Patakaran sa mapaminsala o mapanganib na content

Simula sa Marso 18, 2024, ia-update ang aming patakaran sa Mapaminsala at Mapanganib na content para magsama ng mas mahigpit na pagpapatupad sa mga disclaimer ng audience at na-update na alituntunin para mas mahusay na ma-assess ang panganib ng potensyal na pinsala ng ipinapakitang aktibidad.
Hindi pinapayagan ng YouTube ang content na nanghihikayat ng mga mapanganib o ilegal na aktibidad na may banta ng malubhang pisikal na pinsala o pagkamatay.
 
Kung makakita ka ng content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito

 

Lumaktaw sa isang partikular na seksyon ng artikulong ito:

Mahalaga: Nalalapat ang patakarang ito sa mga video, paglalarawan ng video, komento, live stream, at anupamang produkto o feature ng YouTube. Nalalapat din ang mga patakarang ito sa mga external na link sa iyong content. Puwede itong kabilangan ng mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta sa mga user papunta sa iba pang site sa video, at iba pang anyo.

Patakaran sa mapaminsala o mapanganib na content

Ang epekto ng patakarang ito sa iyo

Tandaan: Hindi kumpleto ang listahan sa ibaba. Kung sa tingin mo ay posibleng lumabag sa patakarang ito ang iyong content, huwag itong i-post.
Hindi pinapayagan ang content na ito sa YouTube:

Mga mapaminsala o mapanganib na gawain, challenge, at prank

  • Mga napakapanganib na hamon: Mga hamong malapit sa panganib ng pisikal na pinsala.
  • Mga mapanganib o nagbabantang prank: Mga prank na nagreresulta sa pagkatakot ng mga biktima sa nakaambang malubhang pisikal na panganib, o nagdudulot sa mga menor de edad ng matinding emosyonal na pagkabalisa.
  • Mga mapaminsala o mapanganib na aktibidad: Mga aktibidad na isinasagawa ng mga nasa hustong gulang na may banta ng matinding pinsala o pagkamatay.
  • Mga menor de edad na nakikilahok sa mga mapanganib na aktibidad: Content na naglalagay ng emosyonal at pisikal na kapakanan ng mga menor de edad sa panganib. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aming Patakaran sa kaligtasan ng bata.

Mga armas na content

  • Mga tagubilin na pumatay o manakit: Mga tagubiling nagpapakita o nagsasabi sa mga manonood kung paano magsagawa ng mga aktibidad na naglalayong pumatay o puminsala ng ibang tao.
  • Mga pampasabog: Pagbibigay ng mga tagubilin para gumawa ng mga pampasabog na device o compound na naglalayong puminsala o pumatay ng ibang tao.
  • Mga baril: Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aming Patakaran sa mga baril.

Content sa digital na seguridad

  • Pagnanakaw na may tagubilin: Mga video ng pagnanakaw na may tagubilin na na-post nang may hayagang layuning magnakaw ng mga aktwal na produkto o makakuha ng isang bagay nang libre.
  • Pag-hack: Pagpapakita kung paano gumamit ng mga computer o information technology nang may layuning magnakaw ng mga kredensyal, magkompromiso ng personal na data, o magdulot ng malubhang pinsala sa ibang tao.
  • Pag-bypass ng pagbabayad para sa digital na content o mga serbisyo: Content na nagpapakita sa mga manonood kung paano makakuha ng hindi awtorisadong access sa content, software, o serbisyong karaniwang may bayad.
  • Phishing: Content na sinusubukang makakuha o magbigay ng mga tagubilin kung paano makakuha ng hindi pampublikong impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan mula sa mga manonood sa pamamagitan ng panloloko sa kanila.
    • Cryptophishing: Mga request para sa mga detalye ng wallet na may kaugnayan sa cryptocurrency o cryptocurrency bilang bahagi ng scheme ng phishing.

