Demo account

Matuto sa pamamagitan ng pag-e-eksperimento sa data na mula sa Google Merchandise Store at Flood-It!

Ang Google Analytics demo account ay isang ganap na gumaganang Google Analytics account na puwedeng i-access ng kahit sinong user ng Google. Mayroon itong isang property sa Universal Analytics at dalawang property sa Google Analytics 4. Ang demo account ay magandang paraan para makakita ng totoong data ng negosyo at mag-eksperimento sa mga feature ng Google Analytics.

Sa artikulong ito:

Demo Account in Google Analytics

I-access ang demo account

Para i-access ang demo account, i-click ang isa sa tatlong link sa pagtatapos ng seksyong ito. Kapag nag-click ka ng link:

  • Kung may Google account ka na, ipa-prompt kang mag-log in sa account na iyon.
  • Kung wala kang Google account, ipa-prompt kang gumawa ng account, pagkatapos ay mag-log in.

Kapag nag-click ka ng link sa ibaba, sumasang-ayon kang hayaan ang Google na magsagawa ng isa o dalawang pagkilos na nauugnay sa iyong Google account:

  • Kung may Google Analytics account ka na, idadagdag namin ang demo account sa iyong Analytics account.
  • Kung wala kang Google Analytics account, gagawa kami ng isa para sa iyo kaugnay ng Google account mo, pagkatapos ay idaragdag ang demo account sa iyong bagong Analytics account.

Available ang demo account sa selector ng account sa Analytics kung saan ka pipili ng mga pag-link ng organisasyon at account.

Ibibilang ang demo account sa maximum na dami ng mga Analytics account na pinapahintulutan kang gawin sa ilalim ng isang Google account. Ang kasalukuyang maximum para sa Google Analytics ay 2000 Analytics account sa bawat Google account.

I-access ang demo account, na naglalaman ng tatlong property, sa pamamagitan ng pag-click sa isa sa mga sumusunod na link batay sa property na gusto mo munang i-access. Puwede kang lumipat sa iba pang property anumang oras sa pamamagitan ng paggamit sa selector ng account.

Puwede mong alisin ang demo account anumang oras.

Saan nagmumula ang data

Mula sa Google Merchandise Store at Flood-It! ang data na nasa Google Analytics demo account.

Ang Google Merchandise Store ay isang ecommerce site na nagbebenta ng merchandise na may brand ng Google. May mga property sa Universal Analytics at property sa Google Analytics 4 na batay sa ecommerce site. Matuto pa tungkol sa mga pagkakaiba sa mga uri ng property.

Ang dalawang property na ito ay naglalaman ng data sa account na karaniwang makikita mo para sa isang ecommerce site, at kasama ang mga sumusunod na uri ng impormasyon:

  • Data ng pinagmulan ng trapiko. Impormasyon tungkol sa kung saan nagmumula ang mga user ng website. Kasama rito ang impormasyon tungkol sa organic na trapiko, trapiko ng bayad na paghahanap, at trapiko sa display.
  • Data ng content Impormasyon tungkol sa pagkilos ng mga user sa site. Kasama rito ang mga URL ng mga page na tiningnan ng mga user, at kung paano sila nakikipag-ugnayan sa content ng page.
  • Data ng transaksyon. Impormasyon tungkol sa mga transaksyon na nangyari sa website ng Google Merchandise Store.

Ang Flood-It! ay isang larong puzzle kung saan kailangan mong punuin ang buong game board ng iisang kulay sa mas kaunting hakbang kaysa sa pinapayagan. Ang laro ay available i-download sa Android at iOS. May property sa Google Analytics 4 para sa Flood-It! na naglalaman ng pag-uulat sa mga laro at data mula sa app at website na kasama ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Mga kinalkulang sukatan Impormasyong kinalkula mula sa mga kasalukuyang sukatan. Kasama rito ang mga sukatang gaya ng Average na kita bawat aktibong user at Average na tagal ng engagement. Kasama rin dito ang Conversion ng Mamimili at Revenue heartbeat, na batay sa mga inirerekomendang key performance indicator ng Google Play.
  • Data ng mga event. Impormasyon tungkol sa pakikipag-ugnayan ng user sa content. Kasama rito ang mga event na gaya ng pagkumpleto sa level at pag-reset ng level.
  • Data sa ecommerce. Impormasyong kaugnay ng mga in-app na pagbili.

Mga paraan sa paggamit ng demo account

Dahil nagpapakita ang demo account ng aktwal na data mula sa isang ecommerce website, makakatulong ito sa pag-e-explore ng mga ulat at feature ng Google Analytics. Narito ang ilang bagay na magagawa mo sa dalawang property sa Google Analytics 4:

  • Tingnan ang karaniwang pag-uulat sa Google Analytics 4 sa property ng Merchandise Store.
  • I-explore ang pag-uulat ng laro sa property ng Flood-It.
  • Gumawa ng karaniwang pagsusuri, gaya ng:
    • Aling channel ang dahilan sa pagkuha ng pinakamaraming bagong user sa iba't iba mong platform?
    • Ilang natatanging user ang mayroon sa bawat negosyo?
    • Ilang conversion ang naganap sa app ng Flood-It! at website ng Merchandise Store sa loob ng nakaraang linggo?
  • Gumawa ng pag-explore ng funnel: Saan pumapasok ang mga user sa funnel ng conversion, at saan sila nawawala?
  • Gumawa ng mga ad-hoc na pag-explore sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop ng maraming variable—ang iba't ibang segment, dimensyon, at sukatan na ginagamit mo para masukat ang isang negosyo—sa isang canvas para makita ang mga instant na visualization ng iyong data.

Narito ang ilang bagay na magagawa mo sa property sa Universal Analytics:

Mga Limitasyon

May tungkuling Viewer para sa Google Analytics Demo Account ang lahat ng user. Ibig sabihin nito, magagawa mong:

  • Tingnan ang data ng pag-uulat at mga setting ng configuration.
  • Mamanipula ang data na nasa mga ulat (hal., mag-filter ng table, magdagdag ng pangalawang dimesyon, gumawa ng isang segment).
  • Gumawa ng mga personal na asset gaya ng mga custom na ulat, at makita ang mga nakabahaging asset. Hindi ka puwedeng mag-collaborate sa mga nakabahaging asset.

Para matuto pa tungkol sa mga pahintulot ng user, basahin ang seksyon sa pamamahala sa user sa help center na ito.

Naka-obfuscate ang data sa demo account, pero pangkaraniwang data pa rin ito sa Analytics.

Hindi kasama sa property sa Universal Analytics ang ulat sa Explorer ng User.

Hindi kasama sa mga property sa Google Analytics 4 ang functionality sa pag-export ng ulat o pag-explore, ang kakayahang makita ang dimensyon na device ID, o ang paggamit sa technique na Pag-explore ng User sa pangunahing menu ng Mga Pag-explore.

Hindi mo magagamit ang demo account sa Analytics Reporting APIpara sa alinmang uri ng property. Magkakaroon ng error sa mga pahintulot kapag tinangkang gawin ito.

Mag-alis ng access sa demo account

Para alisin ang iyong access sa demo account, sundin ang mga hakbang sa ibaba. Puwede kang magkaroon ulit ng access sa demo account anumang oras.

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Account, i-click ang Pamamahala ng access sa account.
  2. I-click ang Alisin ang sarili ko.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1717823942868080897
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false