Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Pinahahalagahan namin ang diversity, inclusivity, at paggalang sa iba, kaya sinusuportahan namin ang promosyon ng mga pangkalahatang serbisyo ng pakikipag-date na hindi nagdidiskrimina, mapagsamantala, o mapanlinang, sa content at promosyon. Pinapayagan ang ilang uri ng ad para sa pakikipag-date at companionship (kasama ang pasilitasyon ng matchmaking, kasal, at pakikipag-date) kung sumusunod ang mga ito sa mga patakaran sa ibaba, hindi pinapayagan ang mga user na wala pang 18 taong gulang, at nakatanggap ang advertiser ng wastong certification sa Google Ads.
Posibleng paghigpitan ang mga ad para sa pakikipag-date at companionship batay sa kategorya ng ad, edad ng user, mga lokal na batas, mga setting ng SafeSearch ng user, at mga Query sa paghahanap sa sekswal na content. Bukod dito, hindi kwalipikadong maghatid ng mga ad para sa pakikipag-date at companionship sa Algeria, Bahrain, Bangladesh, Sri Lanka, Palestine, Iraq, Jordan, Kuwait, Lebanon, Libya, Morocco, Oman, Nepal, Pakistan, Qatar, Saudi Arabia, UAE, Tunisia, Egypt, o Yemen.
Alamin kung ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.
Sa artikulong ito
Matuto pa tungkol sa status na “Kwalipikado (Limitado).”
Pangkalahatang Pakikipag-date at Companionship
Ang mga ad na nagtatampok o nagpo-promote ng mga sumusunod na uri ng content at na hindi pinaghihigpitan o ipinagbabawal ng patakarang ito, patakaran sa Sekswal na content, o iba pang patakaran ng Google sa ad, ay papahintulutang maghatid sa Search, Display and Video, at Google Ads na may mga paghihigpit sa edad at bansa.
Pangkalahatang Pakikipag-date at Companionship
Promosyon ng mga serbisyo ng pakikipag-date at companionship na hindi nandidiskrimina, mapagsamantala, o mapanlinlang, sa content at promosyon.
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Pakikipag-date na batay sa sekswal na oryentasyon
- Mga serbisyo ng matchmaking
- Mga serbisyo ng facilitation ng pakikipag-date
- Mga serbisyo sa kasal
- Mga preference sa konsensuwal na pakikipag-date batay sa background o mga interes (relihiyon, mga libangan, wika, atbp.) na hindi pinaghihigpitan o ipinagbabawal ng patakarang ito sa anupamang paraan
- Mga livestream app o app sa pag-chat na pangunahing nakatuon sa pagtatagpo ng mga hindi magkakakilalang tao
Certification
Certified dapat ng Google ang mga advertiser ng Pakikipag-date at companionship para makapaghatid ng mga ad. Matuto pa tungkol sa kung paano mag-apply para sa certification ng mga ad para sa Pakikipag-date at Companionship.
Pinaghihigpitang Pakikipag-date at Companionship
Pinaghihigpitan ang mga ad na nagtatampok o nagpo-promote ng mga sumusunod na uri ng content. Ihahatid lang ang mga ito batay sa mga sumusunod na kundisyon:
- Edad ng user, mga lokal na batas kung saan inihahatid ang ad, at mga setting ng SafeSearch ng user
- Mga query sa paghahanap ng user para sa sekswal na content
Pinaghihigpitang Pakikipag-date at Companionship
Pakikipag-date na tahasang nakatuon sa mga seksawl na tema o tahasang hinihimok ng mga sekswal na pakikipagtagpo, o mga ad o landing page na may content na di-para sa lahat.
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Mga site para sa hook-up, fling, o swinger na pakikipag-date
- Mga serbisyo ng pakikipag-date sa may asawa o pagtataksil
- Pakikipag-date para sa sekswal na fetish
- Mga livestream app o app sa pag-chat na nagtatampok ng kahubaran, bahagyang kahubaran, o content na may sekswal na pahiwatig
- Mga ad o landing page na nagtatampok ng content na di-para sa lahat, tulad ng mga taong nakasuot ng lingerie o underwear sa sekswal na koleksyon ng imahe
Certification
Certified dapat ng Google ang mga advertiser ng Pakikipag-date at companionship para makapaghatid ng mga ad. Matuto pa tungkol sa kung paano mag-apply para sa certification ng mga ad para sa Pakikipag-date at Companionship.
Ipinagbabawal na Pakikipag-date at Companionship
Hindi pinapayagan ang mga ad na nagtatampok o nagpo-promote ng mga sumusunod na uri ng content:
Mga Aggregator
Mga aggregrator o affiliate site na nagpo-promote ng content ng pakikipag-date o companionship
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Mga site na nagra-rank ng mga site sa pakikipag-date para sa promosyon, halimbawa, Nangungunang 10 lokal na serbisyo ng pakikipag-date sa lugar mo
- Mga site na naghahambing ng mga site sa pakikipag-date na may mga pag-redirect para sa promosyon
May bayad na pakikipag-date, companionship, o mga sekswal na gawain
Content na nagpo-promote, nagre-refer sa, o nagre-refer ng personal na companionship, pakikipag-date, o sekswal na gawain kapalit ng bayad tulad ng pera, mga regalo, pinansyal na suporta, mentorship, o iba pang mahalagang benepisyo.
