Makakatulong sa iyo ang Mga Kinakailangan sa AI na masulit ang mga AI-powered na marketing campaign mo. Isang kinakailangan ay ang paggamit ng Performance Max para maparami ang iyong mga resulta at conversion sa lahat ng advertising channel at imbentaryo ng Google. Mula noong inilunsad ang Performance Max, narinig namin ang iyong mga tanong tungkol dito mula sa iba't ibang webinar, feedback na ibinahagi mo sa mga team ng account mo, mga roundtable ng advertiser, at higit pa. Narito ang ilang sagot. Bumalik dahil patuloy kaming magdaragdag ng mga sagot sa mga bagong FAQ.
Tanong: Paano ako magkakaroon ng visibility sa performance ng channel ko?
Tanong: Paano ako makakapag-drill in sa performance ng mga ad ko gamit ang data ng produkto?
Tanong: Mahigpit ang mga alituntunin sa brand ng negosyo ko. Ligtas ba sa brand ang Performance Max?
Tanong: Ano ang mainam na istruktura ng campaign para sa mga Performance Max campaign?
Tanong: Paano ko malalaman kung nagdadala ng incremental na trapiko ang mga tema ng paghahanap ko?
Tanong: Paano ako magkakaroon ng visibility sa performance ng channel ko?
Para magkaroon ng visibility sa performance ng iyong channel, makipag-ugnayan sa account manager mo para mag-apply para sa beta ng ulat sa performance ng channel. Kapag allowlisted ka na, mag-navigate papunta sa iyong campaign at i-click ang tab na “Mga insight at ulat” at pagkatapos ay piliin ang “Performance ng channel.” Sa page na ito, may makikita kang buod ng performance, kasama ng isang visualization ng kung paano nag-aambag ang lahat ng iyong channel sa mga layunin ng negosyo mo. Sa visualization na ito, makakapag-drill in ka sa mga partikular na channel para maunawaan kung ano ang gampanin ng mga ito sa paghimok sa performance at makakita ng mga larangang may potensyal na mapahusay.
Puwede mong gamitin ang talahanayan ng distribution ng channel kung gusto mo ng mas granular na view ng mga resulta ng performance ng iyong channel, gaya ng mga pag-click, mga conversion, gastos, at higit pa. Puwede mo ring i-download ang data na ito para i-share ito sa labas ng Google Ads.
Sa visualization at sa talahanayan ng distribution ng channel, mabe-break down mo ang iyong performance ayon sa mga pangunahing format ng ad, kasama na ang mga video ad at mga ad na gumagamit ng data ng produkto. Makakakita ka rin ng mga diagnostic sa column na “Status” ng talahanayang ito para makahanap ng mga larangang may potensyal na mapahusay.
Tanong: Paano ako makakapag-drill in sa performance ng mga ad ko gamit ang data ng produkto?
Puwede mong i-break down ang iyong performance ayon sa mga pangunahing format ng ad, kasama ang mga ad na gumagamit ng data ng produkto, sa ulat sa performance ng channel. Available ang pag-segment na ito sa visualization ng channel sa mga layunin at sa talahanayan ng distribution ng channel. Puwedeng kasama sa mga ad na gumagamit ng data ng produkto ang mga Shopping ad (sa Search, YouTube, at Maps) pati na rin ang mga dynamic na remarketing ad para sa Display. Hindi pa kasama ang iba pang format na gumagamit ng feed ng Google Merchant Center gaya ng mga video ad na may mga alok na produkto sa YouTube at Discover. Puwede mong gamitin ang mga insight na ito para makahanap ng mga larangang puwedeng pahusayin; halimbawa, kung malalaman mo na ang iyong mga ad na gumagamit ng data ng produkto ay hindi masyadong lumalabas bawat buwan, puwede mong pagtuunan ang pagpapahusay sa koleksyon ng imahe sa iyong feed ng produkto.
Tanong: Paano ko bibigyang-kahulugan ang data ng performance ng channel at gagamitin iyon para i-optimize ang mga campaign ko?
Magsimula sa iyong performance sa level ng campaign para maunawaan kung nakakamit ba ng Performance Max ang mga layunin mo; dapat mong pagtuunan ang iyong mga layunin at pangkalahatang performance, sa halip na mga indibidwal na channel. Ito ay dahil nag-o-optimize ang Performance Max para sa marginal na ROI, na mahalaga sa kung paano gumagana ang pag-optimize ng cross-channel na bid. Ang marginal na ROI ay ang karagdagang return-on-investment na nakukuha mo sa karagdagang gastos. Hindi mo makukuha ang kumpletong detalye sa pagtingin sa average na CPA o ROAS para sa mga indibidwal na segment sa isang campaign. Ito ay dahil hindi makikita sa mga average na value ang pinagsama-samang halaga ng pag-maximize ng mga marginal na conversion o halaga ng conversion sa bawat auction. Kahit na mas mababa ang pangkalahatang ROI ng isang segment kumpara sa iba sa average at sa lahat ng auction, posibleng ito pa rin ang trapikong may pinakamahusay na performance na may pinakamataas na marginal na ROI sa iisang auction. Tandaan, hindi nakatali ang mga user sa iisang channel habang sila ay naghahanap, nagsi-stream, nagso-scroll, at namimili. Sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa iyong mga layunin at customer bago ang mga indibidwal na channel, makakahanap ka ng mas mahahalagang conversion, kahit nasaan pa ang mga ito!
Dahil dito, puwede mong gamitin ang data ng performance ng channel para makahanap ng mga bagong larangan kung saan puwedeng mamuhunan, gaya ng iyong creative. Halimbawa, baka malaman mo na mahusay ang iyong performance sa YouTube, kaya nagpasya kang dagdagan ang pamumuhunan mo sa iyong video creative. Siguraduhing sumunod sa pinakamahuhusay na kagawian at mga tip sa pag-optimize ayon sa uri, mga layunin, at mga layunin sa marketing ng iyong negosyo para i-set up ang campaign mo para sa pinakamahuhusay na resulta at masigurado na hindi nalilimitahan ng badyet ang iyong campaign para makapag-engage sa mas maraming customer, sa epektibong paraan at nang malawakan. Puwede mo rinng gamitin ang ibinigay na mga diagnostic, na makikita sa column na “Status” ng talahanayan ng distribution ng channel para makakuha ng mga insight sa mga potensyal na larangan na posibleng naglilimita sa kakayahan mong maghatid sa iyong mga channel at makakuha ng mga rekomendasyon para sa pagpapahusay.
