Maglipat ng data mula sa BlackBerry o Windows Phone papunta sa Pixel

Awtomatikong lalabas sa iyong Pixel phone ang data na na-save mo sa iyong Google Account pagkatapos mong mag-sign in. Puwede mong ilipat ang iba pang data sa pamamagitan ng mga hakbang sa ibaba.

Mahalaga:

  • Hindi gumagana sa BlackBerry o Windows Phone ang Quick Switch Adapter na kasama sa kahon ng iyong Pixel.
  • Kung puno na ang iyong storage ng data batay sa capacity ng device mo, posibleng ma-pause ang paglilipat ng data. Tiyaking tingnan ang iyong capacity ng storage bago ka magsimula ng paglilipat ng data.

Hakbang 1: Maghandang kumopya

  1. I-charge ang dalawang telepono.
  2. I-sync ang iyong BlackBerry o Windows Phone sa Google Account mo.
  3. Ilagay ang iyong SIM card sa Pixel phone mo. Alamin kung paano.
    Tip: Kung Google Fi ang iyong mobile carrier, puwede kang gumamit ng eSIM o SIM card.
  4. I-on ang iyong Pixel phone.
  5. I-tap ang Magsimula At pagkatapos I-set up bilang bago. Sundin ang mga hakbang sa screen.
    • Kung pipili ka ng ibang opsyon, makikita mo ang: "Baka hindi sinusuportahan ang telepono."
    • Kung hindi mo nakikita ang "Magsimula," naka-set up na ang iyong Pixel. Puwede mo pa ring kopyahin ang iyong data anumang oras.

Hakbang 2: Kopyahin ang iyong data

Kopyahin ang mga contact

Ipagpatuloy ang paggamit ng mga contact sa Google Account

Kung ginagamit mo na ang mga contact sa iyong Google Account, tulad sa Gmail, makikita mo ang mga ito sa iyong mga app sa pakikipag-ugnayan sa Pixel phone mo. Matuto tungkol sa paggamit ng mga contact sa iyong telepono

Magdagdag ng mgacontact mula sa ibang email provider

Kung gumagamit ka ng mga contact sa iba pang web-based na email provider, puwede mong i-import ang mga contact na iyon sa iyong Google Account. Halimbawa, puwede kang mag-import mula sa Outlook, Hotmail, Yahoo, at AOL. Alamin kung paano mag-import ng mga contact mula sa ibang email provider.

Magdagdag ng mga contact mula sa SIM card

Kung nasa SIM card ang iyong mga contact, puwede mong i-import ang mga ito. Matutunan kung paano mag-import ng mga contact mula sa SIM card

Kumopya ng mga event sa kalendaryo

Magpatuloy gamit ang Google Calendar

Kung gumagamit ka na ng Google Calendar, buksan ang Calendar app ng iyong Pixel phone Calendar. Makikita mo ang iyong mga event. I-sync ang Calendar sa isang telepono o tablet.

Magdagdag ng mga event mula sa ibang app ng kalendaryo

Puwede kang mag-import ng mga event mula sa karamihan ng mga app ng kalendaryo papunta sa Google Calendar. Halimbawa, puwede kang mag-import mula sa Outlook Calendar. Alamin kung paano mag-import ng mga event sa Google Calendar at magsimula sa Google Calendar

Kumopya ng musika, mga larawan, video, file, at folder

Kumopya mula sa iyong Google Account

Puwede kang mag-upload ng content mula sa iyong kasalukuyang telepono o computer papunta sa Google Account mo. Awtomatikong ipinapakita ng iyong Pixel phone ang content sa Google Account mo. Alamin kung paano:

Kopyahin sa pamamagitan ng USB cable

Puwede kang direktang maglipat ng content mula sa iyong computer papunta sa telepono mo sa pamamagitan ng USB cable. Alamin kung paano maglipat ng mga file sa pagitan ng iyong telepono at computer.

Hakbang 3: Lumipat sa mga feature ng Android 

Mag-set up ng email

Magpatuloy gamit ang Gmail

Kung gumagamit ka na ng Gmail, buksan ang Gmail app ng iyong Pixel phone. Makikita mo ang iyong email. Matuto tungkol sa paggamit ng Gmail sa iyong telepono.

I-set up ang Gmail sa unang pagkakataon

Alamin kung paano mag-sign in sa Gmail at pamahalaan ang iyong Gmail account.

Mag-download ng mga app

Puwede mong i-download sa Google Play ang marami sa mga app na ginamit mo sa iyong Windows Phone o BlackBerry.

Baka kailanganin mong magbayad para sa mga bersyon sa Android ng ilang app. Para mailipat nang libre ang mga serbisyo ng subscription sa iyong Pixel phone, mag-sign in pagkatapos mong i-download ang app. Alamin kung paano magsimula sa mga app at laro sa Google Play.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7862546687659904742
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false