Paggamit sa Content ID

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube Studio.

Ang Content ID ay ang naka-automate at nae-expand na system ng YouTube na nagbibigay-daan sa mga may-ari ng copyright na matukoy ang mga video sa YouTube kung saan kasama ang content na pagmamay-ari nila.

Nagbibigay lang ang YouTube ng Content ID sa mga may-ari ng copyright na nakakatugon sa mga partikular na pamantayan. Para maaprubahan, dapat pag-aari mo ang mga eksklusibong karapatan sa malaking bahagi ng orihinal na materyal na madalas na ina-upload ng komunidad ng user sa YouTube.

Nagtatakda rin ang YouTube ng malilinaw na panuntunan sa kung paano gamitin ang Content ID. Patuloy naming sinusubaybayan ang paggamit at mga hindi pagkakaunawaan sa Content ID para matiyak na nasusunod ang mga panuntunang ito.

Bilang may-ari ng copyright, magbibigay ka sa YouTube ng reference na kopya ng iyong kwalipikadong content. Gagamitin ng YouTube ang reference para i-scan ang mga na-upload na video para sa pagtutugma ng content. Kapag may nahanap na tugma, ilalapat ng YouTube ang iyong gustong patakaran: i-monetize, subaybayan, o i-block ang nasabing video.

Ang mahahalagang hakbang para sa paggamit ng Content ID ay:

  1. I-set up ang may-ari ng content mo.

    Kapag naaprubahan ka na para sa Content ID, gagawin ng iyong partner manager sa YouTube ang may-ari ng content mo, na kakatawan sa iyo sa system ng pamamahala ng content sa YouTube, at bibigyan ka nito ng access sa mga tool ng Content Manager sa Creator Studio. Kailangan mong i-configure ang iyong account ng may-ari ng content. Depende sa iyong mga pangangailangan, puwede kang mag-ugnay ng account sa AdSense for YouTube sa may-ari ng content o magbigay sa mga karagdagang user ng access sa mga tool ng Content Manager.

  2. Maghatid ng content sa YouTube.

    Idaragdag mo ang iyong naka-copyright na content sa system ng pamamahala ng content sa YouTube sa pamamagitan ng paghahatid ng mga reference na file (audio, visual, o audiovisual) at metadata na naglalarawan sa content at kung aling mga teritoryo mo pagmamay-ari ito.

    Para sa bawat item na ihahatid mo, gagawa ang YouTube ng asset sa system ng pamamahala ng content. Depende sa uri ng content at napili mong paraan ng paghahatid, gagawa rin ang YouTube ng natitingnang video sa YouTube, reference para sa pagtutugma ng Content ID, o pareho.

  3. Nagsa-scan ang Content ID ng mga pag-upload ng user at tinutukoy nito ang mga tugma.

    Tuloy-tuloy na kinukumpara ng Content ID ang mga bagong pag-upload sa mga reference para sa mga asset mo. Awtomatikong kine-claim ang mga katugmang video sa ngalan ng asset, at inilalapat ang iyong tinukoy na patakaran sa pagtutugma sa mga na-claim na video bago ma-publish ang mga ito sa YouTube.

    Nagsasagawa rin ang Content ID ng "legacy na pag-scan" para matukoy ang mga katugmang video na na-upload bago nabuo ang iyong asset. Unang sina-scan ang mga kamakailang pag-upload at sikat na video.
  4. Pamahalaan at subaybayan ang iyong content.

    Kasama sa Content Manager ang listahan ng Mga Gagawin para sa mga pagkilos tulad ng pagsusuri ng mga claim at paglutas sa mga salungatan sa pagmamay-ari. May access ka rin sa analytics, mga ulat sa kita, at buong hanay ng mga tool sa pamamahala ng content.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12447578610103780843
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false