Tanong: Naghahanap ako ng kalidad ng lead at hindi lang dami. Paano ko masisigurado na nakakakuha ako ng mga de-kalidad na lead mula sa Performance Max?
- Pahusayin ang iyong pagsukat ng conversion: Gumamit ng mga pinahusay na conversion para sa mga lead para iugnay ang mga online na interaction sa mga offline na benta, na magbibigay sa Google AI ng mga insight tungkol sa kung aling mga lead ang humahantong sa kita para sa negosyo mo. Gayundin, pumili ng mga layunin sa conversion na nauugnay sa pagbuo ng lead, gaya ng "kwalipikadong lead," "na-convert na lead," "pag-book ng appointment," o "pag-request ng quote" para ma-access ang mga built-in na proteksyon laban sa invalid na trapiko.
- Gumamit ng pag-bid na batay sa halaga: Gamitin ang pag-bid na “Pag-maximize ng halaga ng conversion” o pag-bid na Target na ROAS para mag-optimize para sa mga mas de-kalidad na lead at mas masulit ang iyong badyet.
- I-activate ang iyong data mula sa first party: Ibahagi ang iyong mga kasalukuyang audience sa pamamagitan ng Customer Match para matulungan ang Performance Max na makahanap ng mga katulad na mahalagang audience.
- I-optimize ang iyong form ng lead at website para humimok ng mga de-kalidad na lead: Magdagdag ng mga hakbang para sa pag-validate tulad ng ReCaptcha o double opt-in para dagdagan ang friction para sa mga user na hindi kasama sa gusto mong audience.
Mahalagang makahimok ng mga de-kalidad na lead para sa tagumpay ng mga advertiser ng pagbuo ng lead. Napatunayan nang nakakahimok ang pinakamahuhusay na kagawiang ito ng malalaking kita sa kalidad ng lead:
- Pahusayin ang iyong pagsukat ng conversion: Nakadepende ang husay ng AI sa data na ilalagay mo rito. Kaya ang mas mahusay na pagsukat ng conversion ang pinakamabilis na paraan para maitulak ang Google AI na maghatid ng mga mas de-kalidad na lead para sa iyong mga campaign. May dalawang pangunahing paraan para makamit ito:
- Gumamit ng mga pinahusay na conversion para sa mga lead: Pinag-uugnay ng mga pinahusay na conversion para sa mga lead ang mga offline na transaksyon at ang mga online na origin ng mga ito, na nakakatulong sa Google AI na mas matukoy ang mga de-kalidad na lead na malamang na mag-convert. Mas mahusay itong paraan para sukatin ang performance at iwasan ang mga agwat sa data dahil umaasa ito sa pinahintulutang data ng customer mula sa first party sa halip na sa pagsubaybay na batay sa cookie ng third party, at iniuugnay nito sa Google Ads ang na-hash na impormasyon ng lead mula sa iyong CRM.
Pag-aaral ng Sitwasyon
Ang Eng Breaking, na isang programa sa pag-aaral ng wikang English sa South East Asia, ay nakaranas ng 4.3x pagtaas ng rate ng conversion at 27% bawas sa cost-per-lead sa unang buwan ng paggamit ng mga pinahusay na conversion sa kanilang mga Performance Max campaign.
“Malaki ang naitulong sa amin ng Mga Pinahusay na Conversion para sa Mga Lead sa pagpapaganda ng kalidad ng lead—na isang problemang ilang taon naming sinubukang lutasin. Ngayon, may kumpyansa kaming makakapag-deploy ng mga campaign sa ibang market gamit ang iba't ibang uri ng campaign.”
— Trang Tran, COO, Eng BreakingMadaling i-set up ang mga pinahusay na conversion para sa mga lead—puwede mo itong i-configure mula mismo sa iyong Google Ads account. Para sa detalyadong gabay kung paano magsimula, tingnan itong kapaki-pakinabang na artikulo.
-
Tumukoy ng malilinaw na kategorya ng conversion: Sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga kategorya ng conversion, maiaangkop mo ang iyong mga campaign para mag-optimize para sa mga partikular na layunin sa pagbuo ng lead, kasama na ang "kwalipikadong lead," "na-convert na lead," "pag-book ng appointment," “pag-sign up,” “pakikipag-ugnayan,” “magsumite ng form ng lead,” “tawag sa telepono,” o "mag-request ng quote." Kapag pinili mo ang mga layuning ito sa campaign, awtomatiko mong mati-trigger ang mga proteksyon sa invalid na trapiko na partikular na binuo para sa mga campaign ng pagbuo ng lead, na makakatulong na protektahan ang kalidad ng campaign.
- Gumamit ng mga pinahusay na conversion para sa mga lead: Pinag-uugnay ng mga pinahusay na conversion para sa mga lead ang mga offline na transaksyon at ang mga online na origin ng mga ito, na nakakatulong sa Google AI na mas matukoy ang mga de-kalidad na lead na malamang na mag-convert. Mas mahusay itong paraan para sukatin ang performance at iwasan ang mga agwat sa data dahil umaasa ito sa pinahintulutang data ng customer mula sa first party sa halip na sa pagsubaybay na batay sa cookie ng third party, at iniuugnay nito sa Google Ads ang na-hash na impormasyon ng lead mula sa iyong CRM.
- Gumamit ng Pag-bid na Batay sa Halaga: Gamitin ang pag-bid na "Pag-maximize ng halaga ng conversion" o Target na ROAS para makahimok ng mga mas de-kalidad na lead at mas masulit ang iyong badyet. Binibigyang-priyoridad ng strategy na ito sa pag-bid na batay sa halaga ang mga lead na may pinakamalakas na potensyal para sa mga bentang may mataas na halaga sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa data na ibinabahagi mo tungkol sa halaga sa iyo ng iba't ibang lead at conversion. Sa average, ang mga advertiser na lumipat sa target na ROAS mula sa target na CPA na strategy sa pag-bid ay nakakakuha ng 14% mas mataas na halaga ng conversion sa katulad na return on ad spend.1 Mahalagang tandaan na kung mas marami kang data ng conversion, mas mabilis na maihahatid ng Google AI ang mga resultang hinahanap mo. Kaya, magkaroon ng balanse: dapat mong bigyan ng priyoridad ang mga pagkilos na conversion na malapit na sa final na benta para isaad ang mga de-kalidad na lead, pero dapat mong siguraduhin na may sapat na dami para sa pag-optimize. Magsimula sa pamamagitan ng pagmamapa ng iyong journey mula lead hanggang benta, kasama ang mga micro-conversion sa umpisa, at pagkatapos unti-unting mag-optimize para sa mas mahahalagang pagkilos habang lumalago ang iyong data.
