Gabay para sa user ng Google Workspace para sa accessibility

Ang page na ito ay para sa mga user ng Google Workspace. Kung isa kang administrator, tingnan din ang Gabay para sa administrator sa accessibility

Puwede mong gamitin ang Google Workspace para sa online na pag-collaborate, organisasyon, at pagiging produktibo. Matutulungan ka ng mga resource na itong magsimula sa Google Workspace gamit ang pantulong na teknolohiya.

Para matuto pa tungkol sa mga feature ng pagiging naa-access, bisitahin ang website ng Google Accessibility.

Tandaan: Posibleng magbigay ang ilang produkto ng Google ng karagdagang gabay sa dokumentasyon ng mga ito. Para sa dokumentasyon ng produkto, sumangguni sa mga resource na nakalista sa ibaba.

Mga inirerekomendang browser at screen reader

Pinakamahusay na gumagana ang mga kumbinasyon ng mga screen reader at browser na ito sa Google Workspace:
Operating system Screen reader Browser

Microsoft Windows

JAWS o NVDA

Chrome Browser

macOS

VoiceOver

Chrome Browser

Chrome OS

ChromeVox

Chrome Browser

Google Calendar

Gamitin ang Google Calendar para gumawa ng mga event, ibahagi ang iyong iskedyul, at magpadala ng mga paalala. Puwede mong gamitin ang Calendar sa isang screen reader at mga keyboard shortcut.

Kasama sa mga resource ang:

Google Chat

Puwede kang lumahok sa mga pribado o panggrupong pag-uusap at gumamit ng mga app para makatulong na i-automate ang iyong trabaho. Kasama sa mga feature ng accessibility ang suporta sa screen reader at mga keyboard shortcut.

Kasama sa mga resource ang:

Mga Chromebook

Gamitin ang Chromebook para gumawa ng content, mag-browse sa internet, at makipag-ugnayan at makipag-collaborate sa mga tao. Puwede mong gamitin ang built-in na ChromeVox na screen reader, isang braille display, at on-screen na keyboard.

Kasama sa mga resource ang:

Chrome browser

Gamitin ang Chrome browser para maghanap sa internet at magtrabaho sa pamamagitan ng mga web app. Magagawa mong gamitin ang Chrome browser sa pamamagitan ng screen reader, magtakda ng mataas na contrast at custom na kulay, at mag-zoom in sa page.

Kasama sa mga resource ang:

Classroom

Magagawa mong bumuo ng at sumali sa mga klase, mamahala ng mga assignment, at magbigay ng feedback sa gawa ng mag-aaral. Puwede kang mag-navigate at magrabaho sa Classroom gamit ang isang screen reader at mga keyboard shortcut.

Kasama sa mga resource ang:

Google Cloud Search

Gamitin ang Google Cloud Search para hanapin ang impormasyong kailangan mo sa trabaho. Puwede kang gumamit ng screen reader para maghanap sa lahat ng content ng iyong organisasyon sa mga serbisyo ng Google Workspace o third-party na data source.

Kasama sa mga resource ang:

Google Docs

Puwede kang gumawa ng, mag-edit ng, at mag-collaborate sa mga text na dokumento. Puwede kang mag-navigate sa at mag-edit ng mga dokumento sa pamamagitan ng screen reader at mga keyboard shortcut, at gumamit ng braille display.

Kasama sa mga resource ang:

Google Drawings

Gumawa ng, mag-edit ng, at mag-collaborate sa mga drawing at ilagay ang mga ito sa mga Google Docs, Sheets, o Slides na file. Puwede kang mag-edit ng at mag-navigate sa mga drawing gamit ang isang screen reader at gumamit ng braille display.

Kasama sa mga resource ang:

Google Drive sa web

Gumawa, mag-store, at mag-edit ng mga file gamit ang Google Drive sa web. Puwede kang gumamit ng screen reader at mga keyboard shortcut para ayusin ang mga file sa mga folder, mag-store ng mga file na ia-access mula sa anumang device, at magbahagi ng mga file sa iba pa.

Kasama sa mga resource ang:

Application sa pag-sync sa Google Drive

Gamitin ang Google Drive for desktop na application para i-synchronize ang mga lokal na file sa Google Drive sa web. Sa pamamagitan ng Google Drive for desktop, nasi-stream ang mga file sa Aking Drive at mga shared drive sa iyong computer. Maa-access mo ang iyong mga file saanman at anumang oras, sa anumang device. Gumagana rin ang Google Drive for desktop gamit ang isang screen reader.

