo (sa pamamagitan ng paggamit ng mga hindi nalalaktawang in-stream ad).
  • Outstream: Ipakita ang mga mobile-only na video ad sa mga website at app sa labas ng YouTube, nang nagpe-play sa content ng page o sa isang app.
  • Impluwensyahan ang pagsasaalang-alang: Hiyakatin ang mga tao na isaalang-alang ang iyong produkto gamit ang mga nalalaktawang in-stream o in-feed video ad.
  • Sequence ng ad: Magkuwento gamit ang isang serye ng mga video ad na nasa sequence.

Tip:

Kakailanganin mo munang gumawa ng iyong video ad at i-upload ito sa YouTube.

GUMAWA NG VIDEO CAMPAIGN

Mga Shopping campaign: Mga listing ng produkto sa Google

Ang mga Shopping campaign ay mga listing ng produkto na mainam kung isa kang retailer na gustong ibenta ang iyong imbentaryo ng produkto. Lumalabas ang mga Shopping ad sa mga resulta ng paghahanap at sa tab na Shopping ng Google.

Puwede ring gumamit ng mga ad ng lokal na imbentaryo ang mga may-ari ng tindahan para i-promote ang mga produktong available sa mga aktwal na lokasyon nila.

Bakit dapat piliin ang mga Shopping campaign

  • Marketing ng retail: Gumamit ng mga makatawag-pansing listing ng produkto para i-promote ang iyong mga retail na produkto.
  • Mga sale at benta: Hikayatin ang mga tao na bumili sa iyong online na tindahan o mag-sign up para sa higit pa.
  • Mag-boost ng storefront sa malapit: Ibenta ang imbentaryo ng iyong lokal na tindahan sa mga tao sa malapit.

Tip:

Para makagawa ng Shopping campaign, kakailanganin mo munang magkaroon ng Merchant Center account kung saan mo puwedeng i-upload ang iyong imbentaryo ng produkto.

GUMAWA NG SHOPPING CAMPAIGN

Mga App campaign: I-promote ang iyong app sa maraming channel

Makakatulong sa iyo ang mga App campaign na maghanap ng mga bagong user ng app at paramihin ang benta sa app mo.

Ang ganitong uri ng campaign ay gumagamit ng impormasyon mula sa iyong app para awtomatikong mag-optimize ng mga ad sa Search, Play, YouTube, Discover, at sa mahigit 3 milyong site at app.

Bakit dapat piliin ang mga App campaign

  • Promosyon ng app: Humimok ng mga pag-install, engagement, at pag-sign up para sa iyong app sa mga mobile device.
  • Marketing sa maraming channel: Ipakita ang iyong app sa Search, Display, Play, at YouTube sa iisang campaign.
  • Madaling pag-set up at pamamahala: I-automate ang pag-target, pag-bid, at paggawa ng ad para sa mahusay na performance.

Mga uri ng mga App campaign

Kung kwalipikado ang iyong account, puwede kang makapansin ng 3 subtype ng App campaign:

  • Mga pag-install ng app: Ituon ang iyong mga ad sa paghikayat sa mga tao na i-download ang app mo.
  • App engagement:: Hikayatin ang mga kasalukuyang user na gumawa ng mga pagkilos sa iyong app.
  • App pre-registration: Mag-promote ng pre-registration para sa mga app bago i-release ang mga ito sa Google Play.

GUMAWA NG APP CAMPAIGN

Mga Local campaign: Mag-promote ng mga lokasyon sa maraming channel

Makakatulong sa iyo ang mga Local campaign na hikayating pumunta ang mga tao sa iyong mga pisikal na tindahan at venue.

Awtomatikong mao-optimize ang iyong mga ad para maipakita sa Search, Display, Google Maps, at YouTube.

Bakit dapat piliin ang mga Local campaign

  • Mga in-person na benta ng tindahan: Gumamit ng mga online na ad para i-promote ang iyong imbentaryo at hikayatin ang mga mamimili na pumunta sa mga pisikal na tindahan mo.
  • Mag-promote ng mga alok at event: Mag-advertise ng mga event sa tindahan at lokal na promosyon.
  • Detalyadong impormasyon ng lokasyon: Tulungan ang mga tao na mahanap ang address at mga oras ng iyong negosyo.
  • Marketing sa maraming channel:Ipakita ang iyong mga ad sa Search, Display, Maps, at YouTube sa iisang campaign.

Tip:

Para ma-access ang mga Local campaign, kakailanganin mong magkaroon ng mga aktibong extension ng lokasyon o affiliate na extension ng lokasyon sa iyong account o magkaroon ng Profile ng Negosyo na nakakonekta sa Google Ads.

GUMAWA NG LOCAL CAMPAIGN

Mga Smart campaign: I-automate ang iyong mga campaign

Ang mga Smart campaign ay ang pinakamadaling paraan para i-automate ang iyong mga campaign at mapagana ang mga ad mo.

Ilagay ang impormasyon ng iyong negosyo at gumawa ng ilang ad, at hahanapin ng Google ang pinakamahusay na pag-target para masulit ang oras at pera mo.

Bakit dapat piliin ang mga Smart campaign

  • Mga benta at lead: Paramihin ang mga benta at pag-sign up para sa iyong mga produkto at serbisyo.
  • Madaling pag-set up: Ilagay ang impormasyon ng iyong negosyo at gumawa ng ilang ad, at io-automate ng Google ang campaign mo.
  • Advanced na pag-optimize: Io-optimize ng Google ang mga ad at pag-target mo para sa iyo.

Tip:

Kung kakagawa mo lang ng bagong Google Ads account, malamang na ang bersyong Smart Mode ng Google Ads ang gagamitin mo at magiging mga Smart campaign ang lahat ng iyong campaign.

GUMAWA NG SMART CAMPAIGN

Kaugnay na link

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

true
Makakuha ng mas magagandang resulta sa negosyo gamit ang Google Analytics.

Makakapagpagana ka ng mas mahuhusay na Google Ads campaign gamit ang Google Analytics. Gamitin ang Google Analytics para makahikayat ng higit pang pagkilos na pinakamahalaga sa iyong negosyo.

Mag-sign up nang libre

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false