Mga ilegal o kontroladong produkto o serbisyo

Mga halimbawa ng mapaminsala o mapanganib na content

Narito ang ilang halimbawa ng mapaminsala o mapanganib na content na hindi pinapayagan sa YouTube. 

Tandaan: Hindi kumpleto ang listahan sa ibaba.

Mga lubhang mapanganib na challenge

  • Asphyxiation: Anumang aktibidad na pumipigil sa paghinga o puwedeng magresulta sa pagkaubos ng hangin. Kasama sa mga halimbawa ang:
    • Mga larong pananakal, pagkalunod, o pagbibigti
    • Pagkain ng mga bagay na hindi pagkain
  • Maling paggamit ng mga sandata: Paggamit ng mga sandata, tulad ng mga baril o kutsilyo, nang walang wastong pangkaligtasang pag-iingat o sa paraang puwedeng magsanhi ng pisikal na pinsala. Kabilang sa mga halimbawa ang "No Lackin'" challenge.
  • Paglunok ng mga mapaminsalang substance Pagkain, pagkonsumo, o paglalagay ng mga bagay na hindi pagkain o mga kemikal na posibleng magdulot ng sakit o pagkalason. Kasama sa mga halimbawa ang mga challenge na pagkain ng detergent.
  • Pagkapaso, pagyeyelo, at pagkakuryente: Mga aktibidad na may matinding panganib ng malubhang pagkapaso, pagyeyelo, frostbite, o pagkakuryente. Kasama sa mga halimbawa ang fire challenge at hot water challenge.
  • Mutilation at pagkabugbog: Kasama sa mga halimbawa ang:
    • Pamiminsala sa sariling katawan
    • Pag-iwas sa mga normal na pangkalusugang gawi
    • Pagbagsak, panunuhog, pagbangga, pagkabugbog, o pagdurog

Tandaan: Posible naming paghigpitan ayon sa edad ang content na may pang-edukasyon o pandokumentaryong konteksto.

Mga mapanganib o nagbabantang prank

  • Sinasadyang pisikal na pananakit: Pagdudulot ng pisikal na pinsala sa mga walang kamalay-malay na biktima ng prank. Kasama sa mga halimbawa ang:
    • Mga pagsuntok
    • Paglalagay ng mga laxative sa pagkain o mga inumin
    • Mga prank na may pagkakuryente
  • Pagpaparamdam sa isang tao na may napipintong panganib:: Pagpapaniwala sa ibang tao na nasa totoong panganib sila, kahit na hindi sila pisikal na masasaktan. Kasama sa mga halimbawa ang:
    • Mga banta gamit ang mga sandata
    • Mga pananakot na may bomba
    • Pag-swat o mga pekeng tawag sa 911
    • Mga pekeng pananalakay o pagnanakaw sa bahay
    • Pekeng pagdakip
  • Emosyonal na pagkabalisa sa mga menor de edad/sensitibong indibidwal: Anumang prank na nagdudulot ng emosyonal na pagkabalisa, o pagkatakot sa banta sa pisikal na kaligtasan, sa mga bata, o iba pang sensitibong tao. Kasama sa mga halimbawa ang:
    • Pekeng pagkamatay o pagpapatiwakal
    • Pekeng karahasan
    • Pagkukunwaring iiwan ng magulang o tagapangalaga ang isang bata
    • Pagpapakita ng pasalitang pang-aabuso o pagpapahiya ng magulang o tagapangalaga sa isang bata.

Tandaan: Puwede naming paghigpitan ayon sa edad ang prank na content na kinasasangkutan mga nasa hustong gulang at hindi lumalabag sa aming mga patakaran.

