Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Gabay ng nagsisimula

Mga patakaran ng AdSense: gabay para sa mga nagsisimula

Umaasa kaming ang lahat ng publisher na lumalahok sa AdSense ay magkakaroon ng matagal at matagumpay na ugnayan sa Google. Para mangyari iyon, mahalagang malaman mo ang tungkol sa mga patakaran ng Programa ng AdSense. Kung mas marami ang nalalaman mo tungkol sa aming mga patakaran, mas malamang na ganap na makakasunod sa mga patakarang ito ang lahat ng site at page kung saan ka nagpapakita ng mga Google ad.

Para makapagsimula ka, binigyang-diin namin ang ilan sa pinakamahahalaga at madalas malabag na patakaran sa ibaba. Hindi isang komprehensibong listahan ng aming mga patakaran ang mga simpleng panuntunang ito, ngunit ang pagsunod sa mga ito ang magpapanatili sa iyong account sa magandang status.

Mga pag-click at impression

Masusing sinusubaybayan ng aming mga espesyalista ang mga pag-click at impression sa mga Google ad, gamit pareho ang mga naka-automate na system at pagsusuri ng tao, para protektahan ang iyong mga interes at ang interes ng aming mga advertiser. Ginagawa namin ito upang maprotektahan namin ang aming mga advertiser mula sa mga artipisyal na pinataas na gastusin. Narito ang ilang paraan upang makatulong ka sa pagtiyak na naibibigay ng iyong mga site ang trapikong may pinakamataas na kalidad hangga't maaari.

  • Huwag mag-click sa sarili mong mga Google ad.
    Kung gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa isa sa iyong mga advertiser na lumalabas sa site mo, paki-type ang URL ng ad sa address bar mismo ng iyong browser.
     
  • Huwag hilingin sa iba na i-click ang iyong mga Google ad.
    Ang paghikayat sa mga user na mag-click sa iyong mga Google ad ay mahigpit na ipinagbabawal -- direkta man o hindi direkta, sa sarili mo mang site o sa mga site ng third-party, o sa pamamagitan ng email. Dapat palaging mag-click ang mga user sa mga Google ad dahil interesado sila sa mga serbisyong ina-advertise, hindi upang makalikom ng pera para sa iyong site o para sa isang layunin, o kaya ay upang makakuha ng gantimpala para sa kanilang mga sarili.
     
  • Masusing piliin ang lokasyon ng iyong mga ad.
    Hindi kailanman dapat gumamit ang mga publisher ng mga trick o mapanlinlang na kagawian para mag-trigger ng mga hindi sinasadyang pag-click sa mga ad. Tiyaking maayos ang pagkakalagay ng iyong mga ad sa site mo, malayo sa mga interactive na elemento, hindi gumagaya sa nakapaligid na content, at hindi nakalagay sa ilalim ng mga mapanlinlang na heading.
    • Magpanatili ng sapat na espasyo sa pagitan ng mga ad at mga kontrol ng page. Halimbawa, sa isang site na may mga laro, iwasang ilapit masyado ang mga ad sa mga kontrol ng laro. Karaniwan naming inirerekomenda ang minimum na distansyang 150 pixel sa pagitan ng flash player at ng ad.
    • Huwag maglagay ng mga content ad sa mga interstitial na page, interface ng laro, o site na may mga streaming video. Kung gusto mong kumita sa iyong video-streaming o interface ng laro sa pamamagitan ng mga naka-overlay, in-stream, o interstitial na placement, tingnan ang AdSense for video, AdSense for games, o ang Partner Program ng YouTube.
  • Maging maingat sa kung paano pino-promote ang iyong site.
    Kailangang maging maingat na maingat ang mga publisher kapag bumibili ng trapiko o nagse-set up ng mga ad campaign sa mga third party. Bago mangontrata ng anumang ad network, dapat mong tiyaking hinding-hindi nila ipapakita ang iyong site sa mga pop-up o bilang resulta ng mga pagkilos ng anumang software na application. Pakitandaan din na dapat sumunod sa Mga Alituntunin sa Kalidad ng Landing Page ng Google ang mga publisher na gumagamit ng anumang uri ng online na pag-advertise.
     