- Magbahagi ng mga signal ng audience, lalo na ang iyong data mula sa first party: Tulungan ang Google AI na maunawaan ang profile ng gusto mong bagong customer sa pamamagitan ng pagbabahagi ng data ng dati nang customer gamit ang mga listahan ng Customer Match. Nagbibigay-daan ito sa Performance Max na abutin ang iba pang mahalagang customer na may mga katulad na katangian. Puwede mo ring gabayan ang iyong mga campaign sa pamamagitan ng mas mahusay na pagpapahayag ng halaga ng mga conversion batay sa heograpikong lokasyon, device, at mga audience gamit ang mga panuntunan sa halaga ng conversion.
- I-optimize ang iyong form ng lead at website para humimok ng mga de-kalidad na lead: May ilang karagdagang mga hakbang na magagawa mo para mabawasan ang invalid na trapiko at mga lead.
- I-verify ang mga lead: Labanan ang mga naka-automate na bot at siguraduhing tunay ang mga lead sa pamamagitan ng mga walang aberyang hakbang sa pag-verify gaya ng ReCaptcha sa iyong mga form ng lead.
- Gumamit ng double-opt in na diskarte: Kapag ibinigay ng mga customer ang kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan (gaya ng mga email address), siguraduhing kukumpirmahin nila na valid ang mga ito, halimbawa, sa pamamagitan ng pagpapadala ng link ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng email, bago sila idagdag sa iyong CRM o mga mailing list para masuri kung nakikipag-ugnayan ka sa mga customer na may mataas na intent.
- Magdagdag ng server-side na pag-validate para mag-validate ng mga form sa web: Ang server-side na pag-validate ay isang panseguridad na feature ng website na puwedeng i-set up ng iyong web developer para ma-double check ang lahat ng impormasyon ng bisita sa server. Isa itong karagdagang pag-iingat, na tumitiyak sa katumpakan at pumipigil sa mga isyu kung may susubok na magsumite ng invalid o nakakapinsalang data.
- Gamitin ang mga kontrol sa content suitability: Puwede kang gumamit ng mga kontrol sa content suitability tulad ng mga pagbubukod ng placement, pagbubukod ng IP, negatibong keyword, at higit pa kung naaangkop.
Para sa mas detalyadong breakdown, tingnan ang aming pinakamahuhusay na kagawian para sa pagbuo ng mga lead sa Performance Max.
Tanong: Ayaw kong maghatid ang Performance Max sa mga may brand kong query. Ano ang puwede kong gawin para ihinto ito?
- Mga negatibong keyword sa level ng account na pipigil din sa mga query na iyon na maihatid sa alinman sa iba mo pang campaign.
- Mga hindi pagsasama ng brand sa level ng campaign: Puwede mo ring gamitin ang mga ito para sa mga query sa brand na hindi mo pagmamay-ari, gaya ng mga brand ng mga kakumpitensya mo o mga sub-brand ng negosyo mo.
Inihahatid ang mga Performance Max campaign sa lahat ng advertising channel ng Google, kasama na ang Search. Kung ayaw mong maghatid ang Performance Max sa iyong mga query sa brand sa Search, puwede kang magpatupad ng mga negatibong keyword sa level ng account–na pipigil din sa mga query na iyon na maihatid sa alinman sa iba mo pang campaign–o mga hindi pagsasama ng brand sa level ng campaign. Puwede mo ring gamitin ang mga solusyong ito para sa mga may brand na query bukod pa sa iyo, gaya ng mga brand ng mga kakumpitensya o mga sub-brand ng negosyo mo.
Mga negatibong keyword sa level ng account: |
Mga hindi pagsasama ng brand sa level ng campaign: |
Huwag isama ang mga partikular na query sa buong account mo dahil sa pagiging angkop ng brand o iba pang dahilan. Hindi tumutugma ang mga negatibong keyword sa mga halos parehong variant. |
Huwag isama ang mga termino ng brand sa pamamagitan ng paggawa ng listahan ng brand (na may isa o maraming brand, kung saan puwedeng kasama ang sarili mong brand) para huwag isama ang napiling trapiko ng brand sa level ng campaign. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang paghahatid ng iyong Performance Max campaign para sa mga may brand na query na isinaad mo sa imbentaryo ng Search at Shopping. Hindi tulad ng mga negatibong keyword, makakatulong ang mga hindi pagsasamang ito sa pag-block ng trapiko na may malilinaw na maling spelling o mga sulat sa mga foreign na script ng mga brand na hindi mo isasama. Gayunpaman, iba-block din ang trapikong nagbabanggit ng mga salita sa pangalan ng isang brand kung malinaw na tumutukoy ang mga ito sa brand. |
Mas magandang opsyon ang mga hindi pagsasama ng brand sa level ng campaign para sa pag-block ng trapiko ng brand kaysa sa mga negatibong keyword sa level ng account dahil sa kakayahan ng mga ito na i-block ang mga maling spelling at foreign na script ng mga brand na gusto mong hindi isama, kasama ang sarili mong brand. Tandaan na dapat mong abangan kung paano makakaapekto ang mga hindi pagsasama sa iyong abot at performance para matiyak na wala kang napapalampas na mahalagang pagkakataon sa conversion.
Kung may anumang brand o pangalan ng negosyo na wala sa listahan, may makikita kang opsyon sa Google Ads na humiling ng mga pagdaragdag.
Tandaan: Puwede ba akong gumamit ng mga asset na ginawa gamit ang generative AI sa labas ng Performance Max campaign ko at Google Ads?
Oo! Ang mga larawang bubuuin mo sa Performance Max ay magiging natatangi sa iyo dahil hinding-hindi binubuo ng Performance Max ang iisang asset nang dalawang beses. Sang-ayon sa aming mga patakaran at tuntunin, puwede kang gumamit ng mga asset na binuo ng Performance Max sa mga lugar sa labas ng iyong Google Ads account kung gusto mo ang mga ito, pati na sa website mo. Ang lahat ng larawang ginawa gamit ang generative AI sa Google Ads, kasama ang Performance Max, ay tutukuyin nang ganoon. Ginagamit namin ang SynthID para lagyan ng hindi nakikitang watermark ang mga larawang ito at may kasamang open standard metadata ang mga ito para isaad na binuo ng AI ang larawan.
Tanong: Hindi malaki ang badyet ko sa creative. Bakit ko kailangang magsama ng video sa mga Performance Max campaign ko?
- Mag-upload ng sarili mong video: Puwedeng awtomatikong i-trim, i-flip, at i-resize ng Google AI ang mga ito behind-the-scenes para matulungan kang mapagkasya ang mga ito sa mas maraming imbentaryo at format ng video.
