Pangkalahatang-ideya ng pinalawak na Partner Program ng YouTube

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Noong 2022, inanunsyo naming babaguhin namin ang Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP) para patuloy na gawing kapaki-pakinabang na lugar ang YouTube para sa mga creator. Simula sa kalagitnaan ng Hunyo 2023, papalawakin namin ang Partner Program ng YouTube sa higit pang creator sa pamamagitan ng mas maagang access sa support fund mula sa fans at mga piling feature ng Shopping.

Puwedeng mag-apply sa pinalawak na Partner Program ng YouTube ang mga creator sa mga kwalipikadong bansa kapag naabot nila ang alinman sa mga threshold ng pagiging kwalipikado sa ibaba:

  • Makakuha ng 500 subscriber na may 3 valid na pampublikong upload sa nakalipas na 90 araw, at 3,000 valid na tagal ng panonood ng pampublikong video sa nakalipas na 12 buwan, o
  • Makakuha ng 500 subscriber na may 3 valid na pampublikong upload sa nakalipas na 90 araw, at 3 milyong valid na panonood sa mga pampublikong Short sa nakalipas na 90 araw

Kung gusto mong sabihan ka namin kapag kwalipikado ka na, piliin ang Maabisuhan sa bahaging Kumita ng YouTube Studio. Papadalhan ka namin ng email kapag nailunsad na namin sa iyo ang pinalawak na programa ng YPP at naabot mo na ang mga threshold ng pagiging kwalipikado sa itaas.

Puwedeng makakuha ng mga karagdadang benepisyo na tulad ng pag-share ng kita mula sa mga ad at YouTube Premium ang mga creator sa Partner Program ng YouTube na makakatugon din sa mga threshold ng pagiging kwalipikado sa ibaba:

  • Magkaroon ng 1,000 subscriber na may 4,000 valid na tagal ng panonood ng pampublikong video sa nakalipas na 12 buwan, o
  • Magkaroon ng 1,000 subscriber na may 10 milyong valid na panonood ng mga pampublikong Short sa nakalipas na 90 araw.

Para sa mga partner na kasalukuyang nasa YPP, walang pagbabago sa mga benepisyo sa programa para sa iyo.

Ano ang kailangan mo para makasali sa pinalawak na Partner Program ng YouTube

  1. Sundin ang mga patakaran sa pag-monetize ng channel sa YouTube.
  2. Magkaroon ng channel na nasa isa sa mga available na bansa/rehiyon.
  3. Tiyaking naka-on ang 2-Step na Pag-verify para sa iyong Google Account.
  4. Magkaroon ng isang aktibong account sa AdSense for YouTube, na ili-link mo sa iyong channel. Kung wala ka pang account, maghandang mag-set up nito sa YouTube Studio kapag nag-apply ka. Tiyaking sa YouTube Studio lang gagawa ng bagong account sa AdSense for YouTube.

Saan available ang pinalawak na Partner Program ng YouTube

Available ang pinalawak na Partner Program ng YouTube sa mga kwalipikadong creator sa mga sumusunod na bansa/rehiyon:

  • Algeria
  • American Samoa
  • Argentina
  • Aruba
  • Australia
  • Austria
  • Bahrain 
  • Belarus
  • Belgium
  • Bermuda
  • Bolivia 
  • Bosnia and Herzegovina
  • Brazil
  • Bulgaria
  • Canada
  • Cayman Islands
  • Chile
  • Colombia
  • Costa Rica
  • Croatia 
  • Cyprus
  • Czechia
  • Denmark 
  • Dominican Republic 
  • Ecuador
  • Egypt
  • El Salvador
  • Estonia
  • Finland
  • France
  • French Guiana
  • French Polynesia
  • Germany
  • Greece
  • Guadeloupe
  • Guam
  • Guatemala
  • Hong Kong
  • Honduras
  • Hungary
  • Iceland
  • India
  • Indonesia
  • Ireland
  • Israel
  • Italy
  • Japan
  • Jordan
  • Kenya
  • Kuwait
  • Latvia
  • Lebanon
  • Liechtenstein
  • Lithuania
  • Luxembourg
  • Macedonia
  • Malaysia
  • Malta
  • Morocco
  • Mexico
  • Netherlands
  • New Zealand
  • Nicaragua
  • Nigeria
  • Northern Mariana Islands
  • Norway
  • Oman
  • Panama
  • Papua New Guinea
  • Peru
  • Pilipinas
  • Poland
  • Portugal
  • Puerto Rico
  • Paraguay
  • Qatar
  • Romania
  • Saudi Arabia
  • Senegal
  • Serbia
  • Singapore
  • Slovakia
  • Slovenia
  • South Africa
  • South Korea
  • Spain
  • Sweden
  • Switzerland
  • Taiwan
  • Thailand
  • Türkiye
  • Turks and Caicos
  • Uganda
  • United Arab Emirates
  • United Kingdom
  • Estados Unidos
  • Uruguay
  • U.S. Virgin Islands
  • Vietnam

Saan mag-a-apply sa pinalawak na Partner Program ng YouTube

Kapag mayroon ka na ng kailangan mo at kwalipikado na ang iyong channel na mag-apply, mag-sign up para sa YPP mula sa isang computer o mobile device:

Computer AndroidiPhone at iPad
  1. Gumamit ng computer para mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, i-click ang Kumita.
  3. I-click ang Mag-apply Ngayon para suriin at Tanggapin ang mga pangunahing tuntunin.
  4. I-click ang Magsimula para mag-set up ng account sa AdSense for YouTube, o mag-link ng kasalukuyang aktibong account.

