Iba pang legal na isyu

Mga Legal na Reklamo at Utos ng Hukuman

Kung sa palagay mo ay nilalabag ng ilang partikular na content sa site ang iyong mga karapatan o mga naaangkop na batas, puwede kang magsumite ng legal na reklamo sa ilalim ng aming mga proseso ng pagrereklamo sa trademark, paninirang-puri, pamemeke, o iba pang legal na proseso ng pagrereklamo. Kung may utos ka ng hukuman laban sa isang uploader, puwede kang mag-attach ng kopya ng utos ng hukuman bilang sagot sa makukuha mong autoreply pagkatapos mong ihain ang naaangkop na legal na reklamo. Pinag-aaralan at sinusuri ang bawat utos ng hukuman batay sa isang hanay ng mga panrehiyon at pandaigdigang pamantayan.

Tandaan ding may iba ka pang paraan para maipaalam sa amin ang content. Halimbawa, kung sa palagay mo ay hindi sumusunod ang content sa aming mga alituntunin ng komunidad, paki-flag ito. Isaalang-alang din kung natutugunan ng video ang mga pamantayan para sa pag-aalis sa ilalim ng aming patakaran sa privacy o panliligalig bago maghain ng legal na reklamo.

Paglusot sa Mga Teknolohikal na Hakbang Panseguridad

Kapag sinabi naming paglusot sa mga teknolohikal na hakbang panseguridad (circumvention of technological measures), tinutukoy namin ang mga tool na nagbibigay-daan sa mga user na makaiwas sa protocol sa paglilisensya ng isang software. Posibleng ang ibig sabihin nito ay mga serial number, keygen, password at iba pang mga paraan para mag-hack ng software o mga laro.

Ano ang pagkakaiba ng CTM at copyright?

Ang CTM ay isang tool na magbibigay ng paraan sa mga user na ma-access ang software. Ang copyright ay tungkol sa paglalarawan ng software o sa paraan ng pagkuha nito. Kung nasa video ang interface ng software, o may link sa pag-download papunta sa software sa video o paglalarawan ng video, puwede mong hilinging maghain ng abiso sa pagtanggal dahil sa copyright.

Naaangkop ang claim sa CTM kapag wala sa video ang nilabag na materyal (o hindi ito direktang naka-link), pero nag-aalok ang video ng paraan para ma-access ito ng mga user nang labag sa batas.

Kung naniniwala kang ikaw ay may valid na claim sa CTM, pakisagutan ang aming webform.

Magsumite ng reklamo sa Paglusot sa Mga Teknolohikal na Hakbang Panseguridad

Pag-caption

Kung nakatanggap ka ng abisong nagbibigay-alam sa iyo na ang video mo ay lumalabag sa Communications and Video Accessibility Act,  puwedeng nag-upload ka ng content na orihinal na ipinakita sa TV nang may mga caption. Iniaatas ng Communications and Video Accessibility Act (CVAA) na ang lahat ng na-prerecord na video programming na nilagyan ng caption sa TV ay lagyan din ng caption sa internet. Kung naniniwala kang hindi ka kasama sa pag-aatas ng CVAA, puwede kang pumili ng  certification para sa iyong content.

Kung naniniwala kang inaatasan ng CVAA ang isang video na maglaman ng mga caption, pero hindi ginawang available ng uploader ang mga caption, magsumite ng kahilingan sa pamamagitan ng  webform.

Online na Regulasyon sa Content na Nauugnay sa Terorismo (Terrorist Content Online o “TCO”)

Kung may makita kang content na sa tingin mo ay lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad at gusto mo itong isumite para masuri, iulat ang content. Para matuto pa tungkol sa mga patakaran ng YouTube, puwede mong basahin ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Puwede ka ring mag-ulat ng content kung sa tingin mo ay dapat itong alisin para sa mga legal na dahilan.

Kung isa kang itinalagang may kapangyarihang awtoridad ng pamahalaan, puwede kang makipag-ugnayan sa YouTube para malaman kung paano makipag-ugnayan sa Contact para sa mga kautusan sa pag-aalis sa ilalim ng Artikulo 3 TCO. Para sa layuning ito, tumatanggap ang Google ng mga pakikipag-ugnayang nasa English.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa EU Terrorist Content Online Regulation (EU 2021/784), basahin ang opisyal na teksto ng Regulasyon sa EU.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5647647067533619824
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false