- Video creation tool: Gumawa ng mga video sa daloy ng campaign mismo gamit ang mga madaling gamiting template, opsyon sa pag-edit (text, musika, mga voiceover), at preview.
- Awtomatikong bumuo: Kung hindi ka magbibigay ng anumang asset na video, ita-transform ng Google AI ang iyong mga kasalukuyang larawan, text, at listing ng produkto mula sa feed mo sa Google Merchant Center para maging mga video.
Ang average na consumer sa kasalukuyan ay nagpapalipat-lipat sa mga platform ng paghahanap, shopping, at video, at nagba-browse ng maraming website at app sa kanilang mga journey sa pagbili. Para makuna ang kanilang pansin at makahimok ng mga resulta, hindi na opsyonal ang mga video ad—mahalaga ang mga ito. Ang mga advertiser na nagsama ng kahit isang video sa kanilang mga Performance Max campaign ay nakakita ng average na 12% pagdami ng mga conversion.2
May dalawang paraan para magdagdag ng video sa iyong Performance Max campaign:
1. Mag-upload ng sarili mong video: Puwede kang mag-upload ng mga dati nang asset na video na mayroon ka, o puwede mong gamitin ang video creation tool. Para mas padaliing magbigay ng mga de-kalidad na video ad, direkta na ngayong naka-integrate ang mga video creation tool sa mga worklow ng pag-set up at pag-edit ng Performance Max campaign. Puwede kang pumili sa iba't ibang template, puwede mong i-customize ang iyong content gamit ang text, musika, mga animated na larawan, at mga voiceover, at pagkatapos ay i-preview ang iyong video bago mo ito ilapat sa iyong campaign. Para sa detalyadong demo kung paano gamitin ang video creation tool, panoorin itong video.
Kung mag-a-upload ka ng sarili mong mga asset na video sa iyong campaign, narito ang dalawang mahalagang tip para sa tagumpay:
- Gumamit ng iba't ibang aspect ratio: Magsama ng mga vertical, horizontal, at kuwadradong asset. Magbibigay ito sa Google AI ng mas maraming opsyon para maitugma ang tamang video ad sa tamang audience at konteksto. Ang mga advertiser na nagsama ng kahit isang video sa bawat oryentasyon (horizontal, vertical, at kuwadrado) sa kanilang mga Performance Max Campaign ay naghatid ng 20% mas maraming conversion sa YouTube kumpara sa mga horizontal video lang.3
- Sundin ang pinakamahuhusay na kagawian para sa video na nakakahimok ng pagkilos: Alamin ang iyong ABCDs—Attention (Atensyon), Branding (Pag-brand), Connection (Koneksyon), at Direction (Direksyon)—para makagawa ng mga nakakahikayat na video ad na nagbibigay ng motibasyon sa mga manonood para umaksyon sila.
2. Awtomatikong binuong video: Kapos ka ba sa oras o mga resource ng creative? Walang problema. Kung hindi ka mag-a-upload ng sarili mong mga asset na video, gumagamit ang Performance Max ng teknolohiya sa pagbuo ng video na pinapagana ng Google AI para gumawa at maghatid ng mga video sa maraming oryentasyon gamit ang iba mo pang asset gaya ng mga larawan, text, o listing ng produkto sa Google Merchant Center. Ginagawa ang mga video na ito sa level ng grupo ng asset, ibig sabihin, pipiliin mula sa napiling grupo ng asset ang mga sangkap na gagamitin. Puwede kang tumulong na idirekta ang content ng mga video na ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kaugnay na asset at paggrupo ng iyong mga grupo ng asset sa mga makabuluhang tema para sa iba't ibang kategorya ng produkto.
Tinitiyak ng mga awtomatikong binuong video na puwedeng lumabas ang iyong brand sa mga sandaling mahalaga. Awtomatikong pinipili ng Google AI ang tamang kumbinasyon ng template, mga kulay, mga font, at musika para mapukaw ang iyong audience at ma-boost ang performance ng campaign. Gaya ng video production team na on call.
Tanong: Kailangan kong magkaroon ng mga bagong customer para mapalago ang negosyo ko. Nagre-remarket lang ba ang Performance Max sa mga dati nang customer?
Makakatulong sa iyo ang mga Performance Max campaign na i-maximize ang mga kabuuang benta at kita mula sa mga bago at dati nang customer. Posibleng lubos na mapagkakakitaan ang pakikipag-ugnayan sa mga dati nang customer dahil kilala at pinagkakatiwalaan na nila ang iyong brand, na kadalasan ay humahantong sa mga nauulit na conversion sa mas mababang halaga o halaga ng order na may mas mataas na average.
Kung ang pangunahin mong pinagtutuunan ay ang pagkuha ng bagong customer, pagtuunan ang layuning pagkuha ng bagong customer at mga hindi pagsasama ng brand.
Layuning pagkuha ng bagong customer: Gamit ang data mula sa mga listahan ng Customer Match at ang Google Tag, epektibong natutukoy ng Google AI ang mga bagong inaasahang customer at binibigyang-priyoridad nito ang pag-bid sa mga ito.
Pag-aaral ng sitwasyon
Ginamit ng Hairstory, isang lumalagong brand ng pangangalaga sa buhok sa U.S., ang layunin na pagkuha ng bagong customer para makahimok ng 545% pagdami ng mga conversion ng bagong customer at nagkaroon ito ng 31% pagtaas sa ROAS.
“Kapag nasubukan na ng isang tao ang aming mga produkto, napakahusay ng rate ng pagpapanatili namin. Ang pangunahing hamon namin ay himukin ang inisyal na pagkuha ng customer na iyon. Sa layuning ito, tumuon kami sa pagkuha ng bagong customer para sa Search at Performance Max. Napakagaganda ng mga resultang nakikita namin sa ngayon.”
— Karthik Paramasivam, Head of Marketing, Hairstory
Nag-aalok ang layunin na pagkuha ng bagong customer ng 2 mode ng pag-bid:
- Mode na Halaga ng Bagong Customer (inirerekomenda): Inirerekomenda namin ang mode na Halaga ng Bagong Customer para sa lahat ng advertiser na may mga layunin sa mga online na benta. Binibigyang-priyoridad nito ang pag-bid sa mga bagong customer, habang pinapanatili ang iyong engagement sa mga potensyal na umuulit na customer. Ang mga advertiser na gumagamit ng mode na ito ay nakakita ng mahuhusay na resulta, kasama na ang 9% pagtaas ng ROAS, 5% mas mataas na ratio ng bagong customer, at 7% mas mababang gastos sa pagkuha ng bagong customer.4
- Mode na Pagkuha ng Bagong Mahalagang Customer Gamitin ang mode na ito kung mayroon kang mga campaign na may mga layunin sa pagbili at puwedeng mag-upload ng mga segment ng mahalagang customer sa pamamagitan ng Customer Match. Gamit ang advanced na strategy na ito, makakapagtakda ka ng iba't ibang priyoridad sa pag-bid para sa mga bagong inaasahang customer na may mataas na halaga, mga regular na bagong customer, at mga dati nang customer.
