Pag-advertise at attribution

[GA4] Pumili ng mga setting ng attribution

Piliin ang modelo ng attribution ng pag-uulat at palugit ng conversion para sa iyong property.

Ang attribution ay ang pagtatalaga ng credit para sa mga conversion sa iba't ibang ad, pag-click, at salik sa path ng isang user hanggang sa makakumpleto siya ng conversion. Kung mayroon kang tungkuling Editor para sa isang property sa Google Analytics 4, puwede mong i-adjust ang 4 na setting na nakakaapekto sa attribution para sa iyong property: ang modelo ng attribution ng pag-uulat, mga channel na kwalipikadong makatanggap ng credit para sa mga web conversion na ibinabahagi sa Google Ads, at ang mga palugit ng conversion para sa (1) mga event ng conversion na pagkuha at (2) lahat ng iba pang event ng conversion.

Sa artikulong ito:

Tungkol sa modelo ng attribution ng pag-uulat

Ang modelo ng attribution ay puwedeng panuntunan, hanay ng mga panuntunan, o algorithm na batay sa data na tumutukoy sa kung paano itinatalaga sa mga touchpoint sa mga conversion path ang credit para sa mga conversion. Sa Mga setting ng attribution, puwede mong piliin ang attribution na batay sa data, Mga modelo ng mga may bayad at organic na channel na batay sa mga panuntunan, tulad ng Time decay sa mga may bayad at organic na channel, o ang modelong Huling pag-click sa mga may bayad na channel ng Google. Matuto pa Tungkol sa attribution at mga modelo ng attribution.

Tandaan: Hindi na available ang mga modelo ng attribution na unang pag-click, linear, time decay, at batay sa posisyon simula Nobyembre 2023. Matuto pa Tungkol sa mga hindi na ginagamit na modelo.

Gamitin ang seksyong Modelo ng attribution ng pag-uulat para piliin kung aling modelo ng attribution ang gusto mong gamitin para kalkulahin ang credit sa conversion sa iyong mga ulat sa property mo sa Analytics, pati na rin sa mga ulat sa conversion ng anumang naka-link na proyekto ng Firebase. Malalapat sa dating data at data sa hinaharap kapag binago ang modelo ng attribution.

Ipapakita ang mga pagbabagong ito sa lahat ng ulat na gumagamit ng mga event-scoped na dimensyon ng trapiko, halimbawa, Source, Medium, Campaign, at Default na grupo ng channel. Kasama sa mga naapektuhang ulat ang Mga ulat ng mga detalye ng conversion at Mga Pag-explore Sa Mga Pag-explore, makakakita ka ng buong listahan ng mga dimensyon na tumutugma sa attribution. Ang mga user-scoped at session-scoped na dimensyon ng trapiko, tulad ng Source ng session o Medium ng unang user, ay hindi apektado ng mga pagbabagong ito sa modelo ng attribution ng pag-uulat.

Tandaan: Ipinakilala ang mga modelo ng attribution sa magkakaibang petsa (basahin sa ibaba). Ibig sabihin, kung pipili ka ng hanay ng petsa na may timeframe bago ang "petsa ng pagsisimula" para sa isang modelo, hindi kumpleto ang data na makikita mo.

  • Attribution na batay sa data ng mga may bayad at organic na channel: Nobyembre 1, 2021
  • Mga modelo ng mga binabayaran at organic na channel na batay sa mga panuntunan: Hunyo 14, 2021

Batay sa napili mong modelo ng attribution, makakapansin ka ng mga pagbabago sa mga sumusunod na sukatan kapag ginamit ang mga ito kasama ng mga event-scoped na dimensyon ng trapiko: Mga Conversion, Kabuuang kita, Kita sa pagbili, at Kabuuang kita sa ad. Kapag lumipat ka sa isang modelo ng attribution na hindi huling pag-click, puwede kang makakita ng mga decimal o "fractional credit" sa unang pagkakataon sa mga column na ito. Ito ay dahil hinahati-hati ang credit para sa isang partikular na conversion sa mga nag-aambag na ad interaction ayon sa napili mong modelo ng attribution.

Halimbawa
Pinili mo ang Linear na modelo. Susundan ng isang user ang path na keyword1 > keyword2 at pagkatapos ay magko-convert siya. Sa ganitong sitwasyon, 0.5 ang ipapakita ng bawat keyword sa column na Mga Conversion mula sa conversion na iyon.
Hindi apektado ang mga ulat sa Pag-advertise > Attribution ng modelo ng attribution ng pag-uulat na pipiliin mo sa antas ng property. Puwedeng i-adjust ng sinumang user na may tungkuling Viewer ang modelo ng attribution sa mga ulat sa Paghahambing ng modelo at Mga conversion path.

