Kumonekta sa mga Wi-Fi network sa iyong Pixel phone

Para gamitin ang Wi-Fi sa paraang gusto mo, maaari mong baguhin kung paano at kung kailan kokonekta ang iyong device.

Kapag naka-on ang iyong Wi-Fi, awtomatikong makokonekta ang device mo sa mga kalapit na Wi-Fi network kung saan dati ka nang nakonekta. Maaari mo ring itakda ang iyong device na awtomatikong i-on ang Wi-FI malapit sa mga naka-save na network.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

I-on at kumonekta

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Internet.
  3. I-on ang Wi-Fi.
  4. Mag-tap ng nakalistang network. Kung kailangan nito ng password, makikita mo ang Lock I-lock. Pagkatapos mong kumonekta:
    • Lalabas ang salitang "Nakakonekta" sa ilalim ng pangalan ng network.
    • "Naka-save" na ang network. Kapag malapit ang iyong device at naka-on ang Wi-Fi, awtomatikong kokonekta ang device mo.

Tip: Puwede ka ring mag-swipe pababa sa iyong screen para makapunta sa mga setting ng Wi-Fi. Matutunan kung paano magbago ng mga karaniwang setting.

Kumonekta sa pamamagitan ng notification

Kapag naka-on ang Wi-Fi, makakatanggap ka ng mga notification ng mga available, mataas na kalidad, at pampublikong network. Sa mga notification na ito:

  • Upang kumonekta sa network, i-tap ang Kumonekta.
  • Para baguhin ang mga setting ng Wi-Fi, i-tap ang Lahat ng Network.
  • Para hindi makatanggap ng mga notification para sa network na iyon, i-clear ang notification. Alamin kung paano kontrolin ang mga notification.

Tip: Puwede ka ring kumonekta sa mga network na ito nang walang notification. Alamin kung paano awtomatikong kumonekta sa mga bukas na network.

Paghambingin ang lakas ng mga network

Lakas

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Internet.
  3. Tiyaking naka-on ang Wi-Fi.
  4. Makikita mo ang lakas ng signal ng network sa icon ng Wi-Fi Wi-Fi. Nagpapahiwatig ang mas buong icon ng mas malakas na signal.

Bilis

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Internet.
  3. Tiyaking naka-on ang Wi-Fi.
  4. Makikita mo ang bilis ng koneksyon sa ilalim ng pangalan ng pampublikong network. Puwedeng magbago ang bilis depende sa lakas ng signal.
    • Mabagal: Makakapagpadala at makakatanggap ka ng mga email at text. Mabagal lumabas ang mga larawan.
    • OK: Magagawa mong magbasa ng mga webpage, gumamit ng social media, at mag-stream ng musika at mga standard-definition (SD) na video.
    • Mabilis: Magagawa mong i-stream ang karamihan ng mga high-definition (HD) na video at makipag-video call.
    • Napakabilis: Makakapag-stream ka ng mga napakataas na kalidad na video.

Awtomatikong i-on malapit sa mga naka-save na network
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Internet at pagkatapos ay Mga kagustuhan sa network.
  3. I-on ang Awtomatikong i-on ang Wi-Fi. Kung kailangan, i-on muna ang Lokasyon at pagkatapos ay Mga serbisyo ng lokasyon.
  4. I-on ang Pag-scan ng Wi-Fi at Pag-scan ng Bluetooth.

Tip: Hindi awtomatikong mag-o-on ang Wi-Fi kapag:

  • Naka-off ang lokasyon
  • Naka-on ang pangtipid sa baterya
  • Naka-on ang airplane mode
  • Naka-on ang pag-tether ("hotspot")
  • Naka-off ang pag-scan ng Wi-Fi sa background

Magbago, magdagdag, magbahagi, o mag-alis ng mga naka-save na network

Baguhin ang naka-save na network
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet At pagkatapos Wi-Fi.
    • Para magpalipat-lipat sa mga nakalistang network, mag-tap ng pangalan ng network.
    • Para baguhin ang mga setting ng network, i-tap ang network.
Magdagdag ng naka-save na network

Opsyon 1: Hintaying mag-reload ang listahan ng network

Kung hindi nakalista ang network na gusto mo, pero nasa malapit lang ito, hintaying mag-refresh ang listahan.