- Mode na Bagong Customer Lang: Gamitin ang strategy na ito kung mayroon kang mga nakalaang badyet na partikular nang para sa pagkuha ng bagong customer, o mayroon kang mga layuning hindi pagbili gaya ng pagbuo ng lead. Eksklusibong pinagtutuunan ng mode na ito ang pagkuha ng mga bagong customer, kaya inirerekomenda naming mag-set up ng hiwalay na Performance Max campaign para kumonekta sa mga potensyal na umuulit na customer.
Paano ka magsisimula? Kung naipatupad mo na ang Customer Match at Google Tag, madali lang gamitin ang layunin: Piliin ang "Pagkuha ng Customer" sa iyong mga layunin at mithiin sa campaign, tukuyin ang iyong mga dati nang listahan ng customer, at magbigay ng tinantyang average na kita mula sa mga bagong customer.
Kung hindi pa naka-configure ang Customer Match, bigyan ng priyoridad ang pag-set up nito. Puwede itong magkaroon kaagad ng positibong epekto sa iyong mga campaign. Sa katunayan, ang mga advertiser na naglapat ng mga signal ng listahan ng Customer Match ay nakakita ng average na 5.3% pagdami ng conversion.5
Para sa detalyadong walkthrough kung paano i-set up ang pagkuha ng bagong customer sa Performance Max, at para malaman iba't ibang paraan para kalkulahin ang halaga ng bagong customer, panoorin ang video na ito.
Mgahindi pagsasama ng brand: Mapipigilan mo ang iyong Performance Max campaign na maghatid sa mga partikular na termino ng brand (ang sarili mo, sa kakumpitensya, o mga partner na brand) sa imbentaryo sa Search at Shopping para magkaroon ng mas malinaw na view ng totoong potensyal sa pag-target ng prospect ng iyong campaign. Para sa mga retail na advertiser na may mga feed ng produkto, puwede kang maglapat ng mga hindi pagsasama ng brand sa mga text ad sa Search lang habang pinapanatili ang branded traffic para sa mga Shopping ad. Lalo itong magiging kapaki-pakinabang kung mahalaga sa iyo ang pagpapakita ng mga Shopping ad para sa mga termino ng brand, pero baka gusto mong pamahalaan ang mga text ad sa Search para sa mga termino ng brand sa ibang campaign. Subaybayan ang abot at performance ng iyong campaign pagkatapos magpatupad ng mga hindi pagsasama para matiyak na wala kang napapalampas na mahalagang pagkakataon.
Tanong: Mahigpit ang mga alituntunin sa brand ng negosyo ko. Ligtas ba sa brand ang Performance Max?
Buod: Gumamit ng mga kontrol sa pagiging angkop ng brand para matiyak na ang iyong mga ad sa Performance Max ay naaayon sa mga requirement mo sa kaligtasan ng brand. Kasama sa mga tool na ito ang:
- Mga setting ng pagiging angkop ng content na magbibigay-daan sa iyong huwag isama ang hindi naaangkop na content.
- Pinipigilan ng mga pagbubukod ng placement ang mga ad na lumabas sa partikular na content sa Display o YouTube. Simula Marso, makakapagsama ka na rin ng mga site ng Partner sa Paghahanap sa iyong mga pagbubukod ng placement sa level ng account.
- Gamit ang mga negatibong keyword sa level ng account, makakapagtakda ka ng mga negatibong keyword at makakapagbukod ka ng mga partikular na query sa buong account mo, habang gamit naman ang mga negatibong keyword sa level ng campaign, makakapagbukod ka ng mga partikular na query sa Performance Max campaign mo lang.
May ilang kontrol sa pagiging angkop ng brand na puwede mong gamitin para matiyak na naaayon sa iyong mga requirement sa kaligtasan ng brand ang mga ad mula sa mga Performance Max campaign mo.
Makakatulong sa iyo ang iba't ibang tool na ito na magbukod ng mga uri ng content, na bagama't nakakasunod sa mga patakaran sa Google Ads, ay posibleng hindi angkop sa iyong brand o negosyo.
- Mga setting ng pagiging angkop ng content na magbibigay-daan sa iyong huwag isama o i-filter ang hindi naaangkop na content. Sa level ng account, puwede kang gumamit ng mga pagbubukod ng placement at content.
- Halimbawa, kung gusto mong pigilang maihatid ang mga ad sa mga partikular na uri ng content sa iyong Performance Max campaign, gaya ng trahedya at hindi pagkakasundo o mga sensitibong isyung panlipunan, puwede mong huwag isama ang mga kategorya ng sensitibong content sa content suitability center.
- Pipigilan ng mga pagbubukod ng placement ang iyong mga ad na lumabas sa partikular na content sa YouTube at Display. Sinusunod ng Performance Max ang lahat ng iyong pagbubukod ng placement sa level ng account at MCC. Simula Marso, makakapagsama ka na rin ng mga site ng Partner sa Paghahanap sa iyong mga pagbubukod ng placement sa level ng account.
- Gamit ang mga negatibong keyword sa level ng account, makakapagtakda ka ng mga negatibong keyword sa level ng account at makakapagbukod ka ng mga partikular na query sa buong account mo para sa pagiging angkop ng brand. Gamit ang mga negatibong keyword sa level ng campaign, makakapagtakda ka ng mga negatibong keyword sa level ng campaign at makakapagbukod ka ng mga partikular na query sa buong Performance Max campaign mo. Inirerekomenda naming gumamit ng mga negatibong keyword sa level ng account kung gusto mong magbukod ng mga query dahil sa pagiging angkop ng brand, dahil nalalapat ang mga ito sa lahat ng iyong campaign.
Pag-aaral ng Sitwasyon
“Bilang luxury brand, akala namin, hindi para sa amin ang Performance Max. Gayunpaman, nasubukan na namin ito nang mabuti, nakontrol namin ang representasyon ng aming brand, naabot namin ang mga karagdagang customer, at sa huli, napahusay namin ang pangkalahatang performance ng negosyo.”