Kapag tapos ka na, lalabas ang Kasalukuyang Isinasagawa sa hakbang na Sumailalim sa Pagsusuri, na nangangahulugang nasa amin na ang iyong aplikasyon!

Ano ang aming sinusuri

Susuriin ng aming mga naka-automate na system at taong tagasuri ang iyong buong channel para matiyak na sumusunod ang channel mo sa lahat ng aming patakaran at alituntunin. Bumalik sa seksyong Kumita ng YouTube Studio anumang oras para makita ang status ng iyong aplikasyon.

Sineserbisyuhan ang lahat ng aplikasyon sa YPP ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkakatanggap namin sa mga ito. Makikipag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa napagpasyahan kapag nasuri na ang iyong channel (karaniwang pagkatapos ng 1 buwan).
 
Tandaang posible ang mga pagkaantala dahil sa:
  • Bilang ng aplikasyon
  • Mga isyu sa system
  • Mga limitasyon sa resource
  • Mga channel na nagre-require ng ilang pagsusuri, lalo na kapag hindi sumasang-ayon ang ilang tagasuri sa pagiging angkop ng channel para sa YPP

Kung hindi matagumpay ang una mong aplikasyon, huwag mag-alala - patuloy lang na mag-upload ng orihinal na content at puwede kang sumubok ulit pagkalipas ng 30 araw. Kung hindi ito ang iyong unang aplikasyon na hindi tinanggap, puwede mong subukan ulit pagkalipas ng 90 araw. Malamang na napag-alaman ng aming mga tagasuri na kasalukuyang hindi nakakasunod ang malaking bahagi ng iyong channel sa aming mga patakaran at alituntunin. Kaya tiyaking suriin ang aming mga patakaran at alituntunin batay sa pangkalahatang content ng iyong channel at baguhin ang channel mo bago mag-apply ulit. Matuto pa tungkol sa mga hakbang na puwede mong gawin para mapatibay ang iyong channel para sa susunod.

Piliin kung paano kikita at mababayaran

Kapag nasa YPP ka na, masisimulan mo na ang iyong pagkita sa pamamagitan ng support fund mula sa fans at mga feature ng Shopping. Para i-on ang support fund mula sa fans at mga feature ng Shopping, suriin at tanggapin ang Module para sa Commerce Product. Matuto pa tungkol sa module at kung paano i-on ang support fund mula sa fans at mga feature ng Shopping.

Support fund mula sa fans at mga feature ng Shopping

Kapag sumali ka sa YPP nang mayroon kang 500 subscriber, puwede kang kumita sa pamamagitan ng mga feature na ito sa pag-monetize kung matutugunan mo ang mga requirement nito sa pagiging kwalipikado:

  • Mga channel membership: binibigyang-daan ang mga manonood na sumali sa iyong channel sa pamamagitan ng buwanang pagbabayad at makakuha ng access sa mga iniaalok mong perk na para lang sa mga miyembro, tulad ng mga badge, emoji, at iba pang produkto.
  • Super Chat at Super Stickers: puwedeng bumili ang iyong mga fan ng Mga Super Chat para ma-highlight ang kanilang mensahe sa live chat o ng Super Stickers para makakuha ng nakakatuwang animated na larawan na lalabas sa live chat.
  • Super Thanks:  binibigyang-daan kang kumita mula sa mga manonood na gustong magpakita ng karagdagang pasasalamat para sa iyong mga video.
  • Shopping: binibigyang-daan kang ikonekta ang iyong opisyal na store ng merchandise sa YouTube at ipakita ang mga produkto mo.

Pagkuha ng bayad

Pumunta sa seksyong "Mabayaran" ng aming Help Center para sa:

  • Mas madaling pagkakaunawa sa iyong kita bilang partner ng YouTube
  • Higit pang impormasyon tungkol sa AdSense for YouTube (programa ng Google na nagbibigay-daan sa mga creator sa YPP na mabayaran)
  • Kung paano mag-troubleshoot ng mga karaniwang isyu sa pagbabayad

Manatiling aktibo para patuloy na kumita

Habang patuloy na lumalago ang Partner Program ng YouTube, mahalagang magpanatili ng aktibong ecosystem ng mga channel. Posible naming i-off ang pag-monetize para sa mga channel na 6 na buwan na o mas matagal pa na hindi nag-a-upload ng video o nagpo-post sa tab na Komunidad

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

7216826755695925863
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu