Mga bagong feature ng Performance na makakatulong sa iyo ngayong holiday season

Oktubre 26, 2022

Halong mag-iisang taon na mula nang mailunsad ang mga Performance Max campaign sa lahat ng advertiser sa buong mundo para tumulong sa iyong maparami ang conversion sa lahat ng channel at imbentaryo ng ad ng Google. Mula noon, nagdagdag kami ng higit pang feature batay sa iyong feedback. Noong Hulyo, inanunsyo namin ang pagdaragdag ng marka ng pag-optimize, mga seasonality adjustment, at higit pa. Dahil paparating na ang pamimili para sa holiday season, mahalagang panahon ito para sa maraming negosyo. Noong nakaraang taon, 54% ng mga mamimili ang gumamit ng lima o higit pang channel—tulad ng search, video, at social media—para mamili sa loob ng dalawang araw na panahon ng holiday1. Kaya naman ngayon, nananabik kaming magbahagi ng mga karagdagang bagong feature para tulungan ang Performance Max na matugunan ang iyong mga layunin ng negosyo sa tatlong mahalagang bahagi:

  • Planuhin ang iyong mga campaign nang mas mahusay
  • I-customize ang iyong strategy sa asset
  • Suriin ang iyong mga resulta
     

1. Planuhin ang iyong mga campaign nang mas mahusay


Hula sa epekto ng Performance Max gamit ang Performance Planner

Habang mabilis na lumalapit ang mga holiday, alam naming mahalagang panahon ito para sa mga negosyo na planuhin ang kanilang seasonal na strategy. Gamitin ang bagong Performance Planner tool para makagawa ng mga plano ang Performance Max at maunawaan kung paano mo ipupuhunan ang iyong mga badyet para ma-maximize ang ROI. Ilulunsad ngayon ang Performance Max sa Performance Planner at magiging available sa lahat ng advertiser sa mga darating na linggo.
 

Screenshot of the menu to create a plan in the Google Ads UI


Puwede mong hulaan kung ano ang posibleng maging performance ng iyong campaign sa hinaharap at i-simulate kung ano ang puwedeng mangyari kapag isinaayos mo ang mga element na tulad ng badyet at target na ROAS o CPA ng iyong campaign. Suriin kung paano posibleng makaapekto sa mahahalagang sukatan tulad ng halaga ng conversion ang mga pagbabago sa mga campaign. Isinasaayos din ang mga hula ng Performance Planner para sa mga seasonal na event para ma-explore mo ang iyong mga posibleng pagkakataon sa panahon ng holiday sa mga darating na linggo. 
 

Graph showing logarithmic growth in conversions as spend increases. "You could get an estimated 1.4K conversions at $2.66 CPA for $40K"
 

Tandaang dapat magkasama ang pagpaplano nang maaga at pagbabago nang mabilis. Alamin kung paano makakatulong ang mabibilis na taga-market para mapabilis ang pagkilos ng kanilang mga team at kung paano nila ginagamit ang mga solusyong pinapagana ng AI tulad ng Performance Max para makakuha ng mga bagong pagkakataon sa conversion sa mga channel nang real time.
 

2. I-customize ang iyong strategy sa asset


Planuhin at ayusin ang iyong mga campaign gamit ang pag-iiskedyul ng grupo ng asset

Ang pag-iiskedyul ng grupo ng asset ay isa pang magandang tool para sa pagpaplano ng holiday campaign na inilunsad nang mas maaga sa buwang ito. Puwede ka na ngayong magdagdag ng mga naka-automate na panuntunan sa iyong mga grupo ng asset sa Performance Max. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga panuntunang ito na mag-iskedyul ng mga grupo ng asset para ma-pause at ma-enable ang mga ito, kung kinakailangan. Gamitin ang mga panuntunang ito para magpagana ng mga ad sa mga partikular na oras ng araw, o para gumawa at mag-iskedyul ng mga grupo ng asset nang maaga. Lalo na itong kapaki-pakinabang para matiyak na naaprubahan nang maaga ang iyong mga asset na creative, na magagawa mo habang naka-pause ang grupo ng asset. Halimbawa, puwede kang mag-iskedyul ng bagong hanay ng mga asset na may temang pang-holiday bago ang espesyal na sale o promosyon sa buong site. O kaya, baka nagho-host ka ng in-store na espesyal na event at gusto mong mag-iskedyul ng ilang asset para makatulong na i-promote ito. 

Matuto pa tungkol sa mahahalagang petsa para sa parating na holiday season at kung paano ka makakapaghanda nang maaga. 
 

Magdagdag ng higit pang text na may dagdag na bilang ng mga headline

Sa susunod na taon, para mas mapahusay ang iyong strategy sa asset, mula sa 5, magiging 15 ang bilang ng mga headline ng text na maia-upload mo sa iyong mga grupo ng asset sa Performance Max! Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng higit pang headline, puwede mong masulit ang kakayahan ng machine learning na gumawa at sumubok ng mas marami pang kumbinasyon para mahanap ang mga variation na may pinakamahusay na performance. 

Illustration of 3 different people looking at shoes on their devices. Headlines are combining and then floating toward them.
 