— Antonio Giordano, Senior Director, Performance Marketing, Versace
Tanong: Nagta-target na ako ng mga lokasyon ng tindahan sa Performance Max campaign ko para sa mga layunin ng tindahan. Dapat din ba akong maglapat ng mga geo target?
Hindi! Habang gumagawa ng campaign, pipiliin mo ang mga partikular na lokasyon ng tindahan na gusto mong i-target at awtomatikong maglalapat ang Performance Max para sa mga layunin sa tindahan ng dynamic na target na radius sa back-end. Sisiguraduhin nito na tumpak mong mata-target ang mga partikular na tindahan at makakapagpakita ka ng mga ad sa mga customer na pinakamalamang na bumisita sa iyong tindahan.
Gumagamit ang dynamic na pag-target sa lugar na sakop ng radius ng iba't ibang signal para maabot ang tamang audience. Kabilang sa mga ito ang:
- Lokasyon
- Layo sa lokasyon
- Query sa paghahanap
- Device
- Posibilidad na bumisita
Pagkatapos mong i-set up ang iyong campaign, hindi namin inirerekomendang gamitin ang tab ng mga setting ng campaign para manual na maglapat ng mga geo target. Hindi ka rin dapat maglapat ng anumang karagdagang target na radius. Dahil sa karagdagang pag-target, posibleng mag-target ka ng mas maraming tindahan kaysa sa nilalayon mo at posibleng magpakita ng mga ad sa mga user na mas malayo sa mga lokasyon ng iyong tindahan.
Gayunpaman, magagamit mo pa rin ang tab ng mga setting ng campaign para magbukod ng mga partikular na lokasyon at huwag magpakita ng mga ad sa isang partikular na zip code, estado, o bansa nang hindi naaapektuhan ang mga lokasyon ng tindahan na pinili mo noong ginagawa ang campaign.
Pag-aaral ng Sitwasyon
Napataas ng Watches of Switzerland Group, na isang luxury watch specialist sa UK, ang rate ng store visit to purchase nang 17% at nakaranas ito ng 54% mas mataas na average na halaga ng order pagkatapos ilunsad ang kanilang Performance Max campaign para mag-drive ng trapiko sa mga bagong bukas nilang flagship store.
“Mahalagang paglulunsad ang Battersea para sa WOSG noong 2022, at mahalagang mahikayat namin
ang mga tao na pumunta sa mga tindahan sa unang araw pa lang. Gamit ang Performance Max para sa mga layunin sa tindahan, naitodo namin ang visibility at epekto sa umpisa pa lang.”
— James Thompson, Group Digital Marketing Manager, WOSG
Tanong: Ano ang mainam na istruktura ng campaign para sa mga Performance Max campaign?
Magkakaroon ang mga advertiser ng iba't ibang istruktura ng campaign batay sa kanilang mga layunin sa negosyo at performance. Narito ang tatlong pangunahing prinsipyo na dapat tandaan:
- I-streamline at pag-isahin ang istruktura ng iyong campaign, kapag posible. Mabilis na natututo at mas mahuhusay ang hula ng AI kapag mas maraming data at history ng performance. Mas epektibo rin itong nag-o-optimize kapag flexible nitong mailalaan ang paggastos kung nasaan ang pagkakataon sa pinakamataas na ROI sa bawat auction. Iwasang gumawa ng magkakaibang campaign maliban na lang kung nagre-require ang mga ito ng magkakaibang badyet, CPA/ROAS target, o setting para sa mga dahilang pangnegosyo.
- Itugma ang istruktura ng iyong campaign sa mga pangangailangan ng negosyo mo. Halimbawa, posibleng kailangan mong gumawa ng magkakaibang Performance Max campaign kung gusto mong:
- Mag-customize ng mga asset para sa iba't ibang bansa o wika.
- Maglaan ng iba't ibang badyet at target na CPA/ROAS sa iba't ibang layunin o mithiin sa marketing (hal. badyet na nakatuon sa tindahan). Sa kabila nito, puwede ka ring gumawa ng Performance Max campaign na sumusuporta sa maraming layunin sa conversion, halimbawa, posibleng mayroon kang nakabahaging badyet sa iyong website at mga tindahan na may layuning i-maximize ang kabuuang kita.
- Maglaan ng mga partikular na badyet at target na CPA/ROAS para sa mga seasonal na sandali gaya ng mga holiday, pagbubukas ng bagong tindahan, promosyon at event, atbp.
- Magtakda ng iba't ibang ROAS target para sa ilang partikular na kategorya ng produkto.
- I-segment ang mga grupo ng asset batay sa mga makabuluhang tema na nangangailangan ng magkakaibang asset na creative. Halimbawa, puwedeng magkaroon ang isang online na unibersidad ng iba't ibang campaign para sa iba't ibang degree program. At pagkatapos, puwede nitong hatiin ang mga grupo ng asset nito ayon sa iba't ibang uri ng mga klase na iniaalok.
Tip
Kung pareho ang iyong badyet sa mga evergreen at seasonal na sandali, inirerekomenda naming magkaroon ka ng isang pinag-isang Performance Max campaign at gumamit ka ng mga grupo ng asset para mag-segment ayon sa iba't ibang okasyon.
Tanong: May mga pagkakatulad ang mga Performance Max at Demand Gen campaign. Paano ko dapat gamitin ang mga iyon?
Buod: Ginagamit ng Google Ads ang pinakamahusay ng Google AI sa mga uri ng campaign para tulungan ang mga advertiser na maabot ang kanilang mga layunin sa performance. Mina-maximize ng mga Performance Max campaign ang mga conversion at ROI sa lahat ng channel ng Google mula sa iisang campaign. Pansamantala, nakatuon ang mga Demand Gen campaign sa pagtulong sa iyong gumawa at mag-convert ng demand sa mga surface na inuuna ang visual tulad ng YouTube, Discover, Gmail, at Google Display Network (darating sa Marso) kapag hindi ka hinahanap ng mga consumer. Nagbibigay din ito ng mga karagdagang kontrol tulad ng mga kontrol sa channel (darating sa Marso) at mga solusyon sa audience na may mga lookalike segment.
Nag-aalok ang parehong campaign ng mga natatanging bentahe at magagamit ang mga ito nang magkasama: Mahusay ang Performance Max sa paghimok ng pinakamahusay na performance at ROAS sa buong hanay ng mga channel ng Google, habang nagbibigay ang Demand Gen ng higit na kontrol sa mga placement ng ad, pag-aangkop ng creative, at mga audience. Sa huli, ang pinakamagandang opsyon sa kung gagamitin mo ang parehong campaign nang magkasama o magkahiwalay ay nakadepende sa mga partikular na layunin sa marketing at mas gusto mong level ng kontrol batay sa iyong strategy sa pag-market.