Tungkol sa mga channel na puwedeng makatanggap ng credit para sa mga conversion na ibinabahagi sa Google Ads

Puwedeng i-import ang mga conversion ng Google Analytics sa mga naka-link na Google Ads account. Nagbibigay-daan sa iyo ang setting na ito na piliin kung aling mga channel ang kwalipikadong makatanggap ng credit sa conversion para sa mga web conversion na ibinabahagi sa Google Ads.

  • Mga Binabayarang Channel sa Google: Mga binabayarang channel lang sa Google Ads ang kwalipikadong makatanggap ng credit sa conversion.
  • Mga Binabayaran at Oraganic na Channel: Kwalipikado ang mga binabayaran at organic na channel na makatanggap ng credit sa conversion, pero ang credit lang na itinalaga sa mga channel ng Google Ads ang lalabas sa iyong mga Google Ads account.

Ang pagbabago sa setting na ito ay mailalapat sa hinaharap at ilalapat ito sa lahat ng naka-link na Google Ads account. Puwede itong makaapekto sa mga conversion na ini-import mo sa Google Ads para sa pag-bid at pag-uulat. Puwedeng abutin nang ilang araw bago maipakita ang mga pagbabagong ito sa iyong mga campaign at ulat sa Google Ads. Hindi nakakaapekto ang setting na ito sa pag-uulat sa Google Analytics 4.

Matuto pa tungkol sa pag-import ng mga conversion sa Google Ads.

Tungkol sa palugit ng conversion

Puwedeng mangyari ang mga conversion pagkalipas ng ilang araw o linggo mula nang makipag-interact ang isang tao sa iyong ad.

Tinutukoy ng palugit ng conversion kung gaano kalayo sa nakaraan kwalipikado ang isang touchpoint para sa credit sa attribution. Halimbawa, ang 30 araw na palugit ng conversion ay magreresulta sa pag-attribute ng mga conversion sa Enero 30 sa mga touchpoint lang na mula Enero 1-30.

Nalalapat ang palugit ng conversion sa lahat ng modelo ng attribution at lahat ng uri ng conversion. Ang mga pagbabago sa palugit ng conversion ay malalapat sa hinaharap at makikita sa lahat ng ulat sa iyong property sa Analytics.

Para sa mga event ng conversion na Pagkuha (first_open at first_visit), 30 araw ang default na palugit ng conversion. Puwede kang lumipat sa 7 araw kung iba ang iyong mga pangangailangan sa attribution.

Para sa lahat ng iba pang event ng conversion, 90 araw ang default na palugit ng conversion. Puwede mo ring piliin ang 30 araw o 60 araw.

Tandaan: Ilalapat din ang napiling palugit ng conversion para sa attribution ng session.

Pumili ng mga setting ng attribution

Para pumili ng modelo ng attribution at palugit ng conversion para sa isang property sa Google Analytics 4, dapat ay mayroon kang tungkuling Editor o Administrator para sa property.

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Display ng data, i-click ang Mga setting ng attribution.
  2. Sa ilalim ng Modelo ng attribution ng pag-uulat, pumili ng modelo ng attribution mula sa drop down. Matuto pa Tungkol sa mga modelo ng attribution ng ulat.
  3. Sa ilalim ng Palugit ng conversion, piliin ang mga palugit ng conversion para sa mga event ng conversion na pagkuha at lahat ng iba pang event ng conversion. Kinokontrol din ng opsyong Lahat ng iba pang event ng conversion ang mga setting ng attribution ng session.
  4. I-click ang I-save.

Hindi nakakaapekto ang mga setting ng attribution na ito sa mga modelo ng attribution na napili sa mga ulat sa seksyong Pag-advertise. Kahit sino ay makakapili ng mga modelo ng attribution para sa personal nilang paggamit sa mga ulat sa seksyong Pag-advertise. Kapag pumili ka ng modelo ng attribution sa seksyong Pag-advertise, hindi ito makakaapekto sa kung paano nakakakita ng data ang iba pang user, o sa kung paano kinakalkula ang data sa mga ulat sa labas ng seksyong Pag-advertise.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16587386043752032339
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false