Mga gawaing mapaminsala o mapanganib

  • Posibilidad na magtamo ng matinding pinsala o pagkamatay: Gawing nagpapakita ng mga nasa hustong gulang na nanganganib na magtamo ng matinding pinsala sa katawan o mamatay, lalo na kung puwedeng gayahin ng ibang taong nanonood ang mapanganib na aktibidad, o kung hinihikayat o pinupuri ng content ang mapanganib na aktibidad. Kasama sa mga mapanganib na aktibidad ang, pero hindi limitado sa, anumang aktibidad na kabilang sa mga kategoryang nakalista sa ilalim ng mga Lubhang Mapanganib na challenge sa itaas, gaya ng mga aktibidad na posibleng magdulot ng asphyxiation o pagkakuryente.
    • Hindi rin namin pinapayagan ang content na nagpapakita ng mga mapanganib na aktibidad ng mga menor de edad. Kasama rito ang content na nagpapakita ng mga menor de edad na:
      • Umiinom ng alak
      • Gumagamit ng mga vaporizer, e-cigarette, tabako, o marijuana
      • Gumagamit ng mga paputok sa maling paraan
      • Gumagamit ng mga baril nang walang patnubay
  • Lubhang mapanganib na pagmamaneho: Paggamit ng de-motor na sasakyan sa paraang may nakaambang panganib ng matinding pinsala o pagkamatay ng nagmamaneho o ibang tao. Kasama sa mga halimbawa ang:
    • Footage sa cell phone ng motoristang sadyang napakabilis na sumasalubong sa mga paparating na sasakyan. Isang reaksyon sa voiceover na nagsasabing “Wow, napakalupit nito!”
    • Napakabilis na pagmamaneho ng sasakyan sa daanang nakatalaga para sa mga naglalakad.

Mga tagubilin para manakit

  • Paggawa ng bomba: Pagpapakita sa mga manonood kung paano gumawa ng bomba na naglalayong maminsala o pumatay ng ibang tao. Kasama sa mga halimbawa ang:
    • Mga pipe bomb
    • Mga package bomb
    • Mga explosive vest
    • Mga molotov cocktail
  • Karahasang kinasasangkutan ng mga bata: Anumang totoong away o karahasan sa pagitan ng mga bata. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aming Patakaran sa kaligtasan ng bata.

Tandaan: Posible naming paghigpitan ayon sa edad ang content na may pandokumentaryo o pang-edukasyong konteksto.

Content na pinaghihigpitan ayon sa edad

Tandaan: Hindi kumpleto ang listahan sa ibaba.
Kung minsan, hindi lumalabag ang content sa aming mga patakaran, pero posibleng hindi ito naaangkop para sa mga manonood na wala pang 18 taong gulang.
Posibleng paghigpitan namin, sa halip na alisin, ang content na nagpapakita ng mapanganib na aktibidad kung natutugunan nito ang isa o higit pa sa mga sumusunod na pamantayan:
  • May kontekstong pang-edukasyon, dokumentaryo, siyentipiko, o artistiko, gaya ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga panganib ng aktibidad. Halimbawa, puwedeng may kasama ritong kontekstong nagpapaliwanag ng mga uri ng mga pinsalang puwedeng mangyari dahil sa pagsasagawa ng mapanganib na aktibidad, o naglalarawan ng sarili mong experience na napinsala dahil sa mapanganib na aktibidad. Puwede ring may kasama ritong kontekstong nagpapaliwanag ng mga uri ng mga pag-iingat o pagsasanay na nire-require para magawa nang ligtas ang aktibidad at makaiwas sa pinsala. Hindi sapat na konteksto ang pagsasabi ng, “Huwag itong subukan sa bahay.”
  • Walang banta ng matinding pinsala ang ipinapakitang aktibidad.
  • Hindi pino-promote ng content ang ipinapakitang aktibidad. Kabilang sa pag-promote ang anumang anyo ng panghihikayat o pagpuri sa aktibidad, o pagbibigay ng mga tagubilin sa kung paano gawin ang aktibidad.

Alamin ang tungkol sa content na pinaghihigpitan ayon sa edad at kung paano manood ng mga video na pinaghihigpitan ayon sa edad.