Para sa mga advertiser na may mga layunin ng performance tulad ng mga online na benta o pagbuo ng lead, inihahatid ng Google Ads ang pinakamahusay na AI para sa pinakamahusay mong ROI, na tumutulong sa iyong mapunta sa kung saan nagsisimula ang pagtuklas at ginagawa ang mga pasya. Ginagawa nitong layunin ang atensyon sa buong journey ng consumer gamit ang mga AI-powered na campaign na binuo para umangkop sa mga pangangailangan mo.
Cross-channel na abot man ito ng Performance Max, o ang hindi mapapantayang impluwensya ng Demand Gen, magagamit ang bawat campaign nang mag-isa o magkasama para tulungan kang buuin ang tamang strategy sa pag-market na iniangkop sa iyong mga pangangailangan sa negosyo.
Gamit ang Performance Max, makukuha mo ang buong husay ng mga channel at AI ng Google, lahat sa isang campaign para ma-maximize ang performance. Hinihimok nito ang pinakamahusay na performance at ROAS sa lahat ng channel ng Google: Search, YouTube, Display, Discover, Gmail, at Maps. Awtomatiko nitong ginagamit ang buong husay ng Google AI mula sa end-to-end para mapahusay ang iyong pag-bid, mga audience, creative, at higit pa.
At gamit ang Demand Gen, makakagawa at makakapag-convert ka ng demand sa YouTube at sa mga pinaka-visual na surface ng Google kapag nasa unang bahagi ng kanilang mga journey sa pagbili ang mga consumer at hindi naghahanap sa iyo. Pinagsasama nito ang husay ng AI at ang opsyon at flexibility ng mas maraming kontrol para tulungan kang humimok ng performance sa ROI na katulad ng sa mga social platform.
Kapag naghahambing ng mga sitwasyon ng paggamit, mahalagang pag-isipan kung ano ang natatanging iniaalok ng mga Performance Max at Demand Gen campaign sa iyong strategy sa pag-market:
Performance Max |
Demand Gen |
|
Mga Channel |
Ang pinakamahusay na paraan para i-maximize ang performance ay mapunta sa lahat ng channel ng Google: Search, YouTube, Display, Discover, Gmail, at Maps. Gamitin ang Google AI para i-scale ang iyong mga asset na creative at mag-unlock ng mga conversion sa mas maraming imbentaryo at format. |
Gumamit ng mga kontrol sa channel (darating sa Marso) para tumpak na piliin kung saan lalabas ang iyong mga ad sa YouTube (kasama ang YouTube Shorts), Discover, Gmail, at mga partner sa video ng Google—na tutulong sa iyong maiangkop ang mga asset na creative mo sa iba't ibang screen at format. |
Audience |
Gumamit ng mga signal ng audience at data mula sa first-party mo para tulungan ang Google AI na mahanap ang mga tamang customer habang mina-maximize ang nauugnay na abot. Mayroon ding mga beta na nagbibigay-daan sa iyong ibukod ang demograpiko batay sa edad at mga target na partikular na device. Kung interesado ka, makipag-ugnayan sa iyong team ng account para sa higit pang impormasyon. |
Abutin ang mga nauugnay na audience gamit ang mga partikular na kontrol ng audience. Maghanap ng mga bagong potensyal na customer na may mga katangiang kapareho ng kasalukuyan mong customer base gamit ang mga lookalike segment, at ibukod ang mga partikular o sensitibong demograpiko para sa iyong negosyo. |
Mga Layunin at Pag-optimize |
Gumamit ng isang pagpipilian ng mga layunin sa lifecycle ng customer para tulungan kang gabayan ang Google AI para magkaroon ng mga bagong customer at i-retain ang pinakamahahalaga mong dati nang customer. |
Gumamit ng iba't ibang AI-powered na solusyon sa pag-bid para mag-optimize para sa malawak na hanay ng mga layunin ng performance. Para humimok ng trapiko sa website, gumamit ng pag-bid na Pag-maximize sa Mga Pag-click. At para pabilisin ang path mula sa pagkakatuklas hanggang sa mga pagpapasya at humimok ng mga online na benta o lead, gumamit ng pag-bid na batay sa conversion. |
Tanong: Pakiramdam ko naabot ko na ang limitasyon ng paghimok ng mga resulta sa Performance Max. Ano pa ang magagawa ko para mag-scale at humimok ng mas mahuhusay na resulta?
Buod: May ilang paraan para ma-optimize mo ang iyong campaign kung sa tingin mo ay hindi ito nagse-scale o humihimok ng sapat na dami ng mga conversion. Magagawa mong:
- Tiyaking mayroon kang mga asset na creative sa lahat ng uri at laki.
- Tingnan ang iyong mga CPA at ROAS target para matiyak na hindi masyadong naglilimita ang mga ito.
- Subukang magdagdag o mag-update ng mga tema ng paghahanap para palawakin ang iyong abot at makahimok ng mas maraming conversion.
- Gamitin ang pag-customize ng text at mga feature ng pagpapalawak ng final URL para i-boost ang mga resulta ng imbentaryo ng Search sa Performance Max.
- I-audit ang iyong mga setting ng pagbubukod sa level ng account at campaign para matiyak na nauugnay at mahalaga pa rin ang mga iyon.
- Tingnan ang mga diagnostic sa ulat sa performance ng channel para matukoy ang mga potensyal na larangan na posibleng naglilimita sa kung paano inihahatid ang iyong mga ad sa channel mo.
Kung malalaman mo na hindi nagse-scale o nakakahimok ng sapat na dami ng mga conversion ang iyong Performance Max campaign, may ilang paraan para ma-optimize mo ang iyong campaign.
- Tiyaking mayroon kang mga asset na creative sa lahat ng uri at laki. Makakatulong ang pag-maximize sa bilang ng mga asset mo na i-engage ang mga customer nang mas epektibo at magpakita ng mga ad na pumapatok sa kanila batay sa kanilang natatanging konteksto, mga pangangailangan, at mga preference.
- Ang layunin mo dapat ay magkaroon ng “Napakahusay” na Kalidad ng Ad ang grupo ng asset.
- Tingnan kung mayroon kang mga CPA o ROAS target at tiyaking hindi masyadong naglilimita ang mga ito. Kapag masyadong nilimitahan ang iyong mga campaign sa pamamagitan ng pagtatakda ng target na masyadong mahigpit, maaapektuhan nito kung sa gaano karaming campaign puwedeng makilahok ang iyong campaign at kung gaano karaming conversion at mahihimok nito.
