Pamahalaan ang iyong storage

Kung hindi nagba-back up ang iyong mga larawan at video, posibleng ubos na ang storage mo. Para magbakante ng higit pang space, puwede mong linisin ang iyong storage o bumili ng higit pa.

Mahalaga:

  • Kung hindi ka magiging aktibo sa Google Photos nang 2 taon o higit pa, posibleng ma-delete ang iyong content. Matuto tungkol sa patakaran sa pagiging hindi aktibo ng Google Photos.
  • Kung lalampas ka sa iyong limitasyon sa storage nang 2 taon o higit pa, posibleng ma-delete ang iyong content. Alamin pa kung paano gumagana ang iyong storage sa Google.
  • Hindi nababawas sa storage ng iyong Google Account ang lahat ng larawan at video na naka-back up sa Storage saver (dating Mataas na kalidad) o Express na kalidad bago ang Hunyo 1, 2021.
  • Patuloy na nababawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na naka-back up sa Orihinal na kalidad, anuman ang petsa ng mga ito.

 

Tingnan ang iyong storage

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  4. I-tap ang Mga setting ng Photos Mga Setting at pagkatapos ay Pag-back up at pagkatapos ay Pamahalaan ang storage.
  5. Sa itaas, makakakita ka ng pagtatantya sa kung gaano katagal ang aabutin bago mapuno ang iyong storage.

Mga Tip:

  • Kung hindi ka tuloy-tuloy na nakapag-back up ng content kamakailan, malapit ka nang maubusan ng storage, o ibinigay ang iyong account sa pamamagitan ng trabaho, paaralan, o ibang grupo, posibleng hindi available ang isang pagtatantya.
  • Kung mayroon kang account na pinapatnubayan o ibinigay ng K-12 na paaralan, hindi available ang tool sa pag-manage ng storage.
  • Kung ibinigay ang account mo sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, pamilya, o ibang grupo, puwede mong tingnan ang iyong storage sa browser ng computer mo o sa mobile web browser mo sa photos.google.com/quotamanagement.

Linisin ang storage

Mahalaga: Kapag namahala ka ng storage, pinapamahalaan mo ang storage na nauugnay sa iyong Google Account. Puwede ka ring magbakante ng space sa iyong device.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  4. I-tap ang Mga setting ng Photos Mga Setting at pagkatapos ay Pag-back up at pagkatapos ay Pamahalaan ang storage.
  5. Sa ilalim ng "Suriin at i-delete," pumili ng anumang kategorya.
  6. I-tap ang Piliin.
  7. Piliin ang mga item na gusto mong i-delete.
  8. I-tap ang Ilipat sa trash I-delete.
Tip: May ilang larawang nakakatipid ng space kapag na-delete. Kung magde-delete ka ng larawang nakakatipid ng storage space sa iyong Google Account, posibleng makakuha ka ng pagtatantya ng nabakanteng storage.
Alamin kung ano ang hindi gumagamit ng iyong storage

Hindi gumagamit ng storage ng iyong Google Account ang ilang item. Halimbawa, kung ide-delete mo ang mga item na ito, hindi magbabago ang iyong available na storage:

Bumili ng higit pang storage

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  4. Piliin ang mga setting ng Photos Mga Setting at pagkatapos ay Pag-back up at pagkatapos ay Bumili ng storage.
  5. Pumili ng plan ng storage.
  6. Idagdag o piliin ang iyong paraan ng pagbabayad.
  7. I-tap ang Mag-subscribe.

Para mag-downgrade o magkansela ng subscription, pumunta sa Play Store.

Mag-ayos ng mga isyu sa mga pagbabayad para sa storage

Hindi lumalaki ang storage space pagkatapos ng pag-upgrade

Baka abutin nang hanggang 24 na oras bago maging available ang bago mong storage pagkatapos mong bumili ng bagong plan ng storage.

Kung hindi pa rin waston ang iyong storage pagkalipas ng 24 na oras, mag-sign in sa iyong Google Account para makita kung naging matagumpay ang pagbabayad

Kung matagumpay ang iyong pagbabayad, lumipas na ang 24 na oras mula noong nag-upgrade ka, at hindi pa rin wasto ang iyong storage, subukan ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot.

Kung may singil sa iyong card sa pagbabayad, pero hindi ka nakakita ng pagbabayad sa Google Account mo, tingnan kung naka-sign in ka sa maraming Google Account. Kung sa marami ka naka-sign in, posibleng sa ibang account nabili ang Google One. Puwede mong kanselahin ang pagbili sa account na iyon at bilhin ulit ang Google One sa gustong account. Alamin kung paano magkansela ng mga pagbili sa Google One.

Tinanggihan, hindi nagtagumpay, o hindi kumpletong transaksyon
Kung may mga problema ka sa pagbabayad para sa mga produkto ng Google o kung nakakatanggap ka ng mensahe ng error, alamin kung paano mag-ayos ng mga isyu sa pagbabayad.
Hindi makabili ng storage para sa account na ito
Kung nakabili ka na ng subscription para sa ibang Google Account, o sa ibang device, baka kailangan mo itong baguhin bago ka bumili ng bagong subscription sa iyong device.
  • Kung may iba kang account na may subscription sa Google One, makakansela mo ito. Kapag tapos na ang iyong panahon ng subscription, makakabili ka na ng storage para sa isa pang Google Account gamit ang iyong device.
  • Kung gagamitin mo ang iyong device kasama ang isang miyembro ng pamilya na mayroon nang Google One, puwede mong gamitin ang pagbabahagi sa pamilya ng Google One.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2530416795325182834
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false