Kasama sa mga resource ang:

Google Forms

Puwede kang gumawa ng mga form, pagsusulit, at survey; ibahagi ang mga ito sa mga tao; at subaybayan ang mga sagot. Puwede kang gumawa ng, mag-edit ng, at mag-navigate sa mga form gamit ang isang screen reader at mga keyboard shortcut.

Kasama sa mga resource ang:

Gmail

Gamitin ang Gmail para magpadala at tumanggap ng email sa Google Workspace. Puwede mo ring pamahalaan ang mga contact at ayusin ang iyong mga mensahe gamit ang mga label at tab ng inbox. Puwede kang gumawa sa iyong email gamit ang isang screen reader at mga keyboard shortcut at magtakda ng high-contrast na tema.

Kasama sa mga resource ang:

Google Groups

Puwede kang gumawa ng at lumahok sa mga grupo ng talakayan, listahan ng email, at site ng suporta. Puwede kang magtrabaho sa Groups gamit ang isang screen reader at gumamit ng mga keyboard shortcut. Ang mga mahalagang elemento ng screen ay may mga hint na binabasa ng mga screen reader.

Kasama sa mga resource ang:

Google Jamboard

Makipag-collaborate nang real time sa Jamboard, isang 55 pulgadang digital whiteboard na gumagana sa mga serbisyo ng Google Workspace. Sa Jamboard, magagamit mo ang TalkBack, ang screen reader ng Google na kasama sa mga Android device. Puwede ka ring mag-navigate sa Jamboard gamit ang mga galaw.

Kasama sa mga resource ang:

Google Meet

Gamitin ang Google Meet para makipag-video meeting sa mga tao sa loob at labas ng iyong organisasyon. Puwede kang sumali mula sa isang computer, mobile device, o conference room. Puwede kang lumahok sa mga video meeting gamit ang isang screen reader at mga keyboard shortcut, at puwede mong ipakita ang mga caption ng taong nagsasalita.
Tandaan: Kung magre-record ka ng video meeting, hindi mare-record ang mga caption at hindi lalabas ang mga ito kapag na-play mo ang recording.

Kasama sa mga resource ang:

Meeting room hardware ng Google

Gamitin ang meeting room hardware ng Google para sumali at lumahok sa mga voice at video meeting. Puwede mong i-on ang pag-magnify ng screen, pasalitang feedback, at mga live na caption.
Tandaan: Kung magre-record ka ng video meeting, hindi mare-record ang mga live na caption at hindi lalabas ang mga ito kapag na-play mo ang recording.

Kasama sa mga resource ang:

Google Sheets

Gamitin ang Google Sheets para gumawa ng, mag-edit ng, at mag-collaborate sa mga spreadsheet. Puwede kang mag-edit ng at mag-navigate sa mga spreadsheet sa pamamagitan ng screen reader at mga keyboard shortcut, at gumamit ng braille display.

Kasama sa mga resource ang:

Google Slides

Gamitin ang Google Slides para gumawa ng, mag-edit ng, at mag-collaborate sa mga presentation. Puwede kang mag-navigate sa at mag-edit ng mga presentation gamit ang isang screen reader, gumamit ng braille display, at mag-present nang may mga live na caption.

Kasama sa mga resource ang:

Google Sites

Gumawa ng mga website na pribado, nakabahagi sa mga partikular na tao, o bukas sa lahat ng tao sa web. Puwede kang mag-navigate sa at mag-edit ng mga website gamit ang isang screen reader at mga keyboard shortcut.

Kasama sa mga resource ang:

Google Voice

Gamitin ang Google Voice para sa mga tawag, text message, at voicemail. Puwede mong gamitin ang iyong numero ng telepono sa Google voice para mag-dial sa loob ng bansa at internasyonal sa pamamagitan ng web browser at mga mobile device mo. Puwede mong gamitin ang Google Voice sa isang screen reader at mga keyboard shortcut.

Kasama sa mga resource ang:

Suporta at feedback

Humingi ng suporta

Puwede kang humingi ng tulong at impormasyon mula sa mga source na ito:

Magpadala ng feedback

Puwede kang magpadala ng mga komento o tanong tungkol sa pagiging accessible ng mga produkto ng Google, o ng ChromeVox na screen reader sa mga website na ito:

 


Google, Google Workspace, and related marks and logos are trademarks of Google LLC. All other company and product names are trademarks of the companies with which they are associated.

 

 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11706473701005561080
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5091529
false
false
false
false