- Isang magandang tip ay tingnan ang iyong ulat sa strategy sa pag-bid—kung tuloy-tuloy na mas mataas sa target mo ang iyong aktwal na cost per acquisition, pag-isipang taasan ang target mo sa mas makatotohanang numero para makatulong na madagdagan ang iyong abot at mga conversion.
- Puwede mo ring tingnan ang paggamit ng iyong badyet para matiyak na hindi ka nalilimitahan ng badyet. Puwede mong suriin kung dapat kang magdagdag at/o mamahagi ulit ng badyet sa iyong iba't ibang campaign. Puwede mo ring gamitin ang mga insight sa budget pacing para makatulong na i-optimize ang iyong badyet at ang Performance Planner para tulungan kang pamahalaan ang mga badyet at forecast para sa iyong campaign.
- Subukang magdagdag o mag-update ng mga tema ng paghahanap para i-expand ang iyong abot at humimok ng mas maraming conversion. Sa pamamagitan ng mga tema ng paghahanap, maisasaad mo ang mga query na alam mong hinahanap ng iyong mga customer. Karagdagan ang mga ito sa mga query at placement na inaasahan ng Performance Max na magkakaroon ng magandang performance batay sa iyong mga asset, feed, at landing page. Makakatulong ito sa iyong mga Performance Max campaign na maghatid sa mga placement na baka hindi halata ng AI pero inaasahan mong humimok ng mahuhusay na resulta. Narito ang ilang halimbawa kung saan puwedeng maging lalong kapaki-pakinabang ang mga tema ng paghahanap:
- Walang maraming detalye ang iyong landing page tungkol sa mga produkto at serbisyong iniaalok mo.
- Kaka-expand mo lang sa isang bagong marketing o kakalunsad mo ng bagong produkto o serbisyo.
- Maglulunsad ka ng bagong promosyon o sale para sa holiday season kung saan wala kang malawak na history ng performance.
- Gamitin ang pag-customize ng text at mga feature ng pagpapalawak ng final URL para i-boost ang mga resulta ng imbentaryo ng Search sa Performance Max. Makakatulong sa iyo ang mga ito na paramihin ang iba't ibang asset na text mo sa Search para makagawa ng mas maraming kaugnay na ad para sa mga customer at madala sila sa mas magagandang landing page sa iyong website.
- Gamit ang pag-customize ng text, makakagamit ang iyong Performance Max campaign ng content mula sa mga landing page mo para awtomatikong gumawa ng mga bago at nauugnay na asset na text para sa iyong mga Search ad.
- Makakatulong ang pagpapalawak ng final URL sa iyong mga ad na lumabas sa mas maraming paghahanap na may malaking posibilidad na humantong sa mga conversion, at ginagamit nito ang mga landing page sa iyong website para itugma ang mga ad mo sa mga mas nauugnay na query.
- Puwede ka ring gumamit ng mga panuntunan sa URL, tulad ng URL contains at Mga page feed, para mas mapino ang listahan ng mga page kung saan ka nagpapadala ng trapiko. Kapag ginamit nang naka-on ang feature ng pagpapalawak ng URL, gagamitin ng campaign ang iyong panuntunan bilang signal para mag-expand sa mga karagdagang nauugnay na page. Kapag ginamit nang naka-off ang pagpapalawak ng URL, magpapadala lang ang campaign ng trapiko sa mga landing page na makakatugon sa panuntunan.
- I-audit ang iyong mga setting ng pagbubukod sa level ng account at campaign para matiyak na nauugnay at mahalaga ang mga iyon. Bagama't nagbibigay sa iyo ang mga setting na ito ng karagdagang kontrol sa kung saan puwedeng lumabas ang mga ad mo, puwedeng limitahan ng mga pagbubukod ang performance ng iyong campaign.
- Puwede mong i-audit ang iyong mga pagbubukod ng content sa display at video sa content suitability center at puwede mong i-audit ang iyong mga negatibong keyword sa level ng account sa ilalim ng mga setting ng account. Para sa mga negatibong keyword at hindi pagsasama ng brand sa level ng campaign, puwede mong i-audit ang mga iyon sa iyong Performance Max campaign.
- Tingnan ang mga diagnostic sa ulat sa performance ng channel. Tumuklas ng mga insight sa mga larangang may potensyal na mapahusay sa pamamagitan ng paghanap sa posibleng naglilimita sa iyong paghahatid ng mga ad sa mga channel mo at makakuha ng mga rekomendasyon kung paano ito lulutasin.
Panoorin ang video na ito para matuto pa.
Tanong: Paano ko malalaman kung humihimok ang aking mga tema ng paghahanap ng incremental na trapiko?
Buod: Puwede kang gumamit ng mga insight sa mga termino para sa paghahanap para makita kung nagmumula ang mga query sa mga tema ng paghahanap na idinagdag mo o mula sa pag-target nang walang keyword ng Performance Max. Puwede ka ring makahanap ng indicator sa tabi ng iyong mga tema ng paghahanap na nagsasabi sa iyo kung humihimok ang mga iyon ng incremental na trapiko.
Sa mga insight sa mga termino para sa paghahanap, puwede kang makahanap ng column na “Source,” na magbibigay-daan sa iyong makita kung nagmumula ang mga query sa mga tema ng paghahanap na idinagdag mo o mula sa pag-target nang walang keyword ng Performance Max.
Matitingnan mo rin ang “Mga Signal” sa iyong campaign para makita ang mga tema ng paghahanap mo, kasama ng isang indicator ng pagiging kapaki-pakinabang sa tabi ng mga ito. Ipinapaalam sa iyo ng mga indicator na ito kung humihimok ang mga tema ng paghahanap mo ng incremental na trapiko bukod sa na-capture ng iyong mga URL at asset na creative, o kung dapat mong pag-isipang i-update o palitan ang iyong mga tema ng paghahanap.
1. Internal na Data ng Google, Pandaigdigan, Peb 2023
2. Data ng Google, Pandaigdigan, Nobyembre 2022
3. Data ng Google, Pandaigdigan, Nobyembre 2022
4. *Average na pagtaas sa performance batay sa mga internal na pag-aaral. Puwedeng mag-iba-iba ang mga indibidwal na resulta ayon sa mga detalye ng campaign. Internal na Data ng Google, Pandaigdigan, A/B Test ng Lahat ng Vertical, Okt 2022 - Abril 2023.
5. Data ng Google, Pandaigdigan, Ads, Enero 2021 - Disyembre 2022