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Sugar dating (kasama ang mga reference sa “mga sugar daddy,” “sugar mama,” “sugar baby”)
- Prostitusyon, companionship, hostess, at mga escort service
- Mga serbisyo ng cuddling, intimate massage, o mga katulad na serbisyo
- Sex tourism
Mga mapanlinlang na serbisyo ng pakikipag-date
Mga serbisyo ng pakikipag-date na gumagamit ng mga synthetic na binuong profile o chatbot nang walang malinaw at kitang-kitang paghahayag na nakalagay sa isang lokasyon kung saan malamang na mapansin ito ng mga user.
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Mga profile na binuo ng AI na walang sapat na paghahayag
- Mga deepfake na walang sapat na paghahayag
- Mga chatbot na walang sapat na paghahayag
Mapagsamantalang pakikipag-date
Content na may kaugnayan sa pakikipag-date o companionship na pumupuri, nagtataguyod, o nagbibigay-daan sa pananamantala ng mga kahinaan para sa mga sekswal na layunin (kinabibilangan ng pagtanggap ng mga benepisyong may kaugnayan sa pera, lipunan, o politika, mula sa pananamantala ng isa pa).
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Pananamantala ng mga socioeconomic na pagkakaiba o stereotype
- Pananamantala ng mga biktima ng salungatan o krisis
- Pananamantala ng mga kapansanan o sensitibong alalahanin sa kalusugan
Mga mail-order na asawa
Content na nagpo-promote ng pagpapakasal sa isang dayuhan o anumang uri ng serbisyo ng international na matchmaking na nagpo-promote ng mga transaksyonal na relasyon o nagsasamantala sa mga socioeconomic na pagkakaiba o stereotype.
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Mga mail-order bride/groom/partner
- Transaksyonal na international na matchmaking
- Mga romance tour
Pinaghihigpitang content sa pakikipag-date
Hindi dapat itampok sa mga ad o landing page ang sumusunod na content sa kung paano ina-advertise ang isang serbisyo ng pakikipag-date o companionship.
Mga Halimbawa (hindi kumpleto):
- Content na nagpo-promote ng mga tema ng pakikipag-date ng mga taong wala pa sa hustong gulang
- Koleksyon ng imahe o text sa mga landing page na hindi kumakatawan sa mga user kung kanino mina-market ang mga serbisyo nito
Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.
Mag-apply para sa certification ng mga ad para sa Pakikipag-date at Companionship
Para mag-advertise ng produkto, serbisyo, o content ng pakikipag-date at companionship, certified ka dapat ng Google. Nakadepende ang pagiging kwalipikado para sa certification sa pagsunod mo sa aming mga requirement at sa isang malalim na pagsusuri, na puwedeng kinabibilangan ng pagsusuri sa iyong mga kasalukuyang ad, landing page, at content pagkatapos mag-log in. Para tapusin ang aming pagsusuri, kinakailangan namin ang:
- Mga App ID para sa Google Play o Apple App Store, o mga URL para sa mga website (kasama ang YouTube.com kung iyon ang landing page)
- Lahat ng detalye para ma-enable ang pag-access sa iyong serbisyo kung pinaghihigpitan ang buong serbisyo o mga bahagi ng serbisyo batay sa mga kredensyal sa pag-log in, detalye ng pag-sign in, membership, lokasyon, o iba pang anyo ng pag-authenticate
Isumite ang aming form ng application, kasama ang nire-require na dokumentasyon, para makapag-apply para sa mga sumusunod na certificate:
- Certificate para sa Pinaghihigpitang Pakikipag-date at Companionship: Promosyon ng Pinaghihigpitang Pakikipag-date at Companionship
Ang mga ad na nagpo-promote ng pinaghihigpitang pakikipag-date at companionship kung saan certified ang isang account ng mga naaangkop na certificate ay papahintulutang maghatid sa Search na may mga paghihigpit sa edad/bansa.- Certificate para sa Pangkalahatang Pakikipag-date at Companionship: Promosyon ng Pangkalahatang Pakikipag-date at Companionship
Ang mga ad na nagpo-promote ng pangkalahatang pakikipag-date at companionship kung saan certified ang isang account ng mga naaangkop na certificate ay papahintulutang maghatid sa Search, Display and Video, at Google Ads na may mga paghihigpit sa edad/bansa.
Dapat ding tapusin ng mga advertiser na nag-aalok ng mga serbisyo ng online na pakikipag-date na naka-target sa Japan ang Aplikasyon para sa Certification ng Mga Ad ng Mga Serbisyo sa Online na Pakikipag-date sa Japan, at dapat magpakita ang mga ad ng babalang "18禁" o “18+.”
Mga opsyon para maayos
Kung nakakaapekto ang patakarang ito sa iyong ad, suriin ang iyong mga opsyon sa pag-aayos sa ibaba.
I-edit ang iyong mga ad para makasunod sa patakarang ito
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign .
- I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
- I-click ang Mga Ad.
- Mag-hover sa ad o asset at i-click ang I-edit.
- I-edit ang ad o asset para makasunod ito sa patakaran.
- I-click ang I-save. Awtomatikong susuriin ulit ang iyong ad. Tingnan ang status ng ad sa page na “Mga ad at asset” para sa mga update.
Mag-apply para sa certification
Kung hindi naaprubahan ang iyong ad dahil wala kang certification sa Google at natutugunan mo ang mga requirement, mag-apply para sa certification.
Iapela ang pasya ayon sa patakaran
Kung naayos mo na ang iyong destinasyon o kung sa tingin mo ay nagkamali kami, direktang iapela ang pasya ayon sa patakaran mula sa iyong Google Ads account para mag-request ng pagsusuri. Pagkatapos naming makumpirma na sumusunod ang destinasyon, maaaprubahan na namin ang iyong mga ad. Kung hindi mo maayos ang mga paglabag na ito o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, alisin ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa patakaran.