Opsyon 2: Magdagdag ng network

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Internet.
  3. Tiyaking naka-on ang Wi-Fi.
  4. Sa ibaba ng listahan, i-tap ang Magdagdag ng network.
  5. Kung kinakailangan, ilagay ang pangalan ng network (SSID) at mga detalye ng seguridad.
  6. I-tap ang I-save.
Ibahagi ang impormasyon ng Wi-Fi mula sa app na Mga Setting
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Internet.
  3. Tiyaking naka-on ang Wi-Fi at nakakonekta ka sa network na gusto mong ibahagi.
  4. Sa tabi ng Wi-Fi network, i-tap ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Ibahagi.
  5. Kung kinakailangan, i-verify ang iyong pagkakakilanlan sa device mo.
  6. Para ibahagi ang Wi-Fi network, gamitin ang QR code.
Ibahagi ang impormasyon ng Wi-Fi mula sa Mga Mabilisang Setting
  1. Para buksan ang Mga Mabilisang Setting, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. I-tap ang Internet.
  3. Tiyaking naka-on ang Wi-Fi at nakakonekta ka sa network na gusto mong ibahagi.
  4. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Ibahagi ang Wi-Fi.
  5. Kung kinakailangan, i-verify ang iyong pagkakakilanlan sa device mo.
  6. Para ibahagi ang Wi-Fi network, gamitin ang QR code.
Mag-alis ng naka-save na network
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Internet.
  3. Tiyaking naka-on ang Wi-Fi.
  4. Pindutin nang matagal ang isang naka-save na network.
  5. I-tap ang Kalimutan.

Kumonekta sa mga Wi-Fi network ng OpenRoaming

Ang OpenRoaming ay isang samahan ng mga Wi-Fi hotspot. Kapag malapit ka sa isang hotspot ng OpenRoaming na nag-aalok ng libre at secure na access sa mga user ng Google, puwedeng awtomatikong kumonekta ang iyong Pixel phone sa hotspot na iyon.

I-set up ang OpenRoaming
Mahalaga: Mase-set up lang ang OpenRoaming kapag nasa loob ka ng saklaw ng network ng OpenRoaming. Pagkatapos ng pag-set up, awtomatikong kumokonekta ang iyong telepono sa anumang malapit na kalahok na network ng OpenRoaming.

Para i-set up ang OpenRoaming sa iyong Pixel phone:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Internet.
  3. Kung nasa loob ka ng saklaw ng network ng OpenRoaming, i-tap ito sa listahan ng Wi-Fi.
  4. Sa screen, suriin ang mga tuntunin at kundisyon. I-tap ang Magpatuloy.
  5. I-tap ang gagamiting Google account para sa pag-authenticate.
I-off o baguhin ang mga setting ng OpenRoaming

Puwede mong idiskonekta, kalimutan, o baguhin ang account na ginagamit mo para sa OpenRoaming.

  1. Habang nakakonekta sa hotspot ng OpenRoaming, buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Internet.
  3. Sa tabi ng “OpenRoaming,” i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
    • Para magdiskonekta mula sa partikular na hotspot, i-tap ang Magdiskonekta Alisin.
    • Para hindi na kumonekta ulit sa OpenRoaming, i-tap ang Kalimutan Basurahan.
    • Para baguhin ang account na ginagamit mo sa OpenRoaming, i-tap ang Advanced at pagkatapos ay Subscription.
Tip: Inililista ng Mga Setting ang iba pang impormasyon, tulad ng lakas ng signal, frequency, at seguridad ng kasalukuyang hotspot.
Paano gumagana ang OpenRoaming
Mahalaga: Hindi ibinabahagi ng Google ang iyong personal na data sa mga network ng OpenRoaming.

Nagbibigay-daan sa iyo ang OpenRoaming na kumonekta sa mga pampublikong Wi-Fi hotspot sa loob ng mas kaunting hakbang. Hindi mo na kailangang manual na magpalipat-lipat sa mga network at tumanggap ng iba't ibang tuntunin at kundisyon. Sa halip, awtomatikong lilipat ng network ang iyong Pixel phone habang dumadaan ka sa iba't ibang hotspot area.

Para makasali sa OpenRoaming, dapat natutugunan ng mga network ang mga pamantayan sa serbisyo at seguridad at dapat sumasang-ayon ang mga ito sa mga karaniwang tuntunin at kundisyon. Tatanggapin mo ang mga karaniwang tuntuning iyon habang sine-set up mo ang OpenRoaming. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang site ng Wireless Broadband Alliance.

Pagkatapos ng pag-set up na iyon,  tatanggap ang mga network ng OpenRoaming ng kredensyal sa Google mula sa iyong Pixel phone, na nagsasaad na gumagamit ang telepono mo ng account na tinatanggap ang mga tuntunin. Nagbibigay-daan ito sa iyong Pixel phone na walang patid na magpalipat-lipat sa mga hotspot ng OpenRoaming.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12600752682360688626
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false