3. Suriin ang iyong mga resulta


Unawain ang iyong performance gamit ang mga paliwanag

Habang sumusubok ka ng mga bagong feature sa iyong campaign, gugustuhin mo ring mas mahusay na maunawaan ang mga resulta mo at kung ano ang nakakaapekto sa performance. Gamitin ang mga paliwanag para matukoy nang mas mabilis kung ano ang nagdudulot ng mga pagbabago sa performance, ma-diagnose ang mga isyu, at tingnan ang mga rekomendasyon. Madali mo itong makikita sa mga panel ng mga paliwanag nang hindi gumugugol ng maraming oras sa manual na pag-cross-reference ng mga ulat at spreadsheet.

Available ang mga paliwanag para sa lahat ng Performance Max campaign, pero may ilang bagong paliwanag na partikular sa mga Performance Max campaign para sa mga online na benta na may feed ng produkto. Halimbawa, posibleng makakita ka ng mga paliwanag na nag-aalok ng pagsusuri sa status ng produkto mo at sa iyong mga produkto, grupo ng listing, at uri ng produkto na may pinakamaraming pagbabago. Puwedeng gamitin ng isang retailer ang mga ito para maunawaan kung aling mga produkto ang nagkaranas ng pinakamalalaking pagbabago sa performance sa panahon ng pamimili para sa holiday season. 
 

Matuto pa tungkol sa iyong mga customer na gamit ang mga first-party na insight sa audience

Para tulungan kang makakuha ng higit pang insight sa iyong mga kasalukuyang customer at bisita sa website, idagdag ang iyong mga segment ng data bilang mga signal ng audience* sa mga Performance Max campaign mo. Pabibilisin nito ang kakayahan ng pag-automate na hanapan ka ng mas marami pang mahahalaga at nagko-convert na customer. Sa mga darating na linggo, idaragdag ang iyong mga segment ng data sa mga insight sa audience sa page na Mga Insight. Gamitin ang mga insight para maunwaan ang halaga ng iyong data mula sa first-party at makita kung alin sa mga listahan ng customer mo ang posibleng may pinakamaraming conversion. 
 

Makakatulong sa iyo ang mga bagong feature na ito sa Performance Max na mas mapahusay ang campaign mo at humimok ng mas mahuhusay na resulta ngayong holiday season at pagkatapos nito. Tandaan ang tatlong pinakamahusay na kagawiang ito habang pinaplano mo ang iyong mga strategy para sa holiday:
 

  • Ilang araw bago ang pinakamabiling panahon ng holiday, tiyaking isaayos ang iyong mga badyet at target na ROAS o CPA ng Performance Max campaign para ma-maximize ang visibility mo kapag namimili ang mga consumer. Halimbawa, bawasan ang iyong target na ROAS bago ang mahahalagang holiday para ipakita ang mga ad nang mas madalas sa mga nauugnay na sandali. Ihahanda nito ang iyong campaign para makuha ang mga karagdagang pagkakataon para sa conversion. Sa mga pinakamabentang panahon, tiyaking subaybayan nang madalas ang performance at isaayos kung kinakailangan. Puwede ka ring sumangguni sa mga rekomendasyon para sa mas partikular na gabay sa kung saan ka gagawa ng mga pagsasaayos.
     
  • Pag-isipang gumamit ng mga seasonality adjustment kung mayroon kang promosyon, benta, o event kung saan mo inaasahang makakita ng malalaking pagbabago sa mga rate o halaga ng conversion sa loob ng maikling panahon. Dapat mo lang gamitin ang mga seasonality adjustment para sa maiikli at hindi madalas na event kung saan inaasahan mo ang isang pansamantala pero mahalagan pagbabago (hal. mas mataas sa 30%) na tatagal nang wala pang 7 araw. 
     
  • Kung gusto mong unahin ang ilang partikular na produkto ngayong holiday season, puwede kang gumawa ng hiwalay na Performance Max campaign na may sarili nitong target at badyet para i-promote ang mga produktong ito. Gayunpaman, kung gusto mo lang i-highlight ang mga bagong asset na creative na pang-holiday, puwede kang gumawa ng bagong grupo ng asset para sa mga ito sa iyong mga kasulukuyang Performance Max campaign at i-pause ang pinakamahuhusay na grupo ng asset, kung kinakailangan. 


Para makakuha ng higit pang tip sa kung paano i-optimize ang iyong mga Performance Max campaign, tingnan ang aming kumpletong gabay sa pinakamahuhusay na kagawian at ang aming pinakamahuhusay na kagawian sa holiday.

*Hindi available para sa mga layunin sa tindahan ang mga signal ng audience at insight sa audience, kasama ang mga insight sa audience mula sa first-party.

Na-post ni Sagar Shah, Product Manager, Performance Max campaigns

 

 

1. Source: Google/Ipsos, U.S., Pag-aaral sa Pamimili sa panahon ng Holiday, online na survey, n=7,253, Mga Amerikanong 18+ na gumawa ng mga aktibidad ng pamimili sa panahon ng holiday sa nakalipas na dalawang araw, Okt. 2021–Ene. 2022.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9893504262413716216
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false