  • Gumamit ng Google Analytics.
    Kung hindi ka pa gumagamit ng Google Analytics, hinihikayat ka naming i-install ito para mas maunawaan at ma-optimize ang trapiko ng iyong site. Kung alam mo kung saan nanggagaling ang iyong trapiko, mas masusulit mo ang iyong site. Matuto pa tungkol sa Analytics sa site nito. O kaya, manood ng mga kapaki-pakinabang na video sa channel ng Analytics sa YouTube.
     

Mga alituntunin sa content

Responsibilidad ng mga publisher ang content sa bawat page na nagpapakita ng kanilang mga ad, kahit na ginawa ng ibang tao ang content, gaya ng mga site na may content na binuo ng user.

Pagpapatupad ng ad

Kapag nagawa na ang code sa iyong account, hindi ito puwedeng mabago o mailagay sa kahit saang lugar na lumalabag sa aming mga patakaran sa placement ng ad gaya ng sa mga pop-up, sa software o sa mga site na gumagaya sa Google.
  • Huwag baguhin ang AdSense code.
    Kapag nabuo mo na ang iyong code, hinihiling namin na huwag mong palitan ang anumang bahagi ng code o kaya ay palitan ang layout, gawi, pag-target, o paghahatid ng mga ad para sa anumang dahilan, maliban na lang kung partikular na pinahintulutang gawin ng Google.
     
  • Huwag gumamit ng mga pop-up na prompt o awtomatikong pag-install ng software.
    Nakatuon ang Google sa pagpapaganda sa experience ng user sa Internet, at ang pag-promote ng responsableng mga prinsipyo sa software ay bahagi ng pagsisikap na iyon. Hindi puwedeng i-prompt ng mga site na nagpapakita ng mga Google ad ang mga user na mag-install ng software sa kani-kanilang device. Hindi rin pinapayagan ang mga publisher na baguhin ang mga home page ng browser ng mga user nang awtomatiko o sa pamamagitan ng mga pop-up na prompt.
     
  • Igalang ang mga trademark ng Google.
    Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-frame o paggaya sa mga page ng Google ayon sa aming Mga Alituntunin sa Paggamit ng Mga Feature ng Brand ng Google. Bukod pa rito, hindi puwedeng gamitin ng mga publisher ang anumang Feature ng Brand ng Google gaya ng mga trademark, logo, webpage, o screenshot ng Google nang walang paunang pahintulot mula sa Google.

Mga na-disable na ad o account:

Kung sakaling mag-disable kami ng mga ad sa iyong site o sa account mo, ang tanging paraan lang para ma-enable ulit ang iyong mga ad ay sa pamamagitan ng pagbabasa nang mabuti sa email ng notification at pagtugon sa aming mga kahilingan.

  • Tumugon.
    Kung sakaling kailangan naming makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa account mo, tiyaking panatilihing napapanahon ang email address na nauugnay sa iyong account. Hinihiling sa mga publisher na basahing mabuti ang mga email na ipinapadala ng team ng AdSense at tumugon sa aming mga kahilingan. Gayunpaman, hindi nangangahulugan ang pagtugon na kailangan mong sumulat sa amin. Kung aabisuhan ka namin tungkol sa mga problema sa isang site, maglaan din ng panahon para ayusin ang anumang iba pang page o site para matiyak na nakakasunod sa lahat ng patakaran ng AdSense ang iyong buong network ng mga site.
Palagi naming sinusuri ang pagsunod ng mga publisher sa mga patakaran at panuntunan ng Programa ng AdSense na nakasaad sa itaas. Kung sa tingin mo ay lumalabag sa mga patakarang ito ang isang site na nagpapakita ng mga ad, ipaalam sa amin.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Iyong page sa AdSense

Ipinapakilala ang Page sa AdSense: isang bagong resource kung saan makakakita ka ng naka-personalize na impormasyon at mga bagong oportunidad sa iyong account na makakatulong para magtagumpay sa AdSense.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7906253166301293431
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false