Mga halimbawa ng content na pinaghihigpitan ayon sa edad

  • Prank na content na nagtatampok ng mga nasa hustong gulang na gumagamit ng labis na pekeng dugo o mga karumal-dumal na pekeng pinsala.
  • Pagpapakita ng footage ng mga taong gumagawa ng mapanganib na challenge, na may komentaryong naglalarawan sa bilang ng taong malubhang napinsala ng challenge.
  • Content na nagpapakita ng mga nasa hustong gulang na gumagamit ng mga paputok sa maling paraan.
  • Content na nagpapakita ng mga nasa hustong gulang na gumagamit ng mga taser sa ibang pumayag na kalahok o sa sarili nila.
  • Content na nagpapakita ng nasa hustong gulang na atleta ng parkour na nagre-react sa mga video ng mga labis na mapanganib na amateur na stunt at nagkokomento sa panganib ng pinsala.

Content na pang-edukasyon, dokumentaryo, siyentipiko, o artistiko

Kung minsan, posibleng manatili sa YouTube ang content na lumalabag sa patakarang ito kapag mayroon itong kontekstong Pang-edukasyon, Pandokumentaryo, Pang-agham, o Pansining (Educational, Documentary, Scientific, or Artistic, o EDSA). Alamin kung paano sinusuri ng YouTube ang content na EDSA.

Tandaan: Sa ilang kaso, posibleng paghigpitan ayon sa edad ang content na EDSA. Hindi pinapayagan ang ilang partikular na content sa YouTube kahit na may idinagdag na konteksto ng EDSA, gaya ng content na nagbebenta ng mga droga o kontroladong gamot nang walang reseta.

Mga halimbawa ng content na EDSA

  • Posibleng naangkop ang isang pagbabalita tungkol sa mga panganib ng mga larong nakakasakal, pero posibleng hindi naaangkop ang pag-post ng mga clip nang wala sa konteksto mula sa dokumentaryo ring iyon.
  • Isang video kung saan nagsasagawa ang isang propesyonal na stunt person ng mapanganib na pagtalon sa motorsiklo na nagpapakita sa mga manonood ng mga pangkaligtasang pag-iingat na ginawa bilang paghahanda, tulad ng mga pang-emergency na medikal na tauhan sa site at ang paggamit ng protective equipment.
  • Isang dokumentaryong nagpapakita ng epekto ng paggamit ng droga sa isang partikular na komunidad na, habang ipinapakita sa mga manonood ang paggamit ng droga, ay nanghihikayat sa mga manonood na gumamit ng droga at hindi nagbibigay ng impormasyon kung paano gawin o bilhin ang mga ito.
  • Isang video na nagpapakita ng mapanganib na pagmamaneho o mga pagbangga ng sasakyan sa mga kontroladong environment para turuan ang mga manonood tungkol sa mga ligtas na kasanayan sa pagmamaneho o pangkaligtasang feature ng sasakyan.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo. Kung hindi namin mave-verify na ligtas ang link na na-post mo, puwede naming alisin ang link. Tandaan na ang mga lumalabag na URL na na-post sa loob mismo ng video o sa metadata ng video ay posibleng magresulta sa pag-aalis ng video.

Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, malamang na makakatanggap ka ng babala nang walang penalty sa channel mo. Magkakaroon ka ng pagkakataong sumailalim sa isang pagsasanay sa patakaran para hayaang mag-expire ang babala pagkalipas ng 90 araw. Gayunpaman, kung malalabag ang parehong patakaran sa loob ng 90 araw na palugit na iyon, hindi mag-e-expire ang babala at bibigyan ng strike ang iyong channel. Kung lalabag ka sa ibang patakaran pagkatapos mong makumpleto ang pagsasanay, makakatanggap ka ng isa pang babala.

Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike.

Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag. Matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account.

Alamin ang natitirang bahagi ng aming Mga Alituntunin ng Komunidad.